YYU - Chapter 24: Friend or Enemy?

 



Hindi na ako makatulog...



Naglalaro sa isipan ko ang nadiskubre ko kanina. Si Tristan ay may kapangyarihan din pala. Isa rin siyang guardian katulad ko at ng iba pang mga crimson. Anong tawag sa kapangyarihan niya? Bakit kahit tulog siya ay gumagana ang kapangyarihan niya? Aware kaya siya sa nangyayari kapag himbing siya? Hindi ba dilikado ito, pano na lang kung makita iyon ng isang normal na tao na walang alam tunkol sa mga guardian at mga hidden?



Isang buntong hininga...



Sa tuwing may madiskubre ako napupuno ng samu't-saring katanungan ang isipan ko. Minsan masmabuti pang wala kang alam kesa sa may alam ka pero hindi ka mapakali at kung anu-ano pa pumapasok sa isip mo.



Nakatalikod ako kay Tristan habang nakayakap siya sakin. Pumikit ako. Bakit hindi ko man lang napansin na si Tristan pala ay isa ring katulad ko na nagtataglay ng kapangyarihan? Tama nga si prop Goldfield, wala pa talaga akong alam.



Isa... dalawa... Dalawang oras na ang lumipas pero nanatili akong gising. Hindi na ako makatulog. Tinanggal ko ang pagkakayapos ni Tristan sakin at bumangon. Alas sais  na ng umaga. Sumilip ako sa bintana. Maliwanag na sa labas. Binalingan ko si Tristan, himbing pa rin ito sa pagtulog.



Kinuha ko ang puti kong long sleeve at sinuot papatong sa suot kong sando. Maglalakad muna ako sa tabi ng dagat. Baka pagbalik ko mamaya gising na si  Tristan, sakto na iyon para makapag-agahan kami.



Humakbang ako sa pintuan at binuksan ang pinto. Tahimik na lumabas at sinarado ito. Dumiretso ako sa tabi ng dagat. Palingon -lingon ako sa paligid, nabibilang sa daliri ang mga taong naroroon at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.



Napayakap ako sa aking sarili ng umihip ang malamig na hangin. Napatingin sa malawak na asul na dagat, kay ganda talagang panoorin ng dagat. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at sinimulan ko ang paglakad patungo sa dulo ng resort, sa paborito kong spot.



Narating ko ang dulo ng resort. Ako lang ang naroon. Malayo sa gawing kaliwa ko ang mga naglalakihang mga bato kung saan ako nagtatago kapag nagpapalit ako bilang sereno. Sa ngayon hindi muna ako pupunta dun. Binalingan ko ang dagat. Tahimik at payapa, maliliit ang hampas ng mga alon sa buhangin. Parang nag-aanyaya ang dagat na makipaglaro sakin. Masyado pang maaga para lumusob sa dagat. Kaya huwag na muna, mamaya na lang.



Nang biglang makarinig ako ng sunod-sunod na sitsit, nagmumula iyon sa gawing kaliwa ko, dun sa may mga naglalakihang bato. Lumingon ako para tignan kung sino ang sumisit at nakita ko ang sereno na kasing tankad yata ni Tristan. Nasa taas ito ng isang malaking bato, tumalon ito at naglakad patungo sa direksiyon ko.



Nakangiti ito at nakatitig sakin habang naglalakad. Gusto ko sanang tumalikod pero mabilis itong nakalapit sakin. Ayuko namang maging bastos at kelangan ko ring magpasalamat sa kanya sa pagkakaballik ng itim na perlas ko. At meron pa akong gustong tanungin sa kanya tunkol sa nangyari sa bar kagabi.




***TRISTAN'S POINT OF VIEW***


Napadilat ako ng mata ng maramdaman kong sumarado ang pinto ng silid at nakita kong wala na saking tabi si Shero, lumabas siya. Ang aga naman niyang magising. Saan kaya iyon pupunta? Mabilis akong bumangon at sinuot ko ang aking jacket, susundan ko si Shero sa labas.



Mula dito sa kintatayuan ko sa lilim ng malaking puno ay natanaw ko si Shero, lalapitan ko sana siya pero huwag na lang, panonoorin ko na lang siya. Nakatanaw siya sa dagat at maya-maya ay naglakad ito patungong timog. Doon sa direksyon sa pinakadulo ng resort.



Kay aga naman niyang gumala. Tahimik ko siyang sinundan at pakubli-kubli ako sa mga puno para hindi niya ako makita. Mukhang hindi niya ako napapansin dahil hindi man lang ito lumilingon. Mamaya ay  gugulatin ko siya, siguradong magtataka iyon na nasa tabi niya na ako.



Wala talaga siyang kaide-ideya na sinusundan ko siya, ang galing kong magtago. At sa wakas huminto na siya sa paglakad. Nakatingin na naman siya sa dagat. Gusto ko siyang surpresahin at yakapin. Ang cute talaga ni Shero kahit nakatalikod. Hahakbang na sana ako palabas sa kinukublihan kong puno ng makarinig ako ng sitsit, nagmula iyon sa malalaking bato. Tumingin ako sa dakong iyon at nakita ko ang isang lalake sa itaas ng bato. Tumalon ito at lumakad palapit kay Shero.



Nakangiti ang lalake, magkakilala sila? Nakaramdam ako ng kaba. Gusto ko sanang lumapit sa kanila pero pinigil ko ang aking sarili, dito na lang ako at manonood sa kanila. Sino kaya ang lalakeng iyon at bakit siya kinakausap ni Shero? Wala siyang suot pantaas at nakabeach shorts lang.



Sandali mukhang hindi tama ito ah. Nakikita kong unti-unti silang lumalapit sa isa't-isa. Maghahalikan silang dalawa?! Sh*t!! Anong ginagawa ng Sherong to? Bakit siya nakikipaghalikan sa lalakeng iyon?



Nakaramdam ako ng inis. Uminit ang tenga at batok ko dahil sa aking nasaksihan. Gusto kong magmura. Shero akala ko ba ok tayo? Sino ang lalakeng yan? Tama ang nakikita ko naghahalikan silang dalawa. Ayuko na! Nakakaasar ka Shero!


Continue Chapter 25