YYU - Chapter 111: Fight to win

 


*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



"You're pissing me off!" matigas at may diin na sabi ni Brimer habang nakapako ang tingin nito sa'kin.



Dahil sa gravity force pull kung kaya dahan-dahang lumulubog sa lupa ang mga paa at binti nito. Hindi rin nito maangat ang kanyang mga kamay dahil do'n at sa nakikita ko ay pinipilit nitong labanan ang kapangyarihan ko. Nakita kong unti-unti ay nagawa nitong iangat ang kanyang kanang kamay at itinutok niya iyon sa'kin. Kinumpas niya ang kanyang kamay at kasunod no'n ay tumilapon ako sa damuhan mga sampung dipa ang layo mula roon sa kinatatayuan ko kanina.



May malakas akong pwersa na naramdaman sa kanang bahagi ng aking katawan na dahilan ng pagtilapon ko, sa naranasan ko ay parang may malaki at invisible na kamay ang humawi sa'kin. Ito na ang sinasabi ni Tonique na malakas na kapangyarihan ni Brimer ang impact beat at kung tama ako para itong shock wave.



Mabilis akong bumangon mula sa damuhan at ang aking paningin ay tinuon ko sa direksyon nito. Nagawa nitong makawala sa ginawa kong opensa na gravity force pull, tuluyang nakawala ang mga paa at binti nito sa lupang kanina ay humihigop sa kanya.



Hinarap ako ni Brimer at nagsalubong ang aming mga matatalim na tingin sa bawat isa. Parehong seryuso ang aming mga anyo. Ngayon ay nakuha ko na ang buong atensyon niya samantalang kanina ay wala itong interes na labanan ako.



Nakita kong gumalaw ang kanang kamay nito kaya mabilis akong kumilos para ecounter ang posibling pag-atake nito. Tinutok ko sa kanya ang dalawa kong kamay at hindi na ako nag-abang sa susunod nitong gagawin, agad kong pinakawalan ang aking kapangyarihan.



"Gravity heavy push!" malakas na bigkas ko.

(Note: Kung napapansin niyo sa aking kwento, ang ibang mga characters ay nagsasalita kapag gumagamit ng skill, iyon ay tumutulong para maachieve nila ang 70%-100% accuracy sa nerelease nilang kapangyarihan.)



Sakto lang ang timing nang paggamit ko ng aking kapangyarihan na sumabay naman sa paggamit ni Brimer ng kapangyarihan niya. Ang impact beat skill nito laban sa gravity heavy push skill ko, dahil sa pagbanggaan ng dalawang invisible na pwersa kaya nagdulot iyon ng malakas na impact, nagresulta iyon nang malakas na shock wave kaya tumilapon kaming pareho at bumagsak sa damuhan.



Ramdam ko ang sakit sa aking katawan na sanhi ng shock wave at marahil gano'n din ang naramdaman ni Brimer. Binaliwala ko iyon at saka bumangon. Halos sabay kaming tumayo ni Brimer at sabay din kaming napatingin sa papalapit na lalaking player mula sa team ng Haven, si Ednyflor.



Si Ednyflor ay kasabayan nina Karrice at Tonique sa fourth game pero sa pagkakatanda ko ay hindi nila ito nakalaban dahil ang pinunterya nila ay ang mga taga-fortis. Isang snake shifter si Ednyflor at sa nakita kong laban nito noong wednesday ay masasabi kong malakas rin ito.



Ngayon ay tatlo na kaming magkakaharap, ako, si Brimer at si Ednyflor, nakatayo kami malayo ang distansiya sa bawat isa at tahimik lang habang nakikiramdaman. Pagbuhos lang ng ulan ang maririnig, maya-maya'y umihip ang malakas na hangin na nagdulot ng pag-uga ng mga sanga ng mga puno't halaman sa paligid. Ang kasalukuyang eksena ay napapanood ko lang dati sa mga palabas pero ngayon heto at nasa harapan ko na mismo.



Tatlo kaming magkalaban, 1 vs 1 vs 1. Kung sino sa'ming tatlo ang huling nakatayo sa labang ito ang siyang magiging panalo at kung sino ito iyon ang hindi ko alam. Wala akong ideya sa pwedeng kalalabasan ng labang ito, parehong malalakas na guardian ang makakalaban ko kaya hindi ako pwedeng mag-assume ng maaga.

Wala akong ideya sa pwedeng kalalabasan ng labang ito, parehong malalakas na guardian ang makakalaban ko kaya hindi ako pwedeng mag-assume ng maaga


Hinanda ko ang aking sarili at tinuon ko ang aking paningin kay Ednyflor na biglang nagpalit anyo bilang ahas. Kulay dark brown ito at subrang laki, nasa trenta metro yata ang haba nito at ang katawan naman nito ay parang nasa tatlong metro ang circumference. Sa laki nito ay parang kaya nitong sumabo ng dalawang tao nang sabay.



Napaatras ako, hindi ko inaasahang ganito ang makikita ko dahil noong laban ni Ednyflor ay hindi naman ganito kalaki ang pinakita niyang anyo. Ngayon ay subrang laki niya, masasabi kong isa na itong heganteng ahas.



Gumalaw ang ulo at katawan ng ahas, gumapang iyon nang mabilis sa direskyon ni Brimer. Si Brimer naman ay mukhang nabigla pero nagawa nitong atakehin ang ahas. Kahit hindi ko nakikita ang impact beat na pinapakawalan ni Brimer ay alam kong tumatama iyon sa ulo ng ahas dahil nakita kong tumagilid at lumihis ng direksyon ang ulo nito. Sa kasamaang palad mukhang hindi sapat ang ginawang pag-atake ni Brimer sa heganteng ahas dahil hindi ito natinag, tuloy-tuloy ito sa paggapang palapit sa kanya.



Habang gumagapang at papalapit ang ahas kay Brimer ay nakita kong binuka nito ang bibig dahilan para lumabas ang mahahaba at matatalim nitong mga ngipin at pangil. Hindi ko alam kung planong tuklawin ni Ednyflor si Brimer pero kung 'yon nga ang mangyayari ay siguradong masakit at butas-butas ang katawan nitong si Brimer kapag nagkataon. Wala rin akong ideya sa magiging husga ng mga council kapag nangyari iyon, pero parte ito ng laban at ito ay opensa ni Ednyflor kaya hindi mo rin ito masisisi.



Ako sa parte ko, hindi ko naman kayang panoorin si Brimer na tuklawin ni Ednyflor nang walang ginagawa lalo pa at mukhang seryusong pinsala ang pwedeng mangyari dito. Kahit sabihing magkalaban kami ni Brimer ay obligasyon kong tulungan ito dahil alam ko sa sarili ko na nasa tiyak na kapahamakan ito.



Mga dalawang dipa na lang ang layo nang nakangangang ahas kay Brimer at si Brimer naman ay naroon nakatayo lang at nakatulala na para bang wala sa sarili.



Mabilis kong tinutok ang mga kamay ko sa direksyon ng mga ito, "Gravity heavy push!" bigkas ko.



Tumama ang pinakawalan kong malakas na pwersa sa dalawa dahilan para tumalsik ang mga ito. Tumilapon sa malalagong mga halaman si Brimer samantalang humampas naman sa mga puno ang heganteng ahas at ang iba roon ay nagsitumba.



Mabilis na nakabawi ang ahas na si Ednyflor at nilingon ako nito. Nakita kong kumilos ito at gumapang patungo sa'kin. Nang makita kong bumilis ang paggapang nito ay agad kong itinutok ang mga kamay ko dito at ginamit ang aking kapangyarihan. Ginamit ko ang heavy push ng ilang beses para atakehin ito pero hindi iyon umubra. Hindi pa ako sana'y sa paggamit ng skill na ito kaya naman sa mga naunang atake lang ito malakas at ngayon ay mahina na ang mga tama nito.



Napaatras ang aking mga paa habang nakatutok pa rin sa ahas ang aking mga kamay. Ilang dipa na lang ang layo nito kaya naman, "Gravity force pull!" bigkas ko.



Tumigil ang ahas sa paggapang at dahil malaki ito kung kaya subrang bigat ng aking pakiramdam habang ginagamit ko dito ang aking kapangyarihan. Sa subrang haba naman nito ay nabigo akong sakupin ang buo nitong katawan para ibaon sa lupa. Malayang nakagalaw ang buntot nito kaya nagawa nitong hampasin ako sa aking tagiliran at dahil do'n ay tumilapon ako at tumama sa malaking puno.



Bumagsak ako nang nakadapa sa lupa at ramdam ko ang sakit sa aking likuran dahil sa pagtama ko sa matigas na katawan ng puno. Inangat ko ang aking ulo at nagimbal ako sa aking nakita. Nakatunghay sa'kin ang nakangangang ahas. Bigla akong napaisip na lalamunin ako nang buo nito ngunit hindi iyon nangyari dahil inatake ito ni Brimer.



Mula dito sa dinadapaan ko ay nakita ko sa di kalayuan ang malaking katawan ni Brimer na nakalantad dahil wala na itong suot pang-itaas. Pinunit nito ang kanyang damit at ginawang piring para takpan ang kanyang mga mata. Agad na pumasok sa isip ko ang ideyang baka meron itong ophidiophobia, baka may phobia ito sa ahas kaya nakapiring ito at marahil iyon ang dahilan kung bakit iba ang kilos nito kanina.



Nakita kong inatake ni Brimer ang ahas at kahit nakapiring ito ay nagawa nitong tamaan iyon. Mukhang sana'y siya sa parteng ito. Sunod-sunod ang pagkumpas ng mga kamay ni Brimer at sa bawat kumpas na iyon ay nagdudulot iyon ng malakas na tama sa iba't-ibang bahagi ng katawan ng ahas.



Nakita kong apektado ang malaking ahas dahil sa pag-atake ni Brimer, ni hindi nito magawang gumapang para umatake pabalik. Mukhang tinatarget ni Brimer ang parte ng katawan ng ahas kung saan ang kahinaan nito.



Bumangon naman ako at dumistansya nang kunti sa mga ito. Sa pagkakataong ito ay sinubukan ko ang flight skill at hindi naman ako nabigo. Lumipad ako nang mataas, saktong layo lang para matanaw si Brimer at ang heganteng ahas. Mula dito sa taas ay pinanood ko ang mga nangyayari sa ibaba. Tuloy-tuloy at sunod-sunod pa rin ang ginagawang pag atake ni Brimer sa ahas, dahil do'n ay hindi na nakapalag ang huli. Hindi nagtagal at bumalik sa anyong tao si Ednyflor. Nakadapa ito nang hubo't hubad sa lupa at hindi gumagalaw. Mukhang napuruhan ito ng matindi kaya nawalan ito ng malay.



Nakita kong tinanggal ni Brimer ang kanyang piring at tinapon iyon sa lupa. Tumalikod ito sa direksyon ni Ednyflor at inangat nito ang kanyang ulo sa akin. Nagpalitan kami nang matatalim na titig.



Ngayong bagsak na si Ednyflor ay magpapatuloy ang naudlot naming laban ni Brimer. Duda akong mananalo ako laban dito dahil sa pinamalas nitong kapangyarihan para pabagsakin si Ednyflor. Malamang matatalo ako sa kanya dahil hindi ko na magagamit ang heavy push skill ko. Wala akong maisip na ibang paraan para talunin ito, pero kung gusto ko talagang manalo ay pwede ko itong talunin sa maduming paraan, pwede ko itong ilipad nang mataas at saka bitawan. Hindi niya naman siguro ikakamatay iyon.



Nahinto ang pag-iisp ko nang magsalita ito, "Bumaba ka," sabi nito.



Bagama't may pag-aalinlangan ay sinunod ko ito. Bumaba ako sa lupa mga sampung metro ang layo dito at hinarap ko ito. Nagtataka ako kung ano ang sasabihin niya, bakit hindi niya na lang ako inatake habang nasa ere ako kanina eh pwede niya namang gawin iyon.



"Bakit?" blankong tanong ko. Likas na sa'kin ang magsalita na walang emosyon kapag hindi ko gusto ang aking kausap o wala akong gana.



"Hindi ko ugaling magpasalamt at magkaroon ng utang na loob kaya sa ginawa mo kaninang pabor sa'kin bilang kabayaran ay meron akong proposisyon," sabi nito.



Napaisip ako, kung ganun isang utang na loob pala ang tingin niya sa ginawa kong pagtulong sa kanya kanina. Hindi ba't dapat huwag niya na iyong isipin dahil ginawan niya rin ako ng pabor no'ng muntikan na akong matuklaw ni Ednyflor.



"Sa tingin ko patas lang tayo, ginawan natin ng pabor ang bawat isa... pero sige ano ang proposisyon na 'yon?" sabi ko.



"Alam kong hindi mo na kayang lumaban gamit ang kapangyarihan mo. Nakita ko iyon kanina no'ng atakehin ka ni Ednyflor," putol nito.



Hindi ako umimik. Totoo ang sinabi niya kaya walang saysay na magdeny ako para lang ipabatid na kaya kung makipagtagisan sa kanya gamit ang kapangyarihan dahil matatalo lang ako.



Nagpatuloy ito sa pagsasalita, "Bilang sukli sa ginawa mong pabor, gusto kong maging patas ang laban natin. Maglaban tayo ng mano-mano," anito.



Tumaas ang isang kilay ko, "Gusto ko yang proposisyon mo. Sige pumapayag ako." pag sang-ayon ko.



Isang malaking pabor sa parte ko ang sinabi ni Brimer, isang oportunidad iyon na dapat sunggaban. Gusto niyang maglaban kami ng close combat. Binigyan niya ako ng pagkakataon para talunin siya.



Bilang paghahanda ay hinubad ko ang suot kong sleeveless na combat costume. Ngayon ay pareho nang nakalantad ang malalaki naming mga katawan ni Brimer, nakakuyom ang aming mga kamao at handa na para sa isang bakbakan.


Continue Chapter 112