YYU - Chapter 85: Tonique's?

 


*** KARRICE'S POINT OF VIEW ***



Tinapon ko sa damuhan ang pangalawang die at lumaki ito. "Sais." Sambit ko at ngumiti. Sais ang lumabas ibig sabihin bonus, free challenge.



Napalingon ako kay Tonique at nakita kong nakataas ang isang sulok ng labi nito at nakakunot ang noo. Mukhang hindi ito natuwa sa lumabas na numero. Binawi ko ang tingin sa kanya at binaling ko ito sa malaking die na nasa damuhan.



"Sais. Bonus, free challenge." Anunsyo ng voice over na babae  mula sa die na nasa damuhan at naglaho ito.



"Tapos na po ang round two ng Yin-Yang at nakakuha sila ng bonus. Let's proceed to round three." Bigkas ni Crasnelia habang nasa ere at muling may lumabas na die sa harapan namin ni Tonique.



Mabilis na dinakma ni Tonique ang nakalutang na die at binato sa damuhan. Lumaki ito at lumantad sa amin ang numero nito sa ibabaw. Napatingin ako kay Tonique at nakita kong abot tenga ang ngiti nito, salungat sa itsura niya kanina nung tinapon ko ang die at lumabas ang number 6.



"Dos! We will choose  Fortis University." Nakangising sabi nito, masyado itong excited na hindi man lang hinintay magsalita ang voice over sa die. Ano na naman kaya nag pinaplano nito?



Kung kanina sa round one ay pumalakpak ang mga nanonood ng pinili ko si Phoebie ngayon ay hindi na. Nagbubulongan lang mga ito sa kanilang mga upuan. Mukhang nahulaan na nila ang mga mangyayari mamaya.



Sa labang ito ay mas lamang kami ni Tonique dahil mas malakas ang mga kapangyarihan namin kumpara sa mga kalaban namin. Si Tonique ay kaya niyang kontrolin ang mga kalaban namin gamit ang heaven's heart at ako naman ay isang time stopper, wala pang may nakakaalam sa totoong nagagawa ng kapangyarihan ko.



Kaya kong talunin ang mga kalaban namin sa ilang saglit lang pero ayukong gawin ito at saka isa pa siguradong hindi rin papayag si Tonique. Wala sa mga kalaban namin ngayon ang makakatalo sa tandem namin ni Tonique at yun ang totoo, siguro kung si Sirgel ng Fortis na isang elemental user ang naglaro posibli pa na matalo kami. Kanina sa round one pinaglaruan lang ni Tonique ang mga kalaban namin, sigurado mamaya masmaganda pa ang ipapagawa niya sa mga ito.



Tumayo sina Phoebie at Xenon sa upuan at naglakad patungo sa aming direksyon. Napansin kong hindi tuwid ang lakad ni Phoebei, mukhang napinsala ang kaliwang paa nito kanina sa laban nila ni Esdras. Kung ano man ang kalagayan niya ay wala na kaming pakialam dun, laro ito at sa laro may mananalo at may matatalo. Sa larong ito hindi pwedeng pairalin ang awa dahil baka ikaw ang magiging kawawa. Sila nga kanina ni Xenon hindi naawa sa mga taga-Lunar at Haven kami pa kaya?



Kaharap na namin ngayon sina Phoebie at Xenon at mga anim na dipa ang layo nila samin. Masama ang tingin nila samin, akala naman nila siguro masisindak kami sa mga tingin nila. Wala sila sa posisyun  para mag-angas. Masasabi kong sa laro naming ito si Tonique lang ang may karapatang mag-angas dahil siya ang nagsisilbing batas dito na hindi pwedeng baliin.



"Round three challenge will start in 5... 4... 3... 2... 1... Fight!" Anunsiyo mula sa die at naglaho ito.



"Kung sa..." Naputol ang sasabihin ni Xenon dahil pinigil ito ni Tonique.



"Pssshhhhhhhhh!!!" Saway ni Tonique at nasa tapat ng labi nito ang hintuturo. "Tsk! Tsk! Tsk!" Usal nito habang umiiling at pinagcross nito ang mga braso sa harap ng dibdib. Lumakad ito patungo kina Xenon at Phoebie na hindi gumagalaw sa kanilang kinatatayuan. Nasisiguro kong nasa ilalim na sila ng heaven's heart, alipin na sila ngayon ni Tonique.



Nang tuluyang makalapit si Tonique sa harapan ng dalawa ay nagsalita ito. "Term na namin ngayon kaya wala kayong karapatang magsalita!" Sabi ni Tonique at isang sipa ang pinakawalan nito sa sikmura ni Xenon.



Dahil sa lakas ng sipa kung kaya bumagsak ng patihaya si Xenon sa damuhan at mabilis itong nilapitan ni tonique. Nagsquat si Tonique sa tabi ni Xenon at hinila niya ito sa damit palapit sa kanya.



"What the ...?" Mahinang sambit ko ng biglang hinalikan ni Tonique sa labi si Xenon.


Continue Chapter 86