YYU - Chapter 80: Linked As One!

 


*** GRANDELINE'S POINT OF VIEW ***



"Ang sagot ko ay Elpidio Quirino..." Parang nabunutan ng tinik na sagot ko.



"Noted. Your answer is correct. You have 15 points now. Let's move on to your fifth question." Sabi ng repleka ni Travis at nagbagong anyo ito, si Shero.



"Please pick one category for your fifth question, Biology, Zoology or Botany?"  Bigkas nito.



Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad akong tumugon "Botany." Sambit ko. Isa akong florist at related sa kapangyarihan ko ang botany.



"This is your fifth question from your chosen category, botany. What is the scientific name of rice? Is it pterocarpus indicus, oryza sativa or saccharum?"



"Answer, oryza sativa." Sagot ko at bumuntong hininga.



"Noted. Your answer is correcct. You have 25 points now. Let's proceed to your sixth question." Sabi ng repleka ni Shero at nagpalit anyo ito kay Maru.



Ngayon ay meron na kong 25 points at nasa pang-anim na tanong na ko, mas kelangan ko ng mag-ingat sa pagsagot ngayon, hindi na pwedeng mabawasan ang puntos ko kahit na anong mangyari. Sana lang ay hindi mahihirap ang mga susunod na itatanong sakin.



Napatingin ako sa repleksyon ni Maru ng magsalita ito, " These are your categories for your sixth question, Economics, Politics and Psychology. Please pick one."



"Economics." Sabi ko.



"This is your sixth question from your chosen category, economics. Who is the father of economics?" Diretsong tanong ng repleka.



Napakagat ako ng labi, naku lagot na. Hindi ko matandaan kong sino. Kung pinadefine sana sakin ang economics alam ko pa pero ang tanong sino ang ama ng economics? Sino ba? Hindi ko kilala. Anak ng dolphin naman mapapalaban na naman ako nito.



Tinitigan ko sa mga mata ang repleka at nagsalita. "Fight na lang, total hindi ko naman alam ang sagot." Sabi ko at napalunok. Naramdaman ko ang kaba na bigla na namang sumukob sa dibdib ko. Inhale, exhale, inhale, exhale.



"Noted. Please be ready for the battle." Narinig kong sabi ng repleka ni Maru at biglang nabalot ang buong katawan nito ng kuryente.



Napaatras ako ng isang hakbang, mukhang sasamain yata ang lagay ko sa replekang ito. Hindi ko inaasahang lightning user siya pero di bali na, para sa yin-yang gagalingan ko sa laban.





*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Binilisan ko ang aking mga hakbang para habulin si Tristan. Hindi ko alam kung galit siya o nagseselos dahil kasama ko si Kenver. Nagseselos? Posibli kaya yun?



Nakita ko itong pumasok sa kulay asul na pinto, mukhang wala itong saktong pupuntahan at kung saan lang ito dadalhin ng paa dun lang din ito tutungo. Lalo kong nilakihan ang aking mga hakbang hanggang sa tuluyang maabot ng kamay ko ang knob ng pinto, Binuksan ko ito saka pumasok.



Agad na sinalubong ang mga mata ko ng magandang tanawin, isang malaki at mahabang balcony pala ang karugtong ng pintong aking nilabasan. Dahil sa taas ng kinaroroonan ko kung kaya kitang-kita ko ang magandang view ng paligid, sa ibaba ay matatanaw ang mga berdeng kakahuyan at sa pinakadulo ay makikita naman ang puting mga buhangin at asul na karagatan.



Nakakainlove ang ambiance, subrang ganda. Ang presko at ang lamig pa ng hangin, kay sarap samyuin. Buti at walang ibang nagawi dito maliban sakin. Sakin? Sandali nasan na pala si Tristan?



Inikot ko ang aking paningin at tinignan ko ang magkabilang dulo ng mahabang balcony, walang hidden kahit isa, wala rin si Tristan. Nasan kaya siya? Hay ano ba yan, sigurado lumipad yun para iwasan ako.



Nakaramdam ako bigla ng lunkot at napatingin sa malayo. Bakit kaya ganun si Tristan? Bakit bigla siyang umalis kanina, tapos ngayon heto at iniiwasan niya ko, pinagtataguan. Pano niya malalaman ang side ko kung hindi niya ko kakausapin? Lagi niya na lang ako pinapalungkot. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya. Bawal na ba makipagkaibigan ngayon?



Sa tingin ko nandito lang siya sa malapit at pinapanuod ako. Isang kabaliwan na ideya ang bigla kong naisip.



Sumigaw ako, yung pinakamalakas na sigaw na kaya ko. "Tristan alam ko nandito ka, bibilang ako hanggang 100, ay hindi 50 pala, ay mali hanggang ten lang pala. Oo 10 final na yan, bibilang ako hanggang sampu kapag hindi ka lumapit dito tatalon ako dito." Sigaw ko. Ang lunkot ko ay napalitan ng kaba. Pano kung wala pala talaga dito si Tristan, edi pagtumalon ako bali-bali yung buto ko?



Ano ba naman kasi tong pinaglalaban ko? Dahil lang hindi ako kakausapin magpapakamatay na ko? Oo tama kasi wala naman akong kasalanan sa kanya tapos bigla na lang siya nagwalkout ng wala sa lugar. Saka kung sakali mang matuluyan ako kapag tumalon ako dito ay hindi naman ako nag-iisa, karamay ko ang linker na si Arckzy, mangyayari din sa kanya ang mangyayari sakin, damay-damay na to.



Sumigaw ulit ako, "Tristan hindi ka pa ba lalabas? Gusto mo talaga ako tumalon?" 



Wala talaga, ayaw niya talaga kong harapin. Napalunok ako, bakit kasi naisipan ko ang ideyang to? Ngayon wala nakong magagawa kundi panindigan ito. 



"Sige magbibilang na'ko, Isa.. Dalawa.. Tatlo... Apat... Lima... Anim... Pito..." Pasigaw na  bilang ko.



Hay ano ba yan, hindi pa rin siya lumalabas. Mukhang dun talaga ako sa lupa pupulutin mamaya. Sana man lang bago magsampu kahit hindi dumating si Tristan ay may lumabas diyan sa pinto na hidden at pigilan ako sa pagtalon.



"Walo...  Walo at kalahati... Siyam..." Sigaw ko at sinukbit ko ang kanang paa at hita ko sa top rail ng balcony. Napaupo ako, kalahati ng katawan ko ay nasa safe-side at kalahati naman nasa danger-side. Parang gusto kong pagsisihan itong ideya na naisip ko. Hinihintay na ko ng lupa sa ibaba dahil mukhang walang Tristan ang rerescue sakin.



Sisigaw na sana ako ng sampu ng matigilan ako dahil biglang may pumatak na dugo sa damit ko. Mabilis kong tinaas ang aking kamay at pinahid ito sa aking ilong at pagtingin ko dito ay nababahiran na ito ng dugo. Nanonose bleed ako, pero bakit? Biglang pumasok sa isip ko si Arckzy, siguradong ginagamit niya ang kapangyarihan ko ngayon.



Bigla akong nakaramdam ng subrang panghihina, parang sa isang saglit lang ay tinakasan ako ng lakas sa aking katawan at nakita kong kumawala ang isang kamay ko na nakahawak sa railing ng balkonahe. Dumilim ang aking paningin at naramdaman ko ang aking sarili na nahuhulog mula sa mataas na balkonahe.


Continue Chapter 81