YYU - Chapter 54: I Found You!

 


*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni prop, kung ganun lahat kami ngayon ay sasabak sa laban. Napatingin ako kay Shero at nakita ko ang blanko nitong reaksyon habang nakatingin kay prop Goldfield. Nakaramdam ako ng kaba, hindi para sa sarili ko kundi para kay Shero.



Kinuwento sakin ni Travis kanina ang mga narinig niya tunkol sa usapan nina prop at Mr. Gumban kagabi at yung tunkol sa plano ng mga ito na ipalit sina Shero at Lilyu sa amin ni Grandeline para maging reserve players. Ang dahilan ay para hindi makalaban ang mga ito sa Q'match dahil merong panganib ang nakaabang sa kanila. Ngayon ay malabo at wala ng saysay ang planong iyon dahil wala ng reserve players.



Nagkatugma ang kwento ni Travis at ang impormasyong ibinahagi sakin ni Maru. Tama nga si Maru, hindi maganda ang mga mangyayari sa Q'match. Akala ko pa naman ay gawa-gawa niya lang ito pero hindi pala, may katuturan pala ang lahat ng iyon.



Inabot ko ang kamay ni Shero at hinila siya palabas ng visitor's house, naiwan naman sa sala ang apat at hindi umimik. Hawak ko sa kamay si Shero at tahimik itong sumusunod sakin. Huminto kami sa ilalim ng malaking kahoy mga labing limang metro ang layo sa harapan ng bahay.



Nagkatinginan kami ni Shero, nakanunot ang noo nito sakin na para bang nagtatanong kung bakit ko siya hinila. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at hinawakan ko siya sa magkabilang braso.



"Sinabi sakin ni Travis ang tunkol sa plano nina prop at Mr. Gumban, pero mukhang wala ng halaga iyon ngayon. Huwag kang mag-alala magkasama naman tayo, hindi kita pababayaan sa laban. Poprotektahan kita." Sabi ko kay Shero habang nakatitig sa kanyang mga mata.



"Hindi ko alam kung ano ang dahilan at nasa panganib kami ni Lilyu sa Q'match pero sa tingin ko magiging ayos lang kami. Huwag kayong mabahala, kaya naming protektahan ang mga sarili namin." Kampanteng tugon ni Shero, pilit nitong tinatago ang totoo niyang nararamdaman ngayon. Alam kung kinakabahan siya sa mga pwedeng mangyari sa laban.



Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. "Nandito ako para sayo Shero, babantayan kita." Mahinang bulong ko sa kanya at naramdaman ko ang mabilis na pintig ng kanyang puso.

FLASHBACK...

8 Years ago.



"Sige pwede kang mag-ikot at mamasyal pero mag-ingat ka, at pagkatapos mo tumungo ka kaagad sa restaurant para hindi magalit ang daddy mo. Hihintayin ka namin doon." Sabi ni mommy habang nakaupo sa harap ng salamin ng drawer at inaayos ang hikaw nito sa tenga.



"Opo mommy." Sagot ko at mabilis na tumakbo sa pinto at lumabas ng silid.



Tumungo ako sa upper deck ng cruise ship, pangalawang gabi na naming magpamilya dito. Isang gatherings ng mga malalaking business man sa bansa ang kasalukuyang ginaganap dito, tatagal ito ng 5 days at lalayag itong cruise ship sa palibot ng Pilipinas.



Napansin kong kunti lang yung tao dito sa taas at may mga edad na lahat. Naglakad ako at nadaanan ko ang maliit na pool, wala namang may nagsuswimming doon. Pinagpatuloy ko ang paglakad hanggang sa makarating ako sa jogging track . Huminto ako at lumapit sa railings. Hindi ko maaninag ang dagat dahil sa kadiliman ng gabi, inangat ko ang aking ulo at nakita ko ang maliit na buwan na pinalilibutan ng mga munting bituin.



Napalingon ako sa aking kanan ng biglang may tumabi saking bata na kasing edad at laki ko. Isang batang lalake, nakaangat ang ulo nito sa langit. Napakunot ako ng noo ng makita ko siyang ngumiti habang nakatitig sa maliit na buwan. Bakit kaya siya nakangiti?



Lumingon siya sakin at nagkatitigan kami, narun pa rin ang ngiti sa kanyang mukha.



"Hello." Sabi nito.



Sandali akong natigilan at tutugon na sana ako ng bigla na lang may lumapit saming matankad na lalake.



"Nandito ka lang pala, tara na at hinahanap ka na ng mama at papa mo." Sabi ng lalake.



"okey." Tugon ng bata at binalingan ako. "Babye." Nakangiting sabi nito sakin at hinawakan siya ng lalake sa kamay at umalis sila.



Mga sampung minuto ang dumaan, nakatayo pa rin ako sa tapat ng railings at nakatingin sa kawalan. Napahawak ako ng mahigpit sa railings ng makarinig ako ng dalawang magkakasunod na pagsabog mula sa baba. Nakita kong nagsitakbuhan ang mga tao sa pinto pababa ng middle deck. Muling may sumabog, hindi ko nabilang ang mga sumunod na pagsabog pero marami iyon at nanggaling iyon sa likod ng cruise ship, siguro doon sa engine room. Nakaramdam ako ng kaba ng biglang gumalaw ang cruise ship, mukhang may nangyayaring hindi maganda, baka lulubog itong cruise ship.



Bumitaw ako sa railings para tumakbo sa pintuan kung saan nagsisiksikan ang mga tao para bumaba sa middle deck ng biglang gumalaw ang sahig pataas na parang see-saw. Natumba ako at nagslide pero nakahawak ang mga kamay ko sa railings. Narinig ko ang sigawan ng mga tao at nakita ko ang iba na dumausdos sa sahig. Nakita ko ang pagpatay sindi ng ilaw sa paligid at hindi nagtagal ay tuluyang namatay ang mga ito. Umapaw rin ang tubig sa pool at bumuhos sa sahig, dahil dito ay nabasa ako. Mahigpit naman ang hawak ko sa railings, kapag bumitaw ako ay doon ako pupulutin sa dagat. Malapad at malalim ang dagat, hindi ko kayang languyin iyon,  malulunod lang ako.



Binalot ng takot ang buo kong sistema. Nasan sina mommy? Si daddy at si ate Phinilopy? Natatakot ako, subrang kinakabahan. "Mommy!!" Usal ko at nagbagsakan ang mga luha sa aking mga mata, tuluyan na akong umiyak dahil sa takot.



"Ahhhhhh!!!!" Isang sigaw ang kumawala sa bibig ko ng tamaan ako ng isang silya sa braso. Nabitawan ko ang railings at dahil dun mabilis akong dumaosdos sa sahig pabagsak sa malamig na dagat.



Lumangoy ako, hindi ako pwedeng malunod. Pakumpas-kumpas ang aking mga kamay at braso sa tubig habang wala namang maaninag ang aking mga mata dahil sa madilim na paligid. May mga tao sa paligid ko pero hindi ko sila makita, naririnig ko lang ang kanilang sigaw sa paghingi ng saklolo.



Nahirapan akong lumangoy kaya mabilis kong hinubad ang suot kong damit, sapatos at pantalon. Ngayon ay nakalangoy na ako ng maayos pero nakaramdam ako ng pagod at panghihina. Namimigat ang mga braso at binti ko, parang hindi ko na kayang ikumpas ang mga ito. Kelangan ko ng tulong, malulunod ako. Naramdaman ko ang aking paglubog sa tubig, para akong hinihigop ng tubig pababa. Pinikit ko ang aking mga mata, hanggang dito na lang siguro ako. Hindi ako makahinga...



Napadilat ako ng mata ng may maramdaman akong may yumakap sakin mula sa aking likuran. Naramdaman kong inangat niya ako sa ibabaw ng tubig at sa ilang sandali ay nakaahon kami sa tubig. Habol ko ang aking hininga at sunod-sunod ang aking pag-ubo.



"Kumapit ka sa likuran ko." Narinig kong sabi ng taong sumagip sakin. Boses iyo ng batang lalake at pamilyar iyon sakin.



Humarap ako sa kanya pero hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa kadiliman ng gabi. Kinapa ko siya at nahawakan ko ang kanyang mga braso, naramdaman ko siyang tumalikod sakin at humawak ako sa kanyang magkabilang balikat. Nagkadikit kaming dalawa, nakahubad rin ito ng damit at iyon ay para makagalaw siya sa tubig ng maayos.



"Salamat sa pagligtas mo sakin." Sabi ko sa kanya.



"Walang ano man. Kumapit ka ng mahigpit, aalis na tayo." Tugon nito sakin.



"Pero sina mommy?" Nag-aalangang sabi ko dito.



"Huwag mo silang isipin, magiging ayos lang sila, sa ngayon kelangan muna nating iligtas ang mga sarili natin." Anito.



Hindi na ako nagsalita at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang balikat at sinimulan nito ang paglangoy. Habang lumalangoy ito ay naramdaman ko namang may tumatama sa aking mga paa at binti. Parang madulas ito, parang buntot ng malaking isda. Kinabahan ako sa ideyang biglang pumasok sa aking isipan. Posibli kaya itong iniisip ko?



Tinanggal ko ang aking isang kamay sa balikat nito at kinapa ko ang kanyang binti. Natigilan ako ng maramdaman ng mga palad ko ang madulas na mga kaliskis. Wala siyang binti, kung ganun tama nga ako sa aking naisip, ang batang ito ay isang sereno.



"Kumapit kang mabuti." Narinig kong sabi nito.



Kinakabahan man ay binalik ko ang aking kamay sa kanyang balikat. Isa siyang sereno, mapagkakatiwalaan ko ba siya? Saan niya ako dadalhin? Baka dalhin niya ako sa ilalim ng dagat at ipakain sa halimaw katulad sa mga napapanood ko sa t.v..



"Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko at pilit tinatago ang kaba.



"Sa dalampasigan, kahit saan basta may lupa." Sagot nito.



Paniniwalaan ko ba siya? Paano kung nagsisinungaling siya?



"Yumakap ka sakin at bibilisan ko ang paglangoy." Sabi nito.



Niyakap ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at naramdaman ko ang biglang pagbilis ng kanyang paglangoy. Ang kaba na naramdaman ko sa kanya ay napalitan ng awa ng mapansin at marinig ko ang kanyang paghingal, siguro ay napapagod na siya dahil sa pagkarga sa akin.



"Okay ka lang?" Tanong ko na may pag-alala.



"Okay lang ako." Sagot nito, ramdam ko sa kanyang boses ang pagod.



"Alam kong napapagod ka na." Sabi ko.



"Kaya ko pa naman." Tugon nito.



Matagal akong hindi umimik at pagkaraan ay nagsalita, "Sorry, ng dahil sakin nahihirapan ka tuloy." Malunkot na sabi ko. "Hindi mo naman ako kelangang iligtas."



"Wala iyon sakin. Kung nagkapalit tayo ng sitwasyon, sigurado ililigtas mo din ako, tama?" Parang sigurado na sabi nito.



"Oo..." Ikling tugon ko.



Hindi na ako nagsalita. Naramdaman ko naman ang lamig ng tubig, nanunuot ito sa buo kong katawan. Mga tatlong oras na rin siguro ang nagdaan simula ng umalis kami sa kinaroroonan ng cruise ship, sana makarating na kami sa dalampasigan.



"Sa tingin ko malapit na tayo sa dalampasigan." Narinig kong sabi ng bata.



Hindi ako umimik, ramdam kong nahihirapan na siya. Alam kong pagod na siya sa paglangoy pero tinitiis niya. Isa lang siyang bata kagaya ko, humahanga ako sa tapang niya. Niligtas niya ako, habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang pagsagip niya sakin.



Mga isang oras pa ang dumaan at tuluyan naming narating ang dalampasigan. Ang lugar ay nasisinagan ng kunting liwanag mula sa maliit na buwan. Nakaupo ako sa buhangin samantala ang batang sereno naman ay nakadapa sa buhangin na abot ng maliliit na alon.



"Okay ka lang ba bata?" Tanong ko.



Hindi ito sumagot, mabilis akong lumapit sa kanya at pinatihaya ko siya sa aking kandungan. Nakapikit ito, wala siyang malay. Dahil sa kunting sinag ng buwan kong kaya naaninag ko ang kanyang mukha. Siya iyong bata na lumapit sakin sa cruise ship kanina bago ang aksidente.



"Bata gumising ka.." Kinakabahan na sabi ko at nilapit ko ang aking tenga sa kanyang dibdib.



Narinig ko ang mahinang tibok ng kanyang puso, hinawakan ko siya sa kamay at naramdaman ko ang kalamigan nun. Mabilis ko siyang binuhat at dinala at pinahiga sa tuyong buhangin. Mahina ang tibok ng kanyang puso at nanlalamig siya, kelangan niyang mainitan. Kelangan kong makahanap ng mga dahon para itakip sa kanya para hindi siya lamigin. Iyon lang ang tanging ideyang naiisip ko.



"Bata kukuha lang ako ng mga dahon." Sabi ko at mabilis na tumakbo para maghanap ng mga dahon.



Bumalik ako na hinihingal, dala-dala ko ang mga dahon na aking nakuha para itakip sa nilalamig na batang sereno. Napakunot ako ng noo, iniwanan ko siya dito sa buhangin pero ngayon ay wala na siya. Saan siya nagpunta? Nabitawan ko ang mga dala kong mga dahon at pinaglakbay ko ang aking mga mata. Walang bakas sa buhangin na gumapang siya pabalik sa dagat at ang tanging nakikita ko ay ang bakas ng dalawang pares ng malalaking mga paa. Baka may kumuha sa batang sereno? Hindi pwede, baka may gawing masama ang mga taong nakakita sa kanya.



8 years after...



Dis-oras ng gabi at heto ako basang-basa sa ulan dahil sa Shero na to. Bakit ko pa kasi naisipan na tulungan siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa ako ng pabor sa isang estranghero. Dapat singilin ko siya sa ginawa kong pagtulong sa kanya. Magkaharap kami ngayon at mukhang wala siyang planong papasukin ako sa condo niya para alukin ako ng tuwalya, porque nabigay ko na ang notebook at libro niya ganun na lang pagkatapos? Para sakin thank you is not enough. Kung ayaw niya akong imbitahan sa loob, edi ako ang mag-iimbita sa sarili ko.



"Susi mo.." Sabi ko at inabot sa kanya ang susi ng kanyang locker. Kinuha niya ito at bahagya ko  siyang itinulak para makapasok ako sa loob. Napaatras siya at ako naman ay tumuloy. Siya ang kauna-unahang grey na nakilala ko at iyon ay dahil sa pagsuway niya ng time rule. Hanga din ako sa katapangan niya na suwayin ang time rule ng Yin-Yang, mabuti at hindi siya nahuli ng mga night keepers kanina dahil kung nagkataon bugbog sarado sana siya.



Tuloy-tuloy lang ang aking paghakbang, wala akong narinig mula kay Shero. Sigurado akong nagulat ito sa ginawa ko, pero ano pa nga ba ang magagawa niya eh nandito na ako sa loob at isa pa ginawan ko siya ng pabor, hindi niya ako pwedeng palabasin ng basta-basta na lang.



Lumakad ako patungo sa sala at naagaw ang pansin ko ng isang malaking aquarium na may laman ng sari-saring isda. Pinagmasdan ko ito at sa hindi sinasadya ay napanganga ako sa sunod kong nakita. Sa taas ng aquarium ay nakasabit ang isang malaking family picture frame. Nasa larawan ang mag-asawa at ang dalawang bata na babae at lalake. Sandali akong natigilan, hindi ako pwedeng magkamali, ang batang lalake na nasa larawan ay ang batang sereno na nagligtas sakin walong taon na ang nakalipas. Sigurado ako, siya ang batang yun, tandang-tanda ko pa rin ang itsura niya hanggang ngayon, at itong suot niyang kwentas sa larawan ay natatandaan ko rin, suot-suot niya ito nung nawalan siya ng malay at binuhat ko siya sa dalampasigan.



Nakaramdam ako ng kaba, saya at pananabik. Kung ganun ang batang serenong nagligtas sakin noon ay si Shero, isang grey ng Yin-Yang. Parang hindi ako makapaniwala, sa ilang taon na pag-asam kong makita ulit ang batang serenong iyon ngayon ay kasama ko na siya. Sa wakas nakita ko na rin siya...


Continue Chapter 55