YYU Chapter 47: League of Champions
*** SHERO'S POINT OF VIEW ***
Pigil ang hininga ko habang nakatitig kay Tristan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Para siyang isang estranghero na ngayon ko lang nakita. Binawi nito ang tingin sakin at nakita ko silang lumakad at umupo dun sa dating pwesto nina Lilyu at Maru.
Napatingin naman ako sa orasan. Ilang minuto na lang din ang natitira at matatapos na ang match. Kompleto na ang siyam na kampyon at ang tanging hinihintay na lang ngayon ay ang pagsapit ng alas diyes para makalabas ang ibang mga manlalaro sa virtual reality field at para maiproclama ang mga nanalo.
"Oyyy makakasama sa quadrangular match ang babe niya." Napabaling ako kay Alexis, kinurot ako nito sa pesngi saka umupo sa gawing kaliwa ko.
"Babe? Sino?" Maang at nagkukunwaring walang alam na tanong ko.
"Ayan tayo eh. Deny ka pa, ayan oh namumula yung mukha mo dahil sa kindat ng babe mo." Sabi ni Alexis sabay turo sa pesngi ko. Nakita pala nito ang pagkindat ni Tristan sakin.
Mabilis kong pinahid ang kaliwa kong palad sa magkabila kong pesngi na para bang kapag ginawa ko yun ay mawawala ang pamumula.
"Anong kindat? Wala kaya." Sabi ko.
Umupo sa kanan ko si Tonique at sa tabi naman nito umupo si Travis. Nanatiling nakatayo naman si Fildon at nakatingin sakin.
"Anong meron sa inyo ni Tristan? What's the real score? Kayo na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Fildon habang nakakunot ang noo at pinagcross nito ang mga braso sa harap ng dibdib. Makatanong naman ito para hindi naghuhunos dili, diretsa pa talaga niyang tinanong kahit pa marinig nina Tonique at Travis.
"Ha? Wala, magkaibigan lang kami... Yun lang..." Mabilis na sagot ko.
"Weee? Kaibigan pero..." Naputol ang sasabihin ni Alexis dahil siniko ko siya ng mahina sa gilid.
Napabaling bigla ang tingin namin sa pintuan sa gawing kanan namin ng bigla itong bumukas. Pumasok si Prop Goldfield at Mr. Gumban, may tatlo itong mga kasama, dalawang lalaki na may edad at isang babae na sa tantya ko ay kaedad lang din ni prop Goldfield. Nakasuot ang mga lalake ng itim na amerikana samantala nakasuot naman ng blouse na puti na pinatungan ng asul na blazer at maikling pencil ang babae. Sina prop Goldfield naman at Mr.Gumban ay nakasuot ng teacher's uniform ng Yin-Yang na kulay crema.
Pumaroon sa tapat ng dingding sina prop Goldfield kung saan kami nakalabas kanina. Sa tingin ko sarado na ang portgate na nakakonekta dito sa mga sandaling ito. Bigla ko tuloy naisip kung nasaan na ang ibang mga manlalaro? Napatingin ako sa orasan, alas diyes na.
Binalik ko ang tingin kina prop Goldfield. Pinalakpak nito ang mga kamay ng tatlong beses para kunin ang atensyon naming lahat na naririto sa loob ng silid. Tahimik lang kami habang nakatutok ang tingin sa kanilang lima.
"Nurses, please proceed to the training area. Narun ang ibang manlalaro, please aid them." Sabi ni Mr.Gumban sa mga nurse at binalingan nito ang tatlong manlalaro na nakaupo sa kama na kahilira ng kamang inuupuan namin. "You three" Sabi nito at sunod na tumingin sa direksyon namin "And both of you, Ms. Alexis and Mr.Fildon, please go with them." Sabi ni Mr.Gumban.
Nakita kong mabilis na kumilos ang mga nurse, dose silang lahat. Lumabas sila ng silid bitbit ang kanilang mga first aid kit. Tumayo na rin ang tatlong manlalaro at lumabas kasama sina Alexis at Fildon. Kaming siyam na nakakuha ng yin-yang square naman ay naiwan sa silid.
"Ladies and gentlemen congratulations for making it to the top. Job well done." Nakangiting bati ni Mr.Gumban at pumalakpak ito. Pumalakpak rin ang mga kasama nito.
"Thank you sir!" Narinig kong sabay na tugon ng mga kasama ko. Ako lang yata ang hindi tumugon. Pumalakpak kami. Ngayon ko lang napansin, dalawang babae lang pala ang kasama naming nanalo, sina Grandeline at Karrice.
"The night keeper's match is over, at kayong siyam ang maswerte at mapalad na nanalo. What you did inside the training field is beyond my expectations. Pinahanga niyo ako." Nakangiting sabi ni Prop Goldfield at nahuli ko ang mga mata nito na tumitig sakin. "I think you are all ready to raise this on the next level. You are now the night keeper's league of champions! The Yin-Yang's Champion! Are you ready for quadrangular match?!" Sigaw ni prop Goldfield, sa tingin ko proud ito sa aming lahat.
"Yes!" Malakas na tugon namin.
"Let's show the other school of what we've got! Kaya ba nating talunin ang ibang school at maging kampyon?!" Sigaw ulit ni prop Goldfield.
"Yes!!' Sigaw naman namin.
"That's the spirit." Nakangiting sabi ni prop Goldfield. "Ngayon gusto kong ipakilala sa inyo ang magiging handler ninyo for the quadrangular match. This is Mr.Gregor." Tinuro ni prop ang kalbong lalake. "This is Mr.Robbles." Tinuro naman nito ang lalake na merong puting buhok. "And this is Ms.Beth"
"Sila ang mag-aasikaso sa lahat na kelangan ninyo para sa gaganaping quadrangular match." Sabi ni Mr.Gumban.
"Ngayong nakilala niyo na sila, it's time to go out and face the crowd. Oras na para i-anunsyo ang pagkapanalo niyong siyam." Sabi prop Goldfield.
***
Lumabas kaming lahat ng forbidden building, nadatnan namin sa labas ang kagagawa lang na stage. Siguro ginawa ito kanina habang nasa loob kami ng training field at nakikipaglaban. Nasa ibabaw nun si Phinilopy ang kapatid ni Tristan na presidente ng student council, kasama nito ang dalawang member ng radar club na naginterview samin kanina, sina Ivy at Shane.
Nakita ko naman sa baba ng stage ang mga crimson na may mga dalang poster ng paborito nilang mga night keepers. Maiging naghintay ang mga ito hanggang ngayon. Nang makita nila kami na lumabas ng main door ng forbidden building ay nagsitilian ang mga ito na para bang nakakita sila ng mga celebrity.
Agad na pumanhik sa ibabaw ng stage si prop Goldfield samanta umalis naman si Mr.Gumban kasama ang tatlong handler na pinakilala nila samin.
Sunod naman kaming umakyat na siyam. Tumayo kami sa gitna ng entablado. Nakakasilaw ang liwanag na nakatutok samin kaya hindi ko masyadong maaninag ang nasa harapan namin. Maririnig ang hiyawan at tilian ng mga crimson. Ilang sandali lang at nakapag-adjust na ang aking mata sa liwanag at nakita ko ang mga nagsisiksikang mga crimson na nakatingn samin.
Kumakaway ang mga kasama ko, ako naman ay nanatili lang parang tuod dahil feeling ko wala naman akong fans. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko na parang estatwa.
"Mag wave ka naman." Napalingon ako kay Tonique ng bigla itong magkomento sakin.
Binalik ko ang tingin sa harapan at parang kusang may isip ang kaliwa kong kamay na kumaway. Right handed ako pero dahil nabalian ako kaya heto at nakabenda kaya hindi ko magalaw.
Narinig kong may nagtilian sa pangalan ko at napangiti ako dahil dun.
"I love you Shero!!!" Narinig kong sigaw, boses iyon ng lalake. Napailing ako habang nakangiti.
Maya'maya ay binaba na namin ang aming mga kamay at nagsalita na si prop Goldfield. "Goodevening Yin-Yang!" pumailanlang ang malakas na boses ni prop Goldfield sa mikropono. "Please welcome our nine champions! Our very own league of champions!" Malakas na bigkas ni prop at nagsigawan ang mga crimson.
"Wooooooohhhhhhh!!" Maririnig ang nakakabinging tilian sa buong paligid.
"Let's give them a big round of applause!!" Sabi ni prop Goldfield, nagpalakpakan ang mga ito. "And now let me itroduce them to you, one by one. Our 9th champion, Tristan Armando Razon. Our 8th champion Grandeline Flores, our 7th champion Shero Tan, our 6th champion Tonique Vanders, our 5th champion Karrice lockster, our 4th champion Keith Nathaniel Bronzer, our 3rd champion Maru Yukiji. Our 2nd champion Travis Larpen and our first champion Lilyu Suzin." Anonsyo ni prop Goldfield.
Nagpalakpakan at sigawan ang mga crimson.
"They will be our representatives for the quadrangular match. Let's all hope that they would bring home the bacon." Dagdag ni prop Goldfield.
Hindi pa rin matigil ang sigawan sa paligid ng biglang may sumigaw ng...
"Yin-Yang love birds! Kisssss!!" Boses iyon ng lalake, hindi ko alam kung saan nanggaling na direksyon iyon.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Napalunok ako ng laway ng magsecond the motion ang ibang crimson. Nagsisigaw ang mga ito ng Yin-Yang love birds at kiss. Gusto kong baliwalain yun pero alam ko para sa akin ang sigaw na iyon at kay Tristan. Meron pa bang nandito sa stage na binansagan na yin-yang love birds? Sa tingin ko wala na kundi kami lang ni Tristan.
Parang nanunuyo ang lalamunan ko sa sandaling ito. Napalingon naman ako kina Phinilopy at sa dalawang kasama nito na sina Ivy at Shane na narun sa gilid ng stage katabi ni prop Goldfield. Humihingi ang ekspresyon ko ng tulong sa mga ito para patigilin ang mga crimson na sumisigaw ng kiss.
Wala naman akong nakitang kakaiba sa mukha ni prop Goldfield ng lumingon ito sakin. Sigurado akong hindi na ito nagulat dahil sa nakita niyang halikan namin kanina ni Tristan sa match sa loob ng training field. Inilihis ko na lang ang tingin ko palayo sa kanya.
"Sino ang gusto niyong magkiss?" Napanganga ako ng biglang pumailanlang ang malakas na boses ni Phinilopy. Ang akala ko na tutulong sakin para makawala sa request ng mga crimson heto at siya pa talaga ang naging metsa para tuluyan akong hindi makawala.
"Sino sa kanila? Si Tristan at..?" Sinagunsunan naman na sigaw ni Ivy.
"Shero! Shero!" Sigaw ng mga crimson.
Nakita kong tumabi si prop Goldfield at bumaba ng stage, iniwan nito ang tatlong babae para e-entertain ang mga nanonood na mga crimson sa baba. Mukhang magkakasubukan talaga ngayon.
Binalingan kami ni Phinilopy. "Narinig niyo ba yun Tristan at Shero? Nagrerequest ng kiss ang mga fans niyo sa baba." Nakangiting panunukso ni Phinilopy.
Hindi ako nagreact at nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Dinadama ang subrang kaba sa aking dibdib, parang lalabas na yata ang aking puso dahil sa subrang pintig nito. Oo, naghalikan kami ni Tristan pero kaming dalawa lang at kung noon nagawa niyang halikan ako sa harap ng ibang estudyante ay hindi na yata pwede ngayon kasi iba na ang sitwasyon ngayon. Isa pa nasa cold moment kami ngayon, kumbaga, malamig na pagsasamahan, may kunting hindi pagkakaintidihan.
Napakagat ako ng labi ng makita kong lumapit sakin si Tristan. Lagot na! Seryuso ba ang baliw na to? Hay naku, heto na naman kami.
Lalong nagsitilian ang mga crimson, ewan ko kung kinikilig ang mga ito o mga nagwawala..
"Sheeetttt.." Mahinang sambit ko ng kunin ni Tristan ang kaliwa kong kamay at dinala ako sa pinakagitna ng entablado.
Hindi talaga nag-iisip ang baliw na to, hindi man lang iniisip ang kahihiyan namin. Pero siyempre lihim naman akong kinikilig ng kunti. Talaga bang papatululan ng Tristan na to ang request ng mga crimson? Parang nilalamig ang buo kong katawan, kidlat please tamaan mo na lang ako.
Pinaharap ako ni Tristan sa kanya, nagsitilian na naman ang mga crimson. Parang hihimatayin na yata ako. Hindi na sa akin bago ang makipagkiss kay Tristan pero Jusko naman, ang daming nanonood. Baka magulat na lang ako nasa youtube na kami at makarating ito sa mga magulang ko.
Inangat ni Tristan ang mukha ko at nagtama ang mga mata namin. Parang nabingi ako sa eksenang ito at hindi ko na marinig ang sigawan at tilian, parang naglaho rin ang mga tao sa aking paligid at tanging si Tristan na lang ang nakikita ng mga mata ko.
Nakita kong unti-unting bumaba ang mukha ni Tristan sakin, nakita ko siyang pumikit at napapikit na rin ako ng maglapat ang aming mga labi. Masuyo niya akong hinalikan, hindi ko napigil ang aking sarili at tumugon na rin ako. Hindi ko na alintana na marami ang nanonood samin. Nanonood sa amin? Sandali, masyado yata akong natangay, tama na to. Pinutol ko ang paghahalikan namin ni Tristan at napalingon sa mga crimson.
Tahimik ang mga ito habang nakatanaw sa amin. Speechless?
"Woooooohhhh!!"
Biglang may sumigaw na lalake at kasunod ay umingay ang paligid, nakabawi na ang mga ito sa kanilang nakita.
Nakita kong kumaway si Tristan sa mga crimson, ngumiti na lang din ako sa kanila kahit na parang hihimatayin na ako dahil sa hiya. Siyempre kelangan kong maging sports kunwari. Hayss ano na ngayon ang mangyayari sa akin sa yin-yang dahil sa kaganapang ito? Lantaran na talaga ang paghalikan namin. Iisipin na ng buong crimson na bakla kaming dalawa. Pero bakit ba parang wala lang ito kay Tristan? Game na game ito sa paghalik sakin. Gusto niya kaya yung paghalik niya sakin o pinagbigyan niya lang ang mga kagustuhan ng mga crimson?
Hinawakan ako ni Tristan sa kaliwang kamay para alalayan pababa ng stage. Sumunod naman ang iba naming mga kasama. Mabilis kong binawi ang kamay ko kay Tristan ng makalapag na kami sa lupa. Ang galing nitong umarte, parang artista lang.
Nadadtnan namin sa baba sa gilid ng stage si prop Goldfield.
"Congratulations sa inyong siyam. Ngayon ang gusto kong gawin niyo ay umuwi at mag-impake ng mga personal niyong mga gamit. Haven University is expecting us tomorrow, we will be leaving at 8:00am, so be here at 6:00am. Walang malelate. Sino man sa inyo ang hindi makakarating dito sa tinakda kong oras ay sinisigurado kong hindi na muling makakaapak sa loob ng university na ito. Maliwanag?" Seryusong sabi ni prop Goldfield.
"Yes po." Tugon namin.
Bukas na kami aalis? Sa monday pa naman magsastart ang quadrangular match ah..? Hindi pa nga ako gumagaling tapos sasabak na sa bagong laban?
Sa nakikita kong eksresyon ng mukha ni prop Goldfield ay seryusong-seryuso ito. Quadrangular match na nga ito. Mas nakakatakot na labanan na ang naghihintay sa aming lahat...