HU - Chapter 9

 



*** AUTUMN'S POINT OF VIEW ***



"Nakita mo si Shino?" tanong ni Sky sa'kin nang makalapit ako sa kanila ni Sunset. Narito pa rin silang dalawa sa gitna ng bilog na entablado at binabantayan ang himbing na si Shero.


Tumango ako kay Sky bilang tugon at binaling ko ang aking paningin kay Shero, kung totoo ang mga sinabi sa'kin ni Shino ay magagawa kong kontrolin ang katawan nito at ang kelangan ko lang gawin ay hawakan ito sa kamay.


Humakbang ako at tumabi kay Sunset na nasa kanang bahagi ni Shero, si Sky naman ay naroon nakatayo sa kaliwang bahagi ni Shero paharap sa amin.


"Anong meron? Bakit parang..." puna ni Sky, marahil ay napansin nito ang katahimikan ko, kabaligtaran kanina nang bago ko sila makita kung saan tanong ako nang tanong. 


Hindi ko ito pinansin at ang paningin ko ay nakapako lang kay Shero na nakahiga sa munting ulap. Inangat ko ang isa kong kamay at akma kong aabutin ang kanang kamay nito nang pigilan ako ni Sunset, hinawakan nito ang bisig ko.


Binalingan ko si Sunset at nagtama ang aming paningin, "Bilin ni Hill na huwag hahawakan si Shero," sabi nito.


"Sinabi niya ba kung bakit?" tanong ko habang nakatitig sa kulay purple nitong mga mata.


Hindi ito nakasagot kaya binawi ko ang kamay ko sa kanya, hindi ko alam kung ang pagtikum ng bibig nito ay nangangahulugan ba na wala itong alam o ayaw niya lang akong sagutin.


Ibinalik ko ang aking pansin kay Shero at hinawakan ko ito sa kanyang kanang kamay. Bigla ay para akong napunta sa ibang mundo, nasilayan ko ang kasalukuyang ginagawa ni Shero, kung ano ang kanyang nakikita ay siya ko ring nakikita. Sina Sky at Sunset naman ay nakikita ko sa gilid ng aking paningin, sa paghawak ko kay Shero ay naging dalawa ang vision ko, ang sarili kong vision at ang vision ni Shero. Katibayan ito na totoo nga ang mga sinabi sa'kin ni Shino. Sa lagay na ito ay hindi ko lang magagamit ang paningin ni Shero kun'di macocontrol ko pa ang katawan niya.


Lumipas ang ilang sandali at nanatili akong nakahawak lang sa mainit at malambot na kamay ni Shero. Nanonood lang ako sa mga ginagawa nito hanggang sa dumating sa punto na magkaroon ng gulo sa hallway. Nagulat ako dahil hindi ko ito inasahan, wala namang ginagawa si Shero pero bigla na lang itong hinarang ng dalawang lalaki, naghahanap yata ng away ang mga ito.


Nang akmang susuntukin na ng isang lalaki sa mukha si Shero ay hindi ko na napigil ang aking sarili. Kinontrol ko ang katawan ni Shero at agad kong naramdaman ang malakas na enerhiya na bumalot sa akin, ito na yata ang sinasabi ni Shino na kapangyarihan ni Shero. Sabi ni Shino ay madali ko lang daw itong macocontrol at magagamit, kelangan ko lang daw damhin at tanggapin ang kalakasang maibibigay nito sa'kin.


Bago pa dumapo ang suntok ng lalaki ay ginamitan ko ito ng blood manipulation at sinunod ko ang kasama nito na balak pang sumugod sa'kin. Sa unang pagkakataon ay nagamit ko ang blood manipulation nang walang kahirap-hirap. Ramdam ko sa katawang ito ni Shero ang nag-uumapaw na kapangyarihan, nakakalunod, nagugustuhan ko ito, gusto ko ang pakiramdam na ito.


Linapitan ko ang lalaking may berdeng buhok at inapakan ito sa pisngi. Nakita ko ang pagdaloy ng dugo sa kanyang ilong. F*ck! Subrang satisfaction ang nararamdaman ko habang nakikita itong nasasaktan. Ang daing nitong sakit ay parang magandang musika sa aking mga tenga.


"Hoy anong ginagawa mo?!"


Nakarinig ako ng sigaw mula sa isang lalaki kung kaya napatigil ako sa aking ginagawa. 


Sa sandaling iyon ay pinaubaya ko kay Shero ang pagcontrol sa kanyang katawan. Hanggang sa ginamitan kami ng lalaki ng kapangyarihan niya. At iyon ang unang pagkakataon na makaramdam ako ng sakit. Hindi lang sa paningin at pandinig kami magkasalo ni Shero kun'di pati na rin sa pakiramdam.


Dumating si Fame at tinulungan nito si Shero na bumangon. Sa puntong ito ay muli kong kinontrol ang katawan ni Shero, lalampa-lampa si Shero kaya pareho kaming nasaktan, hindi pwedeng ganituhin kami ng iba.


Sumalampak ako sa sahig at nagpaawa kay Fame, "Ate tulungan mo 'ko, pinagtutulungan nila akong tatlo," sabi ko at umubo ako ng dugo.


Nakita ni Fame ang pagbulwak ng dugo sa bibig ko dahilan para magalit ito. Tumayo ito at hinarap ang tatlong lalaki.


Hindi ko naman napigil ang aking sarili at napangisi ako, ang galing kong umarte. Yes bitch, Autumn is taking over. Iisipin ni Shero na si Shino ang kumukontrol sa katawan niya when in fact, ang talented na si Autumn pala. Ginawa ako ni Shero para gampanan ang papel ng pagiging talentado, ngayon, hindi lang sa pagiging magaling sa pagtugtog ng mga instrumento ang ipapamalas ko, ipapakita ko rin sa kanila ang galing ko sa pag-arte.


Pinunasan ko ang dugo sa aking labi at tumayo sa tabi ni Fame. Nakita kong unti-unti ay nabalot ng kulay pulang kuryente ang katawan nito. Bakas sa mukha nito ang galit habang nakatingin sa direksyon ng tatlong lalaki. Inangat nito ang dalawang kamay at nagpawakawala ito ng kulay pulang kidlat para atakehin ang mga lalaki.


Sa kasamang palad ay hindi natamaan ang tatlo dahil biglang dumating si Cazer, nakasuot ito ng uniporme katulad sa lalaking umatake sa amin. Bigla itong sumulpot sa harapan nila at mabilis itong nagpakawala ng kulay purple na liwananag na humarang sa kanila at hinigop ng liwanag na iyon ang pulang kidlat ni Fame.


Nanghinayang ako sa nangyari. Sayang hindi tinamaan ang tatlo ng pulang kidlat ni Fame, mukhang malakas sana iyon, kaasar ang Cazer na ito.


Mabilis na naglaho ang purple na liwanag na nakaharang kina Cazer at pagkatapos nu'n ay nakita ko ang inis sa mukha ni Cazer habang nakatingin kay Fame.


"Fame anong ginagawa mo?" malakas at pagalit na tanong ni Cazer kay Fame.


Nilingon ko si Fame at nakita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay, "Ikaw! Ano'ng ginagawa mo? Umalis ka sa harapan nila!" naiinis na utos naman nito kay Cazer.


"Kumalma ka kung ayaw mong mapunta sa wala ang mga sakripisyo natin, may importante akong sasabihin sa inyo ni Shero," sabi ni Cazer at saglit akong sinulyapan nito.


Dahil sa sinabing iyon ni Cazer kung kaya parang natauhan si Fame. Naglaho ang pulang kuryente na bumabalot sa katawan nito.


Mabilis na lumapit si Cazer sa amin at nilingon nito ang tatlong lalaki, "Umalis na kayo para wala nang gulo," sabi nito at humarap sa amin.


Ang paningin ko naman ay nakatutok sa tatlo, bago tumalikod ang lalaking nakauniporme ay nakita ko itong ngumisi, nang aasar pa ito, marahil dahil hindi ako nakaganti sa ginawa niyang pag-atake kanina.


Tarantado kang tukmol ka, kung akala mo papalampasin ko ang ginawa mo, iyon ang hindi mangyayari. Hindi ko hahayaan na makaalis ka na hindi ako nakakaganti.


Saktong pagtalikod ng lalaki ay ginamitan ko ito ng blood manipulation, hinampas ko siya sa pader at nakita ko ang pagbagsak niya sa sahig. Mabilis namang lumapit sa kanya ang dalawa niyang kasama. Narinig ko ang pagdaing nito sa sakit at napangisi ako, buti nga sa'yong tarantado ka.


"Shero!" galit na sambit ni Cazer.


Napalingon ako dito at nakita ko sila ni Fame na nakatingin sa'kin, nahuli nila akong nakangisi habang pinapanood ang lalaki na nasasaktan sa sahig. Agad kung binura ang pagkakangisi ko at umaktong parang wala akong ginawang mali.


Nakita kong napailing si Cazer sa inasal ko at inabot nito ang braso ko at kay Fame. Nagteleport kami sa silid ni Shero.


Continue Chapter 10