YYU - Chapter 79: Grandeline's Fight

 


*** GRANDELINE'S POINT OF VIEW ***



 "This is your third question from your chosen category, geography. What is the capital city of Kyrgyzstan? Is it, Bishkek, Tashkent or Dushanbe?" Tanong ng repleka ni Keith.



Bumuntong hininga ako at napakunot ng noo. Hindi ko alam ang sagot sa tanong nito. Sa totoo lang ngayon ko lang narinig ang bansang binanggit nito. Hay ang hirap naman ng tanong na'to. Negative five ang score ko kaya kelangan kong makabawi at  makapuntos ngayon at hindi ko magagawa ito kapag nagskip ako.



Hindi ako pwedeng magplaying safe, kelangan kong gayahin ang iba kong kasama na nauna ng lumaban, hinarap nila ng buong tapang ang mga laban nila kaya dapat ganun din ako. Tama na ang pag-iisip, kelangan ko ng magdesisyon, laban na kung laban.



Tinitigan ko ang repleka ni Keith at nagsalita. "Since hindi ko alam ang sagot, ang pipiliin ko ay fight." Sabi ko at hinanda ang aking sarili. Kelangang kong talunin ang mob na ito.



"Noted. Please ready yourself for the battle." Tugon nito.



Humugot ako ng hininga at  hinigpitan ko ang ayos ng dalawang chopstick na nakatusok sa buhok ko. Iba ang nararamdaman kong kaba ngayon kesa kanina ng dumating ako dito sa war zone. Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang aking sarili.



Ang rule sa fight na ito ay kung sino ang unang bumagsak o humawak sa lupa ang talo. Kalakip sa rule na ito na bawal sumagi sa lupa ang alin mang parte ng aming upper body.



Ilang sandali pa at nakarinig ako ng boses ng lalake, hindi ko alam kung san nanggagaling ito. Marahil gawa ito ng mahika o kasama sa effect ng virtual reality. " Fight will begin in 5... 4... 3... 2... 1..."



Hinanda ko ang aking sarili at pagkatapos kong marinig ang countdown ay mabilis akong tumalon sa labas ng bilog na platform. Dumistansya ako sa mob na repleka ni Keith, hindi ko pa alam kung ano ang kapangyarihan nito kaya kelangan kong mag-ingat.



 Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita kong tinaas nito ang dalawa nitong mga kamay at nagpalabas ng dalawang hayop sa kanyang harapan. Isang malaking itim na ibon at isang malaking kulay brown na ahas. Ang replekang ito ni Keith ay isang animal summoner.



Nakita ko itong sumakay sa likod ng malaking ibon at yung ahas naman ay nagsimulang gumalaw patungo sa direksyon ko. Siguradong kasyang-kasya ako sa bibig ng malaking ahas na to kapag nahuli niya 'ko.



Mabilis kong itinutok ang mga kamay ko sa lupa at nagpalabas ng malalaking baging para atakehin ang paparating na ahas. Mabilis na pumulupot ang mga baging sa katawan ng ahas at dahil dito hindi na ito nakagalaw. Nahuli ko ito at ngayon ang repleka ni Keith naman.



Napaangat ako ng ulo at nakita ko ang repleka ni Keith na nakasakay sa malaking ibon at nasa mataas na ere. Ang daya, pano ko ito lalabanan kung nasa taas ito at ako naman nandito sa lupa? Mukhang wala itong planong  bumaba para harapin ako. 



Kelangan ko siyang pabagsakin pero paano? Masyadong mataas ang kinaroroonan nito. Mauubos ang oras ko hanggat hindi ko natatalo ang replekang ito. Kelangan ko na siyang pabagsakin sa kahit na anong paraan.



Itinutok ko ang aking mga kamay sa lupa sa harapan ko, "Ascend." Bigkas ko at umusli doon ang isang sanga. Mabilis akong umakyat at kumapit dito, at naramdaman ko ang paggalaw at pagtubo nito. Mabilis na tumubo, lumaki at tumaas ang punong kinakapitan ko hanggang sa tuluyan kong naabot ang taas na kinaroroonan ng repleka. Napatingin ako sa ibaba, subrang taas ng kinaroroonan ko, nakakalula.



Nakita kong lumipad ang ibon palayo sakin, planong tumakas at magpahabol ng replekang ito. Hindi ko siya pwedeng hayaan na makawala dahil limitado lang ang oras na meron ako. Mukhang wala itong planong umatake at parang nakaprogram lang ito para ubosin ang oras ko dito sa laro. Kelangan ko ng siyang talunin.



Mabilis kong pinatubo ang mga sanga sa punong kinakapitan ko at nakita kong mabilis nitong hinabol ang papalayong ibon. Mga dalawang dipa na lang ang layo at maabutan na ito.



"Vine sprout!" Sigaw ko at mabilis na tumubo ang mga baging sa dulo ng mga sanga at umatake sa lumilipad na malaking ibon at sa repleka ni Keith. Pumulupot ang mga baging sa mga ito. Nahuli ko ang repleka at ngayon kelangan ko na siyang ibagsak sa lupa.



"Descend." Mahinang bigkas ko at gumalaw pababa sa lupa ang malaking puno na kinakapitan ko na para bang hinihigop ito ng kumunoy.



At habang nasa ere ay tinutok ko ang aking mga kamay sa mga baging na nakapulupot sa repleka at sa ibon para ibagsak ang mga ito. Gumalaw ang mga baging at mabilis na hinampas ang dalawa sa lupa, humandusay ang mga ito sa damuhan.



Mabilis naman akong tumalon sa lupa ng tuluyang makababa ang punong pinapatungan ko. Napatingin ako sa repleka, nakadapa ito sa damuhan at sa tabi naman nito ang malaking ibon. Natalo ko ito, ako ang panalo sa laban namin. Naramdaman ko ang paghupa ng kaba sa aking dibdib, napahinga ako ng malalim.



"Congratulations, you win! You have 5 points now." Narinig kong anunsyo ng boses ng isang lalake ngunit katulad kanina ay hindi ko makita kung saan nagmula iyon. 



Nanalo ako sa laban kaya meron akong 10 points pero dahil sa second question ay naging negative five ang score ko kung kaya five points lang ang score ko ngayon.



Napabuntong hininga ako ng makita kong naglaho ang katawan ng repleka ni keith pati na ang sinummon nitong malaking ibon at ahas. Hinakbang ko naman ang aking mga paa pabalik sa bilog na marble platform. Forth question na, panibagong katanungan at hamon na naman. 



Sumulpot sa aking harapan ang mob na repleka ni Travis at nagsalita. "We will now proceed to your forth question, please choose your category: Literature, Philippine History or Arts."



"I will choose Philippine History." Sabi ko.



"This is your forth question from your chosen category, Philippine History. Who is the sixth president of the Philippines?" Narinig kong bigkas ng repleka.


Continue Chapter 80