YYU - Chapter 99: The Final Game

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Madilim ang Paligid.

Malakas ang ulan.

Malamig ang dampi ng hangin.



Sa tantiya ko ay mga kensi minutos na ang lumipas nang magsimula ang final game at heto ako ngayon nag-iisa sa gitna ng kagubatan dito sa war zone. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kasama ko, sina Tristan, Lilyu, Travis, Maru, Keith, Tonique, Grandeline at Karrice. Pinaghiwa-hiwalay kaming siyam at ganun din sa tatlong teams na mga kalaban namin, ang Fortis, Lunar at Haven.



Ito ang final game, ang huling laban ng Q'match kung saan ang lahat ng mga players mula sa apat na teams ay naririto sa war zone para maglaban-laban. Ang tawag sa final game na ito ay Race of the Champions, sa larong ito kaming mga players ay magpapaligsahan at mag-uunahan sa paghanap ng sampung black portgate mula sa mga mobs na nakakalat dito sa war zone para manalo.



Ang bawat mob ay nagtataglay ng isa sa limang random content at maaari lang iyong makuha kapag natalo namin sila. Una ay ang red glass jewel na nagkakahalaga ng 10 points bawat isa, pangalawa ay healing spell, pangatlo ay ang red portgate kung saan isang player ang pwedeng pumasok dito para makapunta sa ibang bahagi ng war zone, ang pang-apat ay white portgate kung saan tatlong players naman ang pwedeng pumasok dito bago ito magsara at panglima ay ang black potgate.



Ang black portgate ang magbibigay ng malaking puntos para sa sampung players na makakapasok dito. Ang unang player na makakapasok sa black portgate ay tatanghaling best player ng Q'match at makakakuha ng 300 points. Para sa pangalawang player naman ay 200 points, sa pangatlong player ay 150 points, sa pang-apat ay 130 points, para sa panglima ay 110 points, sa pang-anim ay 100 points, sa pangpito ay 90 points, para sa pangwalo ay 80 points, sa pangsiyam ay 70 points at para sa pangsampu ay 50 points.



Bago magsimula ang laro kanina ay binigyan rin kaming mga players ng tigtatatlong red glass jewel na katumbas ay 30 points at pwede namin itong agawin sa bawat isa. Ang maiipon naming mga red jewels dito sa war zone ay nagkakahalaga ng puntos at idadagdag iyon sa kabuuang puntos ng aming mga team pagkatapos ng final game.



Nagsimula ang laro kanina eksaktong alas sinko at matatapos ito depende sa oras na makikita ang pangsampung black portgate. Kapag nagkataon naman na hindi nakita ang ilan sa mga black portgate ay awtomatikong tatapusin ang laro sa tinakdang oras na alas otso ng gabi at pagbabasihan ang top 10 players ayun sa laki ng puntos ng mga red jewels na aming nakolekta dito sa war zone. Sa pagtatapos ng laro ang top 10 players ng final game ang siyang tatanghaling league of champions ng Q'match at sila ang lalaban sa Highness University para sa National Match.



Natitiyak kong porsigido ang lahat ng mga players na manalo sa huling laban na ito dahil sa National Match at iniisip ko na mukhang individual match ang mangyayari ngayon at hindi team versus team dahil sa announcement na iyon. Napansin ko kaninang nagbago ang mga reaksyon ng mga kapwa ko players ng sabihin ng head order na ang top 10 players ng final game ang magiging representative ng apat na school para labanan ang Highness University at dahil doon ay may kutob akong hindi na mahalaga sa ibang players ngayon kung manalo o matalo ang team nila at imbis ay nakafocus na sila para ipanalo ang mga sarili nila para makasama sa top 10 para sa National Match. At kung tama ang hinala ko ay may posibilidad na maglaban-laban ang mga players mula sa isang team para lang manalo.



Napatigil ako sa pag-iisip ng umihip ang malamig na hangin, naramdaman ko ang kalamigan nito na yumakap sa basa kong katawan. Kahit na isa akong aquaist at may kakayahang gumawa ng yelo ay nakakaramdam pa rin ako ng ginaw dahil hindi immune ang katawan ko sa lamig na dulot ng hangin.



Inignura ko ang ginaw na aking nadama at pinagpatuloy ko ang aking paglakad. Mabibigat ang mga hakbang ng mga paa ko na bahagyang bumabaon sa basang lupa na kinukumutan ng mga nalagas na dahon mula sa mga malalaking puno sa paligid. Palingun-lingon ako sa madilim na kapaligiran na binigyan ng kaunting liwanag ng mga light fragments na gawa ng spell na animo'y mga buhay na alitaptap na naliligo sa ilalim ng ulan. Ang light fragments ay mga maliliit na fragments ng batong fire opal at sa tulong ng spell ay nagkaroon ito ng kulay dilaw na liwanag. Salamat sa mumunting liwanag ng mga ito at dahil dito'y naaaninag ko ang paligid kahit papaano.



Huminto ako sa paglakad at wala sa loob na inabot ng kaliwa kong kamay ang isang light fragment na nakalutang sa harapan ko at maigi ko itong pinagmasdan sa aking palad. Nakakahanga talaga ang mahika, malawak at parang walang katapusan ang sining at ubra na kanilang nagagawa.



Sa ilang sandaling pagtunghay ko sa munting liwanag sa aking palad ay naisipan kong muli itong pakawalan sa hangin at ginawa ko nga. Nakita kong lumutang sa hangin ang light fragment na kanina'y tangan ng isa kong kamay at kasabay niyon ang pagsulpot naman sa harapan ko ng isang babaeng player na tagalunar, si Akreanie, ang bampirang minsan ng umatake samin Tristan. Mula sa liwanag ng mga nagkalat na light fragments ay nakita ko ang kanyang kabuuan, nakasuot siya ng kulay itim na combat costume, fitted long sleeve top, fitted pants at boots. Kabaligtaran naman ito sa suot kong combat costume na kulay crimson at grey, fitted sleeveless top, knee shorts at boots.



Nagulat ako sa sunod na nangyari at hindi ako nakapaghanda. Mabilis na nakalapit sakin si Akreanie at agad na mag-asawang suntok at sipa ang pinakawalan niya sakin. Tumama ang suntok niya sa pesngi ko at tumama naman ang sipa niya sa tyan ko dahilan para humandusay ako sa putikan. Sa oras na ito ay taglay ni Akreanie ang subrang bilis at lakas na karaniwang abilidad ng mga bampira at albino kaya hindi nakapagtatakang napatumba niya ako ng walang kahirap-hirap.



"Masaya ako at nagtagpo ang landas natin dito sa war zone, fishboy. Ito ang pinakaasam-asam ko, ang makita ka!" Narinig kong sabi niya at kasunod niyon ay naramdaman ko ang isang malakas na sipa na tumama sa likod ko. Dahil sa lakas ng sipang iyon kung kaya tumama ako sa malaking puno sa aking tabi.



"Ahhhh!!!" Isang pigil na daing ang kumawala sa bibig ko dahil sa sakit na aking nadama.



Nakadapa ako sa putikan at hindi pa man ako nakakabawi sa sakit ng pagtama ko sa puno nang bigla niya naman akong damputin sa damit at walang kahirap-hirap niya akong hinagis sa damuhan at sinundan ng sipa sa sikmura ko.



"Ahhggg!! Napadaing ako at namilipit sa damuhan, sapo ng dalawa kong kamay ang aking sikmura.



Ang lakas at ang bilis ng akreanieng ito. Pano ko siya matatalo? Sa taglay na lakas at bilis niya ngayon bilang bampira at pwera pa sa kapangyarihan niyang hindi ginagamit ay imposibling matalo ko siya kahit pa sabihing umuulan at napapalibutan ako ng tubig na pwede kong gamitin sa kanya. May pag-asa akong matalo siya kapag sumapit ang bukang liwayway kung saan magiging normal na tao siya pero mahabang minuto pa ang hihintayin ko at malabong tumagal ako sa aming laban kapag nagpatuloy siya sa pag-atake sakin.



Isang malakas na sipa na naman ang tumama sa likod ko at sa lakas ng impact niyon ay gumulong-gulong ako ng ilang beses sa damuhan. Masyado yatang pinipersonal ng babaeng ito ang nangyari sa kalahi niyang bampira na namatay dalawang taon na ang nakalipas at ako ang pinag-iinitan niya dahil isa akong sereno. Kakaasar!



"Ano fishboy? Hindi ka ba lalaban? Hindi mo magawang lumaban dahil mahina ka!" sabi niya.



Kasunod niyon ay dinampot niya ko sa damit at natagpuan ko ang aking sarili na tumilapon sa malaking puno. Tumama ang likod ko sa puno at bumagsak akong nakadapa sa lupa. Nakaramdam ako ng subrang sakit sa aking likuran, mababalian yata ako ng buto dahil sa bampirang 'to. Hindi niya ko binibigyan ng pagkakataon na makabangon dahil alam niya kung ano ang kaya kong gawin sa kanya at ngayon sinasamantala niya ang kahinaan ko para purohan ako ng tudo.



Napakuyom ako ng mga kamao. Kelangan ko ng gumawa ng paraan para makabawi dahil kapag nagpatuloy pa siya sa pag-atake sakin ay baka maging lantang gulay na ko, pero ang tanong anong gagawin ko? Papaano ko siya tatalunin?



Muli akong inatake ni Akreanie. Habang nakadapa ako ay sinipa niya ko sa sikmura at pagkatapos ay binuhat niya ko at tinapon sa damuhan. Bumagsak ako nang nakatihaya at naramdaman ko ang pagtama ng aking ulo sa bato na nakausli sa lupa. Gusto kong sumigaw at dumaing sa subrang sakit ng aking ulo na sa tingin ko ay nasugatan pero walang boses ang gustong lumabas sa aking bibig. Sa pagkakataong ito ay para akong tinakasan ng sarili kong lakas sa katawan. Hindi ko maigalaw ang alin mang bahagi ng aking katawan, nanghihina ako.



Mukha yatang hanggang dito na lang ako, hindi na ko makakalaban pa. Pumikit ako at dinama ang mga patak ng ulan sa aking pisngi. Ang lakas ni Akreanie, tinalo niya ko. Hindi ko man lang siya nagawang atakehin kahit isang beses. Ganito ba ko kahina?



Hindi. Hindi ako mahina, alam kong malakas ako pero... Pero bakit ako natalo? Malakas ako hindi mahina. Hindi ako mahina. Bakit ako natalo? Paulit-ulit ang mga salitang naglalaro sa aking isipan.



"Shero mahina ka," narinig ko ang sarili kong boses sa aking isipan.



"Hindi... Hindi ako mahina." Tugon ko sa aking sarili na may pagdadalawang isip.



"Hayaan mo kong ipakita sayo ang totoong ibig sabihin ng malakas," nag-echo saking isipan ang sarili kong boses.



"Lakas? Totoong ibig sabihin ng malakas?" sambit ko sa aking isipan.



"Oo, lakas na katatakutan ng lahat. Ngayon manood ka..." tugon ng sarili kong boses.



"Hindi ko inakalang ganito kita kabilis na matatalo, fishboy. Akala ko pa naman malakas ka dahil isa kang aquaist pero hindi, isa ka lang palang mahina." Narinig kong sabi ni Akreanie sa aking tabi, "Ngayon kukunin ko na sayo ang mga red jewels mo," aniya at naramdaman kong binuksan niya ang beltbag ko at dinukot ang laman niyon.



Nakapikit ako. Nakatihaya sa damuhan habang naliligo sa ulan. Ganito na lang ba magtatapos ang papel ko sa final game?



"Isang inutil na sereno." Narinig kong sabi ni Akreanie.



Dumilat ang mga mata ko at nakita ko siyang nakaluhod sa tabi ko at nakatunghay sakin. Nagtama ang aming mga mata at nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Kasunod niyon ay mabilis na kumumpas ang isa kong kamay sa direksyon niya at gamit ang blood manipulation ay tumilapon siya sa damuhan.



Natagpuan ko ang aking sarili na bumabangon. Sandali lang, may kakaibang nangyayari sakin. Hindi ko macontrol ang aking sarili, parang may sariling buhay at pag-iisip ang aking katawan.



Nakita kong mabilis na bumangon si Akreanie at mabilis na sumugod sakin pero bago pa siya makalapit sakin ay bigla siyang napahinto sa kanyang kinaroroonan dahil nakatutok na sa kanya ang isa kong kamay at nasa ilalim na siya ng blood manipulation.



"Inutil? Tinawag mo akong inutil?" Narinig ko ang aking sarili na nagsalita habang humahakbang palapit kay Akreanie.



Ano itong nangyayari sakin? Bakit hindi ko makontrol ang katawan ko at ang aking kilos? Bakit kusang nagsasalita ang sarili ko? Nakikita ko ang mga nangyayari pero tila isa akong bilanggo sa sarili kong katawan. Ang kaya ko lang gawin ay panoorin ang mga pinapakita ng mga mata ko at bukod doon ay wala na. Bakit ganito parang may ibang pagkatao sa aking katawan? Paano ito nangyari?



"Ikaw ang inutil!!!" Kumawala ang isang sigaw sa bibig ko at kusang tumaas ang isa kong kamay at tumilapon sa malaking puno si Akreanie. Bumagsak siya sa lupa at nakita ko ang aking sarili na ginagamit sa kanya ang blood pain.



"Ahhhhhhhhh!! Ahhh!! Ahhhhhh!!!" daing ni Akreanie sa sakit habang namimilipit sa putikan.



"Isa ka lang insekto! Wala kang karapatan magbitiw ng salita na hindi naaayun sa pandinig ko! Narinig mo?! At dahil sa kapangahasan mo ipapakita ko sayo ang tamang lugar kung saan ka nababagay, insekto!!!" Sabi ng galit kong boses. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig, kahit kailan hindi ko magagawang magsalita ng ganun kasama.



Nakita ko ang aking sarili na ginagamit ang blood manipulation kay Akreanie at walang awa siyang paulit-ulit na hinambalos sa katawan ng puno. Wala akong magawa kundi panoorin lang ang mga nangyayari.



"Ito ang nababagay sa mga isektong katulad mo!" Kumawala ang mga salitang iyon sa bibig ko at nakita ko ang pagdaloy ng sariwang dugo sa ilong at gilid ng labi ni Akreanie.


Continue Chapter 100