YYU - Chapter 13: The Black Pearl
Linggo ng tanghali...
Nandito ako isang pribadong resort sa subic, maaga pa lang ay bumyahe na ko papunta dito dahil kelangan kung bumabad sa tubig dagat. Nagtamo ako ng kunting galos sa siko at pasa sa likod at sa tulong ng tubig dagat ay mapapabilis ang paggaling ng mga ito.
Kelangan ko ring magchill at magrelax kahit kunting oras lang dahil hinahanap na ng katawan ko ang tubig dagat. At gusto ko munang kalimutan ang mga gumugulo sa isip ko, at itong lugar na ito ang tutulong sakin.
May mangilan-ngilang tao ang naroon sa tabi ng dagat, may naglalakad, may naglalaro ng beach volley ball at merong nagsiswimming na parang walang takot magkaroon ng sunburn, tanghali pa naman at masakit ang sikat ng araw. Pwera na lang sa katulad ko na kahit gano kainit ang sikat ng araw ay walang epekto saking balat.
Naglakad ako papalayo sa mga tao at doon ako sa pinakadulo ng resort pumunta. Ang pinakadulo ay merong mataas na bangin at sa baba ay mga naglalakihang mga bato. Maganda ang pwestong iyon, malayo sa mga tao, tahimik at tago.
Hinubad ko ang aking sando at tanging swimming trunks na lang ang natira sakin. Lumusob ako sa tubig, hanggang bewang ko ang lalim. Agad kong kinapa ang aking sikmura at dinuwal ko ang itim na perlas na pag-aari ko bilang sereno. Dahil sa pagkakaalis ng itim na perlas sa aking katawan ay naglaho ang aking mga binti at paa, at napalitan ito ng malaking buntot ng isda na kulay silver-green.
Napangiti ako, isa na naman akong sereno. Namiss kong lumangoy sa maalat na dagat. Mabilis kong tinago sa pearl locket necklace ko ang black pearl. Hindi pwede itong mawala dahil kapag nawala ito magiging sereno na ako habam buhay.
Mabilis akong sumisid, ang sarap ng tubig. Nakakagaan ng pakiramdam. Ramdam kung humilom ang aking mga sugat sa katawan. At sa ilang minuto lang gumaling na nga ang mga ito. Lumangoy ako, pinagsawa ko ang aking sarili sa pagsisid, nakipaghabulan ako sa mga isda. Para akong bata na pinakawalan sa playground. Masaya ako, at ramdam kong parang iisa ang katawan ko at ang dagat.
Nagpahinga ako, naupo ako sa malapad na bato na natatakpan ng malalaking pang mga bato. Lumanghap ako ng sariwang hangin, ang sarap. Langhap, buga. Paulit-ulit. Nilaro ng buntot ko ang tubig. Saglit akong natigilan. Napaisip ako, maraming tao ang hindi naniniwala sa mga sereno. Masmabuti ng ganun dahil ligtas kami sa pwedeng gawin ng mga tao samin.
Naisip ko rin, ang mga black pearl na binibinta sa black market ay pag-aari ng mga kapwa ko sereno at serena. Pano napasakamay ng mga tao ito? Ilan na kayang kalahi ko ang nahuli ng mga tao para mapasakanila ang black pearl? Hindi totoong sa kabibi nanggaling ang black pearl, dahil sa katawan naming mga sereno ito nanggaling.
Napailing ako at napahawak sa aking kwentas. Ang kwentas ko... Nawawala! Biglang binalot ng takot at kaba ang dibdib ko. Hindi! Nasan ang kwentas ko? Masyado akong napasaya sa paglangoy ko na hindi ko namalayang nawawala na ito. Hindi pwedeng mawala ang black pearl na pag-aari ko, hindi na ako magiging tao kapag hindi ko nakita iyon.
Nakaramdam ako ng takot, gusto kong maiyak pero pinigil ko ang aking sarili. Nasan na ang kwentas ko? Tumalon ako sa tubig at sumisid. Hindi pwedeng mawala sakin yun. Kailangang ko iyong mahanap.
Isa, dalawang oras ang lumipas. Hindi ko pa rin nakikita ang kwentas ko. Nawawalan na ako ng pag-asa. Ibig sabihin ba nito magiging sereno na ako habam-buhay at hindi na muling makakalad sa lupa?
Nakaramdam ako ng pagod at sama ng loob sa sarili. Umahon ako sa tubig at dumapa sa malapad na bato. Pinagsisihan ko ang pagpunta ko dito. Kung hindi sana ako pumunta dito hindi nawala ang black pearl ko. Ngayon isa na lamang akong sereno at hindi na magiging tao pa.
Pano na ako ngayon? Naisip ko ang Yin-Yang hindi na ako makakapasok. Hindi ko na makikita, ang mga kaklase ko, pati na si Fildon at Alexis, pati na ang makulet na si Tristan.
Ang sama ng loob ko, nag-iinit ang buo kong katawan. Paglingon ko sa tubig sa paligid ko ay tumataas ito na parang fountain pero bumagsak rin ito agad. Hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa. Gusto kong maging tao muli. Umupo ako sa bato, isa lang ang nasa aking isipan at iyon ay muling sisirin ang dagat para hanapin ang kwentas ko.
Tatalon na sana ako sa tubig ng mapansin ko ang isang dolphin na lumalangoy patungo sa direksyon ko. HInintay ko ito, nagtataka ako. Bakit ito lumapit sakin? Umikot-ikot ito na parang gustong makipaglaro at pagkatapos ay huminto. Binuka nito ang bibig at doon nakita ko ang pearl locket necklace ko. Napalaki ang mata ko, halos hindi ako makapaniwala. Mabilis ko iyong kinuha at sumisid ang dolphin.
"Salamat!" Sigaw ko.
Sinuot ko ang kwentas ko. Napangiti ako sa sarili ko at bigla kong napansing merong nanonood sakin at nagkukubli sa malaking bato hindi kalayuan sakin. Isang lalake, hindi magkalayo ang edad namin, meron siyang kulay brown na buhok, makinis at maputing balat, gwapo ang mukha nito. Nakalusob ang kalahating katawan nito sa tubig.
Kinabahan ako, hindi pwedeng makita ako ng tao sa anyo kong ito. Tinitigan ko siya. Tumalikod siya sakin at tumalon ng mataas, nakita ko ang asul na buntot nito, sumisid ito sa dagat, isa siyang sereno. Sino siya? Napahawak ako sa kwentas ko, siguradong siya ang nakakita nito at nag-utos sa dolphin para isuli sakin. Hindi man lang niya ako hinayaang magpasalamat sa kanya.
PAGKATAPOS kung magbabad sa dagat ay napagpasyahan ko ng bumalik ng Maynila. Mag-aalas otso na ng gabi ng dumating ako sa condo. Sa lobby ay may binigay sa akin ang receptionist, isang box. Binasa ko kung kanino galing, Yin-Yang University. Hindi ako pwedeng magkamali, iyon ang bago kong school uniform. Bukas hindi na ako grey class, magiging crimson class na ako.
Pagdating sa unit ko ay dumeretso ako sa aking kwarto. Binuksan ko ang box, agad kong nakita ang white envelope na naglalaman ng bago kong course subject schedule. Pinatong ko iyon sa side table ng kama. Binalikan ko ang box, merong tatlong pares ng crimson uniform dun. Wala sa loob na sinuot ko ang isang pares, sakto ang pagkakafit sa katawan ko. Tinignan ko ang aking sarili sa harap ng malaki na head to foot na salamin na nakadikit sa built in cabinet ko. Hindi ako makapaniwalang mapapabilang ako sa crimson class. Binagsak ko ng patihaya ang aking katawan sa kama. Pumikit at nag-isip.
Anong mangyayari sakin ngayong malilipat ako sa crimson? Hindi ako kasing talino at talented nila, ang meron lang ako ay isang kakayahan na hindi ko naman alam kung pano gamitin. Matatanggap kaya ako ng crimson society? At ako magiging night keeper? Hindi kaya pagtawanan lang nila ako?