YYU - Chapter 101: Travis vs Lee

 


*** TRAVIS' POINT OF VIEW ***



Hindi ko alintana ang malakas na ulan at ang madilim na paligid, at gamit ang teleportation ay mabilis  at pasulpot-sulpot akong nakakalipat sa mga lugar na naaabut ng aking paningin. Mga ilang minuto na rin ang lumipas nang umapak ako dito sa war zone at simula nun ay wala pa akong nakaenkwentrong player o mob kahit isa man lang.

Ito ang final game, ang huling laro, ang huling pagkakataon para sa aming mga players na bumawi sa laban. Sa puntong ito alam kong ang bawat isa sa amin ay agresibo at gustong manalo lalo pa at idineklara ng head order na ang top 10 players ng final game na ito ang magiging pambato sa paparating na National Match at lalaban sa Highness University. Isang malaking karangalan at prebeliheyo kapag nakasama ka sa N'match dahil makakalaban mo ang mga Highness students. Hindi sila mga ordinaryong hiddens lang dahil sila ay mga Royals at mga Nobles, kabilang sila sa pinakamataas at pinakamaempluwensyang mga pamilya sa hidden society.

Kaya sino ba namang player ang ayaw makasali sa N'match? Feeling ko nga ay magiging individual game ang mangyayaring laban ngayong final game dahil sa National Match na iyon. Kung iisipin kasing mabuti kahit talo ang isang team kung ang isa o dalawang players  naman nito ay kabilang sa top 10 champions ng final game ay pasok pa rin sila sa National Match. Ang importante lang naman ay kung gusto mong makasali sa N'match ay dapat mong ipanalo ang iyong sarili sa huling laban na ito. At ako? Gusto kong makasali siyempre pero sa dami naming mga players na nagpapaligsahan ay walang kasiguraduhan kong may pag-asa akong mapabilang.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at nagteleport ako. At mula dito sa lugar na nilapagan ko ay may nakita akong isang player na naglalakad sa di kalayuan. Dala ng tuwa at excitement dahil ito ang kauna-unahang player na nakita ko ay hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad akong nagteleport sa harapan nito. At ganun na lang ang aking pagkagulat at pagkabigla nang makilala ko kung sino ito.

Siya si Lee Domstil ng Lunar, nasa 18 ang edad niya. Isa siyang pureblood at pinsan ni Matchu. Isa siyang meteor striker, malakas ang kapangyarihan niya, hindi lang malakas kundi nakakatakot pa.

Nakatayo siya mga dalawang dipa ang layo sakin at klarong-klaro sa aking paningin ang nakangiti niyang mukha. Ang mga ngiting iyon ay nakakaalarma, parang ngiti iyon ng panganib at peligro. Bigla akong nakaramdam ng kaba saking dibdib, parang gusto kong pagsisihan ang pagteleport ko sa lugar na ito. Gusto kong magteleport palayo at tumakas sa kanya pero ayukong gawin iyon dahil ayukong magmukhang duwag sa kanyang paningin. Alam kong malaki ang posibilidad na matalo ako oras na maglaban kami pero bahala na, hindi ako pwedeng umatras.

Ilang sandali kaming nagtitigan at napalunok ako ng laway ng dumapo ang paningin ko sa dalawang lalakeng players mula sa Fortis at Haven na nakadapa sa damuhan mga walong metro ang layo mula sa kanyang likuran. Doon ko lang din napansin ang mga natumba at naputol na mga puno at halaman sa paligid. Hindi ko na kelangan pang hulaan kung sino ang may gawa nun dahil batay sa lagay at itsura ng paligid ay mukhang binagsakan ito ng hindi mabilang na mga malalaking bato ng apoy.

Si Lee ay isang bampira at dahil hindi pa sumisikat ang araw kung kaya taglay niya ang subrang bilis at lakas. Masasabi kong matatalo niya ang dalawang players na nakadapa sa kanyang likuran nang hindi ginagamitan ng kapangyarihan pero sa mga nakikita ko ay hindi iyon ang nangyari. Klarong-klaro na pinaglaruan niya ang dalawang players gamit ang kapangyarihan niya.

Nakaramdam ako ng inis at galit. Ang sama ng ugali ng Lee Domstil na 'to.  Mapag-abuso siya. Oo, alam kong wala akong alam sa buong kwento sa nangyari sa pagitan niya at ng dalawang players pero malinaw sa akin na pinaglaruan niya ang mga ito gamit ang malakas niyang kapangyarihan.

Tinitigan ko siya ng matalim, "Ang sama mo!" hindi ko napigilan ang aking inis at kumawala iyon sa pamamagitan ng mga salita.

Nakita ko siyang ngumisi at umiling, "You mean Tonique?" aniya.

Kumunot ang noo ko at puminta sa aking isipan ang mga ginawa ni Tonique sa ibang mga players noong laban nito. Hindi ko alam kung bakit siningit niya sa usapan ang pangalan ni Tonique pero iyon siguro ay para gulohin ang isip ko. "No, it's you! Retard!" sabi ko.

"Me? Really? Well, if I remember Tonique used to manipulate the other players during his game. He manipulated them like puppets... So the bad guy here isn't me, it would be your friend Tonique."

Natigilan ako sa kanyang mga sinabi, oo may punto siya pero ibang usapan iyon. Alam kong mali si Tonique at hindi ako pabor sa ginawa nito. "You're worst." Sambit ko. Ayukong patulan ang mga sinasabi niya dahil mukhang gusto niya lang idivert ang isip ko sa isang bagay na makakaapekto sakin.

"Am I?" Aniya at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

Tumaas ang isang kilay ko, "Yes, you are," blankong tugon ko.

Muli siyang ngumisi, "Worst like this?" sabi niya sabay kumpas ng kanang kamay sa hangin.

Kasunod nun ay nakita ko ang aking sarili na gumulong sa basang damuhan para iwasan ang bumagsak at nagbabagang apoy na meteor na halos kalahati ng laki ko.


Continue Chapter 102