HU - Chapter 10

 


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



"Ano 'yon Shero? Bakit mo ginawa 'yon?" may inis sa boses na tanong ni Cazer sa'kin, pagdating sa silid ko ay iyon agad ang ibinulalas niya sa'kin.


Hindi ako umimik at tinitigan ko lang ito. Kung ano man ang ikinilos ko sa hallway ay hindi ako ang responsabli doon kun'di si Shino. Gusto kong ipagsigawan iyon pero hindi pwede, hindi nila pwedeng malaman ang lihim ko, tulad ng sabi ko dati, ayukong malaman nila ang sekretong iyon dahil ayukong isipin nila na nasisiraan na ako at ayukong pagdudahan nila ako na may problema sa pag-iisip.


"Ano ba kasi ang nangyari Shero?" baling naman ni ate Fame sa'kin.


Tulad ng mabilis na pagdating ni Shino ay mabilis din itong nawala, muli ay nacontrol ko ang aking sarili. Ang magaling na si Shino, pagkatapos niyang gumawa ng gulo heto at iniwan niya na lang ako sa ere.


"Hinarang ako ng dalawang lalake at gusto akong sapakin kaya pinagtanggol ko ang aking sarili, self defense ang ginawa ko," sabi ko na nakatingin kay ate Fame.


"Iyon ba ang dahilan kung bakit ka inatake ni Frelan?" tanong nito.


Nag-assume ako na ang tinutukoy nito ay ang lalaking may kapangyarihan kaya tumango ako. Tanging tango lang ang naitugon ko dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na inatake ako no'n dahil nadatnan niya akong inaapakan sa mukha ang kapatid niya. Lalo akong mapapasama kapag sinabi ko ang totoo.


"So, dahil inatake ka niya kaya gumanti ka?" nilingon ko si Cazer at nakita ko ang pigil-inis sa mukha niya, "Hindi mo ba alam na isa siyang Korzevlan?" anito.


Saglit akong napaisip, Korzevlan? Kung tama ako ay producer sila ng mga gadgets, cellphone, laptop at kung ano-ano pa.


"Korzevlan, 'yong may ari ng Korz-e brand na gadgets?" inosenting tugon ko.


Nakita kong napailing si Cazer bago ito magsalita, "Para sa kaalaman mo Shero, ang Korzevlan ay kabilang sa Zodiac Families, sa madaling salita isa sila sa labindalawang makapangyarihang pamilya sa buong mundo. Ang Korzevlan ay ang Hidden Royal Family sa ilalim ng House of Capricorn at hindi lang sila basta gadget producer, sila ang founder at  nagpapatakbo sa black market sa buong mundo at ang may control sa deep net," pahayag ni Cazer.


Zodiac families, 12 powerful families, House of Capricorn, black market at deep net. Lahat 'yon naabsorve ng utak ko. Ang ibig sabihin ni Cazer, isang pagkakamali ang ginawa kong pag-atake sa dalawang membro ng pamilyang ito, which in fact hindi naman talaga ako 'yon, thanks to Shino- ako na naman ang napasama.


"So anong gagawin ko? Hihingi ng sorry?" sabi ko, kung iyon ang kelangang gawin para hindi na lumaki ang gulong ito ay magsosorry ako nang walang pag-aalinlangan.


"Save it to yourself, the damage has been done," sabi ni Cazer at binalingan nito si ate Fame, "Meron akong bad news sa inyong dalawa," sabi nito.


Pagkarinig ko ng bad news ay mabilis na sumukob ang kaba sa aking dibdib, 'yong totoo ay parang naging nebyuso ako lately, 'yong dati kong normal na buhay ngayon ay full of surprises na, ok sana kung magagandang surpresa pero hindi eh, alam mo 'yong surpresa na parang lalagutan ka ng hininga kahit imortal ka pa.


"Ano'ng bad news?" tanong ni ate Fame na nakapako ang paningin kay Cazer.


Hindi sumagot si Cazer at lumapit ito sa nakasaradong bintana, binuksan niya iyon dahilan para malayang makapasok ang malamig na hangin ng gabi.


"Nakausap ko kanina ang Red Rose at sinabi niyang may laban kayong dalawa ni Shero sa sabado," ani Cazer habang nakatutok ang paningin sa kadiliman sa labas ng bintana.


Dahil sa sinabi nito kung kaya saglit kaming nagkatinginan ni ate Fame at parehong nakabakas sa aming mga mukha ang pagkagulat at pagtataka. Mabilis din naming binalik ang aming paningin kay Cazer na nakatanaw sa kawalan ng gabi.


Oo nga pala, sa pagkakaalam ko mula kay Lilyu ang Highness University tulad ng ibang schools ay meron ding student council at tinatawag itong Aces Garden o Garden of Aces. Ang Presidente ay tinatawag na Red Rose at White Rose naman sa Vice President. Ang mga matataas na members ay tinatawag na Petals at Buds naman ang tawag sa mga estudyante na candidate sa posisyon ng Red Rose at White Rose, usually ang mga Petals ay Fourth year at ang mga Buds naman ay mga third year. Thorns naman ang tawag sa peace and order committee, kapantay ng mga ito ang Night keepers ng Yinyang. Aces ang tawag sa mga membro ng organisasyon na ito kaya naging Garden of Aces. Ang mga Professors at staffs ng university ang pumipili sa mga Aces at ilan sa basihan nila para mapabilang ka ay talino, talento, kagalingan, attitude, fame, status and influence.


"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni ate Fame kay Cazer.


Lumingon sa amin si Cazer at nagsalita, "Dalawang magkapatid na babaeng Korzevlan mula sa Distinct University ang lumipat sa school natin kahapon. And guess what, pinsan sila ni Frelan at gusto nilang sumali sa National Match, " sabi nito.


Nagulat ako sa aking narinig, mga Korzevlan at mga pinsan pa talaga ni Frelan. Mukhang nahuhulaan ko na ang mga mangyayari. I'm screwed.


"What? Meron na tayong line-up. Hindi pwede ang gusto nila," tumaas ang boses ni ate Fame dahil sa pagkadisgusto sa mga narinig.


"Exactly, iyan din ang sabi ng Red Rose at ng ibang Aces, pero iginiit ng dalawa na kung si Shero nga ay bagong transfer at nakapasok sa line-up bakit sila hindi pwede? Kaya nagpropose sila na magkaroon ng laban para maging patas ang lahat," ani Cazer.


"Gusto nilang magkaroon ng laban at pinili nila kami ni ate Fame?" sabi ko.


"Oo," sagot ni Cazer at tinuon nito ang mga mata sa akin, "Kapag nanalo sila sa laban, dalawa sa line-up natin ang kanilang papalitan, maaaring kayong dalawa ang palitan nila, maaaring ako o ibang kasama natin. At kapag nanalo kayo, at ease, walang mababago sa line-up natin," anito.


Huminga ako nang malamin, kelangan kong pakalmahin ang aking sarili dahil unti-unti ay kinakain na naman ang isip ko ng panget na ala-ala mula sa hinaharap. Akala ko ay tuluyan nang mababago ang hinaharap dahil mananatili na ako dito sa HU pero heto at meron na namang kontrabida. Sinusubukan talaga ako ng tadhana. Kapag natalo kami sa laban ni ate Fame ay hindi malabong mangyari ang mga nakita ko sa future at hindi pwede iyon. Hindi pwedeng mawala si Tristan, hindi pwedeng masira ang mundo dahil sa'kin. Hindi ko hahayaan iyon.


Iwinaglit ko sa aking isipan ang mga alalahanin at isang katanungan ang lumabas sa aking bibig, "Ano ba'ng meron at gusto ng magkapatid na Korzevlan na yan na lumaban sa N'match?" tanong ko.


"Alam ko na," sabi ni ate Fame at sabay kaming napatingin ni Cazer dito.


"Ano 'yon ate?" sabi ko.


"Ito ay dahil sa Hidden World Match  na gaganapin next year. Supposed to be pagkatapos ng N'match ay Asian match, at pagkatapos ng Asian match ay Continental match, pero dahil nakaschedule ang World match next year, kung saan every 6 years lang ito dinaraos ay isasantabi muna ang Asian match at Continental match," ani ate Fame.


"Tama," pagsang-ayon naman ni Cazer, "Kaya gano'n na lang kagusto ng dalawang Korzevlan na makapasok sa N'match ay dahil kapag nanalo ang Highness ay makakalaban ng school natin ang ibang prestigious schools mula sa ibang panig ng mundo. At kung hindi ako nagkakamali ang ibang lalaban ay mula rin sa zodiac families. Isang malaking karangalan sa Zodiac families kapag nanalo ang membro nila sa world match na ito kaya siguradong hindi nila ito papalampasin lalo pa at every 6 years lang ito ginaganap,".


"Kung 'yan ang goal ng dalawang magkapatid, bakit ngayon lang nila naisipang magtransfer?" tanong ko.


Nilingon ako ni ate Fame, "Marahil hindi naman talaga nila gusto at pinilit lang sila ng pamilya nila para sa karangalan na maaari nilang maibigay kung sakaling makapasok sila sa world match at manalo," anito.


Napabaling ang paningin ko kay Cazer nang lumapit ito sakin at ipinatong nito ang isang kamay sa balikat ko. Tinitigan ako nito nang maigi at nagsalita, "Kung ano man ang pakay nila ay labas na tayo roon. Ang kelangan niyong gawin ni Fame ay manalo laban sa kanila. Kelangan niyong manalo para walang mabago sa line-up ng Highness, sa ganoong paraan ay hindi mapapahamak si Tristan at masesecure natin ang hinaharap," saglit na tumigil ito sa pagsasalita at nilapit nito ang labi sa tenga ko at bumulong, "Siguradong pag-iinitan ka ng dalawang iyon kapag nalaman nila ang ginawa mo sa mga pinsan nila, kaya Shero gamitin mo ang tinatago mong lakas, alam ko ang sekreto mo," sabi nito at nilayo ang sarili sa'kin.


Continue Chapter 11