YYU - Chapter 57: Maru's Mission

 


*** MARU'S POINT OF VIEW ***



Napatingin ako sa mga mata ni Shero dahil sa kanyang mga sinabi. Nakita kong unti-unting naging kulay itim ang sclera ng kanyang mga mata, nawala ang kulay puti at tuluyang naging itim ang mga iyon. Biglang may lumabas na dugo sa kanyang ilong. Napasinghap ako, bigla akong kinabahan. Mukhang wala talagang kaalam-alam ang mga kasama ko tunkol sa nangyayari ngayon kay Shero.



Ang totoo ay merong split personality si Shero, at kahit siya ay hindi niya alam iyon. Kapag nagising ang pangalawang katauhan niya siguradong may mangyayaring hindi maganda. Kaya ako nandito ay para bantayan siya at protekahan sa mga ganitong klase ng sitwasyon. Hindi pwedeng magising ang pangalawang katauhan niya pero sa tingin ko ngayon ay nagkakaroon na ito ng concious, mukhang natrigger ito dahil sa lalaban si Shero.



Mabilis akong tumayo at lumapit sa upuan ni Shero, kelangan kong pigilan ang pagising ng pangalawang katauhan niya ngayon din mismo. Walang salita na itinaas ko ang aking kanang kamao at sinuntok si Shero sa gitna ng kanyang mga mata at ang kaliwang palad ko naman ay malakas na dumapo sa tapat ng kanyang puso, ito ang itinuro saking paraan para pigilin ang pagpalit ng split personality niya.



Dahil sa lakas ng suntok ko, at pwersa ng ang aking palad kung kaya natumba si Shero kasama ang inuupoan niyang banko. Humandusay siya sa sahig. Mabilis na tumayo ang mga kasama namin at gulat na gulat dahil sa ginawa ko. Nakita kong mabilis na lumapit si Tristan kay Shero at tinulungan niya itong makatayo. Sumuka ng dugo si Shero dahil sa epekto ng ginawa ko.



"Maru bakit mo siya sinuntok?" Napalingon ako kay Travis na nagsalita. Magkasalubong ang mga kilay nito, bakas sa mukha nito ang inis sa akin.  Humakbang ito sa direksyon ko at binangga ako sa balikat. Tinulangan nito si Tristan na alalayan si Shero.



Nanatili akong tahimik.



"Anong nangyari? Bakit may dugo..?" Mahinang tanong ni Shero na nakatingin sa kanyang mga palad. Ang dugong narun sa kanyang mga kamay ay galing sa kanyang ilong at sa kanyang bibig. Wala siyang kaide-ideya sa nangyari.



"Yin-Yang representatives, anong nangyayari diyan?" Napabaling ang pansin namin sa head order na nasa stage. Siguradong nakita nito ang ginawa ko.



Napalingon naman ako sa mga kalaban naming representatives sa kabilang mga mesa, nakatingin sila sa direksyon namin. Inikot ko ang aking paningin sa paligid, maingay pa rin ang mga manunuod, di nila pansin ang nangyari dito samin sa baba.



"Umayos kayo, bumalik kayo sa mga upuan niyo." Utos ni Tonique. Seryuso ang mukha nito, matalim ang tingin nito sakin.



Walang may nagsalita samin, tahimik kaming bumalik sa aming mga upuan na para bang walang nangyari. Napatingin naman ako kay Shero, nakaupo na ito at kasalukuyan nitong pinupunasan ang ilong at bibig ng panyo na galing kay Tristan. Oo alam kong ako ang magmumukhang masama pero kelangan kong gawin iyon.





*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Pinupunasan ko ang dugo sa aking mga kamay, nanggaling ito saking ilong at bibig. Hindi ko alam kung bakit ako nanosebleed at sumuka ng dugo. Natumba yata ang upuan ko kasama ako at nasubsob ang mukha ko sa sahig. Ewan ko at parang nawala ako sa aking sarili kanina, nakita ko na lang ang aking sarili na nasa sahig at tinutulungan ni Tristan. 



Inangat ko ang aking paningin at nakita kong nakapako ang mga mata ng mga kasama ko sa akin. 



"Ayos ka lang ba?" Napalingon ako kay Tristan na biglang nagtanong. Tumango ako bilang tugon at hindi umimik. Inabot nito sakin ang pinahiram niyang panyo at pinahid iyon sa kaliwang pesngi ko. "Ayan, ok na." Sabi nito.



"Salamat." Sabi ko at tumingin sa stage ng magsalita ang head order.



"Please come up on the stage Sirgel Moxy and Shero Tan." Sabi ng head order.



Mabilis akong tumayo, napalunok ako ng laway at pinalakbay ko ang aking paningin sa aking mga kasama. Kinakabahan ako, subra. Parang nahihirapan akong huminga dahil sa laban na to. Siguradong malakas ang Moxy na ito, pano ko siya matatalo?



"Good luck Shero." narinig kong sabi nina Karrice at Grandeline. Pilit na ngiti ang tinugon ko sa kanila.



Naramdaman ko namang hinawakan ni Tristan ang kaliwa kong kamay, napatingin ako sa kanya. Mabilis kong binawi ang kamay ko. Ngumiti ako, alam kong hindi maitatago ng ngiti ko ang pagkabahala sa aking mukha, kailangan kong magpanggap na ayos lang ako kahit na ang totoo'y subra na akong kinakabahan. Oo, aminado ako natatakot ako sa mga mangyayari.



"Kaya ko to." Sabi ko sa kanila. Nakita ko silang tumango, walang ngiti sa kanilang mga mukha. Seryuso ang mga anyo nila at nag-aalala.



Napatingin naman ako sa kabilang mesa, dun sa mesa ng mga taga Fortis. Nakita ko si Sirgel na nakatayo na rin, napalingon ito sa aking direksyon at ngumisi. Nagsalubong ang mga kilay ko sa kanya, ang yabang ng dating niya.



Inarapan ko siya at humakbang ako patungo sa taas ng stage.



Tumayo ako sa kanang bahagi ng head order at si Sirgel naman sa kaliwa. Nilingon ako ng head order at ngumiti ito sakin, pilit naman akong ngumiti dito. Binawi nito ang mga mata at humarap sa mga manunuod.



Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang apat na mesa sa baba kung saan nakaupo ang mga kasama ko at ang ibang mga school representatives. Nakapalibot rin sa coliseum ang mga manunuod, maingay at nagsisigawan.



"Tonight we're going to witness a must fight between two elemental users. Ladies and gentlemen, From Fortis University, Earth elemental user, Sirgel Moxy." Pagpapakilala ng head order. Napalingon ako kay Sirgel at nakita ko siyang kumakaway. Napuno ng ingay ang coliseum. "And from Yin-Yang University, water elemental user, Shero tan." Pakilala naman ng head order sakin. Nanatili lang akong nakatayo at hindi kumaway, wala naman kasing taga Yin-Yang na nanonood. 



"Let's begin!!" Malakas na sabi ng head order at tinaas nito ang kanyang staff. Nakita kong umilaw ang bato sa dulo ng hawakan nito. Napalingon ako sa baba, sa gitna ng malapad na sahig, nakita kong mula sa wala ay nagkaroon ng battle ring doon, katulad ito sa mga boxing ring pero subrang laki nito.



Wala akong ideya kung anong klase ng laban ang mangyayari samin ni Sirgel ngayon dahil iba ang Q'match sa night keeper's match. Basta handa na ako, gagawin ko ang makakaya ko para sa laban na ito. Napakuyom ako ng kamao, kinakabahan ako.


Continue Chapter 58