YYU - Chapter 72: What about?

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Bumalik kaming tatlo nina Maru at Lilyu sa visitor's house. Sinabi ko sa kanila na nadapa ako sa putikan kaya ganun ang itsura ko. Ewan ko lang maniniwala sila sa sinabi ko. Malamang alam nilang nagsisinungaling ako at ayaw lang nila akong kumprontahin. Basta yung mga nangyari sakin kanina ay itatago ko at mananatili iyong lihim hanggat maaari. Ayukong malaman nila iyon dahil siguradong mauungkat ang sekreto ko tunkol sa totoo kong pagkatao at saka mag-aalala lang sila sakin kapag nalaman nila yun. Tunkol naman kay Matchu na siyang tumulong sakin hindi ko alam kung sino siya at kung ano ang pakay niya sakin at tinulungan niya ko pero sa tingin ko isa siyang kakampi.

Kakatapos ko lang magshower at magbihis sa banyo sa dulong bahagi ng third floor at napagpasyahan ko ng bumalik sa silid namin ni Lilyu para magpahinga. Nasa harapan na ko ng pinto para pumasok ng matigilan ako dahil narinig kong nag-uusap sina Maru at Lilyu sa loob. Nakasiwang ng bahagya ang pinto kaya narinig ko ang kanilang mga boses.

"Oh sige ate... Oo, alam ko... Ha...? Hindi... Ok lang... Sige salamat... Bye.." Boses ni Lilyu.

"Oh anong sabi ng ate mo?" Si Maru.

"Pumirma na daw ng kasunduan ang mga council ng Highness University, pumayag na sila na magkakarun ng national match." Sagot ni Lilyu.

"Oh talaga?!!  Magandang balita yan, nakakapanabik." Tugon ni Maru.

 "Good luck na lang sa mananalo sa Q'match." Si Lilyu.

"Q'match champions versus Highness University. Siguradong maganda ang laban na mangyayari." Sabi ni Maru.

Inabot ko ang knob ng pinto at tinulak ito. Pumasok ako sa silid at nakita ko sina Lilyu at Maru na nakatayo sa tapat ng bintana, sabay silang napalingon sakin. Nakapagbihis na rin  ang mg ito at halatang bagong ligo din sila gaya ko dahil sa basa nilang mga buhok.

Sinabit ko ang tuwalyang ginamit ko sa silya at umupo ako sa aking kama paharap sa dalawa. Nakita kong umupo si Lilyu sa kama nito samantalang nanatili naman si Maru sa kinatatayuan. Total hindi na rin lang ako makakapanood sa laban ni Tristan kaya makikipag-usap na lang ako sa mga ito.

"Narinig kong nag-uusap kayo tunkol sa National Match, ano yun?" Pagsisimula ko, palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Nacurious ako sa usapan nila kaya di ko napigilang pumasok.

"National match, ito ang match sa pagitan ng Q'match University Champion at ng Highness University. Actually ito ang magiging kauna-unahang Hidden's National Match sa Pilipinas." Sagot ni Lilyu.

"1st National Match? Q'match University Champion laban sa Highness University?" Nakakunot noong  ulit ko sa mga binanggit ni Lilyu.

"Oo. Ang magchachampion na University sa Q'match ang lalaban sa Highness University para sa Hidden's National Match." sabi ni Maru.

Nagsalubong ang mga kilay ko, so okay pagkatapos ng Q'match ay meron pa palang sunod na mga laban. "Ito ang 1st National Match, bakit dalawang University lang ang  maglalaban?" Tanong ko, bukod sa Lunar, Haven, Fortis at Yin-Yang siguro naman marami pang mga hidden universities dito sa Pilipinas. "At saka anong klaseng paaralan pala itong Highness University bakit sila ang kakalabanin ng magiging champion ng Q'match?"

Napatingin ako kay Maru ng magsalita ito. "Ang Highness University ang pinakamatandang Hidden University dito sa bansa. Ang mga nag-aaral sa universidad na ito ay mga royals at mga nobles, ang iba sa mga estudyante dito ay mga crown princes at mga crown princesses." Sandaling tumigil si Maru sa pagsasalita at tinignan ako ng maigi na para bang binabasa nito ang iniisip ko. "Ang Highness University ang nagtayo ng Quadrangular match, itinayo nila ito taong 1975, sa panahong iyon hindi pa kasama ang Yin-Yang Univeristy. Ang apat na orihinal na paaralang kasali sa Q'match noon ay ang Lunar, Haven, Fortis at ang Highness. After 15 years ay hindi na sumali ang Highness University sa Q'match dahil namatayan sila ng isang player sa gitna ng laro at ang player na iyon ay anak mismo ng head master ng Highness. At dahil hindi pwedeng tatlong paaralan lang ang maglalaban sa quadrangular match kung kaya pinalit ang Yin-Yang sa Highness University." Salaysay ni Maru.

"Kung ganun ngayon lang ulit lalaban ang mga taga Highness?" Tanong ko.

Nakita kong umiling si Lilyu, tumingin ako sa kanya. "Nagkakamali ka dahil ang Highness University ang lumalaban sa Hidden Asian Match taon-taon." Sabi nito.

"Ha?? Anong Asian Match?" Napaawang ang aking mga labi. Kung may National Match at may Asian Match, edi siguradong merong World Match? World cup?

Nakita kong kumunot ang noo ni Lilyu. "Hindi mo alam ang Asian Match?" Tanong nito sakin.

Umiling ako at napakagat ng labi. Eh hindi ko naman talaga kasi alam.

"Eh itong Quadrangular match alam mo kung para saan?" Tanong ni Lilyu.

"Oo, laban ng apat na school para..." Naputol ang sasabihin ko. Para san nga ba ang Q'match na to? Ang alam ko kasi may Q'match para malaman kung anong school ang merong malalakas na players at guardians. Tama ba?

"Wala ka talagang alam as in?" Sabi ni Lilyu na hindi naaalis ang kunot sa kanyang noo. Malay ko ba naman kasi sa mga ganyan-ganyan. Pinalaki ako ng normal ng mga magulang ko, ang alam ko lang taong-sereno ako at isa akong prinsepe. Hindi ko nga alam dati na totoo pala ang mga fairies, at mga bampira. Akala ko nga serena, sereno at mga casters lang ang totoo sa mythology, pero hindi pala. Lumaki ako na walang alam sa hidden society kaya pano ko malalaman ang mga bagay nato?

"Ang Q'match ay tinayo ng Highness para gawin itong batayan sa patas na pagpili ng mga players na ilalaban sa Asian Match. Ibig sabihin ang mananalong university sa Q'match ang lalaban sa Asian Match pero noon yun bago mamatay ang anak ng head master ng Highness." Sabi ni Maru.

"Noon? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang nangyari kasi noon pagkatapos mamatay ng anak ng head master ng Highness ay hindi na nakarating sa Asian Match ang mga players na nanalo sa Q'match." Sagot ni Maru.

"Ha? Bakit hindi na?" Tanong ko.

"Dahil hinarang ng Highness University. Makapangyarihan ang universidad na to at nagagawa nila ang gusto nilang gawin. Ang pinapadalang lumaban para Asian Match ay mga players galing mismo sa Highness University imbes na ang mga kampeon sa Q'match." Ani Maru.

"Ano? Pero bat ganun? Akala ko nga hindi na sila lumalaban sa Q'match dahil natatakot na silang baka may mangyaring masama sa mga estudyante nila pero bakit pinapalaban nila ang mga ito sa Asian match?" Nakakunot noong tanong ko.

"Ang Highness matatakot? Matatakot sa masamang mangyari? Walang silang kinatatakutan. At saka bakit kamo nila pinapalaban sa Asian Match ang mga estudyante nila? Kasi gusto ng Highness na kilalanin silang pinakamagaling na University dito sa buong Pilipinas. Malaking karangalan ang mapabilang sa Asian Match lalo pa kapag nanalo ang mga players na kasali dito. At ginawa nila ito para ipaalam sa ibang university na isang pagkakamali ang aksidenteng pagkamatay ng anak ng head master at ito ang ganti nila, ang haranging lumaban sa Asian Match ang University na mananalo sa Q'match." Sagot ni Maru.

"Pero ngayon meron ng National Match, ibig sabihin babalik na sa dating sistema ang pagpili sa mga players na lalaban sa Asian Match. Hindi na derektang makakalaban sa Asian Match ang mga taga Highness dahil kelangan muna nilang talunin ang makakalaban nila sa National Match." Sabi ko.

"Oo tama ka." Sang ayon ni Lilyu.

"Sa tingin niyu malalakas ang mga taga Highness University?" Tanong ko.

"Tanungin mo si Lilyu, dun siya nag-aaral bago siya magtransfer sa Yin-Yang." Sabi ni Maru na nakatingin kay Lilyu.

Ano daw? Si Lilyu dating Highness University student?


Continue Chapter 73