Roses are Red (Horror)


March 8, 2010 - 8:00Pm


Katatapos lang ng high school graduation ng kambal na sina Ria at Marie at isang surprise dinner celebration sa isang sikat na restaurant sa Makati ang hinanda ng mga magulang nila para sa kanilang apat. Labis na galak ang naramdaman ng kambal dahil bihira lang iyon mangyari palagi kasing busy ang kanilang mga magulang sa trabaho. Nang matapos ang magandang hapunan ay nagpasya na silang magpamilya na umuwi sa bahay nila sa ParaƱaque. Dumiretso silang apat sa parking lot, napakunot ng noo ang ina ng kambal ng makita si Ria na nagmamadaling pumwesto sa front seat ng kanilang puting kotse. Ito ang unang beses na umupo ito sa front seat sa tabi ng Papa niya. Napailing at napangiti na lang ang ginang sa tinuran ng anak. Habang tinatahak nila ang malawak na high way sa Sucat isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Isang ten wheeler truck na papasalubong ang humagip sa kanilang kotse, malakas ang impact nito dahilan para mawalan ng control ang kanilang ama sa manibela, nagpaikot-ikot ang kotse na sinasakyan nila ng ilang beses bago bumangga sa sementong poste ng kuryente.


Dahil sa aksidenteng iyon nacomatose ang ama ng kambal, ibenenta ng Mama nila ang bahay nila sa ParaƱaque para matustusan ang mga gamot ng kanilang ama at iba pang babayarin sa ospital. Lumipat sila ng bahay sa Malinta, Valenzuela ang bahay na minana ng ama nila sa yumao nitong mga magulang. Inilipat din ng ospital ang kanilang Ama sa Fatima Medical Center kung saan malapit sa kanilang bagong tinitirhan.


+++++++


April 11, 2010 - 10:25pm


Unang gabi ng kambal sa nilipatang bahay, tahimik lang silang dalawa sa loob ng malapad na silid sa ikalawang palapag at tanging pagbuhos lang ng malakas na ulan sa labas ang naririnig. Nakaupo sa kama si Marie at nagbabasa ng aklat samantalang nakatayo naman si Ria sa harap ng nakabukas na bintana at tinitiis ang malamig na dampi ng hangin, tinatanaw nito ang ulan na tumatagos sa liwanag ng mga ilaw sa nakahilirang mga poste.


"Isang buwan ng ganun si Mama, simula ng aksidenteng iyon hindi ko na siyang nakitang ngumiti kahit minsan..." Malungkot na sabi ni Ria, nakatanaw na ito sa malayo.


Napatingin sa kanyang direksyon si Marie, "Ria, intindihin mo na lang si Mama. Labis siyang nasaktan dahil..." napatigil ito, nagpakawala ng buntong hininga. "Dahil sa nangyari kay Papa."


"Nasasaktan ako at nalulungkot kapag nakikita ko siyang ganun. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala man lang akong magawa para maibsan ang kalungkutan niya... at mapagaan ang kalooban niya." tumulo ang mga luha nito at nagsimulang humikbi. "Hindi ko na kaya ang pambabalewala niya sakin. Ano bang nagawa ko at hindi niya na ko kinikibo? Kung nasasaktan siya dahil sa nangyari kay Papa sana maisip niyang nasasaktan rin ako. Hindi ko naman kasalanan kung bakit nangyari iyon kay Papa diba Marie?" Umiiyak na sabi nito.


Sinarado ni Marie ang binabasang aklat at lumapit sa nagdadamdam na kakambal, hinagod niya ito sa likod. "Ria tahan na, wala kang kasalanan. Walang may kasalanan sa mga nangyari. Hindi mo kasalanan kung bakit iyon nangyari kay Papa. Huwag ka ng umiyak magiging okay rin ang lahat." Nalulunkot na ring pahayag ni Marie.


+++++++ XI


1:09am


Nagising si Ria dahil sa may narinig siyang katok sa pintuan ng kanilang silid sabay ng pagbukas at pagsarado niyon. Bumangon siya at mabilis na binuksan ang lampshade sa tabi ng kama. Binalingan niya ang kakambal, mahimbing itong natutulog.


"Sinong?..." Mahinang sambit niya at napaisip, walang ibang tao sa bahay kundi silang dalawa lang ni Marie dahil doon naglalagi sa ospital ang Mama nila. Sino ang kumatok at pumasok sa silid nila? Wala siyang ibang nakikita sa loob ng silid at nagulat na lang siya ng makitang bukas ang bintana sa kanilang kwarto, tandang tanda niya sinarado niya ito kanina bago matulog.


Tumayo siya at dahan dahang lumapit sa bintana. Dumungaw siya doon at nasindak sa kanyang nakita, mabilis na binalot ng kaba ang kanyang dibdib at sa puntong iyon nahirapan siyang huminga na para bang naglaho ang hangin sa silid na iyon. Nakita niya ang isang matandang lalaki na nakaputing barong sa ibaba ng bintana, basang basa ito ng ulan at nakatingala sa kanya. Dahil sa subrang takot hindi niya na nagawa pang sarhan ang bintana at mabilis na napatalon sa kama at nagtalukbong ng kumot. Hinahabol niya ang kanyang hininga, mabilis ang pintig ng kanyang puso. Kinurot niya ang kanyang sarili at baka nananaginip lang siya, pero hindi, hindi siya nananaginip. Makalipas ang ilang minuto binaba niya ang kanyang kumot at nanlaki ang mga mata sa nakita. Ang matandang lalaki na kanina'y nakita niya sa ibaba ng bintana ay nakatayo sa paanan ng kama nila at nakatitig ito sa kanya.


"Ahhhhhhhh‼" malakas na sigaw niya sabay talukbong ng kumot at dapa sa malambot na kama.


+++++++


Nagising si Ria mga bandang alas nuebe ng umaga wala na sa kanyang tabi ang kakambal marahil pumunta ito sa ospital para dalhan ng damit at pagkain ang kanilang Mama na nagbabantay sa kanilang Ama.


Naalala niya ang mga nangyari kagabi, "Sino kaya iyon?" tanong niya sa sarili. Makalipas ang ilang minuto ng pag-iisip sa misteryusong matandang lalaki ay napagpasyahan niyang maligo. Pagkatapos maligo at magpalit ng damit ay umupo na ito sa silya sa harap ng malaking salamin ng drawer. Nagsusuklay siya ng buhok ng di sinasadyang masagi ang isang pabango yumuko siya at dinampot ito at pagkatapos ay ibinalik sa dating lugar. At yun na lang ang pagkagimbal niya ng pagtingin sa salamin ay may matandang babae na nakatayo sa kanyang likuran, titig na titig ito sa kanya sa salamin. Dahil sa pagkabigla at takot nahulog siya sa inuupuang silya, bigla namang naglaho ang imahe ng matandang babae na naka puting kimono. Dali dali siyang tumayo at patakbong binaba ang hagdan at lumabas ng bahay.


Naglakad-lakad siya sa labas para maibsan ang takot na kanyang naramdaman. "Sino ang mga iyon? Bakit sila nagpapakita sakin?" aniya sa sarili. Puno ng katanungan ang kanyang isip na hindi niya namalayang nasa maliit na parke na siya ng subdivision. Walang ibang tao doon kundi siya lang, umupo siya sa swing na nasa lilim ng malaking puno ng acacia. Nakatanaw siya sa malayu ng may umagaw ng kanyang pansin, isang maputing binata ang papalapit sa kinaroroonan niya. Tahimik itong umupo sa kabilang swing, pansin ni Ria malunkot ang gwapo nitong mukha, nasa edad desi otso ito.


"kayo ang bagong lipat diba?" pagkaraay tanong ng binata.


"Oo" ikling sagot ni Ria, nagulat siya sa biglang pagsalita nito.


"Ako nga pala si Nals, magkatapat lang ang mga bahay natin." Anito sa malamig na boses.


"Ri-Ria ang pangalan ko." Nauutal na pakilala niya sa sarili, hindi niya nagawang lingunin ang binata.


"Asan ang kambal mo?" direktang tanong nito, napalingon siya dito.


"Kilala mo ang kambal ko?" mabilis na tanong niya, nakita niyang umiling ito. "Marie ang pangalan ng kambal ko, nasa ospital siya ngayon." Aniya at ibinaling ang paningin sa malayo.


"Matagal ka na bang..?" naputol ang tanong nito at sabay silang napatingin sa puting taxi na huminto hindi kalayuan, iniluwa niyon si Marie na kagagaling lang sa ospital.


Nakatingin si Marie sa Kanilang direksiyon, tumayo si Ria. "Si Marie, halika ipapakilala kita sa kanya." Anyaya niya sa bagong kakilalang binata.


"Sige." Simpling tugon nito at saka tumayo.


Lumakad sila palapit kay Marie ngunit mabilis itong umiwas sa kanila. "Bakit?... Nals sandali lang... maiwan na muna kita may problema ata ang kapatid ko.." Ani Ria , tumango ang binata bilang sagot at patakbong hinabol niya ang kambal.


"Marie‼ Marie‼ sandali hintayin mo ko." Sigaw niya sa kakambal, tumigil ito sa paglakad at nilingon siya hinintay nito ang paglapit niya. "Bakit ka..?" di niya natapos ang tanong dahil bigla itong nagsalita.


"Sa bahay na tayo mag-usap." Walang emosyong sabi nito.


+++++++


Sa kanilang silid...


"Paano mo siya nakilala?" simula ni Marie, blanko ang reaksyon nito sa mukha. Hindi alam ni Ria kung galit ba ito o hindi.


"Doon sa parke nilapitan niya ako at nagpakilala siya sakin..." sagot ni Ria.


"Pwede ba iwasan mo ang lalaking iyon? Ayokong may malaman ka at masaktan dahil doon?" matigas na sabi nito.


"Sandali Marie, nakikipagkaibigan lang yung tao. Wala akong nakikitang mali doon." Sagot niya.


"Merong mali doon‼ Ria pwede ba sundin mo na lang ako? Para sa kapakanan mo ito. Nakikita mo lang ang gusto mong makita at paniwalaan. Ako ang nakakaalam kung ano ang makakabuti sayo." Matigas na sabi nito.


"Anong mali sa pakikipagkaibigan Marie? Marie malaki na tayo, alam ko kung ano ang tama at mali." aniya.


"Meron ka pang hindi nalalaman‼ Pero sige kung gusto mo talagang makipagkaibigan sa taong iyon bahala ka. Ayokong lumabas na masama kaya hahayaan kita sa gusto mo." Saad ni Marie at lumabas ng silid.


Dahil sa eksenang iyon hindi na nagawang ekwento ni Ria ang mga nangyari sa kanya sa bahay na ito. Nang gabing iyon ay natulog silang magkatabi at hindi nagkikibuan.


+++++++XII


Kinabukasan ng umaga nadatnan ni Ria si Marie sa sala na nagbubuklat ng mga lumang album ng pictures, lumapit siya dito. Saglit siyang tinitigan at agad naman nitong binawi ang tingin. Kinuha niya ang isang album at isa-isang binuklat ang pahina.


Natigilan si Ria, "Marie tignan mo to." Tumabi si Marie sa kanya at tinignan ang larawang kanyang tinuturo. Larawan iyon ng dalawang matandang mag-asawa. Kinuha ni Marie ang litrato at tinignan ang likuran 'Linda at Edgardo' ito ang mga pangalan na nakasulat sa likod, ito mga dating caretaker ng bahay.


"Nagpakita ba sila sayo?" tanong ni Marie kay Ria.


"Oo, unang nagpakita sakin yung matandang lalaki noong unang gabi natin dito at kahapon ng umaga yung matandang babae." Takot na sagot niya.


Niyapos siya ni Marie, "Nakita ko rin sila Ria..."


Ganito silang magkambal saglit lang ang tampuhan at nawawala rin agad. Ganun daw talaga ang mga magkambal likas sa pag-uunawa, kumbaga may Mutual Understanding.


+++++++XIII


Sumunod na araw ng hindi mahagilap ni Ria ang kakambal sa bahay kaya nagdesisyon itong tumungo sa maliit na parke, nadatnan niya doon si Nals. Ngumiti ito ng makalapit siya, nginitian niya din ito at umupo sa katabing swing.


"kamusta ka?" makaraan ay tanong ng binata.


"Okay naman, ikaw?" balik tanong ni Ria dito.


"Okay lang din naman." Naging blanko ang reaksiyon nito, nawala ang mga ngiti nito sa kanyang mga labi, sa nakikita ni Ria may malalim itong iniisip.


"Madalas ka bang pumunta dito?" pag-iiba ni Ria.


"Oo, hindi lang madalas araw-araw akong nandito." Malunkot na tugon nito.


"Siguro may inaabangan ka dito?" pabirong tanong niya at tiningnan ito.


Huminga ito ng malalim, "Oo, yung mama ko." Anito.


Napakunot ng noo si Ria, "Yong mama mo, bakit nasaan ba siya? Hindi ba kayo magkasama?" sunod-sunod na tanong niya.


"Ewan ko kung nasaan siya, basta alam ko nasa malayo. Pero uuwi na ulit si Mama ng bahay, dadalawin niya na ulit ako siguradong namimiss niya na din ako. Huli ko siyang nakita noong nakaraang taon noong birthday ko. Namimiss ko ang Mama ko." Malungkot na sagot nito, nakita ni Ria na lumuha ito. Binawi niya ang tingin at tinuon sa malayo. Naisip niya kung anong buhay ang meron ang binata, nakakalunkot naman talaga iyong wala kang kasama, yung mag-isa ka lang sa araw-araw at gabi-gabing magdaan.


+++++++


Nang gabing iyon hindi umuwi ng bahay si Marie kaya mag-isa lang doon si Ria. Nilalabanan niya ang takot sa dibdib, baka muling magpakita sa kanya ang mga multo sa bahay na iyon. Tahimik siyang humiga sa kama at iniwang nakabukas ang lampshade sa tabi. Pinikit niya na ang mga mata ng biglang may marinig siyang sunod sunod na katok sa pintuan ng kanilang silid. Napabalikwas siya at napabangon.


"Marie? Ikaw ba yan Marie?" tawag niya. Ngunit walang may sumagot. Kinakabahan na siya, mabilis ang pintig ng kanyang puso. Nakita niyang dahan-dahang bumukas ang pintuan, ngunit wala siyang nakitang tao o kahit ano doon. Nakaramdam siya ng panlalamig sa katawan, at laking sindak niya ng paglingun sa tabi ay may nakita siyang nakaupo sa gilid ng kama, isang matandang babae na nakatitig sa kanya, nakita niya ang pagtaas ng mga kamay nito na para bang nais siyang abutin.


Labis na hilakbot ang kanyang naramdaman, baka anong gawin nito sa kanya. Mabilis siyang tumayo at lumayo sa kama at patakbong nilisan ang silid, binabalot ng takot ang kanyang dibdib. Gusto niyang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig niya. Patakbo siyang bumaba ng hagdan at yun na lang ang pagkagimbal niya ng makita pa ang isang matandang lalaki na nakalutang sa hangin habang papasalubong sa kanya. Umatras siya at paglingun sa likod nagulantang siya sa nakita naroon ang matandang babae, sa subrang takot niya ay natapilok ang kanyang mga paa dahilan para maout balance siya at mahulog sa mataas na hagdanang iyon.


+++++++XIV


Nagising kinaumagahan si Ria sa sofa sa sala. Nasapo niya ang ulo, nahihilo siya ng kunti. Naalala niyang nahulog siya kagabi sa hagdan, papaanong napunta siya dito sa sala? Ginalaw-galaw niya ang katawan, wla siyang nararamdamang sakit kahit saang parte ng katawan niya. Nasa ganoong ayos siya ng bumukas ang pintuan sa sala, iniluwa nun si Marie na kagagaling lang sa ospital. Lumapit ito sa kanya at tinabihan siya sa upuan. Tahimik nitong inayos ang magulo niyang buhok, ito ang palaging ginagawa ng kakambal sa tuwing nakikita na wala sa ayos ang kanyang buhok. Pagkatapos nito ay isang simpleng ngiti ang binigay sa kanya, ngunit sa mga mata nito nakita ni Ria ang tinatago nitong kalunkutan.


"Marie... Nagpakita kagabi sina Lolo at Lola sakin..." wala sa loob na sabi niya.


Hinawakan ni Marie ang mga kamay niya, "huwag kang mag-alala di ka nila sasaktan dinadalaw ka lang nila." Tugon nito sa kanya, nababasa ni Ria ang takot at lunkot sa mga mata nito. May lihim na tinatago sa kanya ang kapatid. Ano kaya iyon?


"Marie may gusto ka bang sabihin sakin? Bakit...?" Nag-aalangang tanong niya dito.


Niyapos siya ng kakambal, "Wala Ria.. Mahal na mahal kita."


"Mahal na mahal din kita Marie." Tanging nasabi niya na lang.


+++++++


Hinintay ni Ria na makatulog ang kakambal bago palihim na pumanhik sa maliit na parke. Ayaw niyang malaman nito na nakikipagkaibigan pa rin siya kay Nals, ayaw niyang magtampo ito sa kanya. Nadatnan niyang nakatayo sa ilalim ng acacia si Nals at nakatanaw ito sa malayo.


"Malalim ata ang iniisip mo." Aniya dito, napalingon ito sa kanya at bahagyang ngumiti.


"Tama ka... " Sagot nito at lumapit sa kanya.


"Bakit parang malungkot ka?" Puna niya sa binata, umiwas ito ng tingin sa kanya. Umupo ito sa swing.


"Malapit na kasing dumating ang Mama ko, may gusto akong ibigay sa kanya pero hindi ko kayang iabot ito. kapag hindi ko nabigay ang bagay na iyon maghihintay ulit ako ng ilang buwan at mga araw para sa muling pagbalik niya." Malunkot na sabi nito.


Umupo si Ria sa kabilang swing, naguguluhan siya sa mga sinabi ni Nals anong ibig sabihin nito na may gusto siyang ibigay pero hindi niya kayang iabot? Ano yun? "Anong ibig mong sabihin Nals?" Tanong niya dito. "Baka may maitulong ako..." Dugtong niya.


Nilingon siya nito, "Huwag mo ng alalahanin yun, kung hindi ko man maibigay ang bagay na iyon sa Mama ko handa ulit akong maghintay. Hindi ako maiinip para sa Mama ko." Nakangiting sabi nito pero ganun paman ramdam ni Ria ang kalunkutan sa boses nito.


Tumahimik na lang si Ria, ayaw niya ng magsalita at baka lalong lumungkot ang binata. Lingid sa kaalaman ni Ria nakatanaw sa kanila si Marie mula sa malayo.


+++++++


Kalagitnaan ng gabing iyon nagising si Ria. Binuksan niya ang lampshade sa tabi, wala na sa kama ang kakambal. Bumangon siya at lumabas ng silid, may naririnig siyang mga boses. Sinundan niya kung saan nagmula iyon, nasa kusina. Nagkubli siya sa malaking aparador at sinilip kung sino-sino ang mga naroon at nag-uusap. Napatakip siya ng bibig ng makita si Marie, kausap nito ang apat na kaluluwang nagpakita sa kanya, galit ang mukha ng mga ito. Natatakot siya at kinakabahan baka may gawing masama ang mga ito sa kakambal niya. Binawi niya ang tingin sa direksiyon ng mga ito. Napatanong siya sa sarili kung bakit nakikipag-usap si Marie sa mga ito. Narinig niyang isa sa mga ito ang nagsambit ng salitang "Lihim.." Sumilip ulit siya at laking gulat ng makita ang kakambal na nakatayo sa tabi niya.


"Anong ginagawa mo diyan Ria?" Tanong sa kanya nito. "Kanina ka pa ba diyan?"


Umiling siya, "Hi-hindi.. ka-kababa ko lang..." Sagot niya, "May narinig kasi akong mga boses dito kanina kaya..."


"Boses? Walang ibang tao dito tayo lang... Tara na sa taas at matulog, antok at pagod lang yan..." Anito at hinila siya palayo sa lugar na iyon.


+++++++XV


Nagising si Ria ng umagang iyon na wala na sa tabi ang kakambal, marahil dumalaw ito sa ospital. Sandali niyang ginunita ang mga nakita kagabi at napailing, anong sekreto ang tinatago sa kanya ng kapatid? Iyun ang dapat niyang malaman. Ano ang ibig sabihin ng pakikipag-usap nito sa mga kaluluwa? Wala siyang maisagot sa mga katanungang iyun, "Malalaman ko rin ang mga iyun." Sabi niya sa sarili.


Pagkatapos maligo at magbihis ay dumiretso na si Ria sa maliit na parke. Excited itong Makita at makipagkwentuhan kay Nals. Ngunit wala ang binata doon, tahimik siyang umupo sa swing. Marahil mamaya pang kunti darating yun, bulong niya sa sarili. Lumipas ang dalawang oras ngunit hindi pa rin ito dumating. Nalungkot siya, di bali baka may ginawa lang kaya di nakapunta ngayon baka bukas nandito na ulit yon, sa isip niya.


Nang gabing iyon habang nakahiga sila...


Hinawakan ni Marie ang kamay ni Ria, "hindi ka na nila guguluhin Ria. Hindi na sila magpapakita sayo." Ang tinutukoy nito ay ang mga kaluluwang nagpakita sa kakambal noong nakaraang mga araw.


Pinikit ni Ria ang mga mata at hindi na tumugon pa sa mga sinabi ng kakambal, kung ganun ito pala ang dahilan kung bakit nakita niyang kausap ni Marie ang mga kaluluwa noong nakaraang gabi iyon ay para pakiuasapan ang mga ito na huwag na silang gambalain pa. Ito ba ang tunkol sa lihim na kanyang narinig?


+++++++XVI


Kinabukasan ay pumunta ulit si Ria sa parke, nagbabakasakaling makita doon si Nals ngunit sa ikalawang pagkakataon ay bigo siyang masilayan ang binata. "Ano kayang nangyari dun? Sabi niya araw-araw siyang nandito... baka may nangyaring masama sa kanya kaya..." Aniya sa loob-loob, sinaway niya ang sarili sa ideyang iyon. Gusto niya itong puntahan sa bahay nito, nasa harap lang naman kasi nila. Peo pinigil niya ang sarili, hindi kaaya-ayang tignan kapag ginawa niya iyon.


+++++++XVII


Kinabukasan ng umaga ay bumuhos ang malakas na ulan. Nakahiga lang sa kama si Ria habang pinapakinggan ang ingay ng ulan sa labas, wala na sa tabi nito ang kakambal. Summer na summer pero ito at madalas ang pagdating ng ulan, reklamo niya sa loob-loob. Nagpakawala siya ng buntong hininga, ngayon hindi siya makakapunta sa parke gusto pa naman sana niyang makita si Nals para imbetahan ito sa paparating na birthday nila ni Marie. Wala na siyang pakialam kung magtampo man ang kakambal sa gagawin niyang iyon.


Maya-maya'y bumangon siya sa kama at lumapit sa nakasaradong bintana, dahan-dahan niya itong binuksan. Mula sa kanyang kinaroroonan natanaw niya si Marie na nakapayong, pumasok ito sa gate ng malaking bahay sa harap nila, sa bahay ng kaibigan niyang binata na si Nals. Parang nanuyo ang kanyang lalamunan sa nakita, at parang may kung anong kumurot sa kanyang dibdib. Matamlay siyang umupo sa kama. Anong ibig sabihin ng nakita niya? Anong ugnayan ang meron si Marie kay Nals? Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Marie na makipag-ibigan siya sa binata? Bakit inilihim iyon sa kanya ng kakambal? Napaluha siya ng tahimik, bakit nagawa siyang paglihiman ng kakambal, masakit na masakit iyon para sa kanya.


Buong hapong ginugul ni Ria ang mga oras sa pagbabasa ng aklat para makalimutan ang mga nasaksihan at maibsan ang lunkot na nararamdaman. Nakatulog siya ng hindi niya namalayan at dakong alas diyes na ng gabi ng magising. Wala sa loob ng silid ang kakambal, bumaba siya para hanapin ito at tanungin tunkol sa mga nakita. Ngunit wala si Marie at imbis ay ang kanilang ina ang kanyang nakita sa sala. Akap-akap nito ang frame na may picture ng kanilang pamilya. Nakayuko ito at umiiyak. Hindi siya tinapunan ng pansin ng Ina, patuloy lang ito sa paghikbi. Tumabi siya dito at yumakap sa likuran nito.


"I miss you Ria... Miss na miss ka na ni Mama... Im so sorry... I love you baby..." Umiiyak na sabi nito.


"I miss you too ma... And i love you." Tugon niya at tahimik na lumuha.


+++++++ XVIII


Maagang nagising kinabukasan si Ria para hintayin ang kakambal, gusto niyang maliwanagan sa lahat ng gumugulo sa kanyang isipan. Ang tunkol sa kay Nals, kung may relasyon ba si Marie sa binata at bakit nagawa nitong ilihim sa kanya iyon. Ayaw niyang masira ang relasyon nila ng kakambal dahil lang sa lihim na iyon. Bukas ay kaarawan na nilang dalawa at ayaw niyang masira ang araw na iyon kaya aayusin niya ang dapat ayusin ngayon. Mahigit isang oras siyang naghintay bago iniluwa ng pintuan sa sala si Marie.


Saglit siyang tinitigan nito saka lumakad patungo sa hagdan, wala reaksiyon ang mukha nito. Mabilis siyang tumayo at sumunod dito.


"sandali lang Marie, gusto kong mag-usap tayo." Pigil niya dito.


Nilingon siya ng kakambal, "Pagod ako..." Sagot nito sabay talikod sa kanya.


Hinawakan niya ang isang kamay nito, "May gusto lang akong malaman."


"Bitawan mo ang kamay ko." Utos nito, bumitaw siya. Tinitigan siya ng kakambal. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko pagod ako. Hindi ka ba nakakaintindi?" Diin nito sa mga sinabi.


Napaatras si Ria ngayon niya lang nakita na ganito ang reaksiyon ng kakambal. "Sorry..." Tanging nasabi na lang niya at tumuloy na ito sa taas. Naiwan siyang nanlalambot, ang iniisip niyang magiging maayos ang lahat ngayon ay parang kabaligtaran yata. Tahimik siyang lumabas ng bahay at tumungo sa maliit na parke.


Walang ibang tao doon kundi siya lang. Nakatitig siya sa bughaw na kalangitan na waring humihiling dito. Bakit ganun si Marie? Tanong niya sa sarili. Sumisikip ang dibdib niya sa tinuran ng kakambal kanina. Nalulungkot siya sa mga sinabi nito, hindi niya napigilan ang mga luha sa kanyang mga mata at tuluyan ng humikbi. Umihip ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang mukha na para bang nakikiramay sa kanyang nararamdan. Sana pala hindi niya na lang hinintay ang kapatid para kausapin tunkol sa mga nakita niya at bagkus ay ito na lang ang hinintay na magkwento tunkol sa bagay na iyon.


+++++++


Tanghali na ng umuwi siya ng bahay, naabutan niyang natutulog sa silid si Marie. Nahiga siya sa tabi nito at doon tahimik na inalala ang mga masasayang nakaraan nila ng kakambal, hanggang tuluyan na siyang inantok at makatulog. Madilim na sa silid na magising siya at wala na sa tabi ang kakambal.


Takipsilim na, wala sa bahay si Marie ibig sabihin ba nito mag-isa lang siya sa bahay na iyon ngayong gabi? Niyakap niya ang malambot na unan. Bakit nagkaganito ang buhay nilang magpamilya? Dati Masaya sila, pero ngayon binabalot na ng lungkot ang puso ng bawat isa. Bukas kaarawan na nila ng kakambal pero anong naghihintay sa araw na iyon? Nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Marie at tiyak na hindi magiging madali ang mga mangyayari bukas. Inisip ni Ria na pupunta na lang sa ospital para doon ilaan ang mga oras ng kaarawan.


+++++++


April 19, 2010


Alas otso na ng magising si Ria, espesyal ang araw na ito para sa kanya at para sa kakambal niya dahil ito ang araw ng kapanganakan nila. Pero merong nagpapalunkot sa kanya at iyon ay ang hindi nila pagkakaunawaan ng kakambal kahapon. Tumagilid siya paharap sa hinihigaan ni Marie wala ito doon, at isang bagay ang kanyang nasilayan na lubos na nagpalaho sa lunkot na kanyang nararamdaman. Bumangon siya at mabilis na dinampot ang bouquet ng pulang rosas na naroroon. Gusto niyang maiyak, alam na alam talaga ni Marie kung papaano papagaanin ang kalooban niya. Pulang rosas ito ang paborito niyang bulaklak, kinuha niya ang maliit na card na nakaipit dito at binasa.


To our beloved Ria, happy 17th birthday. We will always love you. From: Mama, Papa and Marie


Napangiti siya, isa lang ang ibig sabihin ng mga pulang rosas na iyon, love and forgiveness. Naalala niya pa dati ng mga bata sila kapag nagtatampuhan sila ng kakambal nagdro-drawing ito ng pulang rosas sa papel at ibibigay sa kanya para magkabati sila ulit. Mahal na mahal niya ang kakambal niya, ang kanyang ate ito kasi ang naunang lumabas noong isinilang sila. Tumayo na siya at hinanap ang kakambal pero wala ito sa bahay. Minabuti niyang ayusin na muna ang mga pulang rosas, inalagay niya ito sa magandang antique na vase sa center table sa sala. Pagkatapos niyon ay naligo na siya at nagpalit na magandang damit. Hinintay niya ang kakambal sa sala gusto niya itong yakapin at batiin ng happy birthday, dumaan ang mga oras pero hindi ito nagpakita.


+++++++


2:10pm


"Ria... Ria gising..." Mahinang tawag ni Marie sa pangalan niya.


Nagdilat siya ng mga mata, nasa harap niya ang kakambal at nakangiti ito sa kanya. "Marie..." mabilis niyang niyapos ito.. "Happy birthday Marie..." Ngunit hindi ito tumugon sa kanyang bati sa halip...


"I love you Ria, my sister." Sabi nito.


"I love you too Marie..." aniya.


Niluwagan ni Marie ang pagkakaakap sa kanya. "Ria ito na siguro ang tamang oras para sabihin ko sayo ang totoo." Malunkot na sabi nito.


"Anong totoo Marie? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang na tanong niya dito.


"Sasabihin ko sayo mamaya pero bago yun pumunta muna tayo sa kaibigan mo, nangako akong dadalawin siya ngayong kaarawan natin."


"Sinong kaibigan? Pero wala naman akong..." Pinigil siya nito sa pagsasalita.


"Pssshhhh... basta sumama ka na lang." Ani Marie. Tumango siya bilang pagsang-ayon dito.


Tumayo si Marie at nakita niyang kinuha nito ang maliit na basket na puno ng bulaklak at ang puting kandila na nakapatong sa mesa. "Marie? Para kanino yan?" Tanong niya dito.


"Para sa kaibigan natin." Ikling sagot nito.


++++++


Hindi na nagsalita o nagtanong pa si Ria sa kakambal hanggang sa marating nila ang isang lugar na nasa isip niya, Malinta Cemetery. 'Sino naman ang dadalawin namin dito?' tanong niya sa sarili, 'Para kanino iyang basket ng bulaklak at kandila?' aniya sa loob-loob.


Walang ibang tao doon sa lugar na kanilang pinuntahan, tahimik ang paligid at tanging ihip lang ng malakas na hangin na nakikipaglaro sa mga sanga at dahon ng mga puno ang nagbibigay ng ingay sa kapaligiran. Maya-maya ay huminto na si Marie sa paglakad, yumuko ito at inilagay ang dalang basket ng bulaklak sa tapat ng nityo sa tabi ng isa pang basket ng bulaklak na unti-unti ng nalalanta. Sinindihan nito and dalang kandila at inilagay sa tapat ng lapida.


"Nals James Bautista, Died: April 17, 2007..." basa ni Ria, napailing siya. "Marie? Anong ibig sabihin nito? Sino ang Nals na nakalibing diyan?" Naguguluhan at sunod-sunod na tanong niya.


Hinarap siya ng kakambal malunkot ang mga mata nito, "Ria, tatlong taon ng patay si Nals. " niyakap siya nito. "Ang nakikita mo sa parke ay ang kaluluwa ni Nals na pabalik-balik doon para sa pagbabalik ng kanyang Ina. Ria noong araw na umuulan ng makita mo ako na pumunta sa bahay ni Nals iyon ang araw ng anibersaryo ng pagkamatay niya, namatay siya dahil sa sakit sa puso. Pumunta ako sa bahay na iyon para tulungan si Nals na iabot sa kanyang Ina ang kanyang ginawang liham noong sampung taong gulang siya, inilagay niya ito sa bote at ibinaon sa lupa sa kanilang bakuran, nangako siya sa kanyang sarili na iaabot niya lang ang liham na ito sa Ina kapag nagtapos na siya ng kolehiyo pero dahil sa namatay siya ng maaga hindi na matutupad ang pangakong iyon. At nais niya bago siya tumawid sa liwanag ay mabasa ng kanyang Ina ang liham na iyon." Dumaloy ang mga luha ni Marie at hindi niya na rin napigilang ang mga luha sa mga mata. Kumalas siya sa pagkakaakap ng kapatid.


Hinawakan niya ang mga kamay ng kakambal habang umiiyak, "Marie patawin mo sana ako kung nag-isip ako ng hindi maganda sa inyo ni Nals. Inaamin kung mali ako na paghinalaan kayo, naghinala ako sa inyong dalawa dahil sa mga nakita ko noong araw na iyon, patawad... patawad dahil inisip kong may ugnayan kayong dalawa at nagawa mo akong lihiman dahil doon. Ngayon alam ko na ang dahilan..." Malunkot na paghingi ng paumanhin nito.


"Ria... May isang bagay ka pa na dapat malaman." Lumuluhang sabi ni Marie.


+++++++


Loyola Memorial Park (5:30pm)


Pagkababa ng taxi ay dumiretso si Marie sa bilihan ng mga bulaklak at kandila sa tabi ng daan, nakasunod lang si Ria dito. Bumili ito ng malaking basket na puno ng pulang rosas at malaking puting kandila. Pagkatapos magbayad ay humakbang na ito papasok sa Loyola.


"Marie para kanino yan?" Maang na tanong ni Ria na nakasunod sa kakambal.


Nilingon siya nito, "Para sa pinaka espesyal na tao sa buhay ko." Malunkot na sagot nito.


Napaisip si Ria sa sagot ng kakambal, espesyal na tao? Sino naman yon? Sa isip niya.


Sinabayan ni Ria sa paglakad si Marie. Papadilim na ang paligid, nagsimula ng manibago si Ria sa kinikilos ng kakambal ngayon. "Marie kanina ko pang napupunang malunkot ka..." Aniya dito at nakita niya ang pag-agos ng mga luha nito sa pesngi.


"Malalaman mo mamaya, malapit na tayo." Sabi nito sabay punas sa mga luha .


+++++++


Makaraan ang ilang minutong paglalakad.


"Nandito na tayo Ria mahinang sabi ni Marie. Lumuhod ito sa damuhan sa tapat ng nakabaon na puting lapida. Inilagay nito ang alay na mga pulang rosas sa tabi at nag-ilaw ng kandila. Humihikbi ito, damang dama ni Ria ang kalunkutan na nararamdaman nito. Parang kinukurot ang kanyang puso sa mga hikbing naririnig mula sa kakambal.


"Ria... patawarin mo ako sa ginawa kong pagkukubli sayo ng katutuhan..." Rinig na sabi ni Ria sa umiiyak na si Marie.


Nakita niya itong hinahawi ang mga dahon sa ibabaw ng lapida. At nagulat sa kanyang mga nabasa doon sa lapidang nililinis nito.


'Ria Mae Salvador Born: April 19, 1993 Died: March 8, 2010' At sa puntong iyon bumalik ang kanyang mga ala-ala noong gabing lulan silang apat ng puting kotse habang papauwi sa kanilang bahay. Ang paghagip sa kanilang sinasakyan at ang pagbangga nila sa sementong poste. Hindi siya nakaabot pa ng ospital, sa kanilang apat siya ang nagtamo ng subrang pinsala sa katawan. Nabiyak ang kanyang ulo dahil tumama ito sa wind shield ng kotse, ito ang naging dahilan ng kanyang biglaang kamatayan. Tumulo ang kanyang mga luha sa mga naalala.


Tumayo si Marie at lumapit sa kanya, "Ria patawarin mo ako kung hinayaan kitang manatili sa tabi ko. Patawad kong naglihim ako sayo. Patawad dahil hinayaan kong paniwalain ka na kabilang ka sa mundong ito kahit hindi na. Sorry dahil hinayaan kitang Makita lang ang gusto mong makita. Alam kung mali ako, mahal na mahal kita at natatakot akong mawala ka, kaya noong umagang bumalik ka sa bahay natin hinayaan kitang manatili at maniwala na buhay ka pa, hindi ko sinabi sayo na patay ka na dahil ayokong mag-isa. Ayukong mawala ka, ikaw lang ang kakampi ko, ang bestfriend ko. Mahal na mahal kita Ria. Sorry..." umiiyak na sabi ni Marie.


"Ang nakita mong mga kaluluwa sa bahay, ayaw ka nilang takutin o ano pa man, ang gusto lang nila ay sabihin sayo ang katutuhan na hindi ka na kabilang sa mundong ito. Noong gabing nakita mo akong nakikipag-usap sa kanila sinabi nila sa akin na susunduin ka na nila pero hindi ako pumayag sinabi ko sa kanila na aaminin ko sayo ang mga katutuhanan na itinago ko sayo sa araw na ito, sa kaarawan nating ito. At gusto kong malaman mo hindi nagtatampo sayo si Mama hindi iyon ang dahilan kung bakit sa tingin mo ay hindi ka niya pinapansin, ang totoo'y ako lang ang nakakakita sayo. Hindi ka nakikita ni Mama, mahal na mahal ka niya Ria. At sinisisi niya ang sarili niya sa maaga mong pagkawala na kung hindi daw dahil sa kanya sana ay buhay ka pa..."


Niyakap ni Ria si Marie. Umiiyak silang pareho, "Naiintindihan ko na ngayon ang lahat Marie. Mahal na mahal ko kayo."


"Ria mahal na mahal ka namin, ayuko sanang umalis ka pero kailangan eh."


"Marie bago ako umalis ng tuluyan gusto ko sanang makita sa huling pagkakataon ang mga magulang natin..." malunkot na sabi nito.


WAKAS‼!

Engkanto (BL)