HU - Chapter 5

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***


Nagulat ako sa aking nakita at hindi agad ako nakapagreact. Ang paningin ko ay nakatutok lang kay Cazer na hindi ko alam kung sa puntong ito ay buhay pa ba o patay na. Sa isang saglit lang ay biglang naagaw and atensyon ko sa taong sumaksak sa kanya, napalingon ako dito, nakasuot ito ng kulay itim na kasuotan na merong kapa at nakasuot din ito ng itim na maskara. Nakita kong inangat nito sa hangin ang hawak na espada para saksakin ako ngunit bago pa mangyari iyon ay dalawang magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa ere, kasunod niyon ay bumagsak itong taong nakamaskara sa tabi ko.


Mabilis akong lumingon sa aking likuran kung saan nanggaling ang mga putok at bigla ay nakaramdam ako ng pagkahilo at subrang antok. Bumagsak ako sa nyebe at bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay naaninag ko sa nanlalabo kong paningin ang tatlong tao na patungo sa direksiyon namin ni Cazer.


Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay at pagmulat ko ay nasa isang malaking kwarto na ako.


Bumangon ako mula sa king-canopy-bed na yari sa kulay brown na kahoy at ang canopy naman nito ay may mga nakasabit na kulay puti at gintong tela na may desinyo ng mga maliliit at makikintab na mga bato. Inikot ko ang aking paningin sa paligid at sa gitna ng mataas na kisame ay nakita ko ang maganda at malaking chandelier na nakasabit doon na merong mga light stones na siyang nagbigay ng mapusyaw na kulay dilaw na liwanag dito sa loob ng silid. Katulad ng kisame ang pader ay nakukulayan din ng crema at dito ay merong mga nakadikit at nakahilirang mga wall lights na lumiliwanag din dahil sa mga light stones. Ang sahig naman ay yari sa kulay puti, grey at gold na marble, makintab ito at maganda ang pagkakadesinyo. Malawak ang silid na merong dalawang malalaking pinto at limang malalaking bintana, at ang tanging napansin kong kasangkapan dito ay ang malaking kama at ang maliit na kristal na mesa na merong dalawang silya doon sa tapat ng ikatlong bintana.


Lumapit ako sa nakabukas na bintana at tinanaw ko ang labasan, bumungad sa akin ang kadiliman ng gabi. Wala akong maaninag, itim lang, purong itim lang ang aking natatanaw.


Umihip ang hangin at yumakap sa aking balat ang kalamigan nito, dahil dito ay para akong nakalaya mula sa isang mahika ng pagkalimot. Biglang nagsilitawan sa aking isip ang mga ala-ala ng mga nangyari kani-kanina lang. Naalala ko ang nangyari kay Cazer, ang pagkasaksak sa kanya, paulit-ulit na pumipinta sa isip ko ang eksenang iyon, dahil dito ay biglang gumulo ang isip ko, hindi ako makapagfocus. Dahil sa isiping ito'y hindi ko nacontrol ang aking sarili at lumabas ng kusa ang aking kapangyarihan. Napahawak ako sa sill ng bintana at mula sa aking kamay ay mabilis na kumulat mula roon ang yelo, mabilis nitong binalot ang buong parte ng bintana hanggang sa gumapang ito sa pader, sa sahig at sa kisame, halos kalahati ng silid ay nabalot ng yelo pero hanggang doon lang iyon.


Bigla akong napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at nagulat ako nang makita ko ang mukha ng taong pumasok doon. Kumilos ako at tuluyang humarap sa lalaking naglalakad patungo sa direksiyon ko. Sa sandaling ito ay naramdaman ko ang pagsukob ng kaba sa aking dibdib dahil sa lalaking ito, napakapamilyar ng mukha niya sa akin. Huminto ito mga dalawang metro ang layo sa'kin at nakita kong inangat nito ang kanyang kanang kamay, kasabay niyon ay nagsarado ang nakabukas na pintuan. Sunod ay kinumpas nito sa hangin ang kamay at mabilis na naglaho na parang bula ang mga yelong muntik nang bumalot sa buong silid.


Hindi ako nakapagsalita dahil sa aking nasaksihan, walang kahirap-hirap nitong pinalaho ang yelo sa paligid, sino siya at anong kapangyarihan ang taglay niya? Bakit kami magkamukha? Ako ba siya? Magkamukha kami at ang tanging pinagkaiba lang namin ay ang kulay ng aming mga buhok, kulay itim ang sa kanya at kulay puti naman ang sa akin, isa pang pinagkaiba namin ay ang aming mga kasuotan, nakasuot ako ng highness uniform samantalang siya naman ay nakasuot na magarang kasuotan na kulay asul na parang isang prinsepe.


"Sino ka?" sambit ko. Sa wakas at tuluyang nakawala ang boses ko sa aking lalamunan. "Bakit kamukha kita?"


Hindi agad ito tumugon at panandaliang naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, "Ang pangalan ko ay Kuro, kung bakit magkamukha tayo iyon ay dahil kambal tayo," sagot nito na walang kaemo-emosyon.


Nagulat ako sa kanyang sagot at napuno nang katanungan ang isip ko, "Kambal? Paanong nangyari na magkambal tayo? Bakit ngayon lang kita nakita? At anong lugar to? Nasaan ako? Bakit..." naputol ang aking sasabihin dahil sumabat ito.


"It doesn't matter. Nandito ka at hinarap kita dahil sa kasalanang ginawa mo. Hindi ka nandito para magtanong nang kung ano pa man," sabi nito na seryuso ang mukha.


Hindi ako nakaimik dahil sa kanyang sinabi, ano ang alam niya sa'kin? Paanong umabot sa kaalaman niya na ako ang may kagagawan sa pagkasira ng mundo? Alam ba ng buong hidden na dahil sa'kin kung kaya unti-unting nawawasak ang mundo ng mga tao?


"Galing ka sa past at nandito ka sa future para makita ang mga nangyayari. You see, the world is half dead because of you. In your time isa kang threat, pero dito sa future you are considered a criminal, million of lives perished because of you, all because of your carelessness. Ano ang masasabi mo tungkol sa bagay na ito?" litanya nito na seryuso ang mukha na parang nagtitimpi sa galit.


"Hindi ko alam na mangyayari ito, pero... Pwede ko pang baguhin ito, babalik ako sa panahon ko at sisiguraduhin kong hindi ito mangyayari," sabi ko.


"Kaya mong baguhin itong mga nangyayari? Paano mo magagawa iyon kung ang tanging paraan para magawa iyon ay ang tulong ni Cazer, unfortunately Cazer is dead. So paano ka babalik ngayon sa panahon mo para mabago itong hinaharap?"


Tumalikod ako at napahawak sa silya sa aking tabi dahil sa aking narinig, parang bigla akong nanghina dahil sa sinabi nito. Totoo bang wala na si Cazer? Gaano ito katotoo? Kung wala na si Cazer paano ako makakabalik sa panahon ko ngayon?


"Ikaw ang dahilan sa unti-unting pagkawasak ng mundo, alam mo ba na kapag namatay ka dito sa hinaharap ay mababago ang lahat at maiiwasan itong pagkasira ng mundo? Since hindi ka na makakabalik sa time mo, are you willing to die to change this unfortunate event? Your death here in the future will save the world, now tell me, willing ka ba magsacrifice para sa kaligtasan ng buong mundo? You don't need to go back to the past to change the future, all you need is to surrender your life willingly," mahabang wika ni Kuro.


Bakit kung magsalita ang Kurong ito ay parang hindi kami magkadugo? Pinupunto niya na isakripisyo ko ang buhay ko para maligtas ang mundo dahil hindi na rin lang ako makakabalik sa past para mabago ang lahat. Sa ganoong paraan na lang ba maiiligtas ang mundo at sa ganitong paraan na lang ba matatapos itong buhay ko kung sakali? Wala na bang ibang paraan? Kamatayan ko na lang ba talaga ang paraan para mabago itong hinaharap?


"There is still hope, ang forbidden spear of resurrection," narinig kong bulong ng isip ko. Bigla akong nabuhayan ng loob. Tama, ang celestial rare item na iyon ay kayang buhayin si Cazer, kapag nangyari iyon ay makakabalik na ako sa panahon ko.


Hinarap ko si Kuro at nagsalita,"May pag-asa pa, ang forbidden spear of resurrection, kaya nitong ibalik si Cazer, nasa pangangalaga ito ng Hidden International Federation, kung makukuha..."


Di ko natuloy ang aking sasabihin dahil may kumatok sa pinto at kasunod niyon ay bumukas ito. Napabaling ang atensyon namin ni Kuro doon at nakita ko ang pagpasok ng isang babae na sa tingin ko ay nasa 30's ang edad, nakasuot ito ng kulay pulang damit na parang kasuotan ng isang tagapaglingkod sa isang palasyo.


Lumapit ang babae sa kinaroroonan namin at huminto ito mga isang dipa ang layo kay Kuro. Yumuko ito at nagsalita, "Councilor Kuro, humihingi po ako ng pahintulot na magsalita," sabi nito.


Napakunot noo ako, bakit Councilor ang tawag ng babaeng ito kay Kuro? Ang Councilor ay pormal na ina-address lamang ng mga hidden sa mga membro ng High Council na siyang may hawak sa Hidden International Federation na siyang namamahala sa lahat ng hidden sa buong mundo. Ibig sabihin ba nito ay membro ng High Council si Kuro?


"Granted, ano ang iyong sasabihin?" tugon ni Kuro.


Umangat ng ulo ang babae at muling nagsalita, "Councilor Kuro, gising na po siya," pahayag ng babae.


"Mabuti," ikling tugon ni Kuro at binalingan ako, "Sumunod ka sa amin," sabi nito sa'kin, hindi ko alam kung isang utos ba iyon o paanyaya.


Nagpatiuna ang babae palabas ng pintuan kasunod si Kuro at ako. Sumunod ako dahil wala naman akong choice. Isang malapad na hallway na inilawan ng mga wall lights at merong matayog na kisame ang aming binagtas, patungo kami sa isang silid na hindi kalayuan sa kwartong pinanggalingan namin. Pagdating ay binuksan ng babae ang malaking pinto ng silid at nauna itong pumasok, sumunod si Kuro at huli naman akong pumasok.


Agad kong napansin na halos kapareho ng silid na ito ang silid na nilisan namin, mula sa laki at lawak, sa pader, kisame at sahig, at maging sa mga gamit ay magkapareho ito. Ngunit hindi doon natuon ang atensiyon ko. Ang paningin ko ay napako sa isang pamilyar na taong nakatalikod at nakaharap sa nakabukas na bintana. Nakasuot ito ng kulay puti at dark green na kasuotan, iyong parang kasuotan dati ng mga chinese sa nakaraang panahon.


"Cazer!" tawag ko, at lumingon ito.


Hindi ko napigilan ang aking sarili at tumakbo ako palapit dito, isang mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya. Sa subrang tuwa ko na makita itong buhay ay halos maiyak ako. Buhay si Cazer at ibig sabihin nito ay makakabalik na ako sa panahon ko para baguhin itong hinaharap.


Pagkalipas ng ilang sandali ay naiwan kaming dalawa ni Cazer sa loob ng silid. Magkaharap kaming nakaupo sa mga silya sa tapat ng maliit na mesa.


"Akala ko namatay ka, sinabi sa'kin ni Kuro..." sabi ko na nakatitig sa mukha ni Cazer.


"Hindi. Sa katunayan pinagaling niya ako, pinagaling niya ang sugat na muntikan nang maging sanhi para mamatay ako," anito.


"Si Kuro ang tumulong sayo?" nagtatakang tanong ko na parang hindi makapaniwala. Kani-kanina lang nang sabihin ng Kurong iyon na patay na si Cazer at pinamukha pa nito sa'kin ang kasalanan ko, at gusto pa nitong mamatay ako para maligtas ang mundo, iyon pala buhay naman si Cazer. Nakakainis ang lalaking iyon , pinag-alala niya pa ko.


"Siya nga at wala ng iba," tugon ni Cazer.


Speaking of Kuro, maraming akong gustong malaman sa kanya, tungkol sa pagiging kambal namin at tungkol sa kapangyarihan na taglay niya. Kanina nasaksihan ko kung paano niya pinalaho ang yelo sa silid nang walang kahirap-hirap at sa totoo lang nakakamangha ang ginawa niyang iyon.


"Paano ka niya napagaling? Ano ang kapangyarihan niya? Isa rin ba siyang aquaist katulad ko?" sunod-sunod kong tanong.


Nakita kong umiling si Cazer, "Masmalakas siya kay sa sayo, isa siyang elementalist, kaya niyang kontrolin ang apat na elemento, ang apoy, lupa, hangin at ang tubig," anito.


Sandali akong hindi nakaimik, kung ganu'n ang Kuro na ito na siyang kambal ko ay makapangyarihan pala, masmalakas kay sa sa aming mga elemental users. Pero bukod sa pagiging elementalist nito ay mukhang hindi pa roon nagtatapos ang papel na ginagampanan nito sa hidden society.


"Cazer, sino si Kuro? Bakit Councilor ang tawag sa kanya ng babaeng nakapula kanina?" tanong ko.


Tinitigan ako ni Cazer at nakita ko ang pagbuntong hininga nito, "Si Kuro ang Chief ng High Council. Siya ang dahilan kung bakit nandito ka sa hinaharap, siya ang nag-utos sa'kin na dalhin ka dito," sagot nito.


Bigla akong natigilan at naramdaman ko ang biglang pagpintig nang mabilis ng puso ko. Si Kuro ay 16 lang katulad ko, pero siya ang Chief ng High Council, ibig sabihin siya ang may pinakamataas na posisyon at tungkulin sa lahat ng hidden sa buong mundo. Hindi lang siya isang elementalist kundi isa ring Chief Councilor.


Continue Chapter 6