My Soulmate (BL)



Huling gabi ng septyembre. Tulad ng mga nagdaang mga gabi ay bumuhos ang malakas na ulan na hindi naman nagtagal at tumila rin. Tila dumadaan lang ito para diligan ang mga puno't halaman sa paligid. Natatanaw ko pa ang bakas nito sa lupa mula sa bukas na bintana ng aking silid sa ikalawang palapag ng aming bahay. Mamasamasa rin ang ibang parte ng sementong daan sa kalye na dahilan para puminta dito ang repleksyon ng liwanag ng mga ilaw sa mga poste sa kalagitnaan ng kadiliman ng gabi. Bukod pa doon dahil sa ulan lumamig ang dampi ng hangin at ng buong kapaligiran. Masarap matulog kapag ganun pero ewan ko ba at kalaliman ng gabi pero hindi ako dalawin ng antok.

At heto nga ako nakamasid sa kadiliman ng gabi. Nakataw sa malayo. Blanko ang pag-iisip at iniinda ang malamig na dampi ng hangin na nanunuot sa aking balat. Tahimik ang paligid, walang ingay kahit sa mga mumunting insekto. Halos marinig ko na ang pintig ng aking puso dahil sa nakakabinging katahimikan. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko kasabay ng paglingon sa malaking bilog na relo na nakasabit sa dingding ng aking kwarto. Hindi ko namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras, mag-aalas dos na pala ng madaling araw. Halos isa't kalahati rin ang ginawa kong pagtayo dito sa tabi ng bintana. Wala naman akong ginawa kundi tignan ang ilaw sa mga poste, ang tumitig sa malayo na wala namang maaninag kundi ang dilim.

'Oras na para matulog.' Bulong ko sa isip ko. Akma ko ng isasarado ang bintana ng isang itim na kotse ang umagaw sa atensyon ko. Huminto ito sa tapat ng pulang gate ng malaking bahay sa kabilang daan na kaharap naman ng bahay namin. Isang busina ang sunod kong narinig at bumukas ang bintana ng kotse sa likuran. Isang binatilyo na kaedad ko ang nakita ko roon. Nakatingin siya sa direksiyon ko. Nakatingin siya sa akin.

Umihip ang malamig na hangin automatikong pumalupot ang mga magkabila kong braso sa harap ng aking dibdib. Sa sandaling iyon parang binalot ng ginaw ang buo kong katawan. Mabilis akong kumilos at sinarado ang bintana at tinakpan ito ng kurtina.

Ang binatilyong iyon... Merong kakaiba sa kanya. Kahit malayo siya sakin, nababasa ko sa mukha niya ang pagtataka habang nakatitig sakin. Pagtataka ba iyon o pagkasurpresa? Alin man sa dalawa ay hindi ako sigurado.

Kinabukasan ng umaga ay sabado. Walang pasok. Alas nuebe pa lang ay pumunta na ako sa ilog. Ito ang lugar na paborito kong puntahan. Gusto-gusto ko dito dahil tahimik, malinis at presko ang paligid. Nasa dulo ito ng subdivision, walang may naliligaw na ibang tao dito maliban sa akin.

Hinubad ko ang aking tsinelas at iniwan sa damuhan. Lumusong ako sa malinaw at malamig na tubig na hindi naman umabot sa tuhod ang lalim. Pumwesto ako sa malaking bato sa lilim ng malaking puno ng hindi ko alam kung ano ang tawag. Dito mismo sa lugar na ito ko dinadala ang mga libro na gusto kong basahin, minsan kung hindi naman ako nagbabasa ay dito lang ako at nakikinig ng music sa luma kong mp3.

Sinimulan ko ng basahin ang aklat na dala ko na hiniram ko pa sa school library namin. Pagkatapos ng isang pahina, sunod naman. Pauli-ulit. Nakailang pahina na ako ng...

"hi...??" narinig ko mula sa aking likuran. Muntik akong mapatalon dahil sa gulat. Ito ang unang pagkakataon na may ibang taong nagawi sa lugar na ito. At hindi ko inaasahan iyon. Mabilis akong bumaba sa kinuupuan kong bato para sinohin ang nagsalita.

Tumayo ako at humarap dito at isang ngiti ang sumalubong sa akin. Isang binatilyo, gwapo, matankad, balinkinitan at maputi. Saglit akong natigilan, siya ang binatilyo na nakita ko kagabi na nakasakay sa kotse. Anong ginawa niya dito? Bakit siya naririto?

"Anong..?" naputol na tugon ko. Masyadong akong nakatutok sa libro na binabasa ko kung kaya hindi ko namalayan ang kanyang paglapit.

"Sorry, mukhang nagulat yata kita." Mabilis na paghingi niya ng paumanhin. May pag-aalala sa tuno ng boses niya marahil iniisip niya na baka magalit ako.

"Hindi. Okay lang 'yun." Sabi ko.

Muling gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi . "Ako nga pala si Oliver." Inilahad niya ang kanyang kanang kamay sakin. Inabot ko iyon, at nagkamustahan kami.

"Kim ang pangalan ko." Isang matipid na ngiti ang sinukli ko sa kanya.

"Ang ganda dito 'no?" sabi niya pagkuwan habang palinga-linga sa paligid.

"Oo talagang maganda dito." Sagot ko naman, napangiti ako ng tuluyan ng madako ang mga mata ko sa paa niya. Tinitigan ko siya sa mukha at nakita ko ang pagsalubong ng kanyang mga makakapal na kilay.

"May dumi ba sa mukha ko?" maang na tanong niya sabay haplos ng dalawang palad sa kanyang pisngi.

Umiling ako, "Wala naman... Bakit ka lumusong sa tubig ng nakasapatos? First time mo ba na makakita ng ilog?" at pigil akong tumawa.

Napangiti na rin siya, "Ha? ano... nadala lang sa ganda ng ilog." tugon niya.

Simula ng araw na iyon ay naging magkaibigan na kami ni Oliver. Siya ang naging kauna-unahan kong kaibigan sa subdivision namin at ako rin ang naging kauna-unahan niyan kaibigan dito. Hindi ko alam kung bakit mabilis kong nakagaanan ng loob si Oliver, siguro ay dahil mabait siya. Pero bukod pa doon marami kaming pagkakatulad sa mga interest, sa mga gusto at mga hindi namin gusto. Parang matagal ko na siyang kakilala. Parang nagkasama na kami dati pa.

Lumipas ang mga araw at linggo. Naging solid ang pagkakaibigan namin ni Oliver. Lalo ko siyang nakilala at ganun din ako sa kanya. Tuwing walang pasok ay pumupunta ako sa kanilang bahay at minsan naman pumupunta rin siya samin. Forth year high school ako at siya naman first year college na dapat pero huminto siya.

Isang gabi ng sabado. Malakas ang ulan at binalita sa TV na may bagyo daw. Mag-aalas dose na kung kaya nakahiga na ako sa aking kama. Patay ang ilaw sa aking silid at naghahari ang kadiliman. Malakas na pagbuhos ng ulan ang maririnig sa labas, kulog, kidlat at nakakatakot na bugso ng hangin.

Wala sa nakakatakot na bagyo ang isipan ko. Nasa kay Oliver. Hindi ko alam kung bakit siya ang laman ng isip ko. Mula kanina siya lang ang tumatakbo sa isip ko at may kasamang kaba iyon. Habang nakahiga ako parang hindi ako mapakali. Nababahala ako para kay Oliver. Ewan ko basta iyon ang nararamdaman ko. Nagtext na ako kanina sa kanya ng good night pero hindi siya nagreply, marahil siguro nakatulog siya ng maaga. Pabalikwas ako ng higa, patagilid, padapa, at patihaya, hindi ako makatulog.

Tumunog ang celphone ko, mabilis kong binuksan ito. "I miss you. I wish you're here beside me." Text mula kay Oliver.

Mabilis akong nagreply, "Okay wait for me, I'll be there ASAP."

Mabilis pa sa alas kwatro ay nilusob ko ang malakas na ulan para makarating sa bahay nila Oliver. Pakiramdam ko kasi magkakasakit ako kapag hindi ko siya pupuntahan. Nararamdaman kong natatakot siya at kelangan niya ako. Basang-basa ako ng makapasok sa bahay nila pero alam ko na na mangyayari 'yun kaya nagdala ako ng ekstrang damit sa aking bag.

Dumiretso ako sa kwarto ni Oliver. Mula sa liwanag ng lampshade table ay nakita ko siyang nakaupo sa kama, balot ng kumot ang katawan at nakayakap sa malaking unan. Mabilis akong lumapit sa kanya at kahit basa ako ay mahigpit ko siyang niyakap. Doon lang para siyang bumalik sa sarili.

"Huwag ka ng matakot nandito na ako." Bulong ko sa tenga niya. Meron siyang astraphobia. Phobia sa kulog at kidlat.

Nagpalit ako ng damit at pagkatapos ay mabilis kong tinakpan ang bintana ng makapal na kumot na nahagilap ko sa kanyang cabinet. At isinuot ko sa kanya ang earphone na dala ko. Isa lang ang kantang naroon sa luma kong mp3 pero masmabuti na iyon ang paulit-ulit niyang marinig kesa sa kulog na kanyang kinakatakutan.

Magkatabi kaming humiga, nakaakap ako sa kanya at magkasalo sa isang kumot. Magkaharap kami at ilang pulgada lang ang layo ng mukha ng bawat isa. Damang-dama ko ang mainit niyang hininga. Nakatitig lang kami sa mga mata ng bawat isa. Nakikiramdam.

"Chasing Cars. Gustong-gusto ko ang kantang ito." Narinig kong sabi niya. Akmang magsasalita na ako para tumugon ng bigla niyang ilapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Isang halik. Napapikit ako. Tumutugon. Masarap. Matamis. Nakakalunod. Pakiramdam ko para akong nasa paraiso ng mga anghel. Ito ang una kong halik at gusto ko ito. Gustong-gusto.

Hindi ako pwedeng tumanggi sa halik ni Oliver. Ilang gabi ko ring inisip at napanaginipan ang tagpong ito. Tama, napapanaginipan ko ito. Si Oliver bago ko pa siya makilala laman na siya ng panaginip ko.

Ang isang matamis na halik ay lumalim at nangyari ang gusto naming mangyari. Isang pagtatalik sa pagitan ko at ni Oliver. Animo'y parang tumigil ang bagyo, naging paraiso ang paligid. Maririnig ang mga huni ng mga ibon. Nagliliparan ang mga sari-sari at magagandang paru-paro na palipat-lipat sa mga makukulay na mga bulaklak. Malaki at bilog ang buwan na nakatunghay sa aming hubad na katawan.

Pakiramdam ko ay buong-buo na ang pagkatao ko. Parang natagpuan ko na ang kalahating parte ng buhay ko. Labis na kaligayahan ang umaapaw sa puso ko. Aminin ko man o hindi mahal ko si Oliver una ko pa lang siyang Makita.

"I love you Oliver." Wika ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"I love you too Kim." Tugon niya at ginawaran ako ng isang banayad na halik sa labi.

Inabot niya sa akin ang isang earphone. Nilagay ko ito sa aking tenga at sabay naming pinakinggan ang paborito naming kanta.

"Chasing Cars"

We'll do it all

Everything

On our own

We don't need

Anything

Or anyone

If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me and just forget the world?

I don't quite know

How to say

How I feel

Those three words

Are said too much

They're not enough

If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me and just forget the world?

Forget what we're told

Before we get too old

Show me a garden that's bursting into life

Let's waste time

Chasing cars

Around our heads

I need your grace

To remind me

To find my own

If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me and just forget the world?

Forget what we're told

Before we get too old

Show me a garden that's bursting into life

All that I am

All that I ever was

Is here in your perfect eyes, they're all I can see

I don't know where

Confused about how as well

Just know that these things will never change for us at all

If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me and just forget the world?

Ang tagpo ng gabing iyon ang naging daan para malaman namin ni Oliver ang damdamin ng bawat isa. Mahal namin ang isat-isa. Nagmamahalan kami. At isang relasyon ang nabuo sa aming dalawa. Saya at matamis na ngiti ang makikita sa mga labi namin kapag magkasama kami.

Isang araw nagpaalam ako kay Oliver na aalis muna dahil sasama ako sa school fieldtrip sa Cebu. Apat na araw at tatlong gabi ang fieldtrip, masyadong mahaba iyon. Ayaw ko sanang sumama pero wala akong choice dahil isa iyong requirement para sa lahat ng gagraduate.

Dumating ang araw ng fieldtrip. Maaga pa lang ay nasa school na kaming mga estudyante dahil maaga ang flight papuntang Cebu. Hindi ko na nagawang makita si Oliver ng araw na iyon at isang mensahe na lang ang pinadala ko sa kanya para magpaalam.

Nag-eenjoy ang mga kaklase ko at ibang mga senior sa fieldtrip maliban sa akin. Bandang tanghali pagkatapos ng pananghalian ng biglang sumama ang pakiramdam ko. Nahihilo at medyo sumasakit ang ulo ko. Kinakabahan ako at hindi mapalagay. Siguro dala ito ng byahe kaya ako nagkaganito pero bakit ganun, sumasagi sa isip ko ang larawan ni Oliver. Katulad rin ito noong gabi na may bagyo. Kailangan kong malaman ang kalagayan niya, kanina pa ako ng umaga nagtext sa kanya pero hindi pa rin siya nakakapagreply.

Kinuha ko ang aking celphone at mabilis na nagtext kay Oliver. "Kamusta? Ano gawa mo ngayon? Text ka naman mimiss na kita."

Ilang saglit lang at natanggap ko kaagad ang reply niya. "Ito ok lng. Kinig lng me ng music habang iniisip ka. Enjoy ka lang diyan at huwag mo akong aalahanin ayos lng ako dto. Miss na din kita."

"Oyy.. Iniisip nya ko, Sweet naman ng bebe ko. Bebe ko Pano me mag-eenjoy eh wla ka?. Sana dito ka para masaya."

"Tandaan mo hanggat nasa puso mo ako at ikaw nasa puso ko ay palagi tayong magkasama. Smile ka na diyan bebe ko. I love you. Muahhh."

Napangiti ako at nagreply, "Ayan smile na ako. I love you too bebe ko. Muahh!"

"Sige enjoy ka na diyan. Pakabait ka. Love you."

"Opo. Pakabait ako dto. Pakabait ka din dyan. Love you."

Pagkatapos kong masend ay sakto namang tinawag na kami ng teacher namin para sa susunod na activity na nasaschedule para sa araw na iyon. Hindi na rin nakapagreply si Oliver.

Bandang alas nuebe na ng gabi ng makabalik kami ng hotel para magpahinga. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit para matulog. Masyado akong napagod ngayong araw. Humiga ako sa kama at binuksan ang aking celphone. Walang mensahe. Hindi dumadaan ang bawat gabi na hindi kami nagtetext ni Oliver bago matulog. Lalo pa ngayon malayo kami sa isa't-isa hindi pwedeng walang text.

"Gandang gabi. Musta ang bebe ko?" text ko kay Oliver.

"Hindi masyadong ok." reply niya.

"Kit naman? Msama ba pakiramdam mo?"

"Sorry di na kita nahintay. Take care always. I will miss you. I love you very much Kim. "

Dalawang beses kong binasa ang message niya. Kinakabahan, mabilis ang tibok ng puso. Sorry di na kita nahintay? Anong ibig niyang sabihin? Makikipag break siya sakin?

"Sorry? Bakit ka nagsosorry? Nagugulohan ako please explain. May problema ba tayo?" mabilis kong reply sa kanya na puno ng katanungan. Gusto kong malaman kung para saan ang sorry na 'yun.

Dumaan ang mga minuto, kalahating oras at isang oras walang reply mula sa kanya. Masmaganda kung marinig ko galing sa bibig niya ang ibig sabihin ng mensaheng iyon. Dinaial ko ang numero niya para tawagan pero wala. Hindi ko siya macontact, naka-off ang celphone niya.

Masama ang loob ko. Masikip ang dibdib ko parang hindi ako makahinga. Anong ibig niyang sabihin sa text niyang iyon. Malabo. Nagugulohan ako. Naghahalong emosyon ang tumatakbo sa puso ko, naiinis, napipikon, nalulungkot at nadudurog. Hindi ko na napigilan na pumatak ang luha ko. Alam ko ang nais niyang iparating sa mensahing iyon, nagpapaalam siya sakin. Iiwan niya na ako. Pero bakit? Wala akong may naaalalang ginawang mali sa kanya para magkaganito kami. Siguro nagsasawa na siya sa relasyon namin, kapag ganun sige tatanggapin ko. Pero hindi sa ganitong sitwasyon na malayo ako. Kailangan naming mag-usap pagbalik na pagbalik ko.

Kinabukasan hindi ko na inisip ang mensaheng iyon ni Oliver. Umakto ako na parang walang nangyari, na katulad pa rin kami ng dati bago ang field trip. Pagkagising na pagkagising ko tenext ko kaagad siya ng good morning. Nung magtanghali tenext ko na naman siya at kinagabihan tenext ko ulit siya. Nagpadala ako ng magagandang quotes pero wala, wala akong natanggap na reply kahit isa galing sa kanya. Hindi ko na matiis ang pambabaliwala niya sa mga text ko kaya tinawagan ko siya pero katulad kagabi hindi ko siya macontact. Nakapatay ang celphone niya. Wala akong magagawa kung ayaw niya akong kausapin. Siguro nga dapat akong maghintay hanggang sa muli naming pagkikita.

Mabilis na dumaan ang mga oras ng sumunod na araw. Hindi na ako nagtext kay Oliver dahil siguradong hindi naman siya rereply. Bukas ay matatapos na ang fieldtrip at makakauwi na ako, sa mga sandaling iyon makakausap ko na siya.

Nang gabing iyon isang mensahe ang natanggap ko kay Oliver. Hindi ko inaasahan iyon at kahit papano ay natuwa ako. Isang address ang tenext niya sakin, gusto niyang doon ko siya puntahan bukas pag-uwi ko. Isang simpling, "Ok" naman ang reply ko.

Kinabukasan mga bandang alas diyes na ng gabi ng makauwi ako ng bahay galing fieldtrip. Walang tao sa bahay at kahit maging kina Oliver ay wala din. Pagod ako sa byahe pero hindi ko na inintindi iyon dahil gusto kong makita at makausap si Oliver. Inayos ko ang aking sarili at pagkatapos ay nag-abang ng taxi sa labasan. Nang makasakay na ako ay nagpahatid ako sa binigay na address ni Oliver.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa muli naming pagkikita. Hindi ko alam kung pano ko siya pakikitungohan pagkatapos ng ginawa niyang pambabaliwa sa mga text ko. Ito na ba talaga ang pagtatapos ng relasyon namin? Ayuko. Pero kung gusto niya na makipaghiwalay sakin wala akong magagawa kundi tanggapin iyon. Kailangan kong magparaya sa taong mahal ko. Kung kalayaan ang hihilingin niya sakin, para sumaya siya ay ibibigay ko kahit kapalit pa nito ay kalungkutan para sa akin.

Isang chapel ang pinaghintuan ng taxi. Pagkatapos magbayad ay bumaba na ako at naglakad papasok sa loob. Maraming tao sa loob ng chapel. Mga mukhang hindi ko pa nakikita at doon sa unahan ng upuan nakita ko sina mama at papa na kausap ang mga magulang ni Oliver. Wala sa kanila ang atensiyon ko kundi sa puting kabaong na nasa gitnang unahan na napapalibutan ng mga bulaklak. Sa ibabaw ng kabaong nakapatong ang isang frame. Naroon ang larawan ni Oliver na tipid na nakangiti.

Dahan-dahan akong lumapit sa kabaong. Binabalot ng lungkot ang aking puso at nagsimulang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Masaganang dumaloy ng mga ito sa aking pisngi. Si Oliver nakahimlay sa loob ng kabaong. Natutulog at wala ng buhay.

"Kung ganun ito pala ang ibig sabihin ng mensahe mo Oliver... Na hindi mo na ako mahihintay dahil mawawala ka na sa akin habang buhay..." nasabi ko habang hilam sa luha ang aking mga pisngi at nakatingin sa nakapikit na si Oliver. Iniwan niya na ako. Hindi ko na siya makakasama sa mga susunod na oras, mga araw, linggo, buwan, taon at kahit kalian pa man. Labis na sakit at kalunkutan ang namamayani sa aking puso. Bakit mo ako iniwan Oliver?

Habang tahimik akong lumuluha at dinadama ang sakit sa aking puso ay lumapit sakin ang mama ni Oliver. Inabot nito sa akin ang itim na journal ni Oliver. Kinuha ko iyon ay dinala sa aking dibdib.

Makalipas ang apat na araw ay inilibing na si Oliver. Saktong mag-aalas tres ng ihatid siya naming mga nagmamahal sa kanya sa huli niyang hantongan. Nang matapos ang libing ay unti-unting nagsiuwian ang mga tao hanggang sa ako na lang ang maiwan.

Mag-aalas singko na pero nanatili pa rin ako. Naghihintay sa wala. Nakatingin sa lupang pinaglibingan sa taong una kong minahal. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Pero kailangan kung tanggapin iyon. Namatay si Oliver dahil sa cancer sa utak. Siguro sinekreto niya sa akin ang sakit niyang iyon dahil ayaw niyang masaktan ako, mag-alala. Kung ano man ang dahilan niya na huwag ipaalam ang kalagayan niya sakin ay siya lang ang nakakaalam at naiintindihan ko iyon.

Namatay siya noong unang gabi ng fieldtrip ko sa Cebu. Noong mismong oras ng humingi siya ng paumanhin dahil sa hindi niya na ako mahihintay. Iyon ang oras na binawian siya ng buhay. Sa mga sandaling iyon nasa ICU siya, kaya malabong makapagpadala siya ng mensahe para sakin. Pero nagawa niya, nagawa niyang magpadala ng mensahe at magpaalam sakin. Siya rin ang nagbigay ng address sakin kung saan ko siya makikita, kung pano nangyari 'yun ay hindi ko alam.

Hindi ko sinabi kahit kanino ang mga nangyari. Nang tanungin ko naman ang mga magulang ni Oliver kung nasaan ang celphone nito ay sinabi nilang nasa kwarto lang nito at hindi nagagalaw. At doon sa ilalim ng unan ay nakita ko nga ang celphone niya. Naka-off ito at ng buksan ko para suriin, naroon pa sa sent items ang mga huling text niya sakin. Sinabi ko sa mga magulang ni Oliver na isama sa kabaong niya ang kanyang celphone at pumayag naman ang mga ito.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at tumitig sa langit. Tahimik na si Oliver ngayon. Kasama niya na ang Tagalikha.

Bumaba ang mga mata ko sa hawak-hawak kong journal na pag-aari ni Oliver. Hindi ko pa ito nagawang buksan simula ng ibigay sa akin ng mama niya. Puno ng katanungan ang aking isip kung ano ang laman niyon. At para masagot ang lahat ng aking iniisip ay binuksan ko iyon. Sa unang pahina ay nakalagay ang masayang larawan naming dalawa. Kasunod niyon ay ang essay tunkol sa "soulmate". Binasa ko at naging klaro sa akin ang lahat. Ang mga panaginip ko tunkol kay Oliver bago ko pa siya makita, ang pagiging magaan ng loob ko sa kanya, ang pagkahilig naming pareho sa maraming bagay, at ang pagmamahal namin sa bawat isa.

Hindi simpling love story lang ang namamagitan sa amin ni Oliver. Iyon ay isang bawal na pag-ibig sa mata ng mga tao at relihiyon. Pero sa pag-ibig walang mali, nagiging bulag ang puso kapag nagmahal at iyon ang nangyari sa mga puso namin ni Oliver. Ako si Kim John Buenafente at minahal ko si Oliver Gamboa. Lalake ako at nagmahal ako sa kapwa ko lalake. Kailangan ko bang intindihin ang iisipin at sasabihin ng iba tunkol sa nararamdaman ko sa taong mahal ko? Nagmahal ako at sinuklian ng taong mahal ko ang pag-ibig ko, wala kaming sinaktan at iyon ang importante. Hindi ko rin sinasabing tama ako pero hindi na iyon mahalaga sa dalawang taong buong pusong nagmamahalan. Katulad sa paborito naming kanta ni Oliver, We'll do it all everything on our own. We don't need anything or anyone. Forget what we're told, before we get too old, show me a garden that's bursting into life.

Sabi nga nila, "Love is love. No matter with whom.". Kaya sundin ang tinitibok ng puso, hindi importante kung sino, hindi iportante kung babae ba o lalake ang dapat mong mahalin. Walang mali, walang tama, bulag ang pag-ibig kaya lahat pantay.

Si Oliver ang soulmate ko. Siya ang taong kabiyak ng pagkatao ko. Hindi man kami nagkasama ng matagal, sa susunod na buhay alam ko magkikita ulit kami at magkakasama.


WAKAS!!!

Soulmate- (Ouspensky) Irresistible force which attracts inwardly related types to one another, types of whom nothing can part and nothing can prevent from striving towards each other. When such types meet, the result is a case of ideal and eternal love. Soulmates need not to be of opposite sex.

Undas (Horror)