YYU - Chapter 69: The Threat!

 


***SHERO'S POINT OF VIEW***




Napaawang ang aking mga labi ng makita ko ang pagbalot ng makapal na yelo sa hawak kong baso. Bigla na lang itong nabasag at nahulog ng pira-piraso mula sa  aking kamay.



Anong nangyari? Bakit nabalot ng yelo ang baso? Tinignan ko ang aking palad. Ako ang gumawa ng yelong iyon pero paano? Ngayon ko lang naranasan ito at hindi ko alam kung pano ko nagawa iyon.



Naputol ang aking pag-iisip ng biglang may pumatak na dugo sa aking palad. Nano-nosebleed  na naman ako. Mabilis kong inangat ang suot kong damit at pinahid sa aking ilong. Siguradong dumugo na naman ang ilong ko dahil sa bago kong kakayahan.



"Shero ayos ka lang ba?" Tanong ni Lilyu na nakatayo sa tabi ko.



"Ayos lang ako." Sabi ko at binaba ko ang aking damit mula sa aking ilong.



"Ice manipulation, isa yan sa kapangyarihan mo bilang aquaist."



Napaangat ako ng ulo kay Maru na nagsalita, nakatayo ito malapit sa bintana. Walang reaksyon sa mukha nito at parang pinag-aaralan ang kilos ko.



Binawi ko ang aking tingin at isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Kung ganun isa na rin akong ice manipulator ngayon.



"Isang malakas na kapangyarihan ang ice manipulation." Dugtong ni Maru, hindi na ako tumingin sa direksyon nito at nakita kong yumuko si Lilyu sa harapan ko para damputin ang basag na baso.



Mabilis kong hinawakan ang kamay  ni Lilyu para pigilan ito. "Ako na Lilyu" Sabi ko.



Binawi ni Lilyu ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. "Shero bitiwan mo yung kamay ko."  Sabi nito.



Natigilan ako dahil hindi ko magawang bitiwan ang kamay ni Lilyu. Hindi ko magalaw ang kamay kong nakawak sa kanya.



Nakita kong biglang may kumalat na manipis na yelo sa kamay ni Lilyu na hawak-hawak ko.



"Shero anong ginagawa mo? Bitiwan mo yung kamay ko." Sabi ni Lilyu at hinila ang kamay sakin pero hindi nito nagawa . Nanatiling nakahawak ang kamay ko sa kanya at unti-unting kumapal ang yelo sa paligid ng kamay nito.



"Hindi ko magalaw ang kamay ko." Sabi ko at nagsimulang magpanic ang isipan ko, baka mapano si Lilyu dahil sakin. Nakita kong mabilis na kumalat ang yelo paakyat sa braso ni Lilyu. Nakaramdam ako ng kaba.



Gamit ang isa kong kamay ay hinila ko ang aking kamay na nakawak kay Lilyu para tanggalin ito pero hindi ko magawa. 



Nakita ko naman si Maru na mabilis na lumapit samin para tumulong. Mula sa likuran ay niyakap nito si Lilyu at ginamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang wall walker. Dahil sa kapangyarihan ni Maru ay tumagos ang kamay ni Lilyu sa kamay ko. Nakawala sa pagkakahawak ko ang kamay ni Lilyu at nawala rin ang yelong bumalot sa kamay at braso nito.



Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa, nakatitig sila sakin  at nagtatanong ang kanilang mga ekspresyon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila.  Isang pagkakamali ang ginawa ko kahit pa sabihing hindi ko naman iyon sinasadya. Muntik ng mapahamak si Lilyu dahil sakin.



"Sorry Lilyu..." Sabi ko at mabilis akong bumaba sa kama at lumabas ng silid.



Patakbo akong lumabas ng visitor's house at sinuong ang malakas na ulan patungo sa kakahuyan. Naiinis ako sa aking sarili, dahil sa bago kong kakayahan ay may muntik ng mapahamak dahil dito. Aanhin ko ang malakas na kapangyarihan kung makakakasakit naman ako ng ibang tao ng wala sa oras?



Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa kusang huminto ang sarili kong mga paa. Nasa kalagitnaan na siguro ako ng kakahuyan. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at inangat ko ang aking mukha sa langit. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ko ang pagbagsak ng ulan at ang dampi ng hangin sa aking balat.



"At last, the prince of Rosaria is awake."



Napadilat ako ng mata ng may marinig akong lalakeng nagsalita. Bigla akong sinukuban ng kaba dahil sa sinabi nito. Mabilis kong inikot ang aking paningin sa paligid para hanapin ang may-ari ng boses na yun.



Napako ang mga mata ko sa isang anino na biglang nag-anyong tao sa ilalim ng malaking puno di kalayuan sakin. "Sino ka?" Kinakabahan at nagtatakang tanong ko sa lalake. Matankad ito at nasa twenty's ang edad. Nakabalot ang buong katawan nito sa kulay itim na kapa. 



Paano nalaman ng lalakeng ito na isa akong prinsepe? Ano ang alam niya sa Rosaria? Iilan lang ang nakakaalam na isa akong prinsepe dahil isang malaking sikreto ang katauhan ko. Paano nalaman ng lalakeng ito ang tunkol sakin?



"Relax, hindi ako kaaway mahal na prinsepe." Nakangiting sabi nito at yumukod.



Nagsalubong ang mga kilay ko, "Sagutin mo ang tanong ko. Sino ka? Bakit mo ako kilala?"



Humakbang ang lalake palapit sakin, umatras naman ako. Huminto ito at nagsalita. "Ang pangalan ko ay Avan.'



"Anong kelangan mo sakin?" Tanong ko at napalunok. Mukhang may hindi magandang binabalak ang lalakeng ito.



"Sumilay ang ngiti sa labi ni Avan. "Gusto sana kitang isama sa grandstand kung saan pwede mong mapanood ang laban ni Tristan." Sabi nito.



Sa grandstand? Laban ni Tristan? Oo nga pala laban ngayon ni Tristan. Tinitigan ko ang lalake, ano ang alam niya samin ni Tristan? Bakit parang ang dami niyang alam tunkol sakin?



"Shero lumayo ka sa kanya!!" 



Napalingon ako sa lalakeng biglang nagsalita mula sa malayo sa gawing kanan ko at nakita ko ang pinakabatang representative ng Lunar University na si Matchu. 



"Huli ka na sa pagdating bata!" Sabi ni Avan at nakita ko itong nagpalit anyo bilang anino at ginapos ang katawan ko.





*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***



Malayo-layo na rin ang nalakad ko pero wala pa rin akong makitang destiny balls, kahit kapwa ko players ay wala. Baka sa aming walong players na nandito sa war zone ay ako palang ang walang nakitang glass jewel, pano ba naman kasi  ang lakas-lakas pa rin ng ulan, ang dilim tuloy ng paligid.



Napahinto ako sa paglakad ng may narinig akong pagsabog. Pinakiramdaman ko ang aking paligid at muli kong narinig ang isa pang pagsabog, galing iyon sa kanang bahagi ko sa di kalayuan. Sigurado akong may player na nakikipaglaban sa oras nato.



Mabilis akong kumilos at tumakbo patungo sa pinanggalingan ng pagsabog. Huminto ako ng matanaw ko ang isang lalakeng player na nakikipaglaban sa dalawang mobs na anyong halimaw katulad sa mga nakalaban namin noon sa night keeper's match. Tahimik akong nagkubli sa malaking puno mga dalawampong metro ang layo sa mga ito.



Sumilip ako at nakita ko ang mukha ng player, si Jercean, tagalunar university. Ang kapangyarihan nito ay palm explosion. May kakayahan siyang pasubugin ang lahat ng bagay na kanyang mahahawakan.



Ang mga kalaban naman nito ay parang mga ogre, kulay itim ang mga ito at nasa 7 feet ang taas. Malalaki ang mga katawan ng mga ito at meron silang sandata na kung tawagin ay manriki, ito ay kadenang merong solidong bakal na nakakabit sa bawat dulo.



Sa nakikita ko ay sanay si Jercean sa martial arts, siguradong sinanay niya ang kanyang sarili sa short combat dahil sa short range ang kapangyarihan niya.



Mula dito sa pinagkakakublian ko ay nakita kong humandusay padapa sa putikan si Jercean ng tamaan ito ng kamao ng isang ogre sa likod. Mabilis na gumulong patihaya si Jercean  at saktong nagawa niya iyon ng humampas ang kadena ng isang ogre sa binagsakan nito. Nagback-roll si Jercean sa ilalim ng isang ogre at nakita kong hinawakan niya ito sa dalawang paa at pagkatapos ay ginamit niya dito ang palm explosion. Nagkaroon ng pagsabog at pagkatapos ay bumagsak ang ogre na inatake ni Jercean. Mabilis na tumayo si Jercean at tinalunan ang ogre na bumagsak at pinasabog nito ang ulo para siguradong hindi na ito makakabangon pa.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Isang ogre na ang pinabagsak ni Jercean, kapag 



natalo niya ang isa pang ogre saka ako lalabas. Malakas ang Jercean na to kaya dapat akong mag-ingat.



Nakita kong pumulupot ang kadena ng ogre sa kaliwang braso ni Jercean at hinila siya nito palapit para suntukin pero nakahanda na ang kanang kamay ni Jercean, inabot nito ang tiyan ng ogre at pinasabog.



Bumagsak ang ogre sa putikan, natalo ni Jercean ang mga ito. Mula dito sa pwesto ko ay nakita kong naglaho ang katawan ng mga ogre at lumitaw sa hangin ang dalawang lumiliwanag na glass jewel na kulay pula. Ang katumbas ng red jewel ay 10 points, dalawa ang lumabas na red jewel kaya twenty points iyon. Kelangan kong makuha ang mga iyon kay Jercean.



Lumabas ako sa pinagkukublian kong puno mula sa likuran ni Jercean. Tahimik akong lumapit dito. Nakita kong inabot nito ang dalawang red jewels na nakalutang sa hangin. Huminto ako sa paglakad mga apat na dipa ang layo sa kanya.



"Ibigay mo sakin ang mga yan." Sabi ko.



Gulat na humarap sakin si Jercean at dumistansya palayo. Hinanda nito ang sarili at nakita kong pinasok nito sa kanyang belt bag ang dalawang glass jewel. Mukhang wala itong planong ibigay sakin ang mga iyon.



"Kunin mo kung kaya mo." Hamon nito sakin.



Nagulat ako sa sunod na nangyari dahil dinukot pala nito sa belt bag niya ang spell of travel card, ang spell card na magbubukas ng port gate.



Masyadong mabilis ang pangyayari, nakita ko na lang si Jercean na tinutok sa hangin ang kanyang kamay na merong spell of travel card at dahil dito ay bumukas ang isang port gate na kulay pula. Mabilis na kumilos si Jercean papasok sa portgate pero bago niya nagawa iyon ay mabilis ko siyang tinalunan para pigilan sa kanyang balak.



Nagawa ko, hindi siya nakatakas. Sabay kaming bumagsak sa putikan at isang pagsabog ang sunod kong narinig. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking kaliwang braso at pagtingin ko ay dumudugo na ito. Ginamit ni Jercean sakin ang palm explosion.



Mabilis akong gumulong palayo dito. Ang lakas ng kapangyarihan niya. Hindi ko siya pwedeng lapitan basta-basta. Sabay kaming tumayo na nakatitig sa bawat isa at sabay na napalingon sa pulang portgate na naghihintay.



Mukhang plano ni Jercean na pumasok sa portgate pero hindi ko siya hahayaan, dapat mapasakin ang mga glass jewel na nakuha niya. Wala akong pakialam kong pinaghirapan niya itong makuha, ang Yin-Yang ang mananalo sa Q'match na ito.



Nakita kong tumakbo si Jercean sa portgate para pumasok kaya mabilis kong tinaas ang kanang kamay ko sa direksyon nito.



"Hindi ka makakatakas sakin!!!" Kumawala ang boses ko at naramdaman ko ang mana na kumalat sa buo kong katawan at sa aking kamay.



Hindi nakagalaw si Jercean sa kinatatayuan nito malapit sa portgate dahil ginamit ko sa kanya ang gravity force pull kung saan hihigupin siya ng gravity pabaon sa lupa. Dahil sa kapangyarihan ko kung kaya unti-unting bumaon ang mga paa ni Jercean sa lupa at pati na rin ang mga malalaking bato at halaman sa paligid. Nagsimulang bumaon sa lupa ang mga ito na ani mo'y kinakain ng kumonoy.


Continue Chapter 70