YYU - Chapter 112: Fierce

 


*** LILYU'S POINT OF VIEW ***



"Shero..." mahinang usal ko habang ang mga mata ko ay nakatutok sa kanya. Nakatingin siya sa'kin at blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Sinipat ko ang kanyang kabuuan at sa nakikita ko ay mukhang nanggaling na siya sa matinding laban. Bagama't nahugasan na ng ulan ang kanyang kasuotan ay naroon at nakakapit pa rin ang dumi ng putik at ang ilang bahagi niyon ay mga punit-punit na. Nakabakas rin ang mga preskang sugat at gasgas sa kanyang mukha, mga braso, kamay at mga binti. Sa nakikita ko ay unti-unti namang humihilom nang kusa ang mga iyon. Bilang aquaist kaya ni Shero na pagalingin ang kanyang sarili at iyon nga ang aking nasasaksihan ngayon.



"Yuflali..." napatingin ako kay Frejim nang bigla itong magbanggit ng spell. Plano nitong gamitan ng mahika si Shero at kung tama ako ang mahika na iyon ay may kakayahang pahintuin ang isang tao o bagay sa paggalaw, iyon ang ginamit ni Frejim sa'kin kanina.



Nagulat ako sa sunod na nangyari, mabilis na kinumpas ni Shero ang kanyang kanang kamay kay Frejim at agad itong tumilapon at sumubsob sa damuhan. Hindi natapos banggitin ni Frejim ang spell na gagamitin niya sana kay Shero dahil naunahan siya nitong atakehin gamit ang blood manipulation.



Mabilis na lumapit si Shero kay Frejim at habang nakadapa ito sa damuhan ay ginamitan niya ito ng blood pain.



"Ahhh!!! Uhh.. Uhhhgggg!!!" pumainlang ang malakas na daing ni Frejim na sumabay sa unti-unting tumitila na ulan.



Nagsalita si Shero at naramdaman ko ang galit sa boses nito, "Ang lakas ng loob mo at gusto mo pa akong gamitan ng wala mong kwentang mahika! Inutil! Pare-pareho kayong mga inse..." Hindi itinuloy ni Shero ang kanyang sasabihin at saglit niya akong sinulyapan, agad niya ring binawi at binalik ang paningin kay Frejim na namimilipit sa damuhan dahil sa sakit na dulot ng blood pain. 



Napakunot noo ako dahil sa aking narinig at kung tama ako, ang sasabihin siguro sana ni Shero ay 'pare-pareho kayong mga insekto.' Kanino, paano at kailan natutunan ni Shero ang linyang ito? Isa siyang prinsepe at hindi kaayaaya na marinig ang mga masasakit na salitang iyon mula sa kanya, alam kong alam niya na mali ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig pero bakit niya iyon sinabi? Hindi siya nag-iingat sa kanyang pananalita, kapag nagkataon ay isang escandalo ang maaari niyang harapin dahil dito. Masyado yata siyang nadala ng emosyon niya dahil sa labang ito at nakalimutan niyang may pangalan siyang dapat ingatan.



"Shero mag-ingat ka sa mga binibitawan mong salita," dahil sa pag-aalala ay hindi ko napigilan ang aking sarili na pagsabihan ito. Marahil hindi na lingid sa kaalaman ni Shero na alam ko ang sekreto niya na isa siyang prinsipe dahil isa akong noble/noblee.



Tinigil ni Shero ang paggamit ng blood pain kay Frejim at nilingon ako, "Huwag mo akong pakialaman! Sasabihin ko ang gusto kong sabihin at gagawin ko ang gusto kong gawin..." tumigil ito sa pagsasalita at ngumisi, "Alam ko ang mga ginagawa ko, sa tingin mo hahayaan ng council na ipalabas ang eksena sa mga manonood kung saan ang pinakamamahal na soon-to-be-crown-prince  ng Rosaria ay nagsasalita nang masama? Hindi, hindi nila hahayaan iyon dahil ulo at buhay nila ang magiging kapalit kapag nagkataon," sabi ni Shero na puno ng kompyansa sa sarili. Nakita kong lalong lumuwang ang pagngisi nito at tinalikuran ako, nakita kong ginamitan niya ng blood manipulation si Frejim at hinampas ng ilang beses sa katawan ng malaking puno.



Halatang hindi siya natatakot sa mga pwedeng mangyari sa hinaharap dahil sa impluwensiya ng kanilang kaharian, malakas ang loob niya na gawin ang gusto niya dahil alam niyang hindi siya mapapahamak. This is one thing na ayuko sa mga royal/royeel, dumadating sa punto na lumalabas ang pagiging arogante nila. Mabuti na lamang at hindi live broadcast ang final game na ito dahil kapag nagkataon isang malaking escandalo ang gugulantang sa hidden society, pero posibli namang walang escandalo ang lalabas kung hindi ganitong ugali ang ipapakita ni Shero. Marahil may mga glimpser na nakapredict sa mga pwedeng mangyari ngayong araw kaya minabuti ng council na re-play na lang ng final game ang ipapalabas bukas sa mga manonood bago ang awarding ceremony. 



Ang Shero na'to parang may kakaiba sa kanya. Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya, sa totoo lang ay naguguluhan ako sa kanyang kinikilos. Bakit parang sa isang iglap lang ay bigla itong nagbago? Ang dating malambing, mabait at parang hindi kayang pumatay ng lamok na si Shero ay bigla na lang parang naging ibang tao? Hindi kaya epekto ito ng laro dahil sa tuloy-tuloy na laban simula noong night keeper's match at hanggang  ngayong Q'match? O baka naman meron itong nalanghap na toxin dito sa war zone katulad ni Maru kaya parang nag-iba ang asal nito?



Speaking of Maru, mabilis kong nilingon ang direksyon nito at nakita kong naroon pa rin ito sa kanyang pwesto, nakatayo at nakatulala. Mabilis akong tumayo at tinakbo ko ang kinaroroonan nito at inilayo ko ito sa mga rain gloomy flowers.

Nang tuluyan ko nang mailayo si Maru sa mga itim na bulaklak ay nakita ko naman ang nanghihina na si Frejim na pinipilit na tumayo, nakailang hambalos rin ang naranasan niya sa kamay ni Shero. Nagulat na lang ako nang bigla itong sinipa ni Shero sa tagiliran kaya muli itong bumagsak sa damuhan.



"Tama na!" pasigaw na pag-awat ko kay Shero. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyayari sa kanya pero itong ginagawa niya ay kalabisan na at dapat ng awatin. Mahina na si Frejim at mukhang wala na itong kakayahan pang lumaban, hindi tamang pahirapan niya pa ito. Hindi na iyon patas.



Nilingon ako ni Shero, "You're such a kill joy..." sabi nito at tinalikuran si Frejim.  Para akong nakahinga nang maluwag dahil kahit papano'y nakinig ito sa'kin. "Kainis, tumigil na ang ulan," narinig ko pang usal nito.



Mula dito sa kinaroroonan ko mga benteng dipa ang layo ay nakita ko si Shero na humakbang, nakalimang hakbang pa lang ito nang bigla itong tumigil. Mga pitong dipa ang layo sa harapan niya ay nakita ko naman na biglang  umangat ang tubig-ulan  at nahulma iyon at naging kawangis niya.



Isang mob ang lumabas sa harapan ni Shero at kamukha niya iyon, maging sa kasuotan ay magkapareho silang dalawa. May kutob ako na ang mob na ito ay isa sa mga nagtataglay ng black portgate at kung tama ako, marahil ang lahat ng mga mobs na nagtataglay ng black portgate ay magiging kamukha ng mga players para subukin ang mga sarili nilang kakayanan. Sa paraang ito lalaban ng mga players ang kanilang mga sarili, dito nila malalaman kung gano kalakas ang kanilang kapangyarihan at dito masusubok ang kanilang limitasyon.



"Lilyu!"



Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Andrew Litbert ng Haven Univeristy. Mabilis itong nakalapit sa'min ni Maru. Mabilis din itong nakapagbukas ng white portgate gamit ang spell of travel card, inakala ko pa kanina na hindi nag-eexist iyon dahil akala ko kapag nakatalo ka lang ng mobs dito sa war zone saka may bubukas na port gate pero meron palang mobs na nagtataglay ng spell of travel card na pwedeng makuha.



Sa bilis ng pangyayari ay natagpuan ko na lang ang aking sarili kasama si Maru at Andrew na nasa ibang bahagi na ng war zone. Nasa loob kami ng kagubatan.



"Ano'ng ginawa mo? Bakit mo kami dinala rito?" nagtatakang tanong ko kay Andrew. Kakilala ko ito dahil isa rin itong noblee at paminsan-minsan nakakakasalamuha at nakakasama ko ito sa mga kasiyahan at pagtitipon ng mga alta, alta ibig sabihin mga high-born hidden. May dalawang estado ang mga hidden, ang Alta at Commoner. Ang Alta, ito ang kinabibilangan ng mga high-born hidden, nahahati ito sa dalawang klase, ang Royeel at Noblee. Ang mga Royeel ay mga hidden na may dugong bughaw o tinatawag na royal blood, sila ang mga Reyna, mga Hari, mga prinsepe at mga prinsesa. Ang mga noblee naman ay mula sa mga noble blood na pamilya, sila ang mga hidden na may mataas na posisyon sa kaharian o sa isang bansa. Commoner naman ang tawag sa mga hidden na hindi kabilang sa Alta, nahahati sila sa tatlong klase, ang upper class, middle class at lower class.



"Una sa lahat kailangan kong tulungan itong kaibigan mo, at pangalawa magiging sagabal lang kayong dalawa sa laban ni Shero kaya hindi kayo pwede doon," deretsang sagot ni Andrew at inalalayan ako nitong iupo at isandal sa puno si Maru na hanggang ngayon ay tulala pa rin.



Kung sa bagay ay may punto ito, maaaring maging sagabal kami ni Maru kay Shero kung nandon kami at sa asta ni Shero ay parang kaya niya namang lumaban nang mag-isa. Sa ngayon ang merong kelangan ng tulong ay si Maru.



"Matutulungan mo si Maru? At sandali lang, bakit mo kami tinutulungan eh magkalaban ang team natin?" pagdududa na tanong ko.



Nilingon ako ni Andrew, "Gusto kong maging klaro tayo, si Maru ang tinutulungan ko at hindi ikaw, kung ano man ang dahilan ko sa'kin na 'yon, hindi mo na kailangang malaman," sagot nito at tinalikuran ako at lumakad.



Aba at may attitude rin ang mangkukulam na ito ah. Nagtatanong lang naman ako. Ayuko magtiwala dito pero wala akong magagawa, gawin niya na lang ang sinabi niya dahil kung hindi sasamain talaga siya sa'kin. Isa siyang slowist, may kakayahan siyang pabagalin ang kilos o ang paggalaw ng isang tao, hayop o bagay, malakas ang kapangyarihan niya pero hindi iyon uubra sa'kin. Merong mga kapangyarihan na pwedeng superior sa iba pero inferior naman ito sa iba, katulad sa kapangyarihan ko na illusion laban sa slow ni Andrew, mas lamang ako dahil pwede kong gamitan ng mental illusion si Andrew at ikulong siya sa sarili niyang isipan sa ganong paraan hindi nito magagamit sa'kin ang kapangyarihan niya. Ang illusion ko naman ay inferior sa kapangyarihan ni Frejim bilang seer, gamit ang kapangyarihan ni Frejim ay kaya niyang malaman kung ilusyon ang nasa paligid niya. Ang kapangyarihan naman ni Andrew ay superior sa kapangyarihan Frejim dahil hindi naman magagamit ni Frejim ang vision niya laban kay Andrew, samantala si Andrew pwede niyang gamitan ng slow si Frejim at bugbogin ito nang walang kalaban-laban.



Nakita kong namimitas ng dahon si Andrew sa mga munting halaman sa di kalayuan. Nang matapos ito sa ginagawa ay lumapit ito at inabot niya sa'kin ang ilang maliliit na piraso ng mga berdeng dahon, tinanggap ko ito sa aking kanang kamay.



"Ano ang mga dahon na'to? Anong gagawin ko dito?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ko.



"Iyan ang mga dahon ng hoiara, ito ang antidote ng rain gloomy flowers. Ito ang magpapalabas sa toxin na nasa sistema ni Maru. Nguyain mo at pagkatapos isubo mo sa kanya," simpling sagot ni Andrew.



Napanganga ako sa aking narinig, " Seryuso ka? At pano ako makakasiguro na hindi lason 'to?" Iyong totoo ay hindi ko iniisip na lason ang mga dahong nasa kamay ko, ang iniisip ko ay nakakadiri iyong pinapagawa niya.



"Isa akong warlock, likas na sa amin ang kaalaman sa paggawa ng mga potion at antidote, at baka sakali nakalimutan mo gusto ko lang eremind ka, ang lugar na ito ay harden naming mga Haven students. Ang mga halaman at mga puno dito sa paligid ay kabisado ko na ang mga pangalan kaya huwag mo akong pagdudahan."



"Pero..." nag-aalangan ako, segurado ba talaga siya na ito ang dapat gawin? "Hindi ba pwedeng durugin na lang ito sa kamay at isubo sa kanya?" sabi ko.



"Kung hindi mo kayang gawin ako na ang gagawa," sabi nito at inabot ang aking kamay para kunin ang mga dahon.



 Mabilis kong nilayo sa kanya ang kamay ko, "Ako na," medyo napipilitang sabi ko. Wala na akong choice, kahit na nakakadiri pero sige bahala na. Ako na ang gagawa kay sa naman ang laway ni Andrew ang matikman ni Maru, mamaya may rabies pa ito at maulol pa si Maru.



 Sinubo at nginuya ko ang dahon ng hoiara. Nalasahan ko ang magkahalong tamis at pait na katas nito. Ilang sandali lang at tuluyan ko nang nadurog ang mga dahon sa'king bibig, akma ko na itong idudura sa kamay ko nang pigilan ako ni Andrew.



"Oppppssss!!! Hindi mo pwedeng idura yan sa kamay mo, mawawalan nang bisa. Ilipat mo yan sa bibig ni Maru gamit ang bibig mo," sabi ni Andrew na seryuso ang mukha.



Natigilan at napanganga ako. Hindi ko alam kung pinagtitripan ako ng Andrew na ito dahil sa mga pinapagawa niya sa'kin. Hindi naman ako makapalag dahil wala naman ako sa posesyon para umangal. Ang tangi ko na lang na magagawa ay titigan ito nang masama. As if naman may iba pa akong option, ito lang ang mabilis na paraan para bumalik sa katinuan si Maru.



Binalingan ko si Maru na nakaupo at nakasandal sa puno, nakatulala pa rin ito, nakakulong ito sa isang ilusyon na siya lang ang nakakakita. Lumapit ako at lumuhod sa kanyang harapan. Hindi na ako nag-isip pa nang kung anu-ano at agad ko nang nilapit ang bibig ko sa bibig nito para ipasa ang dahon ng hoiara.  Lumapat ang labi ko sa labi ni Maru at sa unang pagkakataon naranasahan ko ang sinasabi nilang halik. Naramdaman ko ang malambot na labi ni Maru, ni sa panaginip ay hindi ko naisip na lalaki ang magiging first kiss ko. Pinasok ko ang aking dila sa loob ng bibig ni Maru para tuluyang mailipat dito ang dahon ng hoiara. Pumikit na lang ako at hindi na nag-isip pa, ang alam ko lang ay subrang bilis at lakas nang tibok ng aking puso. 



Ilang segundo ang lumipas at dumilat ako. Si Maru, sa pagkakataong ito ang mga mata niya ay nakatitig sa mga mata ko.


Continue Chapter 113