YYU - Chapter 86: Sweet Revenge (Part 1)

 


*** TONIQUE'S POINT OF VIEW ***



Naglapat ang mga labi namin ni Xenon at pinikit ko ang aking mga mata, dinama ko ang malambot nitong mga labi. Naghalikan kami na para bang walang nanonood sa aming dalawa. Ito ang unang halik ko sa kapwa ko lalake at sa tingin ko wala naman itong pinagkaiba sa halik ng isang babae. Ilang saglit pa at dinilat ko ang aking mga mata at pinutol ko ang paghahalikan namin. Sinadya ko siyang halikan  para sa katuparan ng aking mga plano. Gusto kong makita ito ng isang hidden na kinasusuklaman ko, alam kong nandito siya ngayon sa coliseum at nanonood.   



Tinitigan ko sa mga mata si Xenon at binulungan ko siya. "Ikaw ang magbabayad sa atraso ng kuya mo sakin kaya ihanda mo ang iyong sarili. Tumayo ka na diyan." Bulong ko dito.



Tumayo ako at sumunod naman ito. Hinarap ko silang dalawa ni Phoebie para ibigay sa kanila  ang planong nabuo sa isip ko. "Gustong kong maglaban kayong dalawa, lakas laban sa lakas, kapangyarihan laban sa kapangyarihan." Sabi ko at binalingan si Phoebie. "Destroy Xenon." Sambit ko at tumalikod.



Narinig kong biglang umingay ang mga tagapanood. Nagpoprotesta na naman ang mga ito dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko sila pinansin at tahimik kong hinakbang ang aking mga paa pabalik sa pwesto namin ni Karrice at ng paglapit ko dito ay nakita ko ang pagtataka sa mukha nito, marahil iyon ay dahil sa hinalikan ko si Xenon.



 "Personal reason." Ikling sabi ko kay Karrice para sagutin ang kanyang nagtatanong na ekspresyon. Tumango ito sakin at binalingan ko ang dalawa na naghihintay sa aking hudyat  para sa kanilang laban.



"Fight!" Malakas na sigaw ko at nagsimula silang maglaban na dalawa. Umupo naman ako sa damuhan habang nakatutok sa mga ito ang paningin ko.



Last year sa Q'match, sa huling araw ng laban ay trinaidor ako ni Sanoo na taga-fortis, siya ang nakakatandang kapatid ni Xenon. Naniwala ako sa sinabi nitong alyansa sa pagitan naming dalawa pero nilaglag niya ko sa laban dahilan para matalo ang Yin-Yang. Pagkatapos ng Q'match ay hindi ako gumanti at hinayaan ko na lang. Dumaan ang mga araw, linggo at mga buwan at tuluyan kong nakalimutan ang mga pangyayaring iyon hanggang sa isang araw nabalitaan kong kasali ang kapatid nitong si Xenon sa 39th Q'match. Dahil dito muli na namang bumalik sa aking alaala ang  ginawang pagtatraidor nito sakin, nagkainteres akong sumali ulit sa Q'match  dahil gusto kong gumanti.



Oo tama, pansariling dahilan ang pagsali ko sa Q'match dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na niluko ako ng isang taong malapit sakin at pinagkatiwalaan ko. Sanoo happens to be my classmate and my only bestfriend when I was in high school, nagkahiwalay lang kami ng landas after graduation, nung mag-enroll ito sa Fortis at ako naman sa Yin-Yang. Sa muli naming pagkikita sa Q'match binalikan namin ang mga nakaraan at nagpasya kaming magkarun ng alyansa sa laban. Hindi ko inakalang tatraidurin niya ko para lang manalo ang school nila. But it's okay, anong magagawa ko kung masmahalaga sa kanya ang karangalan kisa sa pagkakaibigan namin.



Ngayong kaharap ko ang kanyang kapatid, i'll make him see what im capable of. Si Xenon ang magbabayad sa kanyang utang at sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang pagtatraidor niya sakin!


Continue Chapter 87