Reason (Published under PSICOM)


Reason

By: unknownorigin


Napadilat ako ng mata sabay lingon sa alarm clock na nakapatong sa side table ng aking kama. “Huh? 8:20 na?” gulat na bigkas ko. Dali-dali akong bumangon at dumiretso sa banyo. Naku naman alas nuebe ang pasok ko, malelate ako nito. Bakit kasi nakalimutan kong eset kagabi yong alarm eh. Tiyak na makikita ko na naman mamaya ang bagsik at nanlilisik na mga mata ng boss kong si Mr. Mendez. Lagi pa naman akong pinag-iinitan non, palibhasa kasi isa ako sa magagaling na empleyado niya. Hay naku, masasabon na naman ako nito mamaya.

Mabilis akong naligo at nagbihis ng uniporme. Hinahabol ko ang oras ko, natataranta ako kapag pumapasok sa isip ko ang mukha ng boss ko. Ilang beses na rin kasi akong nakatanggap ng warning sa pagiging number one sa listahan ng mga laging late. Siyempre ayaw ko ring materminate, mahirap kaya maghanap ng trabaho. Kahit papano may consideration rin si boss sakin dahil sa tagal ng pagtatrabaho ko sa kompanya dahil kung wala malamang matagal na kung napatalsik. Kakagraduate ko lang noon ng magsimula akong magtrabaho doon, sa ngayon pang tatlong taon ko na.

Lumabas ako ng kalye, sakto merong taxi. Agad ko itong pinara pagkatapos ay sumakay. “MRT Kuya,” sabi ko sa drayber. Napahinga ako ng malalim, kailangan ko na talagang maghanap ng apartment sa Makati para hindi ako laging late. Imagine Bulacan pa ko eh yong pinapasukan ko nasa Makati pa, hindi ko kasi maiwan-iwan yung bahay na naiwan sakin ng mga namayapa kong mga magulang.

Buti na lang at hindi masyadong traffic, palapit na ang sinasakyan ko sa Caloocan cirle nang bigla akong may maalala. Nasapo ko ‘yong noo ko, naku naman nakalimutan ko 'yung report ng billing na pinagawa sakin ni Mr. Mendez. “Kuya balik po tayo, may nakalimutan po ako sa bahay,” kampanteng sabi ko.

‘Okay relax lang Marty Francisco, hinga ka lang ng maluwag. Iyan sige lang, inhale, exhale lang.’ pagpapakalma ko sa aking sarili.

Gusto kong pagalitan at suntukin yong sarili ko, napaka eresponsabli ko talaga. Kung hindi lang nakakahiya sa drayber magmumura ako at sisigaw para mawala itong stress na aking nararamdaman. Meron akong kutob na hindi magiging maganda ang araw ko ngayon. ‘Focus lang Marty, smile ka lang. Huwag mong hayaan na masira ang araw mo,’ sa loob-loob ko.

Ayaw kong sulyapan ang aking relo, ayukong makita ang oras. Oo alam kung late na ako, hindi lang late kun'di late na late. Sa ilang minutong pagbabyahe sa wakas at nakabalik na ulit ako sa bahay, “Kuya saglit lang po, pahintay lang,” bilin ko sa drayber at mabilis na nilisan ang taxi at pumasok ng bahay. Pagkatapos kong kunin ang report sa aking kwarto ay bumalik na agad ako sa naghihintay na taxi.

“Pasensiya na kuya kung naabala pa kita, dodoblehin ko na lang mamaya ang bayad ko,” nahihiyang sabi ko sa drayber, kasalukuyan na kaming nasa bukana ng Valenzuela. Alam kung naabala ko ito, siguro kung ako siya magagalit ako dahil pinabalik-balik pa ako sa pagmamaneho. Buti na lang at mukhang mabait itong si manong.

“Okay lang walang problema. Boy nababasa ko sayong mukha ang pagkairita, marahil naiirita ka dahil late ka na sa trabaho, alam mo ba na may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Ang mga nangyayari sating buhay maliit man o malaki ay parte iyan ng desinyo ng Diyos. Saan ka man ngayon at sa ganitong oras iyon ay dahil sa kagustuhan niya. Sa ngayon naiirita ka dahil sa mga maliliit na bagay na hindi naaayon sa gusto mong mangyari pero darating ang pagkakataon na magpapasalamat ka dahil nangyari iyon,” pahayag ng drayber. Hindi ako kumibo, ewan ko sa kanya at sinabi niya iyon sakin. Hindi ko makuha ang punto ng mga sinabi niya. Napahinga ako ng malalim at ibinaling paningin sa labas ng bintana.

Ilang minuto din ang matagal na lumipas nang ibaba niya ako sa MRT station, at tulad ng sinabi ko sa kanya dinubli ko ang bayad. Napasimangot ako nang makita ang haba ng pila, okay wala akong magagawa kun'di ang makipila na rin. Sige siksikan lang, sanay na ako sa ganito. Sa ilang minutong pagpila sa wakas nakakuha na ako ng card, nakahinga ako nang maluwag ng makapasok at makaupo nako sa loob ng train. Kinapa ko ang celhone ko sa bulsa nang maramdaman kong nagbavibrate ito, tumatawag ang isa kong officemate. Saktong i-ookay ko na nang mamatay ito, battery empty. Ano ba ‘yan, nakalimutan ko pa lang echarge ito kagabi. Napailing ako sa sunod-sunod na kamalasan ko ngayong umaga.

Naghintay pa ako ilang minuto hanggang huminto na ang train sa Ayala station. Nakisabay ako sa daloy at kumpolan ng mga tao na lumabas. Salamat naman at sa wakas nakarating na rin ako, sa labas ay pumara ako ng taxi.

Pumasok ako sa loob ng taxi at sinabi sa drayber na ihatid ako sa building kung nasaan ang opisina namin. Ganun na lang ang gulat ko nang marinig ang kanyang tugon.

“Sir malabo yatang mahatid ko kayo doon, nasa bandang alas nuebe y media kanina ng magcollapse ang building na sinasabi niyo. Sa pagkakarinig ko po ay marami ang namatay dahil sa nangyari. Sinarado nga po iyong ibang daanan na malapit sa building na iyon.” Pagbibigay impormasyon ng drayber, dahil sa narinig ay napalunok ako ng laway. Parang nanuyo ang aking lalamunan. Sinulyapan ko ang aking relo, saktong mag-aalas diyes na.

“sigurado po ba kayo kuya?” kinakabahang tanong ko.

“Opo, sigurado po ako. Kitang kita ko nga po 'yong nangyari dahil sa may hinatid akong pasahero sa katabing building.” Tugon nito.

“Ah.. ganun po ba, sige po salamat kung ganun.” Nasabi ko na lang sa drayber at saka bumaba. Napaupo ako sa isang sulok. At doon narinig ko ang sirena ng mga mabibilis na ambulansya na magkakasunod patungo sa direksion ng building na pinagtatrabahuan ko.

Napapikit ako ng mata, kung napaaga pala ang dating ko marahil kabilang ako sa mga napahamak. Naalala ko ang mga sinabi ng mamang drayber ng taxi na sinakyan ko kanina, ‘May rason kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Ang mga nangyayari sating buhay maliit man o malaki ay parte iyan ng desinyo ng Diyos. Saan ka man ngayon at sa ganitong oras, iyon ay dahil sa kagustuhan niya. Sa ngayon naiirita ka dahil sa mga maliliit na bagay na hindi naaayon sa gusto mong mangyari pero darating ang pagkakataon na magpapasalamat ka dahil nangyari iyon.’

Tama nga siya sa kanyang mga sinabi, ngayon alam ko na ang kanyang punto. “Everything happens for a reason.” Hindi ako dapat mainis o magreklamo dahil hindi umayon ang isang bagay sa gusto kong mangayri, everything was set and planned by God.

Sino ang mag-aakala na maliligtas ang buhay ko dahil sa alarm clock na hindi na set, report na naiwan sa bahay at ilang minuto na pagpila sa MRT. Ang mga kinainisan at itinuring kong malas na pangyayari pala ang swerte kung bakit hindi ako nadisgrasya. It all happened para maligtas ang buhay ko. Ngayon narealise kong hindi na dapat ako mainis o mairita sa mga hindi inaasahang pangyayari, nangyari iyon dahil may ‘Reason’. Saan man ako ngayon at sa ganitong oras plan iyon ni God, no need to complain.

Wakas!!!

Isa, dalawa, tatlo (Horror)