YYU - Chapter 87: Sweet Revenge (Part 2)

 


*** PHOEBIE'S POINT OF VIEW ***



"Fight!"



Narinig kong sigaw ni Tonique at mabilis akong nagback flip ng dalawang beses palayo kay Xenon para iwasan ang agaran nitong pag-atake gamit ang mga kadena niyang nababalot ng kuryente. Si Xenon ay isang lightning chainer, meron siyang tig-iisang kadena sa magkabilang palad at nababalutan ang mga iyon ng malakas na boltahe ng kuryente. Malakas ang kapangyarihan nito kaya kelangan kong mag-ingat ng mabuti dahil kapag nagkataong matamaan ako ng kahit isang lightning chain nito ay siguradong babagsak at manghihina ako.



Napatingin ako sa kaliwang paa ko, napinsala ito kanina sa laban namin ni Esdras pero kaya ko pang tiisin ang sakit nito. Pinaglakbay ko ang aking paningin sa damuhan kung saan tumama ang pares ng lightning chains ni Xenon at nakita kong nalanta ang mga iyon. Hindi ko alam kung sino ang mas malakas saming dalawa dahil hindi pa kami naglaban kahit minsan, ngayon pa lang kami nagkaharap. Hindi ako papatalo dito, kelangan kong manalo para sa minamahal kong si Tonique.



Destroy Xenon. Destroy Xenon. Destroy Xenon. Mga salitang paulit-ulit na sinisigaw ng aking isipan. Kelangan kong pabagsakin si Xenon, hindi na mahalaga at wala na akong pakialam kung kakampi ko siya. Lalabanan at itutumba ko siya gaya ng utos sakin ng mahal kong si Tonique, gusto kong matuwa ito sakin kaya kahit na anong mangyari ay kelangan kong manalo.



Speaking of Xenon, namumuhi at nasusuklam ako sa kanya, bakit? Dahil hinalikan siya ng mahal kong si Tonique, walang hiya siya inunahan pa ko! Nakakainis ka Xenon, wala kang karapatan humalik sa mahal ko. Humanda ka ipapatikim ko sayo ngayon ang galit ko!



Pinagana ko ang mana sa aking katawan at naramdaman ko ang pagdaloy nito sa aking buong sistema. Nakita ko ang unti-unting paglitaw ng mga nakatagong tattoo sa aking balat at ilang saglit pa ay tuluyan na akong nabalot ng magagandang tattoo. Ang kapangyarihan ko ay isang magandang sining, magandang ubra, isang mapanganib na ubra. Isa akong tattooist, i can bring my tattoos into life and manipulate them.



Isang ngiti ang sumilay saking labi habang nakatingin kay Xenon at mabilis kong nilabas at binigyan ng buhay ang mag-asawang lobo na nakamarka sa aking magkabilang kamay.



"Attack him." Sigaw ko at mabilis na sinugod ng dalawang puting lobo si Xenon.



Kinumpas ni Xenon ang mga lightning chains sa kanyang mga kamay at inatake ang aking mga lobo pero hindi natamaan ang mga ito dahil maliligsi at mabibilis ang mga ito. Tumalon ang isa kong lobo para sakmalin si Xenon pero bigla itong tumilapon at nasunog sa damuhan dahil bigla itong hinampas ni Xenon ng isa niyang kadena. Ang isang lobo naman ay nakalapit sa kanya ng tuluyan at kinagat siya nito sa kanang paa. Hinampas niya ito ng lightning chain at bigla itong nakuryente, nasunog at naabo.



Binalingan ako ni Xenon at tumakbo ito sa direksyon ko at inatake ako nito gamit ang lightning chains niya na kumislap-kislap pa dahil sa kuryente. Nakita ko ang paparating na kadena kaya mabilis akong tumalon ng padapa at gumulong para iwasan ito. Hindi ako tinamaan ng kanyang atake at narinig ko ang pagtama ng kadena nito sa damuhan.



Hindi pa ako nakakatayo ng muling umatake ang mga kadena nito, masyadong mabilis ang atake niya kaya wala ng oras para ilagan ko ito. Hindi ako umiwas at bagkus ay nilabas ko mula sa aking balat sa leeg ang snake tattoo para ito ang gawing pananggalang. Saktong lumabas ang malaking ahas sa aking harapan at dito tumama ang kumikislap na kadena. Dumaloy ang boltahe ng kuryente sa ahas at umapoy ito at naagnas.



Mabilis akong tumayo at umatras ng ilang hakbang palayo kay Xenon. Ginagalit mo talaga ako Xenon, akala mo wala akong panlaban sa lightning chains mo? Pwes tignan na lang natin kung uubra yang kapangyarihan mo sa isang to. Nilabas ko sa aking kanang braso ang maiitim na mga ulap at mabilis itong lumaki at kumalat sa mataas na ere sa buong paligid ng battle court. Ito ang aking nimbus tattoo, kaya nitong gumawa ng ulan.



"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Xenon sakin.



Tinaasan ko siya ng kilay. "Tanga! Malamang ulan." Pagpipilusopo ko, hindi tayo bati ngayon Xenon dahil gusto mong agawin si Tonique sakin, akin lang si Tonique! 



Napaangat ako ng tingin sa taas ng maramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Nilabas ko sa aking braso ang nimbus tattoo para gumawa ng ulan para basain ang Xenon na ito. Tubig ang kahinaan niya kaya ito ang nilabas ko. At bilang kapalit sa ginawa ko ay nakaramdam ako ng biglang panghihina, masyadong maraming mana ang nawala saking katawan dahil sa pagsummon ko sa nimbus na to.



Bumagsak ang ulan sa paligid ng battle court at napatingin ako kay Tonique, nakaupo siya sa damuhan habang naliligo sa ulan kagaya ko. Ang gwapo niya, ang gwapo-gwapo niya. Siya ang pinakagwapong lalake na nakita kong naliligo sa ulan. Hayyy Tonique nababaliw na ako sayo, hindi ko alam kung anong ginawa mo sakin at ganito ako ka inlove sayo. Kahit hinalikan mo si Xenon hindi ako nagagalit, mahal pa rin kita at naniniwala akong pagkatapos ng laban namin ni Xenon, kapag natalo ko siya ay hahalikan mo rin ako. Maghintay ka lang Tonique at tatalunin ko ang Xenon na to at pagkatapos kukunin ko na ang reward kong kiss mula sayo. 



Binalingan ko si Xenon, basang-basa na ito ng ulan. Hindi niya na magagamit sakin ngayon ang kanyang mga lightning chains. Oras na para talunin siya.


Continue Chapter 88