YYU - Chapter 5: WTF!?

 




Sasagutin ko sana si Fildon ng 'hindi' nang biglang hinawakan ni Tristan ang magkabila kong pisngi. Ting! At sa isang iglap lang ay naglapat ang aming mga labi.


Sa mga sandaling ito'y parang tumigil ang oras at naghari ang katahimikan sa buong paligid. Nakatalikod ako sa mga kaklase ko kaya hindi ko nakikita ang mga reaksyon nila pero alam kong shock ang mga ito.


Jeez! Hinalikan ako ni Tristan Armando Razon sa harap ng mga kaklase ko at sa harap ng isang crimson. Wtf?! Public scandal 'to.


Parang hindi ako makahinga, hihimatayin yata ako. At bigla kong naramdaman ang isang kamay niya na lumipat sa batok ko. Nilapit niya ang ulo ko sa kanya kaya lalong nagkadikit ang aming mga labi. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginawa. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin. Ang alam ko lang wala siyang delicadeza. Gusto niya talaga akong inisin at ipahamak. Nakakaasar!


Naisip kong gumanti kaya kinagat ko ang kanyang labi at dahil do'n ay mabilis niyang inilayo ang mukha niya sa 'kin. Tinitigan niya 'ko nang matalim at umismid lang ako. Kung nakakasugat siguro ang titig niya'y malamang sugat-sugat na ang mukha ko. Alam kong hindi masakit 'yong ginawa kong pagkagat sa kanya pero nakita ko sa kanyang mukha na nasaktan siya. May pagkaartista din ang Tristan na 'to. Bigla tuloy akong naguilty. Siya naman ang may kasalanan nito eh. Kung hindi niya ko hinalikan eh 'di sana hindi ko siya kinagat. Gusto ko sanang mag-sorry pero huwag na para malaman niya na hindi ko nagustuhan 'yong paghalik niya sa 'kin.


Mabilis akong tumalikod sa kanya at nakita ko ang mga nakanganga kong mga kaklase. Halatang nashock sila sa kanilang nakita. Sino ba naman ang hindi masashock? Dalawang lalaki tapos naghalikan? Tapos idagdag pa 'yong ideya na isa akong grey at si Tristan naman ay isang crimson.


Humakbang ako palapit sa silya ko sa ikalawang row nang bigla kong marinig ang boses ni Tristan. "Kiss me or i will tell them," sabi niya sa mahinahong boses ngunit naro'n ang pagbabanta.


Napalunok ako ng laway at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. Susundin ko ba siya o hindi? Mukhang seryuso siya, kapag hindi ko siya sinunod siguradong malalaman ng mga kaklase ko ang ginawa kong pagbreak ng time-rule. Wala akong choice. Sige hahalikan ko na lang siya. Okay lang 'to kay sa naman malaman ng buong estudyante ng Yin-Yang ang kasalanan ko. Sasakyan ko na lang ang trip ng baliw na Tristan na 'to.


Katahimikan. Walang may umimik sa mga kaklase ko at walang may gumalaw. Nakatingin silang lahat sa 'kin at nag-aabang sa sunod kong gagawin. Parang pigil ang hininga ng bawat isa. Wala man lang isa sa kanila ang naglakas loob na sagipin ako laban sa Tristan na 'to. Mag-eexpect pa ba 'ko? Malamang takot sila kaya ayaw nilang sumali sa gulong 'to.


Bumuntong hininga ako at sumimangot sa kanila. Sinadya ko talagang sumimangot para makita nilang dismayado ako dahil hindi nila ako sinalba laban sa mapang-aping crimson na 'to. At napatingin ako sa direksyon ni Fildon, naro'n siya nakasandal sa tabi ng pintuan at nanonood din.


Tinalikuran ko ang mga kaklase ko at nilapitan ko si Tristan. Tinitigan ko siya at nakita kong walang bakas nang pagbibiro sa kanyang mukha. Umismid ako. Kainis talaga siya, blackmail na 'tong ginagawa niya sa 'kin.


"Are you going to kiss me or what?" parang naiinip na sabi niya. 


"Oo na, masyado kang atat," mahinang tugon ko.


"Well, what are you waiting for?" naiiritang sabi niya.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Fine! What kiss? Smack or frenchkiss?" nilakasan ko ang boses ko para marinig ng mgakaklase ko at baka pa lang mahiya siya. Pero mukhang walang dating iyon sa kanya.


Nakita ko siyang ngumisi. "Frenchkiss!"  sagot niya. 


Napalunok ako ng laway. Ako naman tuloy ang parang nawala sa sarili. Ako na talaga ang dakilang palpak. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit ko siya tinanong ng gano'n. Okay lang sana kung smack kiss kasi kaya ko 'yon pero 'yong frenchkiss? Nyay! Hindi ko yata kayang gawin 'yon sa harap ng ibang tao. Lalaki ako at lalaki si Tristan, baka kapag nagfrenchkiss kaming dalawa'y iisipin ng mga kaklase ko na bakla kaming pareho.


Bakit kasi hindi na lang kumidlat at tamaan ang Tristan na 'to para matapos na ang kalbaryo ko sa kanya? Huminga ako nang malalim at dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko kay Tristan. Sa bawat pitik ng segundo ay palapit nang palapit ang mukha ko sa kanya. Ilang inches na lang at maglalapat na ang mga labi namin nang bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto ng classroom.


Mabilis akong lumingon sa pintuan at nakita kong pumasok ang matandang propesora na si Prop. Medina, propesora namin siya sa humanities. Salamat sa pagdating niya at naligtas ako.


"Kayong dalawa? What are you doing?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Prop habang naglalakad sa direksyon namin ni Tristan. Hawak niya sa kanang kamay ang mga aklat at malaking kwaderno. Sa suot niyang ternong blouse at pencil skirt na kulay pale green ay nagmukha siyang business woman kay sa sa guro.


"Nothing ma'am," sagot ko at mabilis kong iniwanan si Tristan at umupo sa silya ko. Kumilos na rin ang mga kaklase ko at nagsiupo sa kani-kanilang mga silya. Si Tristan at Fildon naman ay doon umupo sa likuran sa mga bakanteng silya.


Inilapag ni Prop ang mga dala niya sa mesa at nagsimulang magsalita sa harapan. "Good morning class!" simulang bati niya.


"Good morning Propesora," sabay-sabay na tugon ng aming klase.


"Class as you see maraming mga crimson ang nakakalat ngayon sa campus at kasama niyo ang dalawa sa kanila. They are here because of a mission. Mga representatives sila na ipinadala ng Dean para magbantay at e-monitor ang lahat ng mga kaduda-dudang galaw ng mga grey. Sa madaling salita sila ang magiging police ng Yin-Yang na mag-iimbistiga sa inyo dahil sa pagkawala ng golden scale," ani Prop.


Sandaling katahimikan.


Napabaling ako kay Meg na biglang nagsalita. "Mag-iimbistiga sa 'min? Eh Prop hindi naman po kami ang nagnakaw sa golden scale," aniya. 


Nagsimulang umingay ang classroom at lahat ay sumang-ayon kay Meg.


"Class please minimize your voice. Everybody listen, no'ng gabi na mawala ang golden scale isang grey ang nakita ng mga crimson that is why huwag kayong magtaka kung bakit ito nangyayari," sabi ni Prop.


"Prop, pa'no namin malalaman na totoo ngang may nakitang  grey ang mga crimson nang gabing iyon eh wala naman silang ebedinsya? Pa'no kung gawa-gawa lang pala nila iyon para pagbintangan kaming mga grey?" sabi naman ni Arjo.


"Hindi gawa-gawa ng mga crimson ang pagkakakita sa isang grey nang gabing 'yon dahil ako mismo nakita ko rin siya," narinig kong sabat ni Tristan sa likod at biglang tumahimik ang silid.


Hindi ako lumingon sa kanya at napakagat ako ng labi. Kahit hindi ako lumingon sa likod ay alam kong nakatitig siya sa direksyon ko. Nagkatinginan naman kami ni Lesha na nasa tabi ko at sabay kaming napangiwi.


Napabaling kami ni Lesha kay Rana sa unahan namin nang magsalita ito. "Pero 'di ba lalaki 'yong grey na nakita so ibig sabihin kaming mga babae ay walang kinalaman do'n," aniya.


"Lahat kayo ay suspect, babae man o lalaki," sabi ni Fildon. 


Nanatiling nakatuon ang ulo ko sa blackboard at napilingon ako sa likod nang magsalita si Tristan. Nagtama ang aming mga paningin. "Mananatili kaming magbabantay sa inyo hangga't hindi nahuhuli ang may sala at hindi nasusuli ang golden scale," sabi niya. Tinitigan ko siya nang matalim. Baliw na 'to kulang na lang ay sabihin niyang, 'hanggat hindi umaamin si Shero ay hindi kami aalis'. Seriously, pinagdududahan niya 'ko?


"Eh pa'no kung hindi naman pala grey ang kumuha no'n at isa palang crimson?" tanong ni Lesha na nakatingin rin kay Tristan. Alam kung sinabi niya iyon para ipagtanggol ako.


"Para sa kaalaman niyo ngayon lang nangyari ang insidenteng ito, kung crimson ang may kakagagawan nito eh 'di sana noon pa. Pero hindi, may nakitang grey noong gabi na nawala ang golden scale kaya sino ang pagdududahan? Ano naman ang magandang paliwanag ng grey na 'yon at lumilibot sa Yin-Yang sa ipinagbabawal na oras?" sabi ni Tristan na nakapako ang tingin sa 'kin.


Hindi ako nagpatinag sa kanyang titig at nilakasan ko ang aking loob para magsalita. "Rason? Eh baka naman may nakalimutan lang na libro sa locker 'yong grey at gusto niya lang itong kunin dahil may test sila kinabukasan? Baka wala naman talaga siyang kasalan at ginawa lang na panakip butas ang pagkakakita sa kanya para pagtakpan ang kapabayaan ng mga night keepers?" pigil hiningang sabi ko.


Dahil sa sinabi kong iyon kung kaya tumingin sa 'kin ang buong klase. Nakita ko namang blanko ang reaksyon ni Tristan at magkasalubong ang mga kilay ni Fildon. Binawi ko ang paningin ko sa kanila at binaling ko ito sa harapan.


Nasa kanang bahagi ko si Canzo at naramdaman ko ang isang kamay niya na pumatong sa 'king balikat. "Okay ka lang?" mahina at may pag-alalang tanong niya. Tumango ako bilang tugon at binawi niya ang kanyang kamay. 


"Huwag mo na lang pansinin," sabi naman ni Lesha sa kaliwa ko. Napapagitnaan nila akong dalawa ni Canzo.


Bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti sa kanila. Iyong totoo ay gusto ko nang lumabas ng classroom dahil kay Tristan. Kung pinaghihinalaan niya 'ko bakit hindi niya na lang sabihin para matapos na ang lahat? Hindi 'yong nagpaparinig pa siya ng kung ano-ano.


"Okay class enough. Wala naman kayong dapat ikabahala kung wala kayong kasalanan," sabi ni Prop na nakacross ang mga bisig sa harapan ng dibdib. Sinabi niya iyon para tapusin na ang tensyon na namumuo sa loob ng silid. "Kayong dalawa sa likod, are you assigned here?" tanong niya kina Tristan at Fildon.


"Yes," sabay na sagot ng dalawa.


"Please introduce yourself," ani Prop.


Hindi ako nag-abalang lumingon sa likuran at narinig ko ang boses ni Tristan."Im Tristan Armando Razon," maikling pagpapakilala niya sa kanyang sarili na parang napipilitan.


Pumunta naman sa harapan si Fildon, "Hi guys I'm Fildon Suares. I want you all to be my friend so i hope you all feel the same way too. Let's be friends!" aniya na naka ngiti at pagkatapos ay bumalik na siya sa likuran.


Napalingon ako sa mga babae kong kaklase at nakita ko silang wagas na nakangiti. Anong meron at kung makangiti sila parang wala ng bukas? Well, gano'n talaga siguro ang mga babae kapag nakakita ng gwapo parang nananaginip nang gising.


Nagsimulang magturo si Prop Medina at hindi nagtagal ay natapos ang Klase. Pagkatapos ng humanities ay english 101 naman at chemistry. Saktong alas dose nang matapos ang dalawang subjects namin sa araw na ito. Kung saan ang klase namin ay naroon rin ang dalawang crimson police na sina Tristan at Fildon at sumusunod sa 'min kaya pagka-bell no'ng alas dose ay mabilis na akong lumabas ng room para umuwi. Naiwan naman sina Canzo at Lesha.


Halos takbuhin ko na ang gate dahil baka makita ako ni Tristan at kung ano-ano pa ang ipag-uutos niya sa 'kin. Nagmamadali ako sa paglakad nang bigla ko namang makasalubong sa entrada ng gate ang limang crimson na nakita ko noong nakaraang gabi dito mismo sa loob ng Yin-Yang. Patay! Mukhang natatandaan nila ang itusara ko!


Continue Chapter 6