YYU - Chapter 23: Your Guardian Angel (Part 2)

 



Nakatulog kami ng magkayakap at mahimbing ni Tristan. Sakto naman paggising namin ay alas sinko na, mababa na ang araw at hindi na masakit ang sikat sa balat. Lumabas kami at nagpasyang maglakad sa tabi ng dagat. Naka beach shorts at nakasando kaming pareho.



Naglakad kami hanggang sa pinakadulo ng resort dun sa palagi kong pinupuntahan pero hindi na kami umakyat sa malalaking bato, dun lang kami hanggang sa buhanginan. Malayo kami sa mga tao,  kaming dalawa lang ang naroroon sa dakong iyon.



Umupo ako sa puting buhangin at nakatingin sa dagat kung saan nakikita ko ang araw sa dilaw at namumulang kalangitan. Kay gandang pagmasdan ng langit. Tumabi sakin si Tristan sa kanan ko at isang buntong hininga ang pinakawalan nito. Hindi kami nagsasalita at nakatingin lang sa malawak na karagatan.



Ramdam ko sa aking balat ang dampi ng hangin, magkahalong lamig at init. Masarap damhin, nakakagaan ng pakiramdam. Nang biglang inakbayan ako ni Tristan at kinuha nito ang isa kong kamay at mahigpit na hinawakan. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Tristan, ayukong magtanong dahil natatakot akong marinig ang isasagot niya sakin. Masaya na akong ganito, kontento na ako sa kung pano ako tratuhin ni Tristan. Sweet siya, malambing at natutuwa akong kasama siya.



Naisip ko sana ganito na lang kami palagi ni Tristan. Magkatabi, magkaholding hands na parang magbf , nag-eenjoy na kasama ang isa't-isa at walang iniisip ng kung anu-ano. Walang tawag samin basta ganito lang kami o pwede na siguro yung M.U..



"Shero..." Mahinang sambit ni Trsitan.



Napalingon ako sa kanya. "Bakit?"



Nagkatitigan kami, binawi niya ang tingin sakin at tumitig sa dagat. "Ah wala." Sabi nito at umiling, nakita kong parang malunkot ang kanyang mukha. Hindi ko alam pero mukhang apektado ako na makita siyang ganun.



"Can you kiss me?" Mahinang sabi ko sa kanya. Ibang-iba ang inaasal ko ngayon, kahit ako ay naninibago sa sarili ko. Siguro dahil ito sa kasama ko si Tristan at tinanggap ko na ang katutuhanan na gusto ko siya. Wala na akong pakialam kung mali ito, na mali ang magkagusto sa kapwa ko lalake. Alam kong masasaktan ako pero ayuko na munang isipin yun, alam ko ang consequences ng mga kinikilos ko at handa na ako dun.



Binalingan ako ni Tristan, binitiwan nito ang kamay ko at banayad akong hinawakan sa mukha. Masuyo niya akong hinalikan sa labi. Pinagsaluhan namin ang matamis na halik. Parang hindi na yata mawawala samin ang maghalikan kapag magkatabi kami.



Tumigil kami at binaling ang mga paningin sa dagat, hinawakan ulit ni Tristan ang kamay ko at hinalikan. Ang sweet niya. Kinakabahan ako sa kinikilos niya, kapag nagpatuloy siyang ganito baka hindi lang ako magkagusto sa kanya kundi ang malala mainlove ako ng tuluyan sa kanya. Iyon ang masnakakatakot.



"Tara magswimming tayo." Baling nito sakin na nakangiti.



"Sige." Payag ko naman.



Mabilis naming hinubad ang aming mga sando at lumusong sa dagat. Nagtampisaw, nagbasaan at naghabulan na parang mga bata at lumangoy sa dagat. Masaya kami sa company ng bawat isa. Nang mapagod na kami ay muli kaming bumalik sa pag-upo sa buhangin at pinanood ang unti-unting paglubog ng araw.



"Ang ganda ng sunset."  Sabi ko ng tuluyan ng lumubog ang araw at nagsimula ng dumilim ang paligid.



Kumilos si Tristan at tinulak ako pahiga sa buhangin, gumapang siya sa taas ko. "Gaano ka kasaya na kasama ako?" tanong nito.



"Masaya, mga ten." Sabi ko at ngumiti.



"Ten lang?" Tanong nito.



"Oo." Tugon ko naman at inangat ko ang ulo ko at ninakawan ko siya ng haik sa labi, sabay tulak sa kanya. Nung wala na siya sa ibabaw ko ay mabilis akong tumakbo sa dagat.



"Ayan na ko, humanda ka. Kiss stealer." Sigaw nito at patakbong lumapit sa direksyon ko.


***


Pagkatapos magswimming ay bumalik na kami sa hotel, nagpahinga saglit at mga bandang alas siyete ay bumaba na kami para maghapunan sa native restaurant. Doon pa rin kami pumwesto sa pinakadulong cottage.



Merong nakasabit na lampara sa maliit na cottage, yung tipong lampara sa panahon ng kastila at sa mesa naman ay may tatlong magkakatabing malalaki at mahahabang puting kandila. Dinner with candle lit ika nga. 



Habang hinihintay namin ang order namin ay sandaling nagpaalam si Tristan at naiihi na daw siya, at nung bumalik heto at may dala ng gitara.



"Saan mo kinuha yan?" Nagtatakang tanong ko kay Tristan, marunong siya maggitara? Mukhang wala naman sa itsura niya na marunong siya.



"Dun sa helpboy ng resort." Sagot nito.



"Bakit hiniram mo yan? Marunong ka ba niyan?" Sabi ko na parang hindi bilib dito. Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya kasunod ng isang nang-aasar na ngiti.



"Sa tingin mo hindi ako marunong? Baka  nakakalimutan mo, isa akong crimson." Pagmamayabang nito. Oo na, multi-talented ang mga crimson. Oh ngayon ano naman ang pakialam ko?



"Sige kayo na ang multi-talented." Sabi ko sabay ngiwi.



"Palibhasa kasi wala kang talent." Pang-iinis nito. "Tumahimik ka na lang diyan at makinig. Pwede?"



Tumahimik nga ako, sabi niya eh. Nagsimula siyang tumugtog ng intro. Sandali lang, alam ko yang tinutugtog niya ah. Your guardian angel, ito ang paborito kong kanta. At narinig ko siyang umawit, ito ang unang beses na narinig ko siyang kumanta. At napanganga na lang ako, ang ganda pala ng boses niya. Napatitig na lang ako sa gwapo niyang mukha at pinakinggan ang kanyang pagkanta.


When I see your smile, 
Tears run down my face
I can't replace.
And now that I'm strong I have figured out, 
How this world turns cold and it breaks through my soul.
And I know I'll find deep inside me, 
I can be the one.

I will never let you fall.
I'll stand up with you forever.
I'll be there for you through it all.
Even if saving you sends me to Heaven.

It's okay. It's okay. It's okay.
Seasons are changing, 
And waves are crashing, 
And stars are falling all for us.
Days grow longer and nights grow shorter, 
I can show you I'll be the one.

I will never let you fall.
I'll stand up with you forever.
I'll be there for you through it all.
Even if saving you sends me to Heaven.

'Cause you're my, you're my, my
My true love, my whole heart.
Please don't throw that away.
'Cause I'm here for you.
Please don't walk away and, 
Please tell me you'll stay.
Stay.

Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I'll be okay, 
Though my skies are turning gray

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all, 
Even if saving you sends me to Heaven

I will never let you fall.
I'll stand up with you forever.
I'll be there for you through it all, 
Even if saving you sends me to Heaven.



Pagkatapos niyang kumanta ay hindi ko napigilan ang sarili ko na pumalakpak. Wagas ang ngiti ko at puno ng paghanga ang nakapinta sa aking mukha. Ang galing niyang tumugtog ng gitara at ang ganda ng kanyang boses, hindi lang halata sa kanya pero magaling talaga siya. Akala ko dati magaling lang siyang magsinuplado at makipag-away pero may talent pala siya.



"Anong masasabi mo?" Nakangiting sabi ni Tristan na parang sa tingin ko ay nahihiya pa.



"Maganda... Magaling..." Nakangiting sabi ko. Harana ba yun para sakin? O gusto niya lang ipakita sakin na marunong siyang maggitara at kumanta?



"Nagustuhan mo? Theme song natin yun." Nakangiting sabi nito.



"Oo, nagustuhan ko. Subra." Sabi ko. Theme song daw namin, luko din tong baliw na to eh.



Ang ganda ng lyrics, bagay sa dalawang taong nagmamahalan. Dati pa ay ito na ang gusto kong kanta at iniisip ko pa nun na kapag nagkagirlfriend ako ito yung gusto kong theme song namin pero nagkarun ng twist, hindi na yata ako magkakagirlfriend dahil lalake na ang gusto ko ngayon at nasa harapan ko siya.



"Hoy natutulala ka na diyan?" Tawag pansin sakin ni Tristan.



"Ha? Bakit?" Tanong ko, may sinabi ba siya?



"Sabi ko ang cute mo kapag wala ka sa sarili, mawala ka na lang sa sarili mo palagi para palagi kang cute." Aniya at tumawa ng malakas.



"Baliw, matagal na akong cute." Sabi ko na lang at napailing. Luko-luko talaga tong Tristan na to.


***


Naghapunan kami at pagkatapos ay tumungo sa mini-bar ng hotel. Medyo madilim sa loob, maingay dahil sa malakas na tugtog at marami-rami ang taong naroon. Umupo kami ni Tristan sa pangdalawahang table, umorder ng tig iisang hard drink. Nais lang naming magpalipas ng oras doon.



Mabilis na dumating ang aming order, patikim-tikim lang ako sa alak dahil nga hard at baka bigla akong bumagsak kapag binilisan ko ang pagtungga nun. Hindi ako sanay uminom kaya pakunti-kunting sipsip lang.



Isang lalake ang umagaw sa aking pansin, nakaupo ito sa couch sa pinakadulo ng bar. Paminsan-minsang natatamaan ang mukha niya ng laser lights at dancing lights kaya naaninag ko ang kanyang mukha. Kung hindi ako nagkakamali siya iyong sereno na nakita ko noong nakaraang linggo sa dagat. Wala siyang kasama roon sa pwesto niya, umiinom siya ng mag-isa at nakatingin sa direksiyon ko.



Lumingon ako sa likuran ko para tignan kung may tao ba, baka kasi hindi naman ako ang tinititigan nung lalakeng yun. Pero wala, walang tao sa likuran ko kaya sigurado akong sa akin siya nakatingin.



Tama ba tong nakikita ko? Ngumiti ang lalake sakin. Nakita kong tinaas nito ang kanang kamay. Anong ginagawa nito? At isang waiter ang biglang umagaw naman sa pansin ko, mabilis na lumalakad ang waiter sa likuran ni Tristan na parang lasing. Meron itong dalang tray na merong inumin na nasa goblet. Hindi nakikita ni Tristan ang paparating na waiter, nasisiguro kong matutumba ang waiter na iyon at siguradong matatamaan si Tristan ng mga goblet kaya mabilis akong tumayo at niyakap sa likuran si Tristan.



At Naramdaman ko ang pagtama ng tray at mga goblet sa likuran ko. Naramdaman ko rin ang inumin na bumasa sa aking likuran. Bumagsak ang lalakeng waiter sa sahig at narinig ko ang ibang tao na nagtilian dahil sa nangyari.



Mabilis namang tumayo si Tristan at tinignan kung napano ako. Nakita ko naman ang waiter na mabilis tumayo pagkatapos madapa, mabilis nitong pinulot ang tray at humingi ng pasensya. Mukhang hindi naman lasing yung waiter pero bakit ganun yung inakto nito kanina? At binalingan ko ang sereno. Nakita kong inangat nito ang hawak na goblet at umaktong parang magchecheers sa akin. Ngumiti siya at nilagok ang inumin. Siya ba ang may kagagawan nun? Anong kapangyarihan niya?



"Tara na, bumalik na tayo sa kwarto." Sabi ni Tristan at tumango naman ako. Tinawag nito ang babaeng waiter at nagbayad. 



Pagdating sa kwarto ay agad kung hinubad ang basang t-shirt ko na natapunan ng inumin. Lumapit naman si Tristan at sinuri ang likuran ko.



"Ok lang ako." Sabi ko.



"Pwede ba huwag kang malikot! Titignan ko kung may sugat ka o pasa." Sabi nito. "Napakacareless ng waiter na yun." 



"Hindi naman siguro nun sinasadya, maliit na aksidente lang yung nangyari." Tugon ko. At puminta sa aking isip ang larawan ng sereno sa bar. Nako-curious ako sa kapangyarihan niya, alam ko siya yung maykakagawan sa nangyari sa waiter kanina.



"At pinagtatanggol mo pa ang waiter na yun?"



"Hindi naman sa ganun, nakita ko siyang nadulas kaya siya nadapa." Pagsisinungaling ko.



"Sige na, oo na. Buti hindi ka nasaktan. Salamat sa ginawa mo." Ani Tristan at niyakap ako mula sa likuran. Naglalambing na naman. Hay kakainis, maiinlove na ako sa baliw na ito.


***


Natulog kami ni Tristan at mga bandang alas quatro ay naalimpungatan ako. Madilim sa silid kaya bumangon ako at binuksan ang switch ng ilaw sa tabi ng pintuan. Lumiwanag ang paligid at laking gulat ko sa aking nakita. Ang ibang mga gamit sa loob ng kwarto ay nakalutang sa hangin.



Nanaginip ba ako? Kinagat ko ang aking dila para malaman kung nanaginip ba ako o hindi. Aray masakit! Hindi ako nanaginip. Panong nangyari ito? Tinignan ko si Tristan na himbing sa pagtulog. Lumapit ako sa kanya.



"Tristan..? Tristan gising." Mahinang sabi ko sabay tapik sa kanyang braso.



Dumilat ito ng mata at biglang nagbagsakan ang mga nakalutang na gamit. Napanganga ako. Si Tristan may kapangyarihan din!? 



"Ehmmmm bakit ba? Antok pa ko." Sabi nito at kinusut-kusot ang mata.



"Ha ah wala sige matulog ka na ulit." Tugon ko.



"Ang kulet mo, patayin mo na nga yang ilaw at matulog ka na." Parang naiiritang utos nito sakin.



Mabilis kong pinatay ang ilaw at bumalik sa higaan. Niyakap ako ni Tristan ng mahigpit at pinikit ko ang aking mga mata.



Si Tristan isa rin siyang guardian katulad ko...


Continue Chapter 24