YYU - Chapter 100: Tonique vs Armik

 


*** TONIQUE'S POINT OF VIEW ***



Maingay ang paligid, hindi ingay ng mga manonood ang maririnig kundi ingay ng kalikasan. Ingay mula sa malakas na ulan, ingay ng malakas na hangin na umiihip at humahampas sa mga sanga at dahon ng mga malalaking puno sa paligid. Tila may bagyo, hindi nakikiisa ang panahon sa final game ngayong araw, sa nangyayari ngayon mukhang hindi magiging madali ang laro.

Basang-basa ako, nanlalamig at tahimik habang sumusunod kay Gomer Aleson, isang player na lalake mula sa Lunar. Siya ang kauna-unahang player na nakita ko dito sa war zone at nasa-ilalim siya ng aking heaven's heart. Nagmistula siyang pyesa sa chess na controlado ko, siya ang magsisilbing kabalyero ko na magiging kasangga ko dito sa laro.

Malikot ang aking mga mata, palingun-lingon ako sa madilim na kapaligiran na binigyan ng kunting liwanag ng mga light fragments na nagkalat sa hangin. Kahit kasama ko si Gomer ay kelangan ko pa ring maging maingat at maging handa sa lahat ng oras dahil baka biglang may lumabas na kalabang player o mobs at atakehin kami, may posibilidad rin na magcross ang landas namin ni Sirgel na isang earthist at hindi tinatablan ng heaven's heart kaya mabuti na yung handa ako kung sakali man.

Napatigil ako sa paghakbang nang huminto sa paglakad si Gomer sa aking unahan. Binaling ko ang aking paningin sa harapan namin at nakita ko sa di kalayuan ang paglitaw ng kulay puting port gate at mula roon ay may lumabas na dalawang players na mga lalake. Mula sa liwanag ng mga light fragments at mapusyaw na liwanag ng puting port gate na hindi nagsara ay naaninag ko ang kanilang kabuuan, ang isa ay nakasuot ng combat costume na kulay blue at lavender, at ang isa naman ay nakasuot ng combat costume na kulay itim at pula. Naaninag ko ang kanilang mga mukha, ang dalawang players na iyon ay sina Gim Alenson ng Lunar na nakakatandang kapatid ni Gomer at si Armik Swares ng Haven na may kapangyarihan ng Heaven's Fury. Ang heaven's fury ay kabaligtaran sa kapangyarihan ko, kaya nitong controlin ang tao o hidden sa pamamagitan ng galit at poot, kaya nitong galitin ang isang tao laban sa isang tao.

Humugot ako ng malalim na hininga at napakuyom ako ng mga kamao nang makita kong humakbang palapit sina Armik at Gim sa direksyon namin ni Gomer. Hindi ko inaasahan na sa dinami-rami ng mga players ay itong si Armik pa ang makakaharap ko at ang masama pa ay kasama niya si Gim at controlado niya na rin ito. Pagkatapos ng ilang hakbang ay huminto silang dalawa mga apat na dipa ang layo samin at nakita ko ang pagklaro ng kanilang mga mukha.

"Of all the players ikaw pa ang nakaharap ko, Tonique." narinig kong simula ni Armik.

Humakbang ako sa kanang tabi ni Gomer, "Iyon din ang iniisip ko kanina ng makita ka," tugon ko.

"Heaven's heart versus my heaven's fury, they are both powerful skills but..." aniya at pinutol ang sasabihin.

"But what?" tanong ko at pinaglandas ko ang aking paningin sa kanyang kabuuan, nakasuot siya ng combat costume na hindi nalalayo ang desenyo sa suot ko, pareho kaming nakasuot ng sleeveless top, shorts at boots at nagkatalo lang sa kulay, kulay blue at lavender ang sa kanya samantalang kulay crimson at gold naman ang sakin. Sina Gomer at Gim naman ay parehong nakasuot ng fitted pants at long sleeve na kulay itim at pula.

"But since pareho tayong passive users and we can't use our skills sa bawat isa then i suggest we fight with our bare fists," sabi niya at pinitik ang isang light fragment na nakalutang sa kanyang harapan.

Sa sitwasyong ito ay pareho naming ginamit ni Armik ang aming mga kapangyarihan sa aming mga sarili sa kadahilanang para hindi tumalab sa amin ang kapangyarihan ng bawat isa. Ginamit ko sa aking sarili ang heaven's heart at dahil dito ay hindi na magagamit sakin ni Armik ang kapangyarihan niya at ginamit niya naman ang heaven's fury sa kanyang sarili at dahil doon ay hindi ko na rin magagamit sa kanya ang kapangyarihan ko. Sa lagay naman ni Gomer ay hindi na siya magagamitan ni Armik ng heaven's fury dahil nauna ko itong gamitan ng heaven's heart, at si Gim naman ay hindi ko na rin magagamitan ng heaven's heart dahil nasa ilalim na ito ng heaven's fury.

"So, it would be you versus me and Gomer versus Gim?" sabi ko.

"Yes." ikling sagot niya.

Kumunot ang noo ko, "Why would I fight you kung meron naman akong player na makikipaglaban para sakin?"

"Oh come on Tonique! Leave the brothers alone, let them fight with each other and let's do our own. This is a fair fight," aniya at ngumisi, "O baka naman duwag ka lang talaga? Huwag mong sabihin sakin na takot kang makipagsuntukan sakin dahil ayaw mong magasgasan ang gwapo mong mukha? Ang kaya mo lang bang gawin ay gamitin yang heaven's heart mo at controlin ang ibang tao?"

Uminit ang tenga ko sa aking narinig, tama, most of the time ginagamit ko ang aking kapangyarihan pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako marunong makipagsuntukan. Nagtraining ako ng taekwondo at karate nang grade school at high school ako dahil alam kong hindi sa lahat ng oras ay pwede akong dumepende sa kapangyarihan ko, kaya kung gusto ng Armik na ito ng manu-mano at basagan ng mukha hindi ko siya tatanggihan.

Tipid akong ngumisi, "Kung suntukan ang gusto mo sige, game ako."

"Nice," aniya at nilingon sa kanyang tabi si Gim, "You'll be fighting with your brother, you need to defeat him."

Binalingan ko naman si Gomer, "Ikaw na ang bahala sa kuya mo," sabi ko. Nilingon niya ko at tumango, at nakita ko ang pag-iba ng kulay ng kanyang mga mata, mula sa dark brown ay naging golden light brown ang mga iyon. Iyon ang mga matang handa ng humarap sa laban.

Saglit pa at napatingin kaming dalawa kay Armik nang magsalita ito. "Im pretty sure that this will be a great fight!" nakangising sabi nito.

At walang sabi-sabi ay biglang naghubad ng saplot sa katawan sina Gomer at Gim at mabilis na nagpalit anyo bilang mga lobo. Silang dalawa ay magkapatid at mga lobo sila. Si Gomer ay kulay brown ang balahibo samantala si Gim naman ay kulay abo.

Saglit akong natigilan at nasurpresa dahil ngayon lang ako nakakita sa personal ng mga hidden na nagpalit anyo bilang mga lobo. Nagtataka rin ako kung bakit sila nagpalit anyo eh samantalang pwede naman nilang labanan ang bawat isa gamit ang mga kapangyarihan nila. Iniisip ko tuloy na baka isang kasunduan na lakas ng pagiging lobo ang magiging basihan kapag naglaban ang mga uri nila at hindi ang kanilang tinataglay na kapangyarihan. Sa ganitong paraan magiging patas ang laban dahil kung kapangyarihan ang magiging batayan ay magkakaroon ng lamangan dahil merong malalakas na kapangyarihan at merong mahihina. At least kung pisikal na laban ay patas, lakas laban sa lakas at pangil laban sa pangil.

Narinig ko ang pag-angil nina Gomer at Gim, tanda na handa na silang labanan ang isa't-isa. Tinitigan ko naman si Armik at nakita ko siyang tumango sakin. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin, gusto niyang lumayo kami sa dalawang lobo para makapagsolo at makapaglaban na rin. Tumango ako sa kanya bilang tugon at tumakbo ako palayo at mabilis niyang sinundan ang direksyon ko.

Nang tuluyan na kaming makalayo sa magkapatid na lobo ay nagsimula nang maglaban ang mga ito. Binaling ko naman ang buong atensyon ko kay Armik na nakatayo mga tatlong metro ang layo sakin. Matiim at seryuso ang tingin niya sakin, hindi ko alam kung may alam siya sa martial arts o wala pero kung meron man ay susubukan at gagalingan ko pa rin sa laban para talunin siya.

"Simulan na natin ang laban!" matigas na sabi niya at hinanda ko naman ang aking sarili para umatake.


Continue Chapter 101