YYU - Chapter 12: Memories

 



Hindi nagtagal at bumukas ang pinto, pumasok sina Tristan, Fildon at Alexis. Lumapit sila sakin, gusto ko na talagang tanungin sina Fildon at Alexis tunkol sa mga nangyari pero hindi ko magawa dahil sa presensya ni Tristan.



"Shero, aalis na kami. Magpahinga ka lang muna dito. Merong nurse na nakaduty, kapag may kelangan ka pindutin mo lang ang red button na yan." Sabi ni Fildon at tinuro ang alarm button sa itaas ng kanang bahagi ng headboard ng hospital bed. Tumango ako bilang tugon.



"Hindi na kelangan, nandito naman ako." Walang reaksyon na sabi ni Tristan. 



"Papano Shero, aalis na kami. Siya nga pala, tunkol sa mga nangyari. Please keep it, walang pwedeng may makaalam nun." Wika ni Alexis.



Tumango ako. "Tinawagan ba ng school yung parents ko?" tanong ko.



"Oo, nasabihan na sila tunkol sayo." balik ni Alexis at matipid na ngumiti.



Hindi ko alam kung anong sinabi ng school sa mga magulang ko pero sigurado akong hindi nila sinabi ang totoong nangyari, pero masmabuti na yun dahil ayukong mag-alala sila sakin.



"Magpahinga ka na, aalis na kami." Ani Fildon, lumapit ito sakin at kinurot ako sa pesngi. "Stay cute. Bukas aagahan ko dito, ihahatid kita pauwi." Anito at ngumiti.



Tipid akong ngumiti, nakaramdam ako ng kunting hiya. Bakit kasi kelangan niya akong kurutin sa pesngi, at bakit may 'cute' pa siyang nalalaman. "Salamat. Ingat kayong dalawa." sabi ko at napalingon sa bintana. Hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan.



Lumabas sina Fildon at Alexis. Naiwan kami ni Tristan. 



"Stay cute, at may pakurot-kurot pa!" Pabulong na sabi ni Tristan, umupo ito sa silya sa dating pwesto niya.



"Ha?" Sabi ko, "May sinasabi ka?" Kunwaring hindi ko narinig.



Tinaasan niya ako ng isang kilay at nagsmirk, "Nagustuhan mo ba yung pagkurot niya sa pesngi mo? Sige sabihin mo." 



Anong nangyari sa kanya, parang baliw talaga tong lalakeng to. Pabago-bago ng mood. "Anong pinuputok ng botse mo?" Irap ko kay Tristan.

"Ah kung ganun nagustuhan mo yun." Anito at lumapit sakin ng bahagya at sinimulan akong pagkukurutin sa magkabilang pesngi. Kakaasar! Baliw talaga. "Ayan ang cute-cute mo."



"Aray ano ba Tristan, masakit. Ah! Aray!! Ang ulo ko ah.. Ang sakit!! Ahh!" Pagkukunwari ko para tigilan niya ang ginagawa niya sa mukha ko. Kakainis talaga tong baliw na to. "Aray, ahhh sakit ng ulo ko."



Tumigil siya at napatayo. Hinawakan ako nito sa balikat, "Shero, masakit ang ulo mo. Ha? Ano magsalita ka. Sorry, sige tatawagin ko ang nurse, lalabas ako." Nagpapanic na sabi nito. Akala siguro totoo. Napangiti ako ng lihim. Guilty ang baliw dahil sa pagkurot niya sa pesngi ko. Akma na sana itong lalabas pero pinigilan ko.



"Ikaw kasi kinurot mo ang mukha ko, ayan ok na ko. Nawala na ang sakit." Sabi ko at hindi ko napigilang humagikhik.



"Ah gino-good time mo ko? Gusto mo mamatay? Ha?" Sabi ni Tristan sakin at tinitigan ako ng masama. Ewan ko ba, dati natatakot ako kapag tinititigan niya ako ng matalim pero ngayon parang natatawa na lang ako. Naimmunse na siguro ako sa ekspresyon niyang iyon.



"Tigilan mo nga ako, hindi na ko natatakot sayo no. Hindi mo na ako mabablackmail dahil nabalik na ang golden scale." Sabi ko sabay labas ng dila.



"Ah ganun? Hindi ka na natatakot sakin?" Nilapit niya ang mukha niya sakin. Palapit ng palapit. Umurong ang ulo ko hanggang sa dumikit na ako sa headboard. "Talaga? Di ka takot?" sabi nito at ngumiti.



"Tristan, gusto ko ng magpahinga." Mahinang sabi ko. Kinakabahan ako. Plano ba niya akong halikan? Hindi siya sumagot at lalo pang nilapit ang mukha sakin. Hindi ko alam pero parang walang lakas ang mga kamay ko para itulak siya. Napapikit ako ng mata.



Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu, labing isa, labing dalawang segundo. Dinilat ko ang isang mata ko at sunod ang isa pa... At nakita ko si Tristan na nakangiti malayo ang distansya ng mukha sa mukha ko. Tumawa ito ng malakas. Napahiya ako dun ah, akala ko hahalikan niya ko.  Kakainis talaga tong war freak na baliw na to.



"Baliw!" Sigaw ko sa kanya. At pinilit kong mahiga na walang alalay mula sa kanya kahit medyo hindi ko pa kaya. Tumatawa pa rin ito at parang iniinis talaga ako. Tuwang-tuwa ito na napahiya ako. Pinagalitan ko ang aking sarili, bakit ko ba kasi naisip na hahalikan ako ng baliw na yun? Asar!



Tumagilid ako patalikod sa kanya.



"Sorry na, hindi ko lang mapigilang hindi matawa. Peace na tayo." Sabi nito at pigil na tumawa.



Hindi ko siya kinibo, ramdam kong namumula ang pesngi ko. Kakaasar talaga tong lalakeng to. Pinikit ko na lang ang aking mga mata at ilang minuto lang nakatulog na ko. 



Matagal akong napahimbing sa pagtulog hanggang sa maalimpungatan ako ng may maramdaman akong may umayos ng kumot ko, hindi ako dumilat. May naririnig akong nagbuntong hininga sa aking tabi at ilang sandali pa may dumamping halik sa labi ko. Lumakas ang tibok ng puso ko, kahit nakapikit ako alam kong si Tristan yun. Bakit niya ko hinalikan?



"Good night." Mahinang sambit nito at naramdaman kong humimlay ang mga braso at ulo nito sa gilid ng aking higaan.



Nagising ako, hindi ko alam kung anong oras na pero maliwanag na sa labas ng bintana. Umaga na at tumila na ang ulan. Napabaling ang mga mata ko sa natutulog na si Tristan sa gilid ng higaan ko. Napaangat naman ang ulo ko ng bumukas ang pinto at pumasok ang nurse at si Fildon.



"Good morning." Sabay na bati ng dalawa sakin ng makalapit. 



"Good morning din." Tugon ko.



Tinanong ako ng nurse tunkol sa nararamdaman ko. Bumalik na ang lakas ko ng mga sandaling iyon kaya sinabi ng nurse na pwede na akong umuwi. Nagising naman si Tristan, nagpasalamat ako dito sa pagbantay sakin. Mukhang aburido pa to ng pagkagising ay makita si Fildon na naroon na sa silid. Gamit ang school van ay sumabay silang dalawa sa paghatid sakin sa condo pero hindi ko na sila pinatuloy sa unit ko at sinabi kong magpapahinga ako.



Sabado at buong araw akong nakahiga sa kama ko. Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko. Tunkol sa kakayahan ko, sa ibang crimson, sa golden scale, sa night keepers, at kung anu-ano pa. At isa pa, yung mga magulang ko. May alam kaya sila sa ibang katulad ko na may taglay ng espesyal na kakayahan? Si mama, siguradong may alam siya.


FLASHBACK***



Eights years old ako nun. May lakad kaming magpamilya ng hapong iyon, nasa likod ako ng bahay at hinihintay sina ate, mama at papa na bumaba para makaalis na kami. Naglalaro ako ng bola ng biglang napalakas ang pagdribol ko kaya tumalbog ito sa gitna ng pool.



Nakabihis na ako kaya hindi ako pwede lumusong sa tubig dahil mapapagalitan ako. Ilang minuto kung tinitigan ang bola sa ibabaw ng tubig, nakaramdam ako ng init saking magkabilang braso at parang instinct na tinaas ko ang mga iyon sa harap ng aking dibdib at itinutok sa direksyon ng bola. Naramdaman kong parang biglang bumigat ang aking mga kamay at nakita kong unti-unting tumaas ang tubig, tumaas ito hanggang mga anim na talampakan. Ang bola nasa ibabaw ng mataas na alon.



Gumalaw ang alon at naramdaman ko ang pwersa sa aking mga kamay, naramdaman ko itong kumalat sa buo kong katawan. Papalapit sa akin ang alon ng biglang...



"Shero!!" Napalingon ako kay mama na siyang sumigaw, patakbo itong lumapit sakin.



Nawala ang atensyon ko sa mataas na alon at bigla itong bumagsak. Tumalsik ang tubig sakin pati kay mama. Lumuhod si mama sa harap ko para maging magkapantay ang taas namin. Nakita ko ang takot sa mga mata ni mama, magkahalong takot at galit ang nakabakas sa kanyang mukha.



"Shero makinig ka sakin, huwag na huwag mo ng subukan ulit ang ginawa mo! Narinig mo si mama?" Mariing sabi ni mama, Hindi ako sumagot, hinawakan ako ni mama sa magkabilang balikat at niyugyog. "Shero, mangako ka kay mama na hindi mo na ito uulitin."



Tumango ako bilang tugon at niyakap ako ni mama ng mahigpit. At simula noon pinilit ko ng kinalimutan ang pangyayaring iyon. Oo minsan naalala ko at kahit nangako ako kay mama na hindi ko na uulitin yung ginawa ko ay ginawa ko pa rin pero wala, wala ng nangyari. Hindi ko na nagawang kontrolin ang tubig hanggang sa muli itong naulit nung makalaban namin ni Fildon ang limang crimson.



Si mama alam niyang may taglay akong espesyal na kakayahan. Isa akong aquaist, bakit ayaw niyang gamitin ko ang kakayahan ko? Hindi  kaya may kapangyarihan din si mama? Sa matagal naming pagsasama sa bahay wala naman akong nahalatang kakaiba sa kanya, maliban na lang sa pagiging serena niya. Si papa naman isang normal na tao lang, wala ring kakaiba sa kanya. At si ate katulad ko isang mixblood, kalahating tao at kalahating serena pero parang wala naman siyang kakayahan ng tulad sakin. O baka wala lang akong alam sa kanya?



Sigurado ako kapag tinanong ko si mama tunkol sa bagay na ito maghi-hysterical yun, at ayukong mag-alala siya. Hindi ko ipapaalam sa kanya ang mga nangyayari. Kung meron mang makakasagot sa mga katanungan ko sigurado akong si prop.Goldfield iyon, ang adviser ng mga night keepers.


Continue Chapter 13