YYU - Chapter 98: Recovery

 


*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



"Tingnan niyo ang mga kamay ni Shero," sabi ni Lilyu.



Mabilis kong binalingan si Shero na nakadapa sa nagyeyelong sahig at tinitigan ko ang kanyang mga kamay. Ano kaya ang nangyari at nagkaganun ang mga iyon? Meron iyong maliliit na pilas at ang balat niya ay parang nasunog, nababalot iyon ng tuyong dugo. Mukhang doon nanggaling ang mga dugo na nagkalat sa pajama ni Maru at sa kama.



Dala nang pagkabahala ay mabilis kong nilapitan si Shero sa kanyang kinaroroonan. Hinakbang ko ang aking mga paa sa nagyeyelong sahig na nakapalibot sa kanya at lumuhod ako sa kanyang tabi.



"Shero..." mahinang sambit ko at hinawakan ko siya sa braso para itihaya nang bigla akong matigilan sa aking gagawin. Nakita kong mabilis na binalot ng makapal na yelo ang kamay kong nakahawak sa kanya at naramdaman kong hinigop niya ang enerhiya ko sa katawan.



"Tristan lumayo ka sa kanya!" Narinig kong sigaw ni Karrice.



Dahil sa aking narinig kung kaya naalarma ako at mabilis kong hinila ang nagyeyelo kong kamay kay Shero ngunit hindi ko magawa, tila nakadikit ang kamay ko sa braso niya.



"Ayaw matanggal ng kamay ko!" malakas na bigkas ko.



"Lilyu bilis tulungan natin siya!" narinig kong tawag ni Travis kay Lilyu at mabilis silang lumapit sa tabi ko.



Pwersahan nilang hinila ang kamay ko at braso para makawala ako kay Shero at nagawa nila. Dahil sa lakas ng impact ng kanilang paghila kaya sumubsob kaming tatlo sa sahig at nakita ko namang mabilis na nawala ang yelo na kanina ay nakabalot sa kamay ko.



"Gumagaling ang sugat niya..." mahinang sabi ni Karrice.



Napatingin kaming tatlo nina Travis at Lilyu sa kamay ni Shero at nasaksihan namin ang unti-unting paggaling niyon. Humihilom ang mga pilas at ang balat niyang parang nasunog. Samantala nakaramdam naman ako ng kunting pagkahilo, marahil sanhi ito ng naramdaman ko kaninang paghigop niya sa enerhiya ko at kung tama ako ay posibling gumagaling ang mga sugat niya dahil sa enerhiya kong iyon.



Ilang sandali pa at tuluyan nang gumaling ang mga kamay ni Shero na para bang walang nangyari sa mga iyon at ang tanging naiwan lang doon ay ang pulang mantsa ng sarili niyang dugo. Kasabay ng paggaling niya ay unti-unti namang numipis ang makapal na yelo sa sahig na dinadapaan niya at sa isang saglit lang ay naglaho iyon na parang bula.



Kasunod niyon ay nakita naming gumalaw ang mga kamay at braso niya. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang sarili sa sahig para bumangon. Nanatili naman kaming apat sa aming mga pwesto at nakatingin lang. Walang may nagtanka sa amin na kumilos para tumulong sa kadahilanang baka kapag tinulungan namin siya ay maulit iyong nangyari sakin kanina.



Tuluyang nakabangon si Shero at tahimik siyang umupo sa sahig paharap samin. Saglit niya kaming tinitigan at pagkatapos ay sinipat niya ang kanyang mga kamay na may pagtataka. Siguro ay nagtataka siya kung ano ang nangyari at gumaling ang mga iyon. Kung iisiping mabuti dapat ay hindi siya magtaka dahil meron siyang healing skill at natural lang na gumaling ano mang sugat na meron siya pero batay sa pinapakita ng kanyang mukha ay narun ang pagkasurpresa at alanganin. Sa nakita ko kanina, subrang napinsala ang kanyang mga kamay at iyon lang ang pagkakataon na nakita kong nagkaganun ang mga iyon. Siguro dinulot iyon ng sugat ni Maru na side effect ng dark spell at kaya siya nagtataka ay dahil mabilis iyong gumaling. Ang hindi niya alam habang wala siyang malay kanina ay hinigop niya ang enerhiya ko na sa tingin ko ay ang rason kung bakit siya gumaling agad.



"Paanong..." mahinang sambit ni Shero at inangat niya ang tingin saming apat.



"Ano yun Shero?" tanong ni Travis.



"Ang mga kamay ko... Magaling na..." sabi niya na bahagyang nakakunot ang noo at ibinalik niya ang paningin sa kanyang mga kamay na nababahiran ng tuyong dugo.



Napatingin naman ako kay Lilyu ng lingunin niya ko. Malawak ang kaalaman niya kaya sa tingin ko ay iniisip niyang may koneksyon ang nangyari sakin kanina nang hawakan ko si Shero at ang mabilis na paggaling nito.



Iniwas ko ang paningin ko kay Lilyu at binalingan ko si Shero, "Shero gumaling ka dahil sa healing skill mo," sabi ko.



Tinitigan niya ko, "Pero..." aniya na parang hindi kumbinsido sa aking sinabi. Batay sa sugat niya sa kamay kanina ay mukhang hindi biro ang pinagdaanan niya para mapagaling si Maru kaya ganito na lang siguro siya kung magtaka. Ayuko namang sabihin sa kanya na kaya siya gumaling ay dahil sa hinigop niya ang kapiranggot kong enerhiya, baka kapag sinabi ko iyon ay mag-alala lang siya, at isa pa hindi rin ako sigurado kung tama yung kutob ko na iyon nga ang dahilan.



"Tama si Tristan, gumaling ka dahil sa healing skill mo," sabi ni Lilyu. Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang bahagyang tumango sakin, tanda na walang dapat ikabahala.



Binalik ko ang aking paningin kay Shero, "Kung ganun nakita niyo ang nangyari sakin kanina..." mahinang sabi niya.



"Oo nakita namin, ano bang nangyari at nagkaganun yung mga kamay mo?" ani Travis.



Sandaling binalingan ni Shero si Travis at pagkatapos ay iniwas nito ang paningin papunta kay Maru na himbing sa kama. "Kumusta si Maru?" aniya at hindi sinagot ang tanong ni Travis. Halatang ayaw niyang ipaalam samin ang mga nangyari sa kanya.



"Natutulog si Maru, magaling na ang sugat niya," sagot ni Karrice.



"Salamat naman kung ganun..." mahinang sambit ni Shero na halos pabulong na lang sa hangin, "Huwag niyo na lang sanang sabihin kahit kanino yung nangyari..." dugtong niya.



***



Dumaan ang mga oras at nang bandang alas otso ng gabi ay nagsama-sama kaming siyam na mga players sa hapagkainan kasama sina prop Goldfield at Mr.Gumban para sa hapunan.



Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si prop Goldfield, "Handa na ba kayo sa huling laban niyo bukas?" simula niya.



Napatigil ako sa pagsubo ng kanin at napaangat ako ng tingin sa aking mga kasama na tulad ko ay natigilan din dahil sa aming narinig. Nagpalitan kaming siyam ng mga tingin na para bang nagtuturuan kung sino ang sasagot kay prop. Sa ilang sandaling pagtitigan naming lahat na para bang mga pipi ay nabasag ang katahimikan ng magsalita si Shero sa aking tabi sa kanan.



"Handa na po prop," sabi niya sa tunong hindi sigurado at binaba niya ang tingin sa kanyang plato na ang laman ay hindi pa nangangalahati ang bawas. Ramdam ko ang pagkabahala at pag-aalangan sa kanyang boses. Siguro dahil iyon sa mga nangyari sa kanya kaninang hapon at idagdag pa yung pressure ng malaking laban na magaganap bukas.



"How about sa inyong walo? Si Shero lang ba ang handa lumaban sa inyo?" ani prop at kinuha ang baso ng tubig sa kanyang harapan at ininum.



"Handa na po kami," ani Karrice at nilingon si Tonique.



Tumaas ang isang kilay ni Tonique, "Handa na kaming lahat," aniya at pinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.



Inilipag ni prop ang hawak na baso na nangangalahati na lang ang laman sa dating pwesto at nagsalita, "You should be," aniya at pinalipat-lipat ang tingin saming mga players. "May pagbabago sa schedule ng laban, mas maaga na ito ngayon kay sa inaasahan. The final game will start at 5:00 am tomorrow. We will be leaving at 3:00 am so pinapayo kong pagkatapos ng hapunan ay magpahinga na ang lahat at sundin niyo ang guidelines na diniscuss ko sa inyo kanina. I hope this is clear to all of you. Now, if you'll excuse me mauuna na ko sa inyo. Mr.Gumban, please take charge." ani prop na parang walang gana at saka nilisan ang hapagkainan.



Naghari ang katahimikan at nagkatinginan kaming mga naiwan sa mesa. May kaunting gulat at pagtataka sa aming mga mukha dahil sa pagbabago ng schedule, mula 8:00 am kasi ginawa nilang 5:00 am. Hindi man lang nag-abala si prop na mag-explain kung anong dahilan at bakit napaaga ng ilang oras ang laban. Napakibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ko ang pagkain.



"Im sure naninibago kayo sa inakto ngayon ni Ms.Goldfield," basag ni Mr.Gumban sa katahimikan, napatingin kaming siyam sa kanya. "Intindihin niyo na lang siya, she was disappointed dahil sa mga nangyari, sa laban niyo, sa ranking ng team, sa pagkaospital ni Maru, Keith at Shero."



Sa walang kadahilanan ay inilapag ko ang hawak kong kutsara at tinidor at palihim kong hinawakan ang kamay ni Shero sa ilalim ng mesa habang ang mga mata ko naman ay nasa kay Mr.Gumban, sa puntong ito nahuhulaan kong may pangaral siya samin kaya kelangan namin siyang pakinggan.



Nagpatuloy siya sa pagsaalita, "Alam niyo Ms.Goldfield trusted your team so much, she even told me na masaya at natutuwa raw siya sa inyo dahil mukhang ang team daw ninyo ang magbebreak ng record ng Fortis for being unbeatable. Nandun na kayo sa taas eh, kunti na lang at maabot niyo na ang Fortis but then suddenly misfortune strikes, mula sa taas bumagsak ang team ninyo. Im not sure kung bukas makakaya niyong ipanalo ang laban because honestly napag-iwanan na ang team ninyo ng Fortis at Lunar."



Naramdaman kong pinisil ni Shero ang kamay ko at nagkatinginan kaming dalawa, ewan ko kung affected siya sa sinabi ni Mr.Gumban pero oo, tama, napagiwanan na ang team namin.



Napatingin naman kaming lahat kay Maru ng bigla siyang magsalita, "Kami ang mananalo. I'll destroy every single enemy who will come my way! They better be ready."aniya na walang emosyon.


Continue Chapter 99