HU - Chapter 2

 



*** FAME'S POINT OF VIEW ***




Nasa loob ako ng malaking library na binabalot ng kulay dilaw na liwanag mula sa mga magagandang chandelier na nakasabit sa mataas na kisame, dahil sa dilaw na liwanag na ito kung kaya nagmukhang mainit dito sa loob kahit na ang totoo'y nanonoot sa balat ang kalamigan ng gabi. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang mangilan-ngilang mga estudyante, ang iba sa mga ito ay pamilyar sa akin at ang iba naman ay hindi, abala ang mga ito sa pagsusulat at pagbabasa sa mga magkakahiwalay at nakaraya na mga mahahabang mesa, ang iba sa mga ito ay nagsosolo, merong dalawa lang at ang iba naman ay grupo. Wala sa mga ito ang nag-uusap kaya naman tahimik ang paligid at ang tanging maririnig lang na ingay ay ang walang tigil na ulan sa labas ng mga nakasarado at naglalakihang mga crystal na bintana.



Pagkaraan ng ilang segundong pagtingin-tingin sa paligid ay tinuon ko ang aking pansin sa aking harapan. Kasalukuyan akong nakatayo at nasa harapan ko si Shero, nakaupo ito sa kahoy na silya at nagbabasa. Okupado nito ang yari sa kahoy at kulay brown na mahabang mesa dito sa pinakadulong bahagi ng library kung saan matatagpuan ang mga lumang aklat na nasa matataas na mga bookshelves sa gilid ng pader.



Pagkatapos ng halos kalahating oras na paghahanap ko rito ay sa wakas at nakita ko rin ito. Buong araw ko itong hindi nakita at ngayong nasa harapan ko na ito ang una ko agad napansin dito ay ang kulay ng kanyang buhok. Ang dating itim nitong buhok ngayon ay kulay silvery white na, ito ang orihinal na kulay ng kanyang buhok noong isinilang siya at lumaki siyang ayaw ito kaya nakapagtatakang ganito na ang kulay ng buhok niya ngayon. Sigurado akong uminom siya ng potion para bumalik itong orihinal na kulay ng buhok niya pero ang tanong kanino siya kumuha ng potion? Ang isa ko pang napansin dito ay ang suot nitong uniporme, nakasuot ito ng HU uniform samantalang hindi naman ito pumasok sa klase.



Ikinuwento ni Cazer sa'kin kanina ang mga ginawa nito at nagulat ako roon. Oo nga at hindi niya gusto ang mapunta sa paaralang ito pero hindi niya kelangang maging masama at gumawa ng ganoong bagay para ipakita sa'min ang pagrerebelde niya. Pagkatapos niyang baliin ang mga braso ng lima ay nakuha niya pang bantaan ang mga iyon na puputulan ng dila kapag sinumbong siya, kaya iyon sa takot ng lima ay hindi nga nagsumbong ang mga ito. Imagine isang Crown Prince ang binalian niya ng braso at binantaan pa? 



Hindi niya alam na para sa ikabubuti niya at ng pangkalahatan ang pagdala namin sa kanya dito, kung hindi niya gusto ang paaralang ito, paano pa kaya ang mga pinsan at mga malalapit na kaibigan namin na napilitang lumipat dito para sa kanya? Hindi niya alam na isang sakripisyo ito sa amin, ako at si Silven ay graduating na doon sa University na pinapasukan namin pero lumipat kami ngayong pasukan dito para sa kanya, si Cazer at Trinna na gusto nang normal na eskwelahan napilitang mag-aral dito sa HU dahil sa kanya, ang mga kaibigan namin na sina Prince Athanry at Prince Callenro na nag-aaral sa ibang bansa lumipat din dito para sa kanya.



"Kumain ka na ba?" simulang tanong ko kay Shero. Mag-aalas nuebe na ng gabi at nag-aalala akong hindi pa ito kumakain simula kaninang umaga.



Nakita kong nilipat nito ang pahina ng binabasa bago nagsalita, "Tapos na," maikling tugon nito na hindi man lang tumingin sa'kin.



Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas tumugon na rin ito sa'kin at hindi katulad noong nakaraang linggo na hindi ako nito pinapansin na para bang hindi ako nag-eexist.



"Galit ka pa ba?" tanong ko.



Nakita kong sinarado nito ang hawak na libro at inilapag sa mesa, pagkatapos ay tumayo ito at tinitigan ako, "Bakit ako magagalit sa'yo? Kung tungkol ito sa sapilitang pagdala mo sa'kin sa lugar na ito, huwag kang mag-alala dahil hindi iyon big deal sa'kin. At kung gusto mong malaman kung ano ang nararamdaman ko, hindi ako nalulungkot, I'm perfectly fine. Wala sa bokabularyo ko ang salitang emosyon kaya huwag mo akong alalahanin," sabi nito at iniwanan ako.



Hindi ako nakaimik at ang tanging nagawa ko na lang ay sundan ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala sa aking paningin dahil lumiko ito sa nakaharang na bookshelf. That's so weird. Last week lang nang halos gumuho ang mundo nito dahil sa nangyari pero ngayon kung kumilos ito ay parang wala lang sa kanya.





*** CAZER'S POINT OF VIEW ***



Naglalakad ako sa malapad na hallway patungo sa library kasama ang dalawa kong kaklase na sina Erjun at Dennis nang makita ko sa malayo si Shero na papasalubong sa'min. Tinitigan ko ito pero hindi ako pinansin at tuloy-tuloy lang ito sa paglakad hanggang sa maglagpas kami.



"Erjun, Dennis mauna na kayo sa library, susunod na lang ako," sabi ko sa dalawa kong kasama at hindi ko na hinintay ang kanilang tugon at iniwan ko na sila para sundan si Shero.



Nagteleport ako sa tabi ni Shero para sabayan ito sa paglakad. Close kaming dalawang magpinsan pero pagkatapos nang gabi na kinuha namin siya sa mga kasamahan niya ay hindi niya na ako kinikibo. Iyong totoo ay hindi ako guilty sa mga nangyari o sa ginawa namin dahil para iyon sa ikabubuti niya at ni Tristan, marahil iniisip niya at ng mga kasamahan niya na ginawa namin iyon para sa National Match pero hindi, meron kaming masmahalagang rason kay sa doon. Masama ang loob ni Shero sa aming lahat pero hindi namin ito masisisi, pasasaan ba at darating din ang tamang panahon at malalaman niya rin ang totoong dahilan kung bakit namin sila pinaghiwalay ni Tristan.



Kaninang umaga pagkatapos kong masaksihan ang mga nangyari sa loob ng greenhouse ay hindi ako nagpakita sa kanya at pinili kong umalis na lang dahil naisip kong baka lalo lang itong mabadtrip kapag nakita ako roon. Ngayon mukhang nagcool down na ito.



"Bagay sa'yo ang kulay ng buhok mo," simula ko. Kaninang umaga ay kulay itim pa ang buhok nito pero ngayon ay kulay silvery white na. "Siguradong matutuwa ang Mahal na Reyna kapag nakita niya ang paborito niyang apo na ganyan ang kulay ng buhok," sabi ko.



Ang tinutukoy ko na Mahal na Reyna ay ang lola namin. Paborito nito si Shero at gustong-gusto niya ang kulay silvery white na buhok nito, ayun sa kanya ay maganda raw ito at kakaiba. Si Shero lang kasi ang bukod tanging may buhok na kulay silvery white sa bloodline naming pamilya. Ngunit ayaw ni Shero sa kulay na ito kaya naman hiniling nito sa kanyang ina na palitan iyon ng itim, kaya naman pinainum ito ng potion. Mahal ni Shero ang lola namin kaya sa mga pagkakataong binibisita niya ito ay binabalik niya sa orihinal na kulay ang kanyang buhok para matuwa ito.



Halatang hindi effective 'yong sinabi ko kay Shero dahil hindi ako pinansin nito. Hindi ito nag-abalang tumugon o tapunan ako ng tingin. Parang ang tanging paraan lang na makuha ko ang atensyon nito ay kausapin ito tungkol kay Tristan.



"Sige para makabawi ako sa'yo, dadalhin kita kay Tristan," sabi ko habang nakatingin kay Shero sa aking kaliwa.



Bigla itong tumigil sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. Binalingan ako nito, "Deal. Bukas ng umaga puntahan mo ako sa silid ko at pag-usapan natin 'yan," iyon lang ang sinabi nito at iniwan ako sa hallway na hindi man lang nakatugon.



Napataas ang isang kilay ko. Sandali lang, tama ba iyong manduhan niya ako? Jeezz! Kelan pa naging bossy itong pinsan ko? Naku Shero pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa mga hidden na may sumpong dahil kung hindi mababatukan talaga kita. Aisshh! Masmatanda ako sa kanya ng dalawang taon pero sa inakto niya para akong nakakabata niyang kapatid!


Continue Chapter 3