YYU - Chapter 70: Smoke and Shadow

 


*** TRAVIS' POINT OF VIEW ***



Napasandal ako sa katawan ng malaking puno at ramdam ko ang aking mabigat na paghinga. Kakatapos ko lang labanan ang tatlong mobs na mga tigre, natalo ko ang mga ito at isang green jewel ang nakuha ko mula sa kanila. Sa ngayon ay meron na akong isang green jewel at dalawang blue jewel, sa kabuuan ay meron na akong 11 points, mababang puntos pa lang ito pero okay na to kesa sa wala at saka mahaba pa ang oras para maghanap.



Tumingala ako sa langit, patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan. Sana tumila na ang ulan dahil giniginaw na ako at nahihirapan akong kumilos. Humugot ako ng malalim na hininga at inikot ko ang aking paningin sa paligid. Clear na ang area na to,  kelangan ko ng makapunta sa ibang bahagi ng war zone. sana swertehin ako at makahanap ako ng glass jewel na malalaki ang puntos.



Ginamit ko ang kapangyarihan kong teleportation sa paghahanap ng destiny balls pero limitado ito at sa abot lang ng paningin ko ang aking nararating dahil hindi ko alam itong war zone. Hindi ko kayang magteleport sa sa isang lugar na hindi ko pa nakikita, iyon ang limitasyon ng kapangyarihan ko.



Sa pagsulpot-sulpot ko kahit saan ay nakarating ako sa dulo ng kagubatan at saktong paglanding ko ay nakaharap ko ang tatlong players. Ang mga ito ay sina, Razchi na taga-Lunar, Arwin na taga-Haven at si Kazeni na taga-Fortis.



Apat kaming players ngayon ang magkakaharap at galing sa ibat-ibang school kaya walang kampihan ang mangyayari sa labanang magaganap. Inikot ko ang aking paningin sa kanilang tatlo, nasa kaliwa ko si Kazeni, nasa kanan ko si Arwin at nasa harapan ko naman si Razchi.



Ang kapangyarihan ni Kazeni ay gold body shifting, may kakayahan siyang gawing ginto ang kanyang katawan. Si Razchi naman ay elasticity, kaya niyang unatin alin man sa parte ng kanyang katawan at si Arwin naman ay may kapangyarihan ng reptile shifting, kaya niyang magpalit anyo bilang isang taong buwaya.



Palipat-lipat ang tinging namin sa bawat isa. Walang ingay mula sa amin, walang may gustong magsalita at parang naghihintayan kaming apat kung sino ang unang kikilos para umatake. Humugot ako ng hininga, ako ang unang kikilos para umatake pero sino sa kanilang tatlo?





*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



"Ahhhhhhhhh!!!!!!"



Kumawala ang isang sigaw mula sa bibig ko ng pumulupot sa aking katawan ang anino na si Avan. Subrang higpit nito at ramdam kong parang mababali yata ang mga buto ko sa katawan. Sunod na naramdaman ko ay ang pagtama ng katawan ko sa basang damuhan at putik. Natumba ako at habang nakagapos pa rin  ang aninong si Avan sa katawan ko ay mabilis ako nitong hinila ng pakaladkad.



Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ako makakilos, nakagapos sa katawan ko ang anino ng mahigpit at parang kinulong nito ang lakas ko. Blanko ang isipan ko, hindi ako makapag-isip na tamang gagawin para makawala.



Habang nakahiga ako at kinakaladkad ng anino ay nakita ko si Matchu  na tumatakbo at humahabol samin. Mga pitong dipa ang layo nito samin, nakatitig siya sakin at para bang sinasabi ng kanyang mga mata na huwag akong mag-alala at tutulungan niya ako.



Palapit ng palapit si Matchu. Ilang sandali pa at nasa tabi ko na ito at nakita ko itong biglang naglaho at naging kulay puting usok. Pumulupot sakin ang puting usok at natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumilapon sa isang tabi. Nakawala ako mula sa pagkakagapos ng aninong si Avan.



Hinihingal akong napasalampak sa lupa at pag-angat ko ng aking ulo ay nakita ko ang puting usok at ang itim na anino na parang nagsasabong sa hangin. Napanganga ako, anong klaseng kapangyarihan yan?



Pagkatapos ng ilang minutong paglalaban ng usok at ng anino sa hangin ay naghiwalay ang mga ito at nagbalik anyo bilang mga tao. Si matchu ay may kakayahang magshift bilang usok at si Avan ay may kakayahang magshift bilang anino. Sa nasaksihan ko ay parang patas ang laban nilang dalawa, kahit na bata si Matchu kumpara kay Avan ay napantayan niya ito ng lakas.



"Pakialamero!!! Gusto mo bang mamatay?!!" Galit na sabi ni Avan habang nakatingin kay Matchu.



Napalunok ako ng laway. Seryuso ang anyo ni Avan, baka tutuhanan nito ang sinabi.



"Bakit hindi mo na lang gawin?!!" Tugon ni Matchu. Wala akong naramdamang takot sa boses nito.



At napalaki ang mga mata ko ng may makita akong isang itim na anino na gumapang sa harapan ni Avan at nag-anyong tao. Katulad ni Avan ay nakabalot sa itim na kapa ang katawan nito pero si Avan ay hindi nakasuot ng hood sa ulo at ito naman ay nakasuot. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa direksyon ko.



"Tama na muna yan. May mga paparating." 



Narinig kong sabi ng bagong dating na estranghero, boses iyon ng lalake. Hindi tumugon si Avan at nakita ko itong tumingin sakin. Seryuso ang mga mata nito at parang nakakatakot.



Ilang saglit lang at nagpalit anyo bilang mga anino ang dalawa at gumapang palayo ang mga ito sa kinaroroonan namin.



Sino kaya ang Avan at estrangherong yun? Ano ang kelangan nila sakin? At bakit magkatulad sila ng kapangyarihan?



"Ok ka lang ba?"



Napaangat ako ng tingin kay Matchu, nasa gawing kaliwa ko ito at medyo malayo sakin.



"Ha? O-okay lang ako." Sabi ko na parang lutang ang isip dahil sa mga nangyari. "Salamat sa pagligtas sakin." Dugtong ko, utang na loob ko sa kanya ang pagkakaligtas niya sakin. Kung hindi niya ako tinulungan baka natangay na ako ng Avan na yun at baka kung ano na ang nangyaring masama sakin.



Nakikita ko ang blankong reaksyon sa mukha ni Matchu, ano kaya ang iniiisip nito? Bakit nga pala siya nandito sa kakahuyan? At bakit niya ako tinulungan? Nagkataon lang ba na nandito siya at nakita niya ako? Pero malabo naman kung nagkataon lang, malakas ang ulan anong magandang rason ang meron siya para pumunta dito?



"Bakit..." Naputol ang sasabihin ko ng biglang nagpalit anyo bilang usok si Matchu at mabilis na lumisan.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at napatingin ako sa dalawang paparating na sina Maru at Lilyu. Mabilis akong tumayo at hinintay ang paglapit nila.



"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Nakakunot noong tanong ni Maru ng tuluyan na silang makalapit ni Lilyu.



Binaba ko ang aking tingin sa suot kong damit at pajama at nakita kong puno ito ng putik. Anong magandang dahilan ang isasagot ko? Sasabihin ko ba sa kanila ang nangyari o magsisinungaling ako?





***  TRISTAN'S POINT OF VIEW ***


Masakit ang mga titig ni Jercean sakin dahil sa ginawa ko sa kanya. Tuluyang lumubog sa lupa ang mga binti at tuhod niya dahil sa kapangyarihan ko. Hindi siya makakawala sa ginawa ko, mapapasakin ang mga glass jewel na kanyang nakuha sa ayaw at gusto niya.



Lumapit ako dito na nakatutok pa rin sa direksyon nito ang aking kanang kamay. Dahil sa gravity force pull kung kaya hindi niya maigagalaw ang kanyang mga kamay dahil subrang bigat ang mararamdaman niya.



"Sinabi ko na sayo kanina na ibigay mo sakin ang mga glass jewels pero nagmatigas, kinain tuloy ng lupa ang mga paa mo." Sabi ko at gamit ang kaliwa kong kamay na nanghihina pa dahil sa sugat na natamo ko sa aking kaliwang balikat ay dinukot ko ang laman ng belt bag nito. Pagkatapos kong makuha ang laman nun ay lumayo ako ng distansya.



Binaba ko ang aking kanang kamay na nakatutok kay Jercean at naglaho ang aking kapangyarihan pero nanatiling nakalubog sa lupa ang mga binti niya. Tinignan ko sa aking kaliwang kamay ang aking mga nakuha mula sa belt bag nito. Dalawang spell of travel card, dalawang red jewel at tatlong yellow jewel.



"Ibalik mo sakin ang mga yan!!" Matigas na sabi nito.



Tinitigan ko siya habang abala naman ang kamay ko sa pagpasok sa mga items na nakuha ko sa aking belt bag.



"Finders keepers!!" Tugon ko dito at tipid na ngumisi. "This is a game, let's play it well!" Sabi ko at tumalikod patungo sa pulang port gate na kanina pa nakabukas.



Hinakbang ko ang aking mga paa papasok sa portgate at napunta ako sa ibang bahagi ng warzone. Sinalubong ang mga mata ko ng isang tanawin na siyang dahilan para uminit bigla ang dugo ko.



"Hindi ko inaasahang ganito tayo kaaga maghaharap." Bigkas ko, naramdaman ko ang biglang pagkalat ng mana ko sa aking katawan at gustong kumawala ano mang sandali.



"You're just a newbie, sa tingin mo kaya mo ko?" Nang-aasar na tugon naman ni Kenver at ngumisi. Nakatayo ito mga labing tatlong metro ang layo sakin.



"Bakit di natin umpisahan ngayon para magkaalaman na!!" Pigil inis na sabi ko. May pagkamayabang din ang isang ito, tignan ko lang mamaya kung makakapagmayabang pa siya sakin kapag buong katawan at kaluluwa niya na ang ibaon ko sa lupa.



Galit ako sa lalakeng ito dahil sa paghalik niya kay Shero. Ako lang ang may karapatang humalik kay Shero at wala ng iba pa, ang sino mang asungot ang magtangka at may planong aagaw kay Shero sakin ay malalagot!


Continue Chapter 71