Isa, dalawa, tatlo (Horror)


(Author's Note: Please read Cursed of Rayani Moyusa)



"What are you reading?" 

Napalingon si Shara sa bagong dating na kaklaseng si Laila, kasalukuyan siyang nasa Electronic library ng school nila at kaharap ang monitor ng computer. "Philippine History," sagot niya at ibinalik ang mga mata sa monitor.

"And you, Arlen?" tanong ni Laila sa isa pang kaklase na katabi ni Shara.

"Im reading the Cursed of Rayani Moyusa," sagot ni Arlen na hindi man lang nag-abalang lumingon.

"Oh! Crap! You really love reading scary tales," ani Laila at umupo sa bakanteng upuan sa kanang bahagi ni Arlen, naglog-in ito sa computer na nasa harapan.

"This story is very interesting, well, hindi naman nakakatakot. Im curious... Totoo kaya ito?" mahinang usal ni Arlen, napalingon sina Shara at Laila sa kanya na magkasalubong ang mga kilay at para bang nagsasabi na, pwede ba hindi totoo yan. "Guys dont give me that look. Yeah i know right, this thing is stupid. It's not real." aniya at ngumiti.

Huminga ng malalim si Shara at binalik ang pansin sa binabasa sa monitor. Kaklase niya sina Arlen at Laila simula first year hanggang ngayong fourth year. Bestfriend niya ang mga ito, lahat sila matatalino at running for honors. 

"Shacckkkss! What the?"

Mabilis na lumingon si Shara at Laila kay Arlen, nagtatanong ang mga mata ng mga ito. Hawak ni Arlen ang celphone at mukhang may natanggap itong mensahe na hindi maganda.

"Bakit?" mabilis na tanong ni Shara.

"Nothing!" Nag-aalangan na sagot ni Arlen at pilit na ngumiti para takpan ang pagkagulat mula sa nabasang mensahe.

"Sigurado ka?" pangungumpirma naman ni Laila. Tumango lang si Arlen.

Naglog-out si Arlen at sinarado ang computer. Nagpaalam ito sa dalawang kaklase na mauuna ng umuwi. Hapon na ng mga oras na iyon. Sumakay ito sa school service na parang wala sa sarili, laman ng isip nito ang mensaheng natanggap pagkatapos niyang basahin ang estorya tunkol sa batang si Rayani Moyusa. Walang sender ang mensahe, nag-aalangan siya kung ipapasa ba ito sa sampung tao tulad ng sinasabi sa mensahe o hindi.

 Binuksan niya ang celphone at muling binasa ang mensahe na nagpatayo ng mga balahibo niya sa braso. "Isa, dalawa, tatlo... nakapikit ako. apat, lima... magtago ka na. anim, pito... papunta na ako. walo... malapit na ako. siyam... tatlong hakbang na lang. sampu... sundin mo ang utos ko!!! Send to 10 people before midnight, do it or else die."

 Kinabukasan ay maagang nagising si Shara dahil sa tawag sa kanyang celphone. Si Laila ang nasa kabilang linya, ibinalita nito sa kanya na patay na si Arlen. Binangungot daw ito. Hindi siya makapaniwala, kahapon lang ay magkasama pa sila pero ngayon ay wala na ito. Habang buhay na niya itong hindi makikita at makakausap. Labis ang panghihinayang ang naramdaman niya para sa kaibigan. Isang matalino, magalang, masayahin at mabait na kaibigan si Arlen, nakakapanghinayang ang maaga niyang pagkawala.

 Huwebes ng araw na iyon. Pumasok si Shara sa paaralan at katulad niya nalulunkot din ang mga kaklase niya. Labis na lunkot ang namayani sa buo nilang silid dahil sa pagkawala ng isa nilang kaibigan at kaklase. Hindi pa nila madadalaw at makikita ang mga labi ni Arlen ngayon dahil kinailangan pang mag hintay ng 24 oras bago ibalsama ang katawan nito. Kailangan nilang maghintay hanggang bukas.

 Nang tanghaling iyon magkasama sina Shara at Laila sa canteen na nanghalian. Napag-usapan nila si Arlen.

"Hindi ako makapaniwalang iniwan na tayo ni Arlen." sabi ni Laila na nakatutok ang naluluhang mga mata sa nangangalahating baso ng tubig.

"Ako nga din eh. Kahapon lang magkasama pa tayong tatlo, pero ngayon... dalawa na lang tayo." parang naiiyak na sabi naman ni Shara.

 Pumatak ang mga luha ni Laila, "Mamimiss kita Arlen." mahinang usal nito.

 Hindi na rin napigilan ni Shara ang lunkot na nararamdaman at tuluyan na rin itong lumuha. Pareho na silang umiiyak ni Laila habang naaalala ang mabait na kaibigan.

Mga bandang alas onse ng gabi ng matapos ni Shara ang assignment niya sa literature ng may bigla itong maalala. Mabilis niyang binuksan ang laptop at nagsearch sa google. Tinype niya ang Cursed of Rayani Moyusa at nagsilabasan ang mga info sites tunkol dito. Pinindot niya ang link ng wattpad kung saan nakasaad ang Cursed of Rayani Moyusa. Tumambad sa kanya ang isang kwento at sinimulan niya itong basahin. Binalot ng kaba ang kanyang sistema habang binabasa ang kwento lalo pa at gabi at wala siyang kasama sa silid. Hindi nagtagal at natapos niyang basahin ang buong kwento. Tinanong niya pa ang sarili kung totoo kaya ito ng bigla na lang tumunog ang kanyang celphone, isang text message ang dumating.

Mabilis niyang dinampot ang celphone at binuksan ang message na walang sender, "Isa, dalawa, tatlo... nakapikit ako. apat, lima... magtago ka na. anim, pito... papunta na ako. walo... malapit na ako. siyam... tatlong hakbang na lang. sampu... sundin mo ang utos ko!!! Send to 10 people before midnight, do it or else die."

Bigla siyang natakot sa nabasa. Itong mensahe na natanggap niya ay isang chain message sa nabasa niyang kwento.  Natanong niya ang sarili kung prank kaya ito o hindi? Pero sino naman ang magpapadala nito sa kanya? Naguguluhan siya, paano kaya kung totoo ito? Bigla niyang naisip si Arlen noong huling araw na magkasama sila sa electronic library, ang Cursed of Rayani Moyusa ang binasa nito ng hapong iyon. At kung hindi siya nagkakamali itong mensahe na natanggap niya ay katulad din sa natanggap ni Arlen pagkatapos nitong basahin ang kwento tunkol kay Rayani Moyusa. Malinaw na nakasaad sa kwento ng Cursed of Rayani Moyusa ang chain message, possibling totoo nga ito.Tinignan niya ang oras sa laptop 11:30pm. Nanginginig ang mga daliri niyang pinindot ang celphone at finorward ang chain message sa sampung tao sa kanyang phonebook. Totoo man ito o hindi kailangan niya itong ipasa sa iba, wala namang mawawala kung gagawin niya ito.

Tumunog ang celphone ni Laila, isang mensahe galing kay Shara ang kanyang natanggap. Binuksan niya ito at binasa, "Isa, dalawa, tatlo... nakapikit ako. apat, lima... magtago ka na. anim, pito... papunta na ako. walo... malapit na ako. siyam... tatlong hakbang na lang. sampu... sundin mo ang utos ko!!! Send to 10 people before midnight, do it or else die."

"Crap!" Nasabi ni Laila at pinatong ang celphone sa side table ng kama. Inabot nito ang lampshade at pinatay. Bumulalot ang kadiliman sa silid nito at kunting sinag lang ng ilaw sa labas ng bintana ang nagbigay ng liwanag sa loob. Humiga si Laila sa kama at pinikit ang mga mata.

Mga Kalahating oras na siyang naidlip ng biglang magising dahil tumunog ang kanyang celphone. 12:13 na madaling araw. Inabot niya ang celphone, papikit-pikit pa siya habang binubuksan ito. Nakita niyang walang sender ang mensahe, Binasa niya. "Isa, dalawa, tatlo... nakapikit ako. apat, lima... magtago ka na. anim, pito... papunta na ako. walo... malapit na ako. siyam... tatlong hakbang na lang. sampu... nasa tabi mo na ako, akin na ang buhay mo!!."

 Bigla siyang napabangon dahil sa nabasa. Bigla siyang natakot, binalot ng kaba ang kanyang dibdib. kinakabahan siya ng subra. Ito rin ang mensaheng natanggap niya kanina mula kay Shara pero iba na ang dulo ng mensahe ngayon, nakalagay sa dulo  ang linyang 'Akin na ang buhay mo!' Nagdulot iyon ng kilabot kay Laila. Anong klaseng mensahe iyon, nakakatakot. Inabot niya ang lampshade para buksan pero hindi ito umilaw. Nagsimula ng manginig ang kanyang katawan. Maya-maya'y may narinig siyang boses ng batang babae...

"Isa, dalawa, tatlo... Nakapikit ako."

Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa braso at batok, merong bata sa kwarto niya. Hindi niya alam kung nasaan ito banda dahil madilim. "Sino yan?" sigaw niya na parang naiiyak.

"Apat, lima... Magtago ka na."

Tumayo siya sa kama at tinakbo ang pintuan ng silid para buksan pero hindi ito mabuksan... "Mommy!! Mommy! Buksan niyo ang pintuan." Naiiyak at natatakot na sigaw niya.

"Anim, pito... Papunta na ako."

Pinukpok niya ang pintuan para makaagaw ng pansin pero walang may sumasagot. "Ahhhh!! Mommy!!!" Patuloy na sigaw ni Laila. Takot na takot na siya, kahit  hindi siya lumingon alam niyang merong bata sa likuran niya.

"Walo... Malapit na ako."

Nanghihina na si Laila, masakit na ang mga kamay niya sa pagkalampag ng pintuan. Walang may nakakarinig sa kanya. Parang ayaw na rin lumabas ng boses niya, magkahalo na ang pawis at luha niya dahil sa takot.

"Siyam... Tatlong hakbang na lang."

"Ahhhhhhh... Tulong buksan niyo ang pintuan.. Mommyyyy!!! Tulong!!.." Sigaw ng natatakot na si Laila. Nararamdaman niya ang presensya ng bata sa likod niya, naririning niya itong tumatawa ng mahina. "Ahhhh.. Tulong....!" Hindi niya magawang lumingon, takot na takot siya sa batang may ari ng boses na kanyang naririnig.

"Sampu... Nasa tabi mo na ako... Akin na ang buhay mo!!"

Rinig ni Laila mula sa bata na parang paus, sunod ay naramdaman niyang may bumaon na matalim na bagay sa likod niya. Magkakasunod na saksak pa ang bumaon sa likuran nya at tuluyan na siyang bumagsak ng patihaya sa sahig. Bumukas ang ilaw ng lampshade at nakita niya ang batang babae na nakatayo sa tabi niya, nakasuot ito ng puting damit na puno ng dugo, may hawak itong manika at mahabang kutsilyo. Puno ng dugo ang parang tinadtad nitong mukha. Narinig niyang tumatawa ito at parang tuwang-tuwa sa kanyang ginagawa. Bumaon sa kanyang ulo ang kutsilyo na hawak nito ng ilang beses at tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.

Kinabukasan ay bumaha ang mensahe sa celphone ni Shara, mga mensahe na nagbabalita tunkol sa mga namatay niyang kaklase. Sampu sa pinasahan niya ng chain message ay mga kaklase niya at lahat ng mga ito ay namatay kagabi. Pagkatapos mabasa ni Shara ang mga text ay parang nababaliw itong binato ang celphone sa pader ng silid at sumigaw... 

"Hindii!!!!!!"


WAKAS!

Cursed of Rayani Moyusa (Horror)