YYU - Chapter 28: Tristan's Gravitation and Shero's Healing Skill

 


***SHERO'S POINT OF VIEW***



Pagkatapos ng klase sa computer 677 kung saan tinuruan ako ni Tristan ng dota ay sumunod ang humanities, at after niyon ay break time na. Kasama kong naghapunan si Tristan sa canteen at pagkatapos ay nagproceed na kami sa sunod naming subject sa major bs management. Nagkahiwalay kaming dalawa nang tumungo ako sa forbidden building para sa special subject ko at siya naman ay tumungo sa main center at doon na lang daw niya ako hihintayin para sabay na kaming umuwi mamaya.

Dumiretso ako sa training room at nadatnan ko si prop Goldfield. Wala siyang kasama. Binati ko siya ng magandang gabi at agad na akong tumungo sa restroom para magpalit ng damit. Nang pumasok ako sa restroom ay meron akong nadatnang lalaki sa loob, nasa mid 30's na yata ang edad niya. Ngayon ko lang siya nakita at sa tingin ko ay instructor siya sa martial arts. Malaki at mamuscle ang katawan niya na kahit natatakpan iyon ng suot niyang karategi ay mahahalata pa rin. Hindi ko siya pinansin at mabilis na akong tumungo sa loob ng isang cubicle at nagpalit ng training uniform ko.

Lumabas ako ng cubicle at hindi ko na nadatnan ang lalaki. Tahimik naman akong humarap sa malapad na salamin sa may sink area at inayos ko ang suot ko at pagkatapos niyon ay lumabas na rin ako. Nadatnan ko sa labas ang lalaki at si Prop Goldfield na nag-uusap. Pinakilala ako ni Prop sa lalaki at hindi nga ako nagkamali, instructor nga siya sa martial arts. Ang pangalan niya ay Tim Leji. Sinabi sakin ni Prop na Sensei daw ang itawag ko kay Mr.Tim, Sensei na ang ibig sabihin ay Teacher or Master.

Pagkatapos akong ipakilala ni Prop Goldfield ay umalis na siya at sinabi niyang si Sensei na daw ang bahala sakin. Sa loob-loob ko ay kinakabahan ako, para kasing nakakatakot ang sensei na 'to. Ang laki ng katawan niya, mukhang isang pagkakamali ko lang ay mababali ang mga buto ko sa kanya. 

Tinanong niya ko kung ano ang mga alam ko na defense at attack sa pakikipaglaban. Ang ending wala akong nasagot, siyempre wala akong alam eh. Hindi naman kasi ako basagulero at warfreak katulad ni Tristan. Sinabi niya sakin na okay lang kahit wala akong alam kasi daw napag-aaralan at natututunan naman daw ang martial arts at siya daw ang tuturo niyon sakin.

Nagsimula kami sa training, tinuruan niya ako ng mga basic defense moves at pagkatapos niyon ay tinuro niya naman sakin ang basic attack moves pero may fatal effect. Ibig sabihin ay simpling attack lang pero may 75% possibility na pwedeng mamatay ang kalaban mo kapag inatake mo siya.

Sa simula ay seryuso si Sensei pero nang tumagal-tagal ay lumabas na ang pagkakalog niya. Nagagawa niyang magbiro habang tinuturuan niya ko. Sinabi niyang strategy daw iyon para hindi ko mapansin ang pagod. Tama nga siya, huli na nang mapansin ko ang pagod na sumukob sa aking katawan. Naubos yata ang lakas ko sa kakapractice, sumuntok, sumipa, high kick, jump kick at kung anu-ano pa.

Lumipas ang isang oras. Sa wakas at  natapos rin ang training ko. Nagpasalamat ako kay Sensei at sandali akong humiga sa solid foam. Waaaahh!! Grabe nakakapagod subrang sakit ng mga binti ko, paa, sakong, braso, tiyan, likod, batok, leeg, lahat yata ng parte ng katawan ko masakit.

Habang nakahiga ako ay dumiretso naman si Sensei sa restroom at nagpalit ng damit. Ilang sandali rin at lumabas na siya at nagpaalam na mauuna nang umuwi. Mabilis na rin akong nagpalit ng training uniform ko dahil baka kasi mainip si Tristan sa kakahintay at biglang na namang magsinuplado.

***

Tumungo ako sa main center at nadatnan kong nakaupo si Tristan sa bench, nakasandal habang nakapikit at nakikinig sa kanyang ipod. Wala nang mga crimson, nagsiuwian na yata lahat. Tinignan ko ang aking relo 11:15pm. Sakto lang ang pagdating ko. Gigisingin ko sana si Tristan para makauwi na kami nang bigla ko na lang makita ang pagdaloy ng dugo sa kanyang ilong.

Napalingon ako sa paligid, ang mga dahon, at ang maliit at malalaking mga bato ay nagsimulang lumutang sa hangin. Si Tristan, gumagana ang kapangyarihan niya habang tulog siya katulad nang nangyari sa subic. Paano niya nagagawa ito? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan niya? Kinuwento niya sakin ang nangyari sa office ni prop Goldfield kanina, at itong kapangyarihan daw niya ay tinatawag na gravitation. Mukhang malakas ang taglay niyang kapangyarihan.

Naramdaman kong parang gumaan ako. Sandali lang, umaangat ang mga paa ko sa hangin. Mabilis kong hinawakan sa magkabilang braso si Tristan bago pa ako tuluyang lumutang nang mataas sa ere. "Tristan gising! Tristan! Tristan!!" Malakas na bigkas ko sabay yugyog sa kanya. Pero hindi siya nagising.

Nakita kong tumaas lalo ang mga nakalutang na mga dahon at mga bato, at maging ako ay lalong lumutang ng mataas. Nakalambitin na ako, nasataas ang mga paa ko at yung mga kamay ko naman ay nakakapit kay Tristan na hindi pa rin magising. 

"Tristan gising! Tristan!" sigaw ko. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang mga braso. Matataas na ang mga nakalutang na mga dahon at mga bato, kapantay na ang mga iyon ng third floor ng school building na malapit samin. Siguradong kapag nabitawan ko siya ay ganun rin kataas ang lipad ko at ang masaklap ay paano kung habang nakalutang ako sa mataas na ere ay bigla na lang siyang magising? Eh di basag ang bungo ko at bali-bali ang katawan ko kapag nagkataon?

Nararamdaman ko ang malakas na pwersa sa pagitan ko at ng lupa, parang may anti-gravity sa paligid kaya nakalutang ako. At biglang nabitawan ko ang mga braso ni Tristan.

"Tristan!!!" malakas na sigaw ko at mabilis akong bumulusok sa mataas na ere. Natagpuan ko ang aking sarili na nakalutang sa hangin kasama ang mga dahon at mga bato, kasing taas ng third floor ng school building ang layo ko sa lupa. Binalot ng kaba ang dibdib ko. Ano nang gagawin ko? Baka bigla akong bumagsak, ang taas ng babagsakan ko.

"Tulong!! Tulongan niyo ko!!" nagsimula akong humingi ng saklolo. Pero mukhang wala na yatang dadating na tulong dahil parang wala nang mga estudyante dito sa Yin-Yang.

"Shero!!?" narinig kong sigaw mula sa di kalayuan sa bandang kaliwang ko sa baba. Kilala ko ang boses na iyon, si Fildon.

Tumingin ako sa baba sa pinagmulan ng boses at nakita ko si Fildon kasama sina Travis at Alexis, "Fildon tulungan niyo ko. Ibaba niyo ko dito pakiusap," natatakot na pakiusap ko.

Nakita kong tumakbo si Alexis sa ilalim ko at bigla na lang siyang lumutang sa hangin at bumulusok pataas, sa isang iglap lang ay magkatabi na kami at parehong nakalutang dito sa ere. "Huwag kayong pumunta malapit kay Tristan!" malakas na babala ko kina Travis at Fildon. Ang lahat ng mga bagay na nasa malapit kay Tristan ay lumulutang, merong anti-gravity sa kanyang paligid.

"Kukunin ko kayo diyan!" Sigaw ni Travis habang nakatingala samin ni Alexis. Nakita ko siyang biglang naglaho at nagteleport sa harapan ko. Niyakap niya ako para sakluluhan at eteleport pababa pero mukhang may hindi magandang nangyayari.

"Travis may problema ba?" sabi ni Alexis.

"Hindi ako makapagteleport. Hindi ako makaalis," sagot ni Travis. Nakita ko siyang nagi-glitch, yung para bang channel sa tv na nawawalan ng signal. Naglalaho pero bumabalik.

"Travis anong nangyayari diyan?" sigaw ni Fildon sa baba.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Travis, "Fildon, hindi makapagteleport si Travis. Humingi ka ng tulong pakiusap!" sigaw ko.

Mabilis na tumakbo si Fildon patungo sa school building na malapit samin. Naglaho siya sa kadiliman. Saan pupunta yun? Bakit siya pumasok sa school building? Wala na yata siyang mahihingan ng tulong doon dahil wala na yatang tao.

Binaling ko ang atensyon ko kay Travis. Nakita ko siyang sinusubukang magteleport pero hindi niya magawa-gawa dahil nasa ilalim kami ng kapangyarihan ni Tristan.

"Masama ito kapag nagising si Tristan siguradong babagsak tayo," kinakabahan na sabi ko.

"May kapangyarihan siya?" hindi makapaniwalang tanong ni Alexis.

"Oo. Ito ang kapangyarihan niya, ang gravitation. Kaya niyang kontrolin ang gravity," sagot ko.

"Sh*t  hindi ako makapagteleport..." usal ni Travis.

Napatingin kaming tatlo sa baba kay Tristan. Wala pa rin siyang malay. Masmaigi nang tulog siya kesa magising siya kundi kaming tatlo ang kawawa dahil babagsak kami.

"Anong nangyari sa kanya?" ani Travis.

Tinitigan ko siya, "Hindi ko alam. Pagdating ko, nadatnan ko na lang siya diyan sa bench na natutulog at bigla na lang dumugo yung ilong niya, katulad sa nangyayari sakin kapag napasubra ako sa paggamit ko sa aking kapangyarihan. Pagkatapos bigla na lang nagsilutang ang mga dahon at mga bato na malapit sa kanya. At pati ako..." kwento ko.

Napalingon kaming tatlo sa aming likuran nang may biglang pumulupot na kadena sa aming mga katawan at nakita namin si Fildon na nasa balkonahe ng third floor ng school building malapit samin. Hinila niya ang mga kadena pero hindi niya kaya.

"Fildon isa-isa lang," sabi ko, "Unahin mo si Alexis."

"Sige," tugon niya at kumawala ang mga kadena na nakapulupot sa aming katawan ni Travis. Sinimulang hilahin ni Fildon si Alexis patungo sa kanya pero hirap na hirap siya. At halos hindi naman umusog nang kaunti si Alexis sa ere. 

Binalingan ko sa baba  si Tristan. "Oh sh*t..." nasabi ko nang makita kong gumalaw ang isang kamay nito. Sa tingin ko ay magigising na siya.

Napatingin rin sina Travis at Alexis sa direksyon ni Tristan at napalaki ang mata ko nang gumalaw ang katawan nito. Gising na siya.

"Ahhhhh!!!!" sabay kaming napasigaw na tatlo nina Alexis at Travis, at naramdaman ko ang pagbulusok ko pabagsak sa lupa kasabay ang dalawa at pati na rin ang mga dahon at mga bato.

Maswerte si Alexis dahil nakapulupot sa katawan niya ang kadena ni Fildon kaya nahila siya nito. Mabilis naman akong inabot ni Travis at niyakap, at nagteleport siya bago pa kami tuluyang bumagsak sa semento. Naglanding kami sa plant box na katabi ng bench malapit kay Tristan. Pahiga ang bagsak namin ni Travis sa plant box, nasa ibaba ko siya kaya siya ang nagtamo ng malakas na impact sa likod at gasgas sa mga braso at siko.

Mabilis akong lumuhod para tignan ang kalagayan niya, wala siyang malay tao, "Travis? Travis?!!" nag-aalalang bigkas ko habang nakahawak sa isa niyang kamay.

Mabilis namang lumapit samin si Tristan at naroon nakabakas ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha dahil sa bigla naming pagsulpot ni Travis sa bahaging ito. Lumuhod siya sa tabi ni Travis at paharap sa direksyon ko. Agad kong napansin ang dugo sa kanyang ilong na nagkalat pati sa kanyang mukha. "Anong nangyari sa kanya? Bakit wala siyang malay?" tanong niya.

"Tumama ang likod niya sa plant box, hindi ko alam kung pati ulo niya ay tumama rin," kinakabahang sagot ko. Kapag nagkataon ay baka mainternal hemorhage siya sa ulo at dilikado iyon.

"Bakit ano ba ang nangyari?" nagtatakang tanong niya.

"Mamaya ka na magtanong. Tulungan mo muna ako, dalhin natin siya sa ospital," natatarantang sabi ko. Binuhat ko ang likod at batok ni Travis para kandungin at nakapa ng kamay ko ang basang likido sa kanyang ulo. Mabilis kong itinaas ang aking kamay para imcompirma kung tama ba ang hinala ko na dugo iyon at hindi nga ako nagkamali. Lumantad sa aking paningin ang kamay kong nababahiran ng pulang likido at iyon ay ang sariwang dugo mula sa ulo ni Travis. Tumama ang ulo nito sa plant box. Dilikado ito, dapat mapatawan kaagad siya ng paunang lunas.

"Tristan tulungan mo 'ko, buhatin natin siya. Dumudugo ang ulo niya," binalot ng kaba ang dibdib ko. Prinotektahan ako ni Travis kaya siya ang nagtamo ng malalang pinsala. Maspinili niyang pumailalim sa aming pagbagsak kaya hindi ako napahamak, at ngayon ay siya itong malubha ang kalagayan. Pinili niyang magsakripisyo para saking kaligtasan.

Bubuhatin na sana namin ni Tristan si Travis nang biglang dumating sina Fildon at Alexis. Humingal ang mga ito dahil sa pagtakbo mula sa third floor ng school building.

"Anong nangyari kay Travis?" tanong ni Alexis at lumuhod siya sa tabi ko sa kanan para tunghayan si Travis na nakahiga sa kandungan ko.

"Tumama ang ulo niya sa plantbox. Dalhin na natin siya sa ospital." sabi ko na puno ng pag-aalala ang boses.

"Tara na! Ano pang hinihintay niyo!?" sabi ni Fildon at lumuhod naman siya sa tabi ni Tristan sa harapan namin ni Alexis.

"Dugo..." sabi ni Alexis nang makapa niya ang ulo ni Travis at tinitigan ako. Sa sandaling ito ay subra akong natatakot, kapag namatay si Travis ay ako ang masisisi dahil sa pagprotekta nito sakin. Muling nagsalita si Alexis, "Shero, isa kang aquaist. Isa sa kakayahan mo bilang water elemental user ay gumamot. Naniniwala akong kaya mong pagalingin si Travis. Ikaw lang ang makakatulong sa kanya ngayon," aniya.

"Hindi ko kaya yan, hindi ko alam kung paano. Dalhin na lang natin siya sa ospital," sabi ko at para na akong maiiyak dahil sa takot.

Pinatong ni Alexis ang kaliwa niyang kamay sa kanang balikat ko, "Shero makinig ka. May posibilidad na nainternal hemorrhage ang ulo ni Travis at hindi maganda iyon. Kapag dinala natin siya sa hospital ay walang kasiguraduhan kung maaagapan siya ng mga doctor. Kailangan mo siyang tulungan, pakiusap gamutin mo siya. Walang kasiguraduhan kung aabot siya sa ospital kapag dinala natin siya doon," emosyonal ngunit may diin na sabi ni Alexis at nakita ko ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa kanyang mga pesngi. 

"Shero kaya mo yan. Ikaw na lang ang pag-asa ni Travis," sabi ni Fildon.

Hinawakan naman ako ni Tristan ng mahigpit sa kamay, hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako na parang nagsasabing kaya mo yan. Tumulo ang aking mga luha, natatakot ako. Paano kung hindi ko magawa? Paano kung mabigo ako? Baka mamatay si Travis.

"Shero pagalingin mo siya katulad ng ginawa mong pagpapagaling sakin nang nasa ospital ako," sabi ni Tristan. Pinunasan ko ang aking luha gamit ang sleeve ng aking uniporme. Hindi ko nakuha ang sinabi niya, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Pinagaling ko ba siya? Parang wala namang nangyaring ganoon. 'Di bali na. Ang mahalaga sa ngayon ay gumaling si Travis, susubukan ko. Gagawin ko ang aking makakaya at sana magtagumpay ako.

Kinandong ni Alexis ang ulo ni Travis at pumwesto naman ako sa kanang bahagi niya. Tinapat ko ang aking nanginginig na mga kamay sa ulo ni Travis at bigla ko na namang naramdaman ang pagbilis nang pintig ng aking puso. Paano ba 'to? Baka imbis na gumaling si Travis ay lalo pa siyang mapasama dahil sakin.

Wala pa akong alam sa pagpapagaling kaya hindi ko alam kung paano ko kokontrolin ang aking mana sa katawan. Pinikit ko ang aking mga mata, kelangan ko lang magrelax. Pinakiramdaman ko ang aking mana sa aking katawan. Naramdaman ko ang biglang pagdaloy nito. Banayad lang ang pagdaloy nito sa loob ko, naramdaman ko ang pagdaloy nito sa aking braso papunta sa aking mga kamay. Napalunok ako, hindi ako pwede pumalpak dahil buhay na ng tao ang pinaguusapan dito.

Hindi pwersahan at hindi pilit ang ginawa kong pagpapakawala sa aking mana sa aking mga palad. Hinayaan ko lang itong dumaloy sa aking mga palad katulad ng pagdaloy ng tubig sa kampanteng ilog. Naramdaman kong uminit ang aking mga kamay, subrang init pero iyong init na hindi nakakapaso at hindi masakit. Minulat ko ang aking mga mata para tignan ang aking mga kamay at nakita kong lumiliwanag ito, mapusyaw na asul ang kulay ng liwanag. Sa puntong ito ay hindi ko na ginalaw ang aking paningin at nagconcentrate na lang ako sa aking mga kamay. Banayad ang nararamdaman kong pagdaloy ng aking mana sa aking mga braso at kamay palabas sa aking mga palad.

Naramdaman kong pinagpapawisan na ang noo at likod ko pero hindi ko iyon pinansin. Kelangan kong magfocus at maging kalmado sa aking ginagawa. Habang abala ako ay tahimik naman ang tatlo na nakatingin sakin. Lahat kaming apat ay kinakabahan sa pwedeng mangyari ngayon. 

At bigla ko na lang naramdaman na may mainit ngunit mahinang enerhiya sa ulo ni Travis na kumokonekta sa mana ko sa kamay.  Nararamdaman kong lumilipat ang mana ko at humahalo iyon sa mahinang enerhiya at nararamdaman kong unti-unti iyong sumisigla.

"Shero ayos ka lang?" narinig kong tanong ni Tristan na may pag-aalala sa tuno.

Gusto kong sumagot ng 'ayos lang ako' pero pinili ko ang manahimik. Hindi ako kumibo dahil natatakot akong baka kapag nagsalita o gumalaw ako ay pumalpak ako sa aking ginagawa. Naramdaman ko na lang na may mainit na likido na dumaloy sa aking ilong. Tumulo ang likidong iyon sa kamay ko. Dugo, dumudugo ang ilong ko. Pumatak ulit ang dugo sa kamay ko, sunod pa, at sunod pa ulit. Parang tulo sa sirang gripo ang pagpatak ng dugo sa aking ilong.

"Shero..." mahinang sambit ni Fildon.

Hindi ako umimik sa kanila. Alam kong nag-aaalala sila sakin dahil sa pagdugo ng ilong ko pero nosebleed lang naman yan. Sanay na ako diyan. Ang importante ngayon ay si Travis. 

Lima, pito, sampu... mga sampung minuto ang matuling na lumipas nang maramdaman kong tuluyan nang lumakas ang enerhiya sa ulo ni Travis. Iyon siguro ang magkahalong life energy at power energy niya. At bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo at panghihina. Napapikit ako ng mga mata...


Continue Chapter 29