Engkanto (BL)



ALAS onse ng gabi. Nakaupo ako sa silya sa likod ng lumang bahay ng lola ko. Nakatanaw sa bilog na buwan na nagbigay ng munting sinag sa madilim na kapaligiran. Napabuntong hininga ako, kahapon lang ng gabi bago inilibing si lolo halos mapuno ang loob at labas ng bahay sa dami ng tao na nakilamay pero ngayon kaming magpamilya na lang ang naiwan.


Galing pa kami ng mama ko sa Maynila at umuwi dito sa Cebu para sa namatay kong lolo. Lumaki ako sa Maynila at 15 na ako ngayon, sa edad kong ito ngayon lang ako nakatungtong sa lugar na ito. Minsan pagbakasyon lumuluwas ng Maynila sina lolo at lola kaya kahit papano nakilala at nakasama ko ang mga ito. Matagal ko ng sinasabi kay mama noon na gusto kong pumunta dito sa Cebu pero sa tuwing sinasabi ko yun nagagalit siya at hindi ko alam kung bakit. Kung hindi pa namatay si lolo ay hindi ako makakapunta dito.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang makarinig ako ng sitsit na nanggagaling sa ilalim ng malaking puno ng talisay ilang dipa ang layo sa kinauupuan ko. Sino ang nandun? Wala akong maaninag dahil madilim sa parteng iyon. Hindi ko alam kung matatakot ako o ano. Marami na akong naririnig na mga kwentong probinsya tungkol sa mga kapre, dwende, engkanto at kung ano-ano pa, pero to see is to believe ika nga.

Tumayo ako at pilit na inaaninag ang madilim na parte ng talisay kung saan may sumisitsit. "May tao ba diyan?" Tawag ko. Walang may sumagot. "Hello?! Sino nandiyan?"

"Lapit ka." Narinig kong tugon ng kung sino sa lilim, lalaki ang boses at maganda iyon. Parang kakaiba sa pandinig.

"Ayuko, ikaw na lang ang lumapit dito." Sabi ko. Matagal na walang sagot. Nakatutok pa rin ang mata ko sa lilim ng puno. At galing sa madilim na parteng iyon ay may lumabas na isang binatang lalaki, parang kasing tankad ko siya 5'6''.

Humakbang siya palapit sakin, nagtataka ako kung bakit hindi ako nakakarinig ng ingay mula sa mga inaapakan niyang mga tuyong dahon at maliliit na sanga. Nakasuot siya ng ordinaryong damit pantalon at sapatos. At ng makalapit na siya sakin ng lubusan agad kong nalanghap ang pabango niya, amoy rosas. Tinitigan ko siya sa mukha at mula sa sinag ng buwan nakita ko ang kanyang itsura na parang isang modelo sa mga magazine. Kulay brown ang buhok niya, may makapal siyang mga kilay at magandang paris ng maliit  ngunit bilogang mga mata, may matangos na ilong at maliit na labi. Ngumiti siya sakin. Hindi ako kumibo.

"Leo tara sumama ka sakin may ipapakita ako sayo." Sabi niya, nagulat ako bakit niya kilala ang pangalan ko.

"Bakit mo ako kilala? Sino ka?" Nagtatakang tanong ko.

"Kilala kita kasi apo ka ni lolo Andoy kilala ko mga apo niya, alam ko galing pa kayong Maynila. Tama?" Sabi niya, tumango ako. "Ako nga pala si Yuwen." Nakangiting pakilala niya sa sarili at inabot ang isang kamay sakin, nagkamustahan kami. Malambot ang kamay niya, parang kamay ng isang sanggol sa lambot.

"Tara sumama ka sakin." Sabi niya, hindi ko alam pero parang nakakaakit at nakakahalina ang pagiimbita niya. Parang wala akong lakas na tumanggi. Tumango ako sa kanya bilang pagpayag.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang sumusunod sa kanya.

"Sa isang magandang lugar, sa lugar kung saan nakikita mo sayong panaginip." Sagot nito.

Hindi ako umimik, anong ibig nitong sabihin? Magandang lugar daw, saan dito sa lilim ng puno? Ilang hakbang pa at nasa tabi na ako ng punong talisay. Biglang kong narinig ang sigaw ni mama, hinahanap ako. Nakita ko siyang lumabas sa pinto ng kusina.

"Leo! Leo! Leo anak!" Sigaw ni mama, ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.

"Ma nandito ako." Sigaw ko pero mukhang hindi niya ako narinig. "Ma!" Sigaw ko ulit, napatingin si mama sa direksyon kung saan kami nakatayo ni Yuwen. Hahakbang na sana ako papunta sa mama ko ng biglang nawalan ako ng malay.

Nagising ako. Maliwanag ang paligid. Umupo ako sa kama at nilibot ko ang aking paningin sa lugar kung saan ako naroon. Ang ganda ng silid na kinaroroonan ko, parang silid ng isang prinsipe. Malapad ito at napapalibutan ng mga kumikintab na mga bagay at palamuti. At itong kama na hinihigaan ko, ang lambot-lambot. Malamig at presko ang hangin. Naamoy ko rin ang mabangong amoy ng rosas. At naalala ko si Yuwen. Sandali lang, nanaginip ba ako?

Pinisil ko ang aking braso, masakit. Hindi ako nananaginip, anong nangyayari? Anong lugar to? Bakit ako nandito? Ito ba ang sinasabi ni Yuwen sakin kagabi na dadalhin niya ako sa lugar na nakikita ko sa aking panaginip?

Tama, ang silid na ito naaalala ko na. Nakikita ko ang silid na ito sa aking panaginip. Minsan sa isang buwan kapag fullmoon napapanaginipan ko ito. Sino ba talaga ang Yuwen na iyon? Paano niya ako nadala sa lugar na ito?

Tumayo ako at lumapit sa malapad at bukas na bintana. Namangha ako sa aking nakitang tanawin sa labas, ang ganda ng harden. Ang lapad-lapad at puno ng magagandang bulaklak na animo'y pinatubo ng isang mahika.

Napabaling ang mga mata ko sa malaki at kulay krema na pintuan ng makarinig ako ng katok. Hindi ako sumagot at bumukas ito. Nakita ko si Yuwen, pagkakita nito sa akin ay hindi siya humakbang at biglang niluhod ang isang tuhod at yumuko.

"Magandang umaga po mahal na prinsipe, humihingi po ako ng pahintulot na pumasok sa inyong silid." Sabi nito. Ano daw?  Prinsipe? Pinagtitripan ba ako nito?

Hindi ako sumagot at pinanood ko lang siya. Kakaiba na ang kasuotan nito, green ang kulay. Iyong damit niya katulad sa mga costume ng mga engkanto na nakikita sa tv. Sandali, bakit matulis ang tenga ni Yuwen?

At napalingon ako sa sarili kong repleksyon sa malapad ng salamin sa gawing kanan ko. Doon ko lang napansin ang suot ko, nakasuot ako kagaya kay Yuwen pero masdetalyado ang pagkakagawa sakin. Mapusyaw na kulay lavender ang suot ko na merong mga nakadikit na kumikintab na beads. Para akong nakasuot ng damit ng prinsipe.

Binalingan ko si Yuwen hindi ito gumagalaw, anong trip niya at may ganya-ganyan pa siyang nalalaman? Kung ayaw niyang tumayo bahala siya mapagod. Lumapit ako sa salamin, may nagbago sakin. Ang kulay ng buhok ko naging kulay brown, naging asul ang dati kung itim na mga mata at ang tenga ko, anong nangyari bakit tumolis. Hinawakan ko ang aking tenga, matulis nga ito.

"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!" Bigla ako napasigaw sa pagkabigla at takot. Anong nagyayari sakin? Dwende na ba ako? Pero matankad pa rin naman ako ah. Mabilis akong lumapit kay Yuwen.

"Yuwen anong nangyayari sakin? Bakit naging ganito ang itsura ko? Ginawa mo ba akong dwende? Ibalik mo ako sa dati."  Kinakabahan na sabi ko sa kanya.

"Mahal na prinsipe, humihingi po ako ng permiso na magsalita. Maaari po ba?" Magalang na sabi nito.

Naiinis na ako. "Sige shabu pa, yan napapala ng mga adik. Ang lakas ng trip mo! Sige, oo na tumayo ka na at magsalita ipaliwanag mo sa akin ang lahat ng ito. Kung bakit naging dwende ako."

Tumayo si Yuwen at bakas ang takot sa kanyang mukha, ewan ko kung bakit, baka siguro dahil sa pagsigaw at pagwawala ko "Mahal na prinsipe una po sa lahat hindi po kayo dwende, isa po kayong engkanto."

"Ano?! Ako engkanto?"

"Ay hindi tikbalang, kakasabi ko lang po diba? Engkanto po kayo."

"Umayos ka, makakatikim ka sakin." Banta ko sa kanya, nakita ko siyang napalunok ng laway.

"Mahal na prinsipe, masmaganda po siguro kung ang inyong amang mahal na hari ang magsabi sa inyo sa mga nangyayari."

"Ayuko, gusto ko ikaw magsabi sakin ngayon din, at saka, amang hari? Sino naman yun?" Nag-iisip na tanong ko.

"Siya po ang inyong ama."

Parang tinamaan ako ng kidlat, ang alam ko patay na ang tatay ko dahil sa car accident. Ibig sabihin makakausap ko ang multo ng tatay ko? "Yuwen, sinasabi mo kanina na masmaganda kung ang ama kong hari na lang ang magkwento sakin sa mga nangyayari. Eh patay na ang tatay ko, ipapakausap mo ako sa multo ganun?"

"Hindi po mahal na prinsipe, buhay po ang inyong ama hindi po siya multo isa po siyang engkanto."

"Ohmaygawd?!" Ano to rebelasyon sa pagkatao ko? Buhay ang tatay ko at isang engkanto, hindi lang basta engkanto kundi hari ng mga engkanto. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw pumayag ni mama na pumunta kami dito sa Cebu dahil ayaw niyang malaman ko ang totoo. Hmmmm o baka trip-trip lang ni Yuwen to at gusto lang ako lukuhin? Pero itong nangyari sa mukha ko, totoo ito. Pero infairness ah masnaging pogi ako. Bagay pala sakin ang brown hair at blue eyes pwera na sa matulis na tenga.

"Gusto kong makausap ang sinasabi mong mahal na hari, since sinasabi mong prinsipe ako gusto kong buhatin mo ako papunta sa kanya. Parusa iyon sa pagdala mo sa akin dito." Sabi ko.

"Masusunod po mahal na prinsipe." anito at lumapit sakin.

"Joke lang, masyado kang seryuso. Kaya ko namang maglakad. Tara na ng matapos na ang kwentong ito at inaaantok na daw ang TAMAD na writer."

"Sige po mahal na prinsipe."

Dinala ako ni Yuwen sa sa malapad at magandang dinning area. Merong mahabang mesa doon na puno ng sari-saring pagkain at napapalibutan ng upuan. Sa pinakadulo ng mesa merong nakapwesto, nakasuot ito ng damit na katulad sa akin ang kulay pero parang masmaganda sa kanya. Siya ang hari kaya masmaganda ang damit niya kesa sakin. Dahil nga hari kaya meron siyang crona sa ulo. May nakatayong engkanto sa gwing kaliwa at kanan niya, siguro mga assistant niya.

Malayo ang kinatatayuan ko sa hari at hinayaan ko lang si Yuwen na kumausap dito. Pagkaraan ay pinaupo ako ni Yuwen sa silya sa dulo naman ng mesa. Ano to? Pano kami makakapag-usap ng hari eh ang layo-layo namin sa isa't-isa. Ano to? Lukuhan? Hmmm.. Pero dahil gutom ako, mas-ok tong malayo ako at ng makaconcentrate ako sa pagkain.

Wow daming food, bubusugin ko talaga ang sarili ko. Happy fiesta to me. At nagsimula na akong tumikim sa mga food, siyempre dahil nga sinabi ni Yuwen na isa akong prinsipe kaya dahan-dahan lang ako. Siyempre hindi pwedeng umasal na parang gutom na gutom, prinsipe ako kaya dapat kilos mayaman ganun.

Lahat ng putahe tinikman ko, oh yan ha sabi ko tikim hindi kain. Ganun kasi talaga kaming mga prinsipe, tikim-tikim lang pag may time. Alam niyo na bawal tumaba. Papanindigan ko na talaga ang pagiging prinsipe ko, alam ko kasi na oneday lang mangyayari to sa buhay ko. Epal kasi ng writer ayaw gawing novel yung story ko, gusto niya short story lang to. Nakakatampo siya, samantala gumagawa siya ng BOYXBOY na mga novel, wala namang nagbabasa LOLs. Buti nga sa kanya. Hindi ako nagpaparinig pero SANA marinig ng iba diyan na gusto ko ang kwento ko gawing NOVEL at HINDI SHORT STORY lang. Okay lang sakin kung gagawin niya ang story ko na BOYXBOY, bromance, m2m mga ganun basta novel. Yung Example maiinlove ako sa hampas lupa, pulubi at alalay na si Yuwen, yung hindi papayag ang mahal na hari kasi ako ay langit at lupa si Yuwen, parang us against the world pero ipaglalaban namin ang pagmamahalan namin sa isa't-isa. Parang ganun diba? Cute ni Yuwen kaya bagay kami kung sakali, at nasisiguro ko papatok ang love story namin. Ay kilig much! Kaso kakadadtrip tong writer eh ayaw pumayag.

Hay naku kung anu-ano na ang naiisip ko, back to the reality na nga. By the way, straight ako guys. Naisip ko lang yun para mabigyan ko ng magandang plot si writer kung sakaling gagawin niya itong novel na sa tingin ko hindi naman mangyayari, engot kasi tong witer na to eh.

(WRITER: Tumahimik ka Leo, kanina ka pa daldal ng daldal. Tsutsugiin na kita, sige ka.)

Ay writer talaga hindi na mabiro. Sige continue na tayo. Lights, camera action. Ay derek wait po, nakalimutan ko yung line ko. Saang scene na po tayo?

(DIRECTOR: Doon na sa tumitikim ka ng pagkain. Focus guys, focus sayang yung oras ng mga readers.)

Sayang daw time ng mga reader? Weeee? Wala namang nagbabasa dito. Pero dahil ako ang bida sa kwentong ito, for sure marami ang babasa nito. Tatalunin ko sa ratings ang He loves him at Lust na novel ni writer. So guys please nagmamakaawa ako sa inyo bigyan niyo ako ng maraming STAR mamaya. Please para niyo ng awa.

(DIRECTOR: Oh tama na yang drama, back to work na. Ok, lights camera action.)

Halos lahat ng putahi natikman ko na at masasarap ang mga ito. Lumapit sa akin si Yuwen na may bitbit na maliit na tray ng grapes, ngumiti siya sakin. Ayeeee!! Ang cute niya, ngumiti rin ako ng bahagya. Kilig much! Ay ano ba yan nababading na ako. Erase! Erase!

"Obas para sa mahal na prinsipe." Nakangiting sabi ni Yuwen.

"Hello?! Hindi ako kakain niyan, alam ko kung anong mangyayari sakin kapag kumain ako niyan. Hindi na ako makakabalik sa mundo ng mga tao." Sabi ko dito.

Nakita kong lumunkot ang mukha ni Yuwen,"Bakit mahal na prinsipe ayaw mo bang manatili dito sa palasyo kasama ang ama mong hari at ako?"

Echusero na to! Dadaanin pa ko sa drama... Ayeee.. Pero kilig much.. Kainis nababading na ata ako. Ano ba yan writer, ginagawa mo naman akong beki dito sa story ko eh.

(WRITER: Asus! Kunwari kapa, eh gusto mo naman! Kinikilig ka nga ng subra eh.)

Writer hindi ako kinikilig ng subra kunti lang at baka nakalimutan mo may gf ako na naghihintay sa Maynila.

(WRITER: Ay sorry nakalimutan kong may gf ka, hayaan mo magkakaroon siya ng forever amnesia para makalimutan ka na niya. Bet mo si Yuwen no?)

Bet ka diyan, hindi ah. Hello prinsipe kaya ako, hindi kami bagay. Langit ako at lupa siya.

(WRITER: Okay sinabi mo yan ha, isusulat ko na lang na magkakaroon ng girlfriend si Yuwen.)

Ano ba yan writer, wala namang ganyanan. Sa ngayon friends lang muna, huwag namang yung agad-agad baka isipin ng mga reader na easy to get ako.

(DIRECTOR: Tama na yang chika, overtime na tayo. Lights, camera action!)

"Yuwen alam mong hindi ako nabibilang sa mundong ito, tao ako. Lumaki ako sa mundo ng mga tao." sagot ko kay Yuwen.

"Naiintindihan ko po mahal na prinsipe, ipagpaumanhin niyo po ako." Malunkot na sabi nito.

Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Tumalikod si Yuwen at umalis. Oo aminado akong nagagandahan ako sa lugar na ito pero hindi ako pwedeng manatili dito, maraming naghihintay sakin sa mundo ng mga tao. Ang mama ko, si lola, ang mga tita at tito ko, mga pinsan at mga kaibigan ko.

Nakita kong tumayo ang hari na sinasabi ni Yuwen na ama ko. Sumunod ang dalawang alalay, tinaas ng hari ang kanang kamay nito bilang tanda na huwag siyang sundan. Pumasok ang hari sa pintuan, mabilis akong tumayo at tumakbo sa direksyon nito.

Isang terrace ang aking napuntahan. Nakita kong nakatanaw ang hari sa magandang harden. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ama ko ba talaga siya? Nilingon ako nito at ngumiti. Ang mukhang iyon, hindi ako pwedeng magkamali may hawig ako sa kanya.

"Anak ko." Sabi nito. malunkot ang mga mata nito.

"Ikaw po ba ang totoo kong ama?" Paniniguro ko sa mahinang boses.

"Ako nga anak. Masaya ako at nakita kita." Sabi nito at niyakap ako ng mahigpit, inakap ko din siya.

"Ama ko." Sabi ko. Sa mga sandaling iyon labis akong nagalak. Hindi ko inakalang buhay pala ang ama ko.

Inalayo ko ang sarili ko at pinagmasdan kong mabuti ang aking ama, ito nga siguro ang tinatawag nilang lukso ng dugo. Masaya ako sa pagkikita namin ng aking ama pero bigla akong nalunkot ng maisip kong hindi rin kami magsasama nito ng matagal.

"Ama, mahal na mahal ko po kayo. Natutuwa po akong makilala kayo." Parang naiiyak na sabi ko. Labing limang taon akong walang kinilalang ama dahil sinabi sakin ni mama na patay na ito pero hindi pala. Wala ako pakialam kung engkanto man ang tatay ko. Ama ko siya kaya tanggap ko siya kung ano man siya.

"Anak tanggapin mo itong regalo ko sayo." Sabi ng aking ama at isinuot nito sa aking leeg ang isang kwentas na ginto.

"Salamat po ama."

"Nalulunkot akong makita kang umalis pero kailangan mo ng bumalik sa mundo ng mga tao. Hinahanap ka ng mama mo."

Parang kinurot ang puso ko, sa ilang minutong pagkikita at pagkakasama lang namin ng aking ama parang pinunan na nito ang ilang taon na wala siya sa tabi ko. At ngayon magpapaalam na ulit ako sa kanya.

"Ama, makikita ko po ba kayo?"

"Hindi ko alam anak, walang may makakapagsabi. Pero umaasa akong hindi ito ang huli natng pagkikita."

Yumakap ako sa aking ama, "Mamimiss ko po kayo, ama."

***

"Leo anak gumising ka, bakit ka natutulog diyan sa ilalim ng puno?"

Dumilat ako ng mata, boses iyon ni mama.

"Bata ka, tara sa loob at mahamog dito." Sabi ni mama at inalalayan ako papasok sa loob ng bahay ni lola.

Pagpasok sa bahay ay agad kong napansin, may ibang mga bisita na dumating. At sa tabi ng pinto sa sala may nakatayong binata. Kilala ko yun, si Yuwen. Nakatingin siya sa akin at malungkot ang mukha. Nakita kong tumalikod siya at naglaho na parang bula. nalungkot ako, magkikita pa kaya 'uli kami?


WAKAS!!!

Reason (Published under PSICOM)