YYU - Chapter 64: The earth element symbol!

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Napaangat ako ng ulo habang nakadapa ako sa sahig at nakita ko kung pano tinalun ni Sirgel ang dilaw na bola sa harap ng painted score line sa east side ng battle ring para makagoal. Nagawa nitong makapuntos, one point na siya samantalang ako ay wala pa.



Napakuyom ako ng kamao, kakaasar! Bakit kasi sa lapad nitong battle ring doon pa sa harap ng painted score line kung saan maggogoal si Sirgel  nagteleport ang bolang yun. Nakakainis, two points na lang ang kelangan ni Sirgel at mananalo na siya.



Nananakit man ang katawan ko dahil sa pagtama ko sa barrier at pagbagsak ko sa sahig ay pinilit ko pa ring makatayo at umaktong ayos lang, hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan kay Sirgel. Nang makatayo na ako ng lubusan ay doon ko lang napansin na huminto sa paggalaw ang mga mobs na kasama namin sa loob ng battle ring. Nakafreeze ang mga ito ayon sa kanilang huling kilos pagkatapos makagoal ni Sirgel.



Napatingin ako kay Sirgel at napalingon naman ito sakin. Nagtama ang aming  mga mata at tulad ko ay narun sa mukha nito ang pagtataka dahil sa paghinto ng galaw ng mga mobs.



"One point for Sirgel Moxy of Fortis University!'



Naagaw ang pansin ko at napaangat ako ng ulo kay Crasnelia na nakalutang sa hangin sa taas ng battle ring na biglang nag-anunsyo sa pagkakapuntos ni Sirgel. Pinako ko sa kanya ang aking paningin at naghintay sa kanyang sunod na sasabihin.



"Activate first point effect." At biglang tumahimik ang loob ng coliseum dahil sa sinabing iyon ni Crasnelia. Nawala ang sigawan at sipol ng mga manonood mula sa pagkakapuntos ni Sirgel at ang lahat ay nag-aabang sa sunod na mangyayari sa loob ng battle ring.



Napakunot naman ako ng noo dahil sa narinig mula kay Crasnelia, activate first point effect daw? Ano ang ibig nitong sibihin? May pagbabago ba sa laro dahil sa pagkakapuntos ni Sirgel?



At napabaling ang mga mata ko sa mga mobs. Hindi pa rin gumagalaw ang mga ito at ang dalawa sa kanila ay biglang naglaho. Isa sa kakampi ko at isa sa kakampi ni Sirgel, sina Phoebie at Travis. Ang apat na mobs naman na naiwan ay gumalaw at tumayo ng tuwid at nagteleport sa apat na sulok ng battle ring. Sina Kenver at Xenon ay nakapwesto sa magkabilang sulok ng east side ng battle ring kung saan ang terituryo ko at sina Tristan at Lilyu naman ay nasa magkabilang sulok ng west side kung saan doon naman ang terituryo ni Sirgel.



Ang daming surpresang nangyayari sa round na ito. One point na si Sirgel at kasalukayan ay may tig dadalawa kaming mobs na kakampi, lugi ako sa kanya dahil nakapuntos na siya at ngayon ay nabawasan pa ang kakampi namin.



Naglalaro sa isip ko kung bakit nakapwesto sa bawat sulok ng battle ring ang mga mobs. Hindi kaya magsisilbi silang goal keeper na dedepensa sa painted score line para mahirapan kaming pumuntos? Kung tama ang kutob ko, mukhang mahihirapan akong makapuntos ngayon.



"Players please go back to your position. Sirgel dahil ikaw ang nakapuntos ikaw naman ngayon ang magiging snatcher at si Shero naman ang magiging holder ng bola." Wika ni Crasnelia.



Kumilos ako at naglakad patungo sa gitna ng battle ring kung saan narun ang kulay dilaw na bilog na merung hati sa gitna na nagseseperate sa eastside at west side. Bago pa ako makarating sa gitna ay nakasalubong ko si Sirgel at initsa nito sakin ang hawak niyang bola, agad ko naman itong sinalo at mahigpit ko itong hinawakan sa aking mga kamay.



Nasa posisyon na kami ulit ni Sirgel. Nakatayo ako sa gitna ng battle ring sa loob ng dilaw na bilog samantalang nasa gitna naman si Sirgel ng west side ng battle ring kung saan ako maggogoal.



Humugot ako ng malalim na hininga at bumuga ng hangin. Dinama ko ang bola sa aking mga palad at lalong humigpit ang pagkakahawak ko dito. Hindi ko dapat sayangin ang pagkakataong ito na makapuntos, kelangan kong makagoal para mapantayan ang puntos ni Sirgel.



"Ting!! Ting!!! Ting!!! Ting!!!"



Tumunog ang bell at agad na akong tumakbo patungo sa west side ng battle ring. Nakita ko si Sirgel na tumakbo na rin at papasalubong sa akin, samantala nanatili namang nakatayo lang ang mga mobs sa kanilang mga pwesto.



Nakita kong tinaas ni Sirgel ang kanyang mga kamay habang tumatakbo at nakatitig sakin. Ginagamit niya ang kanyang kapangyarihan, umangat ang mga buhangin sa magkabilang gutter ng battle ring pati na rin ang mga buhangin na nakakalat sa sahig at parang buhay ang mga ito na gumalaw at naging solidong parang malaking lubid. Inatake ako ng buhangin pero hindi ako tinamaan dahil mabilis akong umilag ng pagulong sa sahig. Hindi pa ako nakatayo ay muling umatake ang buhangin kaya gumulong ulit ako.



Mabilis akong tumayo at binaling ko ang aking paningin kay Sirgel, minamanipula nito ang buhangin mula sa malayo. Magaling ang ginagawa niya, mukhang natuto na siya ng husto para hindi maabot ng kapangyarihan kong blood manipulation. Pero sa tingin ko nakalimutan nitong hindi lang blood manipulation ang kaya kong gawin.



Nakita kong muling gumalaw ang buhangin para atakihin ako at bago pa mangyari yun ay mabilis kong inipit sa kaliwa kong bisig ang bola na hawak ko at tinaas ko ang aking kanang kamay para kontrolin ang tubig na nasa kaliwang gutter ng battle ring kung saan malapit  sakin.      



Lumutang ang tubig sa hangin at agad ko itong minupula pasalubong sa buhangin ni Sirgel na aatake sakin. Nagsalubong ang dalawang elemento at humalo sa isa't isa. Nabasa ang buhangin ng tubig at dahil dun naging putik ito, bumagsak ito sa sahig. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at agad na akong tumakbo patungo sa direksyon ni Sirgel.



Sa pagkakataon ito ay hindi niya magagamit sakin ang kapangyarihan niya dahil basa ang mga buhangin. Habang tumatakbo ako patungo sa kanya siya naman ay nakatayo lang at nakatingin sa akin. Palapit na ako sa kanya, tinaas ko ang aking kanang kamay at ginamit ko sa kanya ang blood manipulation. Pinalutang ko siya sa hangin at hinampas sa kaliwang barrier ng battle ring pero hindi siya tumama doon dahil sinalo siya ng mga kadena ni Tristan na narun sa sulok.



Napatigil ako sa pagtakbo, nasa gitna na ako ng west side ng battle ring, malapit na ako sa painted score line. Pinalipat lipat ko ang aking paningin kina Lilyu at Tristan pati na rin kay Sirgel na nakababa na sa sahig ng ligtas mula sa ginawa kong pag-atake dahil sa pagligtas sa kanya ni Tristan. Pano ako makakapuntos kung nakabantay sina Tristan at Lilyu sa goal?



Hindi ako makakalapit sa painted score line hanggat hindi ko natutumba sina Tristan at Lilyu na nakabantay. Kelangan ko silang pabagsakin na dalawa, pero pano ko gagawin yun? Dalawa sila at ako lang ang mag-isa. Sige, bahala na.



Tumakbo ako palapit sa painted score line at nakita ko si Lilyu na biglang binalot ang katawan ng kuryente, hindi ito umalis sa kanyang kinatatayuan pero itinutok nito ang kamay sakin para atakihin ako ng kanyang kapangyarihan. Mukhang masama ito, siguradong bagsak ako sa sahig kapag tinamaan ako ng boltahe ng kuryente niya. Agad akong napalingon sa gawi ni Sirgel at Tristan na nasa sulok. Hindi na ako nagdalawang isip pa at mabilis kong ginamit ang blood manipulation kay Tristan at pinalipad ko siya patungo sa harapan ko para gawing pananggalang sa atake ni Lilyu.



Inatake ako ni Lilyu gamit ang kuryente niya at sakto namang naiharang ko sa aking harapan si Tristan kaya ito ang natamaan at hindi ako. Bumagsak sa sahig si Tristan at agad ko namang tinutok ang kanang kamay ko kay Lilyu at ginamit sa kanya ang blood manipulation. Hinagis ko siya sa kaliwang barrier, humampas siya roon at bumagsak sa sahig. Sa tingin ko hindi pa sapat yun kaya habang nakadapa ito sa sahig ay ginamit ko ulit sa kanya ang blood manipulation at muli ko siyang hinampas sa barrier, bumagsak ito sa sahig.





*** SIRGEL'S POINT OF VIEW ***



Dalawang beses na hinampas ni Shero si Lilyu sa barrier, mukhang siniguro nito na hindi na makakatayo si Lilyu. Si Tristan ay bagsak naman sa sahig dahil sa atake ni Lilyu na siya ang sumalo. Mukhang hindi ko sila maasahan na dalawa ngayon. Pano ko lalabanan si Shero, wala akong buhangin na magagamit para pang-atake?



Kung hindi ko magagamit ang kapangyarihan ko edi manu-mano na lang. Kumilos ako at mabilis kong tinakbo ang direksyon ni Shero na ang atensyon ay nasa kay Lilyu na nakadapa sa sahig. Tinalunan ko si Shero at dinaganan, bumagsak kaming pareho sa sahig at nabitawan nito ang bola. Mabilis akong kumilos at pinaibabawan ko siya habang siya ay nakatihaya. Isang suntok ang agad na pinakawalan ko sa kanang pesngi nito at sinundan ko pa ito sa kaliwa pang pesngi niya.



Isang suntok pa sana ang papakawalan ko ng saluhin nito ang kanang  kamao ko at hinawakan ako sa damit gamit ang isa niyang kamay at pwersahan akong tinumba sa sahig, gumulong ako sa sahig at nagkapalit kami ng posisyon. Siya naman ang pumaibabaw sakin, isang suntok ang pinakawalan niya sa kaliwang pesngi ko at naramdaman ko na lang na bigla niya akong sinakal.



"Shero tama na hindi ako makahinga..." Kinakapos sa hangin na sabi ko.



Pinipilit kong tanggalin ang kamay ni Shero sa leeg ko pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng hawak niya, para na akong mauubusan ng hangin. At bigla ko na lang naramdaman na uminit ang mga kamay ni Shero sa leeg ko, parang hinihigop niya ang lakas ko. Napatingin ako sa mukha niya at nakita kong biglang umitim ang buong mata nito at nakita kong may lumabas na simbulo sa noo nito na kulay itim rin. Ang simbulong iyon ay nakikita ko sa aking kanang palad sa tuwing araw ng kapanganakan ko. Iyon ang simbulo ng earth element, bakit lumabas ang simbulong iyon sa noo ni Shero na isang aquaist?



"Shero.. Pakiusap... Hindi ako makahinga..." nahihirapang pakiusap ko dito at nakita kong bumalik sa normal ang kanyang mga mata at nawala ang simbulo ng earth element sa kanyang noo. Lumuwag rin ang pagkakahawak niya sa leeg ko at nawala rin ang init sa kanyang mga kamay. Tinanggal nito ang kamay niya sa leeg ko at bigla na lang itong bumagsak sa sahig.


Continue Chapter 65