YYU - Chapter 55: Early Match

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Kumalas ako sa pagkakayakap ni Tristan at tinitigan ko siyang mabuti. Hindi ko alam kung bakit ganito siya kaconcern sakin ngayon samantala dati nung grey class pa lang ako ay pinagtitripan niya ko at binablackmail. Ganito ba kaseryuso ang Q'match kung kaya ganito na lang sila kaconcern samin ni Lilyu?



Isang ngiti ang binigay ko kay Tristan, "Salamat sa concern." Sabi ko.



Nakita ko siyang ngumiti ng pilit. "Basta lagi mong isipin, hangga't kasama mo ko ay hindi kita pababayaan."



Hindi ako tumugon sa sinabi ni Tristan at napaangat ang aking ulo sa kalangitan. Doon ko lang napansin ang kadiliman ng langit at nagsimulang umambon. Umihip ang hangin at nakita ko ang paggalaw ng mga maliliit na sanga at mga dahon ng mga puno't halaman sa paligid, padilim na rin ang kapaligiran. Kung ganu kaganda ang panahon kanina pagdating namin dito sa Haven ay parang kabaligtaran yata ngayon, mukhang bubuhos yata ang malakas na ulan. Bigla ko namang naramdaman ang kamay ni Tristan na humawak sa isa kong kamay at hinila ako nito pabalik sa visitor's house. Bago kami pumasok sa loob ay binawi ko ang aking kamay sa kanya.



Nadatnan naming nag-iisa si Tonique sa sala, nakaupo ito sa sofa at kumakain, wala na ang apat.



"Kain kayo, nagluto sina Karrice at Grandeline ng sopas." Bungad samin ni Tonique.



Tumango ako, "Sige." Sabi ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi pa pala ako kumakain. "Nagugutom ako." Sabi ko at dinala ako ni Tristan sa dinning area. Sinabayan ako nitong kumain.

***

Kinagabihan mga bandang alas otso habang malakas ang buhos ng ulan sa labas ay dumating sa visitor's house ang tatlo naming mga handler para sa Q'match. May kasama ang mga ito, dalawang lalake at dalawang babae na nasa mid 20's ang mga edad, sila and wardrobe staffs at make-up artists namin. Dala ng mga ito ang mga susuotin naming mga damit para sa buong Q'match, una ay ang damit na para sa introductory ng Q'match kung saan magaganap ang signing at vows ng mga representatives at gaganapin iyon mamayang alas onse ng gabi, ang pangalawa ay ang combat costume na merong limang magkakaiibang desenyo para sa limang araw na laban at ang pangatlo ay ang customized university jacket na kulay crimson at grey na merong pangalan namin sa likod. 



Wala akong kasama at kasalukuyan akong nakaharap sa malaking salamin ng kabinet sa loob ng kwarto namin ni Lilyu. Kakatapos lang akong ayusan ng babaeng make-up artist na ang pangalan ay Rubia. Parang hindi ako makapaniwala sa sarili kong repleksyon, ang tapang ng dating ko sa make-up na ginawa ni Rubia sakin. Sa tingin ko bagay ito sakin. Kinapalan ni Rubia ang kilay ko at nilagyan niya rin ako ng makapal na eyeliner sa paligid ng aking mga mata. Nilagyan niya din ako ng blush on na kulay dark brown na nagpalutang sa checkbone ko at pinahiran niya ang labi ko ng kunting lipstick na kulay maroon, dahil sa make-up na to ay parang naging matured at maangas ang itsura ko.  Pinatungan ni Rubia ng kunting gold na powder glitters ang aking labi at gilid ng aking mga mata pataas hanggang sa aking sentido. Ang huli nitong inayos ay ang aking buhok, Brinush-up niya ito at nilagyan ng hair spray at pagkatapos at binudburan ng kulay gold na glitters.



Ang suot ko naman ay katulad sa mga kasamahan kong lalake, kulay crimson ito at chinese-style sleeveless na muscle fit. Yari ito sa makintab na silk na merong saktong kapal. Nasa likod ng damit ang mahabang zipper. Sa harapan naman ay nakaburda sa kanang bahagi ng dibdib ang logo ng Yin-Yang University na golden scale at sa baba nito ay merong tatlong magkakasunod na maliliit na silver chain. Sa gitna naman ng damit ay nakalagay mula sa baba ng chinese collar ang kulay black na mga malalaking butones pababa hanggang sa laylayan ng damit at sa kaliwang bahagi ng damit ay nakaburda ang kulay ginto na malaking araw at buwan na pinagsama at sa palibot nito ay mga abstract na mga guhit at porma. Ang pambaba naman ay above the knee na shorts, kulay crimson din ito at yari sa silk pero masmakapal ito ng kunti. Semi-fit ito, sa kanang gilid na bahagi ng shorts ay nakaburda ang kulay gintong apoy at sa kaliwang gilid na bahagi naman ay nakaburda ang gintong tubig. Ang feet wear naman ay boots na kulay black na abot hanggang sa baba ng tuhod. Nakaburda sa magkabilang gilid nito ang gintong apoy at tubig na pinagsama. 



Napabaling ang paningin ko sa pinto ng makarinig ako ng katok mula doon, sunod ay nakita ko ang pagbukas nito at pumasok si Karrice.



"Aalis na daw tayo." Sabi nito. Nakaayos na ito, ang pinagkaiba lang yata ng suot namin ay ang suot kung shorts at ang sa kanya naman ay skirt. Ang top namin ay magkatulad lang pero subrang fit iyong sa kanya kaya kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Hindi naman magkalayo ang make-up nito saming mga lalake, at ang buhok nito ay katulad kay Grandeline na nakapony-tail. Iba talaga ang dating ng mga mukha naming lahat ngayon, para kaming mga wild warriors na handang-handa ng sumabak sa laban.



Nilingon ko ang wall clock at nakita kong mag-aalas nwebe y media na. Binalik ko ang paningin kay Karrice. "Sige, tayo na." Tugon ko at lumapit sa kanya.



Sabay kaming bumaba ni Karrice at nadatnan namin sa sala ang iba pa naming mga kasamahan. Ang mga kasama naming mga representatives, sina prop at Mr.Gumban, ang tatlong handler namin at ang apat na staffs na kasama ng mga ito at sina prop. Arelan at si prop. Blare.



Napatingin ako sa kulay asul na portgate sa pader sa sala, nakahanda na itong daanan papuntang Haven Coliseum kung saan gaganapin ang Q'match introductory. Sabi ni prop Goldfield kanina samin, ang mga estudyante daw ng Haven, Lunar at Fortis ay pupunta sa coliseum para manood ng introductory kung saan ipapakilala kaming lahat na mga representatives, bukod sa mga estudyante ay marami pang mga hiddens na galing sa iba't-ibang lugar ang manonood. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa ideyang aakyat ako sa stage at haharap sa libo-libong hiddens.



Lumapit kami ni Karrice sa iba naming mga kasama at pumagitna naman si prop Goldfield at nagsalita.



"Get your selves ready, huwag kayong kabahan. Pupunta lang tayo sa Haven Coliseum para sa signing and vows, hindi pa ito ang laban so relax lang kayo. ." Sandaling tumigil sa pagsasalita si prop at huminga ng malalim. "Ok, now form your line at aalis na tayo. Good luck representatives." Wika ni prop.



Kumilos kami at bumuo ng linya. Pumila kaming mga representatives, nauna si Karrice, sunod si Grandeline, Keith, Lilyu, Travis,Tonique,  Maru, Tristan at ako.



Habang nasa linya ay nilingon ako ni Tristan, ang gwapo niya sa kanyang make-up at spiky na hair style. "Where's my goodluck kiss?" Sabi nito.



Binigyan ko siya ng matalim na tingin, heto na naman siya . Alam niya naman na ayaw ko ng ganun pero heto at kinukulet pa rin niya ako, gusto talaga akong asarin. Dinilaan ko siya bilang tugon. Nakita ko siyang ngumiti at umiling.



"Just kidding." Sabi nito. "Good luck Satin."



Tumango ako, "Yeah, goodluck satin." Tugon ko at tipid na ngumiti.



Binalik ni Tristan ang tingin sa harapan ng pila at isa-isa na kaming pumasok sa portgate. 

***

Pumasok kaming mga representatives sa portgate kasama sina prop. Goldfield, Mr.Gumban, ang tatlo naming handler, ang apat na staffs at ang dalawang prop ng Haven. Isang malapad at magandang silid ang aming nilabasan. Merong malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng silid at may mga wall lamp sa mga pader  na siyang nagbigay ng liwanag sa paligid. Dekarpet naman ang sahig at kulay itim iyon, sa tabi ay merong malalaki at mahahabang mga couch na kulay crema ang nakaraya at sa gitna naman ay merong mahabang mesa na pinapalibutan ng silya at puno ito ng sari-saring pagkain at prutas.



Merong apat na bintana sa silid at magkakasunod iyon sa dingding na kaharap ng nag-iisang pinto na nasa gitna ng kaadjacent na dingding ng kabila. Sa tabi naman ng pinto ay merong pendulum clock na antigo pero maayos pa rin. Nakita ko ang oras dito, alas diyes na. Tatlumpong minuto din pala ang kapalit sa pagtawid namin sa portgate.



Nagbigay naman ng instruction si prop.Blare na habang hinihintay ang pagdating ng alas onse kung saan magsisimula ang programa ay kumain daw muna kami kaya iyon at pinagsaluhan naming lahat ang pagkain sa mesa. Napag-alaman namin na nasa loob na pala kami ng coliseum at nasa special room.



Bandang alas diyes y media ay iginiya kami ng dalawang propesora ng Haven palabas ng silid patungo sa likod ng stage ng coliseum. Dinala kami ng mga ito sa malapad na waiting room, doon ay nadatnan namin ang completong representatives ng kalaban naming mga universities. Ang kulay ng suot ng Haven ay kulay dark blue at may kunting touch ng lavender, ang Lunar ay black at may kunting red, at ang Fortis ay dark green at may halong silver. Magaganda ang mga suot nila, pero sa tingin ko masmaganda ang samin.



Bigla akong nakaramdam ng kaba at napahawak ako sa braso ni Tristan. Kasalukuyan kaming nakatayong siyam sa isang tabi malayo sa mga kalaban namin. Hinihintay naming magsimula ang programa para sa pagpapakilala samin.



"Okay ka lang ba?" Napatingin sakin si Tristan.



"Kinakabahan ako." Sabi ko at lumingon sa mga taga Lunar. Nahuli ko ang isang representative nila na lalake na nakatingin sakin. Siya ang pinakabata sa kanila siguro nasa 12 to13 ang edad nito. May kakaiba sa kanyang mga titig, malalim at nagtatanong. Mabilis kong binawi ang aking mga mata. 



Inakbayan ako ni Tristan. "Huwag kang kabahan, nandito ako, nandito ang mga kasama natin. Magkakampi tayong lahat dito, poprotektahan natin ang bawat isa." Sabi ni Tristan at humarap samin ang mga kasama namin.



"One for all. All for one" Sabi ni Tonique at inangat nito ang isang kamay kalebel ng kanyang bewang, inangat din ni Karrice ang isa nitong kamay at pinatong sa kamay ni Tonique, iyon din ang ginawa ni Travis, ni Grandeline, ni Keith, ni Lilyu, at ni Maru. Sumunod rin si  Tristan at hindi naman ako nagpaligoy-ligoy pa at pinatong ko din ang kamay ko.



Nakabuo kami ng bilog at magkakapatong ang aming mga kamay na siyam. Nagkatitigan kaming lahat at nagkangitian. Parang instinct naman at sabay kaming nagsalita lahat. "One for all. All for one. Yin-Yang fight!"



Binawi namin ang aming mga kamay at nagtawanan kami. Nawala ang kaba na naramdaman ko...



Nang bigla na lang nagcrack ang sementong kinatatayuan naming siyam at gumalaw. Mabilis akong tumalon bago pa umangat ang sementong inaapakan ko, nakita ko namang biglang natumba at humandusay sa sahig si Grandeline dahil umangat ang sementong inaapakan nito at hindi siya nakatalon bago ito nangyari. Nakaangat ang mga nagcrack na semento at nakapalibot iyon saming siyam na mga taga Yin-Yang. Mukhang may inggitero na taga ibang school ang gustong magsimula ng away. Wala ang mga propesor at propesora dito kaya ang lakas ng loob nito na gawin itong pag-atake samin. 



Nakita kong tinulungan ni Karrice si Grandeline na tumayo. Napatingin kami sa ibang mga representatives, nakatingin din sila samin. Hindi ko alam kung sino ang may kagagawan nito dahil wala sa kanila ang nasa porma ng pag-atake. Merong dalawang posibilidad akong naiisip, maaaring telekinesis ang kapangyarihan ng gumawa nito o isang earth elemental user.



"Si Sirgel Moxy ang may kagagawan nito, isang earthist at taga Fortis." Mahinang sambit ni Tonique nasa gawing kanan ko siya, nasa harapan ko naman si Tristan at hinarang ang sarili sakin.



Earthist daw sabi ni Tonique, ibig sabihin earth elemental user. Binaling ko ang paningin ko sa mga taga Fortis, kilala ko ang anim sa kanila at ang tatlo ay hindi pa, sa tatlong iyon isa doon si Sirgel. Tinitigan ko ang tatlong taga Fortis na hindi ko kilala, dalawa ay lalake at isa naman ang babae. Alin sa dalawang lalakeng iyon si Sirgel? Mukhang bihasa na siya sa kapangyarihan niya dahil nacocontrol niya ito gamit lang ang isip niya.



"Masyado pa yatang maaga para simulan ang Q'match. Pero kung gulo ang gusto niyo sige simulan na natin ngayon." Malakas na sabi ni Maru at biglang gumalaw ang mga nakalutang na biyak na mga semento at umatake ito sa kanya pero dahil isa siyang wall walker ay tumagos lang ito sa kanyang katawan at tumama ang mga ito sa pader.



"Anong kaguluhan ito?!!"



Napalingon kaming lahat sa matandang babae na biglang nagsalita sa bukana ng pintuan ng silid. May mga kasama ito at dalawa na dun sina prop Goldfield at Mr.Gumban, at sa tingin ko ang iba ay mga prop din ng ibang school.



"I think this is between Yin-Yang and Fortis." Sambit ng matanda at pinalipat-lipat ang tingin sa aming dalawang grupo. "Dahil dito, expect an early match tonight." Sabi nito at tumalikod pabalik sa labas ng pinto at pumasok naman sina prop Goldfield at ang iba pa.



Bigla na naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi ng matandang babae. Hindi ko siya kilala pero sa tingin ko isa siya sa incharge at may malaking posisyon sa Q'match. Kung ganun magkakaroon ng labanan mamaya, at sa tingin ko ang school namin at ang mga taga Fortis ang maglalaban.


Continue Chapter 56