YYU - Chapter 96: The Side Effect (Part 1)

 


*** TONIQUE'S POINT OF VIEW ***



Naramdaman ko ang malambot na labi ni Sanoo sa labi ko, hindi ko inakalang hahalikan niya ko. Itinaas ko ang isa kong kamay at tinulak siya sa dibdib pero mas lalo niyang diniinan ang paghalik sakin. Sunod ay naramdaman kong yumakap ang mga braso at mga kamay niya sa likuran ko at sinandal niya ako sa pader sa tabi ng bintana.



Saglit siyang tumigil sa paghalik sakin at pinahid niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi at pagkatapos ay nilapit niya ang kanyang bibig tenga ko, "Kiss me," bulong niya sakin at nadama ko ang mainit niyang hininga.



Napalunok ako ng laway at naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng aking puso. Hindi kaagad ako nakapagreact sa kanyang sinabi at nagmistula akong pipi na hindi makapagsalita. Gusto niyang halikan ko siya at ewan ko kung bakit. Ang alam ko lang ngayon ay parang wala akong lakas na tumanggi kahit na alam kong ito ay mali.



Hindi ako nagsalita at mabilis kong  pinulupot ang mga braso at kamay ko sa kanyang leeg at hinalikan ko siya sa kanyang mga labi. Tumugon siya sa aking halik at pareho kaming napapikit ng mga mata. Naghalikan kami, matamis, maalab at parang uhaw sa labi ng bawat isa. Ilang sandali pa at naghiwalay ang aming mga labi at hinalik-halikan niya ako sa leeg. Napakagat labi naman ako ng bigla niyang pinasok ang isa niyang kamay sa loob ng aking brief.





*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



"Tristan," sambit ko sa kanyang pangalan. Kumilos siya at inabot ang isa kong kamay. Hinawakan niya ito at bahagyang pinisil. Itatanong ko sana sa kanya kung anong gusto niyang baby, girl ba o boy nang biglang may kumatok sa pinto.



Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya at sabay kaming napalingon sa pintuan. "Tuloy, bukas yan," malakas na sabi niya.



Bumukas ang pinto at iniluwa nun sina Karrice at Grandeline na parehong nakasuot ng kulay crimson na university jacket ng Yin-Yang at nakajeans. Nagpatiunang pumasok si Karrice at sumunod naman si Grandeline na sinarado muna ang pinto. Dumulog silang dalawa sa tabi ng kama ko at umupo roon sa kanang gilid nang magkatabi.



Kinumusta nila ako at pagkatapos ay ikinuwento nila samin ni Tristan ang mga nangyari sa fifth game at pati na rin ang partial standing ng mga teams sa Q'match. Mga trenta minuto pa ang lumipas at dumating naman si Prop Goldfield at kasama niya sina Maru, Keith at Prop Blare. Laking tuwa ko nang sabihin niyang lalabas na kami ng ospital at babalik na sa visitor's house para dun na magpahinga.



Bandang alas kwatro ng hapon naman nang tuluyan akong mapag-isa sa silid namin ni Lilyu dahil ngayon lang ako tinantanan at iniwan nina Tristan at Travis para makapagsolo. Ayaw nila akong iwan kanina dahil sa utos ni Prop Goldfield na bantayan ako, parang hindi pa kumbinsido si Prop na okay na ko kaya siguro niya ko pinababantayan sa dalawa.



Mula sa pagkakaupo sa aking kama ay tumayo ako at lumapit sa tapat  head to foot na salamin ng cabinet at pinagmasdan ko ang aking repleksyon, nakasuot ako ng ternong kulay khaki na pantulog na sa tingin ko ay lumiit ang sukat para sakin. Sa tingin ko ay nadagdagan ang taas at timbang ko ng hindi ko namamalayan. Sinipat ko ang aking sarili sa salamin, wala pa ring pagbabago sa itsura ko, wika nga ng mama ko 'pogi' pa rin daw. Pagkatapos kong sipatin ang kabuuan kong repleksyon ay lumapit naman ako sa tapat ng nakabukas na bintana. Agad na sinalubong ang mukha ko ng malamig at preskong hangin. Napapikit ako at napalanghap ng malalim, kay sarap samyuin ng sariwang hangin, nakakagaan ng pakiramdam. Muli kong dinilat ang aking mga mata at pinaglandas ko ang aking paningin sa labas ng bintana kung saan naroon ang mga nagtataasan at naglalakihang mga puno na pinagkukublian at dinadapuan ng mga nag-aawitang mga ibon.



Sa ilang minutong pakikinig sa maganda at sari-saring huni ng mga ibon at pagmamasid sa kapaligiran ay napaangat ako ng ulo sa langit. Doon ay nakita ko ang pamumuo ng itim na mga kaulapan. Sa tingin ko kapag hindi umulan mamayang gabi ay sigurado bubuhos ito ng malakas kinabukasan. Isang malaking advantage para sakin sa laban kapag nangyari yun pero hindi maganda ang idudulot nun sa ibang mga players. Natitiyak kong mahirap ang laban bukas dahil iyon ay final game at sa tingin ko ay mas lalo iyong hihirap kapag umulan. I mean, hindi mahirap para sa parte ko kundi mahirap doon sa parte ng mga players na ang weakness ay tubig.



"Shero." 



Naputol ang aking pag-iisip dahil sa isang boses na tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si Maru, nakatayo siya malapit sa pintuan at nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko narinig na bumukas at sumarado ang pinto kaya sigurado akong tumagos siya roon para makapasok dito sa silid. Sinipat ko ang kanyang kabuuan, nakasuot siya ng kulay asul na T-shirt at puting pajama, mukhang kakatapos niya lang maligo.



"Ikaw pala Maru," sabi ko. Hindi ako nagkarun ng pagkakataon kanina na makausap siya tunkol sa mga nangyari kagabi kaya ngayon ko na lang siya tatanungin.



"Anong tinitignan mo diyan sa labas?" aniya at humakbang palapit sakin.



Umiling ako, "Wala, nagpapahangin lang," sagot ko.



Huminto siya sa harap ko, "Aray!!" biglang sambit niya at hinawakan niya ang kanyang kanang tadyang.



"Bakit Maru?" may pag-aalalang tanong ko. Batay sa nakikita ko sa ekspresyon ng kanyang mukha ay may nararamdaman siyang hindi maganda.



"Wala to," sagot niya at pilit na tinatago ang sakit na kanyang nadarama.

"Alam kong hindi ka okay," sabi ko at hinawakan ko siya sa braso. "Maupo ka dito sa kama." Iginiya ko siya paupo sa gilid ng kama ni Lilyu at tumabi ako sa kanyang kanan.



"Ayos lang ako," aniya at iniwas ang tingin sakin.



Hindi ako nagsalita at mabilis kong hinawakan ang laylayan ng kanyang T-shirt at itinaas ito. Sinalubong ang mga mata ko ng isang sariwa at malaking sugat na parang kasing laki ng piso na narun sa kanyang kanang tadyang. Sariwa ang sugat na animo'y laman na binalatan at yung paligid nito ay nangingitim na parang pasa.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Mukhang kelangan ko munang ipagpaliban ang plano kong pagtatanong sa kanya tunkol sa mga kaganapan kagabi dahil kelangan kong unahing gamutin itong sugat niya. 



"Anong nangyri diyan?" Maang na tanong ko at lalo kong tinaas ang damit niya, "Hubarin mo tong t-shirt mo," utos ko sa kanya.



"Anong gagawin mo?" nakakunot noong tanong niya sakin at hindi sinagot ang tanong ko.



"Hubarin mo ang damit mo at gagamutin kita," sabi ko sa kanya at tumayo ako. Nagpaubaya siya sakin ng hinubad ko ang kanyang t-shirt.



"Sigurado ka rito?" nag-aalangan na tanong niya.



Tumango ako at tinabi ko ang kanyang t-shirt, "Tiwala lang," sabi ko, "Ngayon humiga ka diyan," utos ko sa kanya at nginuso ko ang higaan.



"Sige," aniya na parang napipilitan. Kumilos siya at tahimik na humiga sa kama. Pumwesto at umupo naman ako sa kanang gilid niya kung saan narun ang kanyang sugat.



"Relax ka lang ako bahala," sabi ko na parang confident sa sarili pero yung totoo ay hindi ako sigurado kung makakaya ko bang gamutin ang sugat niya. Nabibilang pa lang sa daliri ang ginawa kong panggagamot gamit ang kapangyarihan ko at hindi ko pa ito napapapraktis ng mabuti kaya malaki ang posibilidad na pumalpak ako, pero sisikapin ko pa ring magawa ito ng maayos alang-alang sa kanya.



"Salamat Shero," aniya na nakapikit.



"Mamaya mo na ko pasalamatan kapag tapos na," sabi ko at napalunok ako ng laway. Sana maging successful itong gagawin ko. Malaking tulong ito kay Maru kaya sana magawa ko ito ng tama at maayos.



At napalingon ako sa pinto nang bigla iyong bumukas. Bumungad sa aking paningin sina Lilyu at Tristan. Saglit silang natigilan na dalawa at hindi gumalaw sa kanilang kinatatayuan, nakatingin lang sila saming direksyon ni Maru at narun nakabakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha.


Continue Chapter 97