Unreal Innocence (Vampire)



Tahimik na tinatanaw ng estudyanteng si Tricia ang kapaligiran habang nakaupo sa bench sa kanilang paaralan, pinagmamasdan niya ang madilim na kalangitan. Nagpakawala siya ng buntong hininga tiyak na uulan na naman mamayang hapon, nitong buwan ng Pebrero ay sunod-sunod na ang pagdating ng ulan.

Mula sa kanyang kinaroroonan ay natanaw niya ang kanyang best friend na si Cathlyn, dati sila ang parating magkasama nito pero ngayon ay iba na ang mga kaibigan nito. Wala rin siyang magagawa dahil ito ang gusto nitong mangyari, ang hindi sila magkibuan at magpansinan.

"Tricia," tawag sa kanya ni Zoy, napalingon siya dito may dala itong dalawang juice at dalawang burger.

Si Zoy ay boyfriend niya at ito ang dahilan ng paglayo at pag-iwas sa kanya ni Cathlyn, dalawang buwan na ang nakaraan simula ng mangyari iyon. Ito ang katunggali ni Cathlyn sa kanilang klase sa forth year. Sa nagdaan na first at second grading ito ang naging top one sa klase, ang leading sa titulo ng pagiging valedictorian pero ng maging sila ay naging top two na lang ito.

Umupo sa kanyang tabi si Zoy at binigay sa kanya ang dala nito, "Salamat" aniya.

"Oh bakit parang malunkot ka?"

"Wala naman, namimiss ko lang si Cathlyn."

"Don't worry magkakabati rin kayo, nagegeguilty ako kapag nakikita kitang malunkot. Ako ang dahilan ng paglayo niyo sa isa't isa." Saad nito, nakatitig ito sa kanya at malunkot ang mukha.

Bahagya siyang ngumiti dito, "Huwag na nating pag-usapan iyan, kumain na lang tayo." wika niya.

Ngumiti si Zoy sa Kanya, "Tama nagugutom nako." Tugon nito sabay kagat sa burger na hawak, nginitian niya lang ito.

Habang kumakain ay bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari noon bago pa sila naging malapit ni Zoy.

Isang hapong noon pagkatapos ng klase ay nagpaiwan siya sa library upang magresearch sa kanyang report sa Physics. Sakto namang pagkatapos niyang magresearch at nakalabas na ng paaralan ng bumagsak ang malakas na ulan at dahil wala siyang payong ay napatakbo siya sa malapit na waiting shed. Sandali siyang natigilan ng makita si Zoy na naroon at sumusilong din. Bagamat kaklase niya ito ay hindi sila nito nagkikibuan at nag-uusap. Tahimik lang siya habang pinapanood ang pagbagsak ng ulan. Nagulat na lang siya ng magsalita ito pagkaraan at nagtapat sa nararamdaman nito sa kanya. Tinanong siya nito kung papayag siyang magpaligaw, at dahil crush niya din ito ng lihim ay pumayag siya.

Kinabukasan habang kumakain sila ni Cathlyn ng lunch sa canteen ay ikinuwento niya rito ang nangyari . Sumilay ang mga ngiti nito sa mga labi habang nagkukwento siya, at isang paki-usap ang narinig niya mula rito na hindi niya natanggihan.

Sumunod na araw ay nadatnan niya na lang na nakaupo na sa ibang silya si Cathlyn. Hindi na siya nagulat kung bakit iyon ginawa ng kanyang bestfriend, hinayaan niya na lamang ito. Simula ng araw na iyon ay hindi na sila nagkibuan at nagpansinan sa paaralan.

Lumipas ang mga araw, at sa mga araw na nagdaan ay si Zoy ang palagi niyang kasama. Tuwing hapon ay hinahatid siya nito sa kanilang bahay. Mayaman ang pamilya ni Zoy samantalang mahirap naman sila, nakapasok siya sa pribadong paaralan ng Saint Joseph Academy sa Valenzuela dahil sa tulong ng ama ni Cathlyn na magkaroon siya ng scholarship. Naging magkaibigan sila ni Cathlyn dahil nagtatrabaho ang kanyang ina bilang labandera sa pamilya nito. Wala siyang ama na sumusuporta sa kanila pero hindi naging mahirap ang buhay sa kanilang mag-ina dahil sa tulong ng pamilya ni Cathlyn, malaki ang utang na loob nila sa mga ito.

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan na hindi sila nagpapansian ng kaibigan, pero lalo namang napalapit ang loob niya kay Zoy na kanyang kasintahan. Dumating ang buwan ng desyembre ang punto kung kailan nagpaalam si Zoy na aalis kasama ang pamilya na pupunta sa ibang bansa para doon magpasko. Pero bago ito tuluyang umalis ay isang silver necklace ang binigay nito sa kanya na may pendant ng pangalan niya. Isang simpling keychain dando naman ang binigay niya dito. Bagama't simpli at mumurahin ang bigay niya ay tuwang tuwa naman ito dahil paborito nito si Danbo at iyon ay galing sa kanya.

Dumating ang pasko at bagong taon na hindi sila nagkita ni Zoy pero naging masaya naman siya dahil hindi nito nakaligtaan na tawagan siya at batiin. At noong pag-uwi nito sa bansa isang pasalubong na naman ang sinurpresa nito sa kanya, binigyan siya nito ng silver bracelet na may initials ng mga pangalan nilang dalawa.

Bumuntong hininga si Tricia at bumalik sa kasalukuyan ng tumunog ang bell, kay bilis ng mga araw na parang hindi man lang niya namalayan. Ilang araw ng lang at ga-graduate na sila.

Kinabukasan ng huwebes habang papauwi sila ni Zoy ay niyaya niya itong manood ng sine.

"Zoy gusto ko manood ng movie, 'yong Lightning Thief." aniya.

"Trish ipagpaliban na muna natin 'yan, bukas long test natin. Kelangan pa nating mag-aral." Anito.

Sumimangot siya, "Ganun? Simpli lang naman hinihiling ko di mo pa mapagbigyan? Noong monthsary natin di tayo nakapagpasyal. Sige okay lang kung ayaw mo, maiwan na kita... Manunuod na lang akong mag-isa." Aniya at tinalikuran ito.

Mabilis na hinawakan ni Zoy ang kamay niya, "Oh sige na, sasamahan na kita." Di nakatiis na sabi nito.

Binalingan niya ito at ngumiti, " Ang bait talaga ng bf ko."

"Mahal na mahal kita trish na kahit anong hilingin mo gagawin ko..." tugon nito, at nasunod nga ang gusto niyang mangyari. Umuwi silang dalawa gabing-gabi na.

Biyernes ng hapon katatapos lang ng long test, nagbabasa ng aklat ang best friend ni Zoy na si Bryan sa library ng makita nito si Cathlyn na pumasok sa loob. Tahimik at palihim niya itong sinundan sa isang sulok, nagulat siya ng pagtingin sa dulo ay nakita si Tricia na naghihintay. Nagtaka siya dahil sa pagkakaalam niya hindi nagpapansinan ang dalawa. Tahimik at patago siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito para hindi makita. Gusto niyang marinig ang pag-uusapan ng mga iyon. Nang tuluyan siyang makalapit ay kinuha niya ang celphone at binuksan at palihim niyang kinunan ng video ang dalawa. Kinabukasan ng sabado ay pinuntahan niya si Zoy sa bahay nito. Nag-aalangan pa siya kung ipapakita dito ang video na nakuha o hindi, sa huli pinakita niya rin ito.

Araw ng lunes, tahimik na naglalakad si Tricia sa path walk papalabas ng eskwelahan, iniisip niya kung bakit absent si Zoy ngayong araw. Ngayon lang nangyari na lumiban ang kasintahan, hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Nakakailang text na siya dito pero wala siyang natanggap kahit isang reply, sinubukan niya ring tawagan ito pero hindi rin macontact.

Dalawang araw pa ang dumaan at hindi pa rin nagpapakita si Zoy sa kanilang paaralan. Walang may nakakaalam sa biglaang pag-absent nito, kahit excuse letter na galing dito para sa kanilang mga guro ay wala. Nag-alala si Tricia dahil bukas ay final exam na nila sa forth grading at hindi man lang ito nagpaparamdam.

Dumating ang araw ng huwebes at biyernes, ang araw ng final exam walang Zoy na nagpakita. Biyernes ng hapon ng matapos ang huling pagsusulit, nagpasya si Tricia na pumunta ng rooftop dahil gusto niyang mapag-isa. Nalulunkot siya sa hindi pagpapakita ni Zoy.

Hindi niya napansin ang paglapit ni Bryan, kaklase niya at bestfriend ni Zoy. "Bakit malunkot ka? Hindi ba dapat masaya ka ngayon?" anito.

Binalingan niya ito, "Bakit mo sinasabi iyan?" aniya.

"Pwede ba Tricia, huwag kang magmaang-maangan na parang wala kang alam

‼ Na parang isang inosenting bata‼" Galit na sabi nito.

"Hindi kita maintindihan Bryan."

"Huwag mo akong gagohin Tricia dahil alam ko ang sekreto ninyo ni Cathlyn." Matigas na sabi nito. "Minsan lang nagmahal 'yong bestfriend ko pero ginago mo pa. Wala kang puso‼

"

Natigilan si Tricia, ano ang alam ni Bryan tunkol sa sekreto nila ni Cathlyn? Nakita niyang dumukot sa bulsa si Bryan kinuha nito ang celphone. Binuksan nito at binigay sa kanya. Isang video na kuha sa loob ng library. Siya at si Cathlyn ang nasa video.

Cathlyn: Tricia mukhang nahuhulog na ng lubusan ang loob mo kay Zoy, kung sa bagay hindi malabong mangyari iyon.

Tricia: Nahihirapan na ko sa ganito Cathlyn.. Nakokosensya na'ko.

Cathlyn: Tricia, ngayon ka pa ba susuko? Mahal ka na ni Zoy at ako naman malapit ko ng makuha ang gusto ko.

Tricia: Pero...

Cathlyn: Wala ng pero-pero... As what we planned nagkatotoo nga. Ang kunwari nating hindi pagkikibuan ay pinaniwalaan nilang lahat. Naging boyfriend mo si Zoy rich, handsome and brainy. At ako naman magiging valedictorian, that is all that matters to me. My dad will be proud of me, thank you for helping me Tricia. Hindi ako makapaniwalang uubra ang mga plano natin. You're such a good bestfriend. Matalino si Zoy at hindi ko siya malalampasan kung wala ang tulong mo. Wala akong ideya kung ano mga ginawa mo para bumaba ang mga quizzes at exams niya, pero maraming salamat dahil doon..

Binawi ni Bryan ang celphone na hawak niya.

"You played your role very well, Trish. From the very start laro lang pala ang lahat, pinaikot niyo kami. Tama kayo, naniwala nga kami sa arte niyo na mayroon kayong conflict na magbestfriend at ginawa niyo pang dahilan ay si Zoy. I know your real agenda, it is to destruct Zoy from studying. Kita naman, hindi kaya ni Cathlyn si Zoy para sa posisyong valedictorian at para bumagsak ito, she used you to lure Zoy away from his lessons everytime na mayroong quizzes. Ikaw ang dahilan kung bakit bumagsak ang grades niya. Inviting Zoy to watch movie the day before the exam, whatta clever‼" Patuya itong ngumiti, "Pareho lang kayo ng bestfriend mo, manggagamit‼ Anong sasabihin mo ngayon? Magdedeny ka? Tiyak na magpaparty si Cathlyn dahil sa ginawa mong tulong sa kanya na maging valedictorian. My poor bestfriend naniwala sa kasinungalinga mo‼"

"Pero hindi iyon ang tunay na intensiyon ko, sinagot ko si Zoy dahil gusto ko siya at hindi dahil sa plano." Nagsimula ng tumulo ang mga luha niya. "Mahal ko si Zoy, Bryan." Tama si Bryan sa mga sinabi nito at nagsisisi siya kung bakit pumayag sa planong iyon ni Cathlyn, malaki ang utang na loob niya dito kaya niya iyon ginawa.

"Enough‼

Bakit ako maniniwala sa isang sinungaling at mangagamit na gaya mo? Pinili ni Zoy na huwag ng pumasok at kumuha ng exam iyon ay para sayo, para matuwa ang pinakamamahal mong bestfriend. kawawang Zoy, you know what? after he saw your video, he still forgives you. Ganun siya kabait Tricia, sinayang mo ang pagmamahal niya sayo. Alam kong wala akong karapatan para sabihin ito sayo pero sana hindi ka niya nakilala."

"Mahal ko si Zoy, gusto ko siyang makausap. Gusto kong magpaliwanag sa kanya." Humihikbing sabi niya habang nakatitig sa mga mata ng galit na si Bryan.

"its too late Tricia, nasa ibang bansa na si Zoy. At para malaman mo Zoy is dying, he has a brain cancer. Plano niyang sabihin ito sayo but I stopped him dahil sa nalaman kong sekreto niyo." tumulo ang mga luha ni Bryan, "Hindi ko alam kung bakit kelangan maranasan ni Zoy ang masaktan, nagmahal lang naman siya ng totoo. Inisip kong sasaya ang mga natitirang oras niya dito sa mundo dahil sa nakilala ka niya pero hindi eh. Nang dahil sayo lalo siyang nawalan ng pag-asang mabuhay . Napakabait ng kaibigan ko para maranasan niya ito... Hindi ko lubos maisip na isa ka sa mga dahilan ng kanyang pagluha. " ani Bryan at tinalikuran siya.

Naiwan siyang nanlulumo, mabigat ang kanyang kalooban dahil sa mga narinig mula kay Bryan. Ang totoo'y mahal niya talaga si Zoy, pero paano niya pa maitatama ang lahat? Wala na sa bansa ang mahal niya. Wala ng pagkakataon para sabihin niya dito ang katutuhanan. Wala na siyang pagkakataon na humingi ng patawad dahil sa ginawa niyang iyon. At lalo siyang nalunkot dahil sa nalamang sakit nito. Nagsisisi siya pero anong gagawin niya? Huli na ang lahat para sa kanya.

Buo na ang loob ni Tricia na kitilin ang sariling buhay. Handa na siyang mamatay sa mga oras na ito para sa kanya wala ng saysay ang mabuhay pa dahil sa mga nangyari. Kung totoo ngang may malubhang karamdaman si Zoy ay uunahan na niya ito sa kabilang buhay. Nakatayo na siya sa taas ng harang sa rooftop at isang hakbang na lang ay magwawakas na ang lahat ng sakit na kanyang nararamdam sa kanyang puso.

Tricia!" isang sigaw ng babae ang kanyang narinig mula sa likuran, pamilyar ang boses na iyon, si Cathlyn ang kanyang bestfriend

"Tricia parang awa mo na huwag mong gawin iyan. Please bumaba ka na diyan..." umiiyak na sabi nito.

Hindi niya nilingon ito, nakatuktok ang mga mata niya sa malayo. "Cathlyn mahal ko si Zoy... nalaman ko kay Bryan na meron siyang sakit at alam niya na rin ang ginawa nating sabwatan para manguna ka sa klase. Cathlyn nageguilty ako sa ginawa ko, marahil ay iniisip ni Zoy na ginamit ko lang siya at niluko pero ang totoo'y gusto ko siya simula pa nong una. Mahal ko siya pero wala na akong pagkakataon na patunayan at sabihin iyon sa kanya dahil umalis na siya ng bansa. Ang sama-sama ko, tama lang siguro na pagbayaran ko ang mga ginawa kong iyon sa kanya." Lumuluhang pahayag niya.

"Tricia please bumaba ka na diyan, hindi iyan ang solusyon. Trish hindi dahil sa nangyaring ito'y magpapakamatay ka na, isipin mo ang nanay mo. Ikaw ang rason kung bakit siya patuloy na nakikipaglaban sa hirap ng buhay, kapag nawala ka anong na lang ang mangyayari sa kanya? Kailangan ka ng nanay mo, at gusto kong humingi sayo ng patawad kung hindi dahil sakin hindi ito mangyayari. Ako naman talaga ang may kasalan eh, hindi ikaw." Umiiyak na sabi nito, magkahalong takot at lunkot ang nararamdaman.

+++++++

Sinabi ni Zoy sa kaibigang si Bryan na pupunta na siya sa ibang bansa at doon na titira sa kanyang lolo at lola. Sinabi niya dito na hindi na siya babalik ng pilipinas hanggang sa oras na kitilin siya ng sariling karamdaman. Pero ewan niya sa kanyang sarili at hindi siya natuloy at sa halip ay sa Baguio siya napunta, sa rest house na pag-aari ng kanilang pamilya.

Nakatayo si Zoy sa tabi ng bukas na bintana, nakatanaw siya sa kadiliman ng gabi na bumalot sa buong kapaligiran. Nalulunkot siya, subrang lunkot ang kanyang nararamdaman dahil sa kabiguan sa pag-ibig. Sinarado niya ang bintana at humiga sa malambot na kama. Inakap niya katabing unan at tahimik na umiyak, "I love youTricia, naging totoo ako sa nararamdaman ko pero bakit ako ngayon lumuluha?" pabulong na sabi niya. "sana ito na ang huling gabi ng aking kalunkutan, sana magwakas na itong buhay ko." Aniya at humikbi.

+++++++

Napabangon si Zoy kinabukasan ng makarinig ng mahinang katok sa pintuan ng kanyang silid. Nilingon niya ang bumukas na pintuan, iniluwa non ang may edad na lalaki, si Fred ang kanyang tagapangalaga, ito ang kasama niyang pumunta sa lugar na ito.

"Senyorito nakahanda na ang iyong almusal sa ibaba. Sasaglit muna ako sa bayan para bumili ng iba nating kailangan dito sa bahay. Kung meron kang kelangan ay pwede mong lapitan si Aliing Ising." Anito, si Aling Ising ang nagbabantay at tagapangalaga sa rest house.

"Gusto kong sumama sa bayan..." matamlay at mahinang sabi niya.

"Sige ho senyurito, hihintayin ko na lang kayo kung ganun. Maiwan ko na ho kayo." Magalang nitong sabi.

Naligo siya at pagkatapos ay nagpalit na ng damit. At nang matapos kumain ng almusal ay sumakay na sa itim na kotse. Medyo malayo ang bayan na kanilang pupuntahan kaya nilibang niya na lang ang sarili sa panonood sa magagandang tanawin na kanilang dinadaanan. Nang marating ang palenke ay minabuti niyang magpaiwan sa lugar kung saan naka park ang kanilang kotse. Nakaupo siya sa bench at nakatanaw sa malayo, isang matandang babae ang umagaw sa kanyang pansin. Tatawid ito sa daan, nakita niyang may paparating na puting kotse. Mabilis niyang tinakbo ang matandang babae na nasa gitna ng kalsada nayapos niya ito at nagawang iligtas bago pa dumaan ang mabilis na kotse.

Mangiyak-ngiyak na nagpasalamat sa kanya ang matandang babae na agad ring umalis. Nakita niyang huminto ang puting kotse hindi kalayuan at mula roon lumabas ang isang maputing lalaki. Nilingon siya nito at pagkatapos ay humakbang ito patungo sa kanyang direksyon.

Nang makalapit ang lalaki ay tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng insulto, tinalikuran niya ito at aktong aalis na ng marinig niya itong nagsalita.

"Sandali... Maaari kitang tulungan sa iniinda mong karamdaman, ngunit ito'y sa paraan na kahit kailan ay hindi mo pinangarap." Wika nito, lumingon siya.

Nagulat siya kung bakit alam nito ang kanyang kalagayan, "Pano mong nalaman na..." putol niyang sabi.

Nakita niya itong ngumiti, "Mamayang gabi ay ihanda mo ang iyong sarili. Tutulungan kita... hanggang sa muli." Wika nito at saka tumalikod na. Naiwan siyang nagtataka.

+++++++

Pinagmamasdan ni Zoy ang bilog na buwan habang nakatayo sa veranda ng kanyang silid. At iyon na lang ang pagkagulat niya ng Makita ang isang lalaki na nakaputing long sleeve sa tabi ng malaking pine tree. Tinitigan niya ito, pamilyar ang mukha nito. Tama nga siya, ito ang lalaking nakita niya kanina. Papaanong nalaman nito kung nasaan siya? Bigla siyang kinabahan, sa isang iglap ay nawala ito doon.

Napalingon siya sa kanyang tabi, nasa tabi na niya ito. Papanong nakalapit ito sa kinaroroonan niya ng ilang sigundo lang ng hindi niya namamalayan? Nakita niya itong nakatingala sa bilog na buwan.

"Sino ka? A-anong klase kang tao?.." kinakabahang tanong niyang dito.

Binalingan siya nito, "Hindi ako tao," anito.

"Kung hindi ka tao.. a-no ka?" ramdam niya ang kaba sa dibdib.

Lumapit sa kanya ang lalaki at inilagay nito ang isa nitong daliri sa kanyang leeg pagkatapos ay binawi iyon at nakita niyang meron ng dugo ang hintuturo nito. Napahawak siya sa kanyang leeg at pagtingin sa kamay ay meron na iyong bahid ng sariling dugo. Nagawang sugatan ng lalaki ang kanyang leeg ng hindi man lang niya naramdaman. Nakita niyang inamoy ng lalaki ang kanyang dugo sa daliri nito.

"Kay bango ngunit puno ng pighati at kalunkutan. Kung papayagan mo ako gagawin kitang isang katulad ko, hindi ka tatanda at magkakaroon ka ng buhay ng walng hanggan. Magagawa mo ang mga gusto mo ng Malaya." Wika nito. At lumapit sa kanya, napaatras siya.

"Hindi ko pinangarap ang buhay na walang hanggang, at isa pa wala na akong dahilan para mabuhay pa." mahinahun niyang sabi dito.

"Nakikita ko sayong mga mata ang mithiing mabuhay pa ng matagal, tignan mo ang buwan. Hindi bat kani-kanina lang ay nangangarap ka habang nakatingin dito?"

"Ang pangarap ko ay gumaling lang at hindi magkaroon ng buhay na walng hanggan." Diin niya sa mga sinabi.

"Ganun pa din iyon, pag-isipan mong mabuti ang mga sinasabi ko. Ang ibang tao'y nangangarap at nag-aasam na maging isang katulad ko pero ikaw ay tumatanggi. Hindi nga ako nagkamali na ikaw ay lapitan." Mapanukso nitong sabi.

"Bakit ako? Sa dinami dami ng tao bakit ako ang napili mong handugan niyan?" maang na tanong niya, nakatitig lang siya sa mga mata nito. Nakita niya ang pagbago ng kulay niyon, naging kulay pula ang kanina'y itim nitong mga mata. "Isa kang bampira..." nasambit niya.

"Tama ka, isa nga akong bampira. Isa akong Luna, anak ako ng buwan. Gusto kita maging katulad ko dahil nakita ko ang kabutihan ng iyong puso at nais kitang tulungan sa iniinda mong sakit. Alam ko na kapag naging isa ka ng Luna hindi mo aabusuhin ang kapangyarihan na tataglayin mo." Lumapit ito sa kanya at inamoy nito ang kanyang leeg.

Huminga siya ng malalim, natutukso siya sa mga sinsabi nito. Kapag pumayag siya mababago ang lahat, anong gagawin niya ngayon?

"Sige pumapayag na ako, gawin mo akong kagaya mo..." pabulong na sabi niya. At naramdaman niya ang mga pangil nito na bumaon sa kanyang mga leeg. Nakaramdam siya ng pananamlay at paralisa sa katawan, nawawalan siya ng lakas. Hindi siya makahinga...

+++++++

Gabi na ng matapos ang graduation ninaTricia, nagsasaya ang lahat maliban sa kanilang tatlo ni Cathlyn at Bryan. Hindi niya magawang sumaya dahil sa mga nangyari, at ganun din si Cathlyn valedictorian nga ito pero matamlay ito at parang walang gana, pilit ang mga ngiti nito na pinapakita sa mga tao. Ganun din si Bryan ang best friend ni Zoy.

May salo-salo sa bahay nina Cathlyn pero ayaw niyang dumalo, gusto niyang umuwi na lang. nagpaalam siya sa kaibigan na hindi siya pupunta at naintindihan naman nito, ang nanay naman niya ay pupunta sa mansion ng kaibigan dahil tutulong ito sa pag-aasikaso sa mga panauhin na pupunta. Kaya mag-isa siyang uuwi ng bahay.

Kakababa niya lang sa traysikel, at kailangan niya pang lumakad sa bakanteng lote bago marating ang kanilang bahay. Tinignan niya ang relo, 8:17pm.

Napalingon siya sa kanyang kanan ng may mahagip ang kanyang mga mata, parang may tao na naka puti. Nilakihan at binilisan niya ang kanyang mga hakbang, kinakabahan siya baka bigla na lang may humablot sa kanya, wala pa namang kabahayan doon.

Tricia..." narinig niya mula sa likuran, ang boses na iyon. Iyon ang boses na pinanabikan niyang marinig sa matagal na mga araw na nagdaan. Lumingon siya...

"Zoy..." nasambit niya, at patakbo niya itong niyakap. "Sorry..."

"It's okay Trish... Namiss kita," anito. "I love you..."

"I love you too Zoy..." niluwagan niya ang kanyang mga yapos sa binata, at tinigan niya ito sa mukha. May kakaiba rito, wala pang isang buwan ng huli niya itong Makita pero bakit kay bilis humaba ng dating maikli nitong buhok? at ang kulay ng balat nito kay puti na parang hindi nasisikatan ng araw.

"totoo bang mahal mo ako?" malambing na tanong nito sa kanya.

"Mahal na mahal kita, gusto ko sanang bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan sayo ang nararamdaman ko. Ayuko ko ng mawalay ka pa sa akin." Sabi niya dito habang titig na titig sa malunkot na mga mata nito.

"Kung ganun papayag kang maging isang katulad ko?" tanong nito sa kanya at nakita niya ang pag-iba ng kulay ng mga mata nito. Sandali siyang nagulat at mabilis ding nakabawi.

"Lahat gagawin ko para sayo Zoy..." aniya at inabot ang mga labi nito. Isang mapusook na halik ang kanilang pinagsaluhan na dalawa. Maya maya'y narinig ni Tricia ang bulong nito sa kanyang tenga.

"I love you..." bulong nito at naramdaman niya ang pares ng pangil na bumaon sa kanyang leeg. Yumapos siya kay Zoy ng mahigpit at nagpaubaya sa ginawa nito sa kanya...


WAKAS!

My Soulmate (BL)