YYU - Chapter 108: Lilyu vs Frejim

 


*** LILYU'S POINT OF VIEW ***



Tumigil ako sa paghakbang nang matanaw ko sa di kalayuan ang isang player na tulad ko ay naliligo sa ilalim ng ulan. Naroon siya nakatayo mga bente metro ang layo sa'kin. Kahit madilim ang paligid ay mabilis kong natukoy kung sino iyon, si Maru.



          Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan at pinanood ko lang siya. Iniisip kong mapapansin niya ang presensya ko at lilingunin niya ako pero lumipas ang ilang minuto na walang nangyari. Hindi kumikilos si Maru, nakatayo lang siya at nakatulala sa kadiliman na bumabalot sa paligid. May kutob akong hindi maganda, mukhang may nangyayaring mali sa kanya.



          Hinakbang ko ang aking mga paa para lapitan si Maru pero nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong napahinto. Tama nga ang aking hinala, merong nangyayaring hindi maganda sa kanya. Mula dito sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang mga rain gloomy flowers na nakapalibot sa kanya. Kahawig ng bulaklak na ito ang aster, meron itong maliliit na bulaklak na kulay puti na nagiging kulay itim kapag nababasa. Wala itong amoy at nagrerelease ito ng toxic chemical sa hangin na nagdudulot ng mind illusion sa sino mang nakakalanghap nito.



          Kelangan kong mailayo si Maru sa mga bulaklak dahil kapag tumagal pa siya doon ay matatagalan bago siya makakarecover sa ilusyon na dulot ng mga iyon. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko nang muli akong natigilan.



          "Hello Lilyu!" narinig kong bati ng isang lalaki mula sa aking likuran. Mabilis akong lumingon para malaman kung sino ito.



          Nagulat ako nang makita ko kung sino siya, "Frejim?" Nag-aalangan na bigkas ko sa kanyang pangalan. Nakatayo siya mga tatlong dipa ang layo sa'kin at nakasuot ng magkapares na kulay blue at lavender na combat costume. Nasa 6 feet ang kanyang height at may pagkatone ang kanyang katawan. Kulay blond ang kanyang buhok na bumagay sa kanyang western face.



          Kung meron mang mga players dito sa war zone na ayaw kong makalaban ay isa na dito si Frejim ng Haven University. Isa siyang warlock at hindi lang basta ordinaryong warlock dahil isa siyang swayer. Ang mga swayer ay mga gifted na witches at warlocks na may kakayahang magcast ng spell kahit walang gamit na staff. Bukod pa sa pagiging swayer ay isa rin siyang seer, isang guardian na may kakayahang tumagos ang paningin sa lahat ng bagay na parang x-ray. Sa madaling salita hindi uubra sa kanya ang kapangyarihan ko na illusion dahil matutukoy niya kung ano ang realidad at kung ano ang hindi. 



          Malakas si Frejim at alam kong matatalo ako sa kanya. Pero hindi naman ako pwedeng tumakbo na parang duwag dahil hindi ko pwedeng iwan si Maru dito. Ano nga ba ang gagawin ko? Paano ko lalabanan ang Frejim na'to?



          "Mukhang natigilan ka yata? Hindi mo ba inaasahang makakaharap ako?" sabi ni Frejim at ngumisi.



          Hindi ako umimik. Wala akong masabi. Parang nabablanko ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na ito. Nakakapanghina ng tuhod, malakas si Frejim at wala akong laban sa kanya.



           Nakita kong tinutok ni Frejim sa'kin ang kanang kamay niya, "Leyexilaliyof!" isang spell ang binigkas nito at bago pa ako makapagreact ay lumutang na ako sa hangin. "Yikazod!" sunod na bigkas niya at tumilapon ako sa katawan ng malaking puno.



          "Ahhhhgggg!!!" daing ko. Naramdaman ko ang subrang sakit sa'king likod dahil sa pagtama ko sa kahoy. Bumagsak ako nang patihaya sa lupang nakukumotan ng mga basang dahon. Napakuyom ako. Nilingon ko si Frejim, masakit ang mga titig na pinukol ko sa kanya pero parang bale wala lang ito. Siguro iniisip niya na wala akong pag-asa na talunin siya, marahil oo, marahil nga ay wala talaga.



           Nakakainis. Wala akong maisip na paraan para talunin ang Frejim na'to pero bahala na . Kung hindi ko magagamit sa kanya ang kapangyarihan ko baka sa short combat ay pwede ko siyang tamaan ng aking suntok. Mabilis akong bumangon at sinugod ito.Kinuyom ko ang mga kamao ko para sa aking pag-atake. Dalawang hakbang na lang at makakalapit na'ko sa kanya, kunti na lang at maaabot na ng kanang kamao ko ang kanyang mukha pero...



          "Yuflalisaheya" isang spell ang binigkas niya habang nakatutok sa'kin ang isa niyang kamay at biglang nahinto ako sa pagkilos. Hindi ko maigalaw ang kahit na anong parte ng aking katawan.Parang naging isang buhay ako na estatwa. Nakaangat sa hangin ang kanang kamao ko at nakahandang pakawalan ang isang suntok pero nabigo ako, bigo ako sa aking pagtatanka. 



          Tinitigan ako nang matalim ni Frejim at isang spin-kick ang ginawad nito sa'kin. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon. Dahil nga hindi ako makakilos kung kaya hindi ko na depensahan ang aking sarili. Tumama ang malakas na sipa nito sa'king kaliwang mukha at dahil sa lakas ng impact niyon kung kaya natumba ako sa lupa.



           Muli akong nakagalaw pero dama ko naman ang sakit sa aking kaliwang pisngi na dulot ng sipa ni Frejim. Ngunit bigla ring nawala ang atensyon ko roon nang makita ko ang mga rain gloomy flowers na nakalatag sa aking harapan kung saan ako nakadapa. Mabilis kong tinakpan ang aking ilong ng aking mga kamay para hindi ko malanghap ang chemical nito. Kapag nalanghap ko ang toxic chemical nito ay siguradong matutulad ako kay Maru na makukulong sa isang ilusyon. Kahit isa akong illusionist ay hindi ako makakaligtas sa bulaklak na'to.



           Nasa rain gloomy flowers ang isip ko nang biglang maagaw ang atensyon ko sa dalawang itim na boots na umapak sa mga bulaklak sa aking harapan. Nakita kong mula sa wala ay biglang kumalat ang makapal na yelo mula sa paanan nito at nabalot ang mga bulaklak.



          Inangat ko ang aking ulo at nakita ko ang blankong reaksyon ng mukha ni Shero na nakatunghay sa'kin.


Continue Chapter 109