HU - Chapter 3

 



*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



            "Uulitin ko Shero, kung maaari at kung pwedeng maiwasan ay hindi ka pwedeng makita ni Tristan," sabi ni Cazer sabay abot sa'kin ng itim na hooded cloak.


            Isang simpling tango ang tinugon ko sa kanya at tinanggap ko ang itim na kapa.


            "Para san 'to?" nagtatakang tanong ko. Dadalhin niya ako kay Tristan pero pinagbabawalan niya akong makita nito at paulit-ulit niya iyong sinabi kanina. Klaro na sa'kin 'yon, ang pinagtataka ko ay kung para saan itong kapa? Mag-aalas nuebe pa lang ng umaga at pasusuotin niya ako nito, edi parang mas lalo yata kami makakatawag ng pansin no'n.


            "Isuot mo na lang," sabi nito at nakita ko siyang ipinatong ang itim na kapa sa kulay puti niyang uniporme. Hindi na 'ko kumibo at ginawa ko na lang ang gusto niya. 


            One hour earlier bago dumating si Cazer dito sa loob ng silid ko ay natagpuan ko ang aking sarili na nakatanaw sa sarili kong repleksiyon sa malaking salamin ng lumang wardrobe. Medyo nagulat ako sa aking sarili dahil ang dati kong itim na buhok ngayon ay puti na, mukhang bagong ayos lang ako at nakasuot ako ng Highness uniform. Napag-alaman kong ngayon ay araw na ng martes, wala akong memorya sa mga nangyari kahapon kaya malamang si Shino ang nagtake-over sa katawan ko. Hindi na ako masusurpresa doon. I was down and depressed sa mga nangyari na hiniling kong makawala sa realidad kaya siguro pinalitan ako ni Shino.


            Another lost memories dahil kay Shino pero sa pagkakataong ito ay wala na akong pakialam pa, kung ano man ang ginawa niya ay wala na akong pakialam doon. Para ano pa at alalahanin ko ang mga 'yon? I lost my friends, and I lost Tristan, pagkatapos ng hindi inaasahang rebelasyong na isa akong prinsipe I doubt na magiging ok kami ni Tristan at matatanggap niya ako. Isang malaking sekreto ang tinago ko sa kanya at baka isipin niyang wala akong tiwala o hindi ko siya pinagkakatiwalaan dahil naglihim ako.


            And now here's my cousin Cazer, dadalhin niya raw ako kay Tristan para makabawi siya sa'kin. Hindi ko inexpect na gagawan niya ako ng pabor, sa ngayon he is my only hope. I'm in the middle of nowhere and I have no ways para makatakas sa lugar na ito, and now Cazer is giving me one. Kapag nagkaroon ng chance mamaya ay tatakasan ko siya and thanks to Shino for making myself ready for that.


            Tinitigan ko si Cazer nang hawakan niya ako sa kaliwang balikat ko, "Time to go," sabi niya at biglang nagkaroon ng gintong liwanag na malaking bilog sa sahig sa aming paanan na merong malaking hexagram sa gitna at mga celestial symbols na nakapaikot sa loob.


            Sa isang saglit lang ay napunta kami sa isang lugar, isang pamilyar na lugar, ang Yinyang. Nasa timog kami na bahagi ng campus malapit sa main center kung saan malapit sa main gate ng University. Unang pumasok sa isip ko ay ang pananabik ko sa paaralang ito at pangalawa ay ang pagtataka at katanungan kung bakit ngayon ay gabi na? Ang alam ko kapag pumasok ka sa portgate iyon ay may kabayaran na oras, pero hindi naman kami gumamit ng portgate, nagteleport kami kaya bakit gabi na ngayon eh kanina lang ay umaga pa?


            Magsasalita sana ako at tatanungin si Cazer sa gumugulo sa isip ko nang...


            "Hoy kayong dalawa! Anong ginagawa niyo dito sa loob?"


            Isang malakas na boses ng lalaki mula sa di kalayuan ang umagaw sa atensiyon namin ni Cazer at alam ko kung sino ang may-ari no'n, si Tristan. Bigla akong nakaramdam ng kaba at excitement, subrang miss ko na siya. Hindi ko alam kung gaano kalapit o kalayo ito sa amin dahil nakatalikod ako rito at si Cazer ang nakaharap sa kanya.


            Tinitigan ko si Cazer at nakita kong nakapako ang mga mata niya sa aking likuran. Lilingon na sana ako para makita si Tristan nang matigilan ako dahil binalingan ako ni Cazer at nagsalita ito ng pabulong.


            "Shero nasa nakaraan tayo, ngayon ay July 18, 2017, and to be exact ngayon ay alas siete ng gabi, ito ang gabi na nagtagpo ang landas ninyo ni Tristan. Hindi niya pwedeng makita ang mukha mo or else magbabago ang hinaharap," pagpapaalam ni Cazer sa'kin na labis ko namang ikinagulat.


            Hindi agad ako nakapagreact, may kapangyarihan si Cazer na manipulahin ang time and space at hindi ko inakalang gagamitin niya iyon para dalhin ako sa nakaraan, at dito pa mismo sa unang pagtatagpo namin ni Tristan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya at ginawa niya ito pero sa tingin ko wala siya sa tamang katinuan para gawin niya ang bagay na ito. My ghad, imagine pwedeng magbago ang hinaharap dahil sa'ming dalawa.


            "Kelangan nating tumakbo at magtago," sabi ni Cazer at hinila ako nito sa kamay at tumakbo kami patungo sa likod ng four storey lecture building.


            Medyo may kadiliman sa parteng ito ng campus ngunit ang isang imahe na sumalubong at nagpahinto sa'ming pagtakbo ay klarong-klaro sa paningin ko. Sa di kalayuan sa aming harapan ay may isang grey class na nakatalikod at naglalakad, ang grey class na iyon ay ako. Umihip ang malamig na hangin at nakaramdam ako ng panlalamig sa buo kong katawan, at bigla na lang nagflashback sa isip ko ang mga nangyari sa'kin nang gabing iyon.


            Mabilis kong hinila si Cazer sa kamay patungo sa malalagong halaman sa tabi para magtago. Eksakto namang nakapagkubli kami nang dumating si Tristan.


            Huminto si Tristan sa pagtakbo at nabaling ang atensyon nito sa grey class, iyon ang sarili ko sa nakaraan.


            "Tigil!" malakas na bigkas ni Tristan na ang mga mata ay nakapako sa'kin.


            Nakita kong tumigil ako sa paglakad, walang kibo, tahimik lang pero alam ko sa mga oras na iyon ay kabado ako.


            "Kung iniisip mong tumakbo, iyon ang huwag mong gagawin dahil mabilis akong tumakbo at sigurado akong maaabutan kita," pagbabanta ni Tristan.


            Nakita kong ilang segundo akong natigilan at pagkaraan ay nagsalita, "Kung gan'un eh di habulin mo 'ko," tugon ng sarili ko na may paghahamon ang tuno at kasunod no'n ay nakita ko ang sarili ko na kumaripas ng takbo at hinabol naman ako ni Tristan.


            Nilingon ko si Cazer, "Cazer gamitin mo ang kapangyarihan mo, pahintuin mo ang oras, hindi ako pwedeng mahuli ni Tristan," parang natataranta na sabi ko dahil nakita ko kung gaano kabilis si Tristan at posibling mahabol ako nito kapag hindi kami gumawa ng paraan.


            "kagagamit ko lang ng time travel, ang natitirang mana ko ay sapat lang para makabalik tayo sa hinaharap mamaya," tugon ni Cazer.


            "Gawan mo ng paraan dahil kung hindi, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," sabi ko.


            Tumayo ako at tumakbo kasunod ni Tristan, medyo may kalayuan ang distansya namin at nakafocus ang atensyon nito sa sarili ko sa nakaraan kaya alam kong hindi niya ako mapapansin na humahabol. Maya-maya'y nasa tabi ko nang tumatakbo si Cazer.


            "Anong ginagawa mo?" mahina ngunit may diin na sabi ni Cazer.


            "I'm going to save myself," mahina at may inis na tugon ko dahil ayaw niya akong tulungan.


            "Fine, gagawan ko ng paraan 'to pero kelangan nating makalapit nang kunti kay Tristan, bilisan mo ang pagtakbo," sabi nito at nauna na ito sa'kin. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko iyon.


            Tumakbo kami nang mabilis, nalampasan namin ang lecture building at lumiko kami pakanan. Napahinto ako sa pagtakbo nang makita kong ilang dipa lang ang layo ni Cazer kay Tristan at bigla nitong ginamit ang kapangyarihan. Pinahinto ni Cazer ang oras, naging parang buhay na estatwa si Tristan at maging ang sarili ko sa nakaraan na ilang dipa lang rin ang layo kay Tristan ay huminto rin.


            Nilingon ako ni Cazer, "Happy?" sabi nito na may inis ang tuno, mukhang naasar ito sa tinuran ko kanina. "Time freeze ang tawag ko sa kapangyarihan na ito at hindi time stop, ibig sabihin ang mga bagay o tao lng na nasa loob ng purple na bilog mula sa kinatatayuan ko ang hihinto sa paggalaw o pagkilos. Kung time stop ang ginamit ko, kakain iyon ng malaking mana at hindi tayo makakabalik sa kasalukuyan nang naaayon sa plano."


            Nakita ko nga ang malamlam na kulay purple na bilog na sumakop sa kinaroroonan ni Tristan at ng sarili ko sa nakaraan, maging ako ay nasa loob ng purple na bilog pero hindi ako naging estatwa at dahil iyon sa kagustuhan ni Cazer.


            "What now?" tawag pansin nito sa'kin.


            Lumakad ako palapit dito at sa puntong iyon doon ko napansin na nasa likod kami ng library at mismo sa tabi ni Tristan ang pintuan ng stock room kung saan ko siya nakita noon. That makes sense, so kami pala ang dahilan kung bakit nasa loob ng stock room si Tristan.


            "Ikulong natin si Tristan sa loob ng stock room," sabi ko.


            "Ok, so we were the reason pala kung bakit nagtagpo ang landas niyong dalawa," sabi ni Cazer at hindi ko na lang iyon pinansin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang kwento tungkol sa'min ni Tristan, pero may hinala akong si Lilyu ang nagkwento sa kanya.


            Tinulungan ko si Cazer na buhatin si Tristan at ipasok sa loob ng stock room. Gusto ko pa sanang dampian ito ng halik sa labi kahit sa huling pagkakataon pero nahiya ako sa presensiya ni Cazer kaya pinigil ko ang aking sarili.


            "Ngayon ano ang plano?" ani Cazer at binalingan ako pagkatapos niyang isarado ang pinto ng stock room.


            "This is the plan, kelangan niyang makulong sa loob hanggang sa oras na dumating ako," sabi ko at sinimulan kong balutin nang makapal na yelo ang door knob. Tinantya ko ang kapal ng yelo, dapat saktong matunaw iyon sa oras nang pagdating ko.


            "At pagkatapos? Magtatago tayo at panonoorin natin ang susunod na mangyayari?" sabi ni Cazer.


            "Hindi, kelangan na nating bumalik sa kasalukuyan dahil mamaya lang ay uulan na," sabi ko.


Continue Chapter 4