YYU - Chapter 14: The Answers
Humogot ako ng buntong hininga bago ko hinakbang ang aking mga paa sa loob ng gate ng Yin-Yang. Good luck na lang sakin, ito ang unang gabi ko bilang isang crimson. Sana maging okay ang first night ko at sana mababait ang mga bago kong kaklase.
Tinignan ko ang aking relo alas sais y media. Alas siyete pa ang pasok ko kaya may 30 minutes pa ko para puntahan si Prop. Goldfield. Ito na ang tamang oras para masagot ang mga katanungan sa isip ko.
Binilisan ko ang aking paghakbang patungo sa forbidden building, doon ang quarters ng mga student council at mga night keepers kaya sigurado akong naroon ang office ni prop.Goldfield. Sa paglalakad ko, meron akong nakakasabay sa pathwalk at nakakasalubong na mga crimson pero hindi nila ako pinapansin. Kung sa bagay nakauniporme na pala ako ng crimson at isa na ako sa kanila kaya siguro ganun.
Narating ko ang Forbidden building at ayaw akong papasukin ng dalawang engot na mga lalake na mga night keepers, sila ang nagbabantay sa main door. Bawal daw akong pumasok dahil hindi ako student council o night keeper at wala raw akong business dun. Sarap batukan ng mga to. Tama nga ang tawag sa building na ito, forbidden building. Kakaasar.
"Ano ba? Kelangan kong makausap si Prop.Goldfield, wala na akong oras may pasok pa ko." Napipikon na sabi ko.
May lumapit samin galing sa loob, kilala ko siya. Isa siya sa kasamahan ni alexis. Si Travis, ang may kapangyarihan ng teleportation. "Professor Goldfield is expecting you. Please follow me." Sabi nito.
Tahimik lang ang dalawang night keepers na nagababantay. Sumunod ako kay Travis pero bago yun nginiwian ko ang dalawang iyon dahil naasar ako sa inasal nila. Nang dalawa na lang kami ni Travis sa hallway ay hinawakan niya ko sa balikat at sa isang iglap lang nasa oipisina na kami ni prop. Goldfield.
Nakaupo si Prop.Goldfield sa pulang swivel chair sa harap ng kanyang malapad na mesa na kung tama ako ay yari sa kahoy na nara. May hawak itong ballpen sa kamay at mukhang nagsusulat bago kami dumating. "Salamat Travis." Sabi nito.
"Ok po." Tugon ni Travis at biglang naglaho.
"Good evening po." Bati ko.
"Good evening din, Sige maupo ka." Sabi ni prop.Goldfield,
Umupo ako sa silya sa harap ng mesa niya. "Salamat po." wika ko.
"Alam ko kung bakit ka narito, dahil maraming katanungan ang gumugulo sa isip mo, tama?" Seryuso na sabi nito. Tumango ako at napalunok ng laway. "Saan mo gustong mag-umpisa tayo?"
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. "Gusto ko pong malaman, ano po ang hidden? Binanggit ni Fildon na ang limang crimson na nakalaban namin ay mga hidden. Anong ibig sabihin nito?" Simulang tanong ko.
Tumayo si prop.Goldfield at gamit ang remote ay ini-on nito ang malapad na monitor na nakadikit sa dingding sa kaliwang bahagi ng mesa niya. Lumiwanag ang screen at may lumabas na mga sari-saring larawan.
"Nakikita mo ang mga larawang yan, yan ang mga hidden. At kabilang ang lahi mo dito. Dito sa mundo, merong dalawang klase, human at hidden. Hidden is the other term for non-human and partly-human. Partly-human ibig sabihin, mix-blood, sila ang mga hidden na may dugong tao katulad mo na kalahating tao at kalahating sereno. At kapag sinabi namang non-human, ibig sabihin hindi tao."
Huminto sandali si prop. Goldfield at kumuha ng mahabang soft plastic stick. Nagsimula itong tumuro sa mga picture sa malapad na monitor. "There are two blood lines for hidden, mortal blood and immortal blood. Mortal blood, they are likely humans, they grew old and died, example wolves. The other one is the immortal blood, means supreme life, infinite age, they never grew old and never dies, example vampires."
Pinindot nito ang remote at nagpalit ng larawan. "Mermaids, mermen, vampires, wolves, elves, faeries, witches, warlocks, centaurs, albinos, etcetera, etcetera. Those are hiddens. Ginamit ang salitang hidden, from the root word hide which means itago, conceal. This is the right word-code para sa salitang non-human which is very bold and very clear."
Naintindihan ko ang gusto niyang iparating, tumango ako. "So, yung lima pong crimson ano pong klase sila?" tanong ko.
Lumabas ang larawan ng limang crimson sa screen, sila yung limang nakalaban namin. "This is Tricia Tross, she's a witch, age 17, location unknown, ability: hairist." tinuro ni prop ang larawan, siya yung babaeng may kapangyarihang manipulahin ang kanyang buhok.
"This is Erika Shawn, she's an albino, age 15, location unknown, ability shadow manipulation." Siya yung may blond na buhok.
"Ano ang ibig sabihin ng albino?" Nagtatakang tanong ko.
"Albino is also known as, anak araw. Cross breed sila ng lobo at bampira. They also feed with blood." Sagot ni prop.
Ok so yun pala ang mga albino, anak ng lobo at bampira.
"This is Sheila Finry, she's a mermaid, age 16, location unknown, ability shield barrier." Siya naman iyong babaeng may kulot at brown na buhok.
"This is Freyo Ashewr, he is a faery, age 11, location unknown, ability pyrokinesis, isa siyang Flamist o firist at katulad mo isa siyang elemental user." Siya ang pinakabata sa limang crimson na may kapangyarihan ng apoy.
"And lastly, this is Jemry Ronner, he is also a faery, location hidden's custody, ability agility." Siya yung matankad na lalaki na subrang bilis kumilos.
"Hidden's custody? Ano yun? Oraganization ng mga hidden?" Curious na tanong ko.
"Exactly, under iyon sa Hidden's iternational fideration. Isang private organization na nagpapatupad sa kapayapaan at kaayusan sa buong hidden community dito sa bansa."
"Alam ba ng goberno at ng simbahan ang tunkol sa hidden?"
"No, no. Hindi nila alam ang tunkol sa hidden. Kapag nalaman ng goberno o ng simbahan ang tunkol sa mga hidden siguradong by any means gagawa sila ng paraan para burahin ang mga hidden sa mundo. Well, some of the hiddens made a name and contributed a lot through out the globe for centuries. May scientist, poet, painter, inventor and so on."
"Gusto ko po palang malaman, san nanggaling ang taglay kong kapangyarihan?"
"Your ability is a gift, it's not hereditary. Your power chooses you. Ganito yun, ang abilidad o kapangyarihan ay isang enerhiya, tinatawag itong power energy, hindi nakikita ng mata at hindi nasesense. Ang enerhiyang ito ay paikot-ikot lang sa mundo, they are actually 'LIKE' a disease to a pregnant woman. Bakit?" Putol na sabi ni prop. Goldfield at pinindot ang remote, lumabas ang picture ng buntis na babae at fetus sa tiyan.
"Look at this, ano nakikita mo sa loob ng tiyan ng babae?" Tanong ni prop sakin.
"Fetus po." Sagot ko.
"Exactly. Ang power energy na paikot-ikot sa mundo ay attracted sa mga fetus lamang. Well, hindi sa lahat ng fetus, because merong dalawang klase. The weak one and the strong one. Papasok ang enehiyang ito sa katawan ng fetus, na parang poison. Ang enerhiyang ito ay hahalo sa 'life-energy' ng fetus, ang tawag dito ay collision. During collision dapat maadopt ng life-energy ng fetus ang power-energy na pumasok sa kanya para ma-imune ang katawan nito. Dahil kung hindi matutunaw ang life-energy ng fetus at kapag nangyari yun 100% mamatay siya. Ito yung isang rason kung bakit nakukunan ang isang babae na nagdadalang tao." pag-eexplain ni prop. Napabuntong hininga ako.
"Kung ganun maswerte pala ako dahil nakaya ng katawan ko nai-adopt ang kapangyarihan na pumasok sakin." Nasabi ko.
"Yes." Ikling tugon ni prop.
"Prop meron rin bang mga tao na may kapangyarihan?"
"Yes... Of course."
"Prop, eh ikaw? Ano po kayo? At anong kapangyarihan niyo?"
Pinagcross nito ang braso sa harap ng dibdib at tinitigan ako. "Isa akong tao."
"Po?" Nabiglang bigkas ko. Tao pala siya pero bakit ang dami niyang alam sa kagaya ko?
"You heard it right. Isa akong tao. Ang abilidad ko, sensist. Kaya kong eenhance o eweaken ang 5 senses ng katawan ko at ng ibang tao."
"Ano pong ibig niyong sabihin?" maang na tanong ko.
"Sige example. Blind!" Narinig kong sabi ni prop.
Bigla na lang akong walang makita pagkatapos kong marinig ang sinabi ni prop na blind, nabulag ako. "Prop wala akong makita." Kinakabahan na sabi ko.
"See!" Rinig kong sabi nito.
Bumalik ang paningin ko. "Ang galing." Napapahangang sabi ko.
"Numb!" Sabi ni prop. Hindi ako makaramdam, namamanhid ang buo kong katawan. Para akong naparalize na hindi makagalaw. "Feel." Sabi nito at bumalik ako sa dati.
Ang lakas ng kapangyarihan niya, nakakatakot siya. Napalunok ako ng laway. Oo ang kapangyarihan niya ay tunkol sa 5 senses ng katawan ng tao. Nagrereact ang senses ko ayon sa gusto niyang mangyari. Nakokontrol niya ito.
"Ano pa ang gusto mong malaman?" sabi nito.
"Tunkol po sa golden scale, saan po nanggaling ito?"
Pinindot ni prop ang remote sa harap ng monitor at lumabas ang larawan ng golden scale. "Sa tingin mo ilang taon na ang golden scale na to?" Binalingan ako ni prop.
"Ang pagkakaalam ko po batay sa nabasa ko mahigit dalawang daang taon na po." Sagot ko.
Nakita ko siyang umilling. "No. This golden scale is about thousand years of age." Napanganga ako sa narinig. Di nga? Talaga? "Have you heard atlantis?" Tanong niya.
"Yes po."
"This golden scale belongs to Atlantis or the island of angels. Sa tingin mo totoo bang nag-exist ang atlantis sa earth?" sabi nito.
Tumango ako. "Yes, po." Sabi ko. Kung kaming mga hidden ay nag-eexist sigurado akong nag-eexist din dati ang atlantis although sa mga nabasa kong kwento ay isa lang itong myth.
"According to the legends, thousand years ago, ang atlantis ay bahagi ng mundo. Tinawag itong Angel's island dahil no'ng mga panahon na yun ang islang ito ang namumungod tangi at kakaiba. Nakalutang ito sa hangin sa ibabaw ng dagat at ang mga nakatira dito ay mga anghel. No one really knows what exactly happened pero one day, nagkaron ng pagsabog sa islang ito at bigla na lang itong naglaho. At ang tanging naiwan nito ay mga celestial rare items na nagtataglay ng ibat-ibang kapangyarihan na nagkalat sa ibat-ibang sulok ng mundo, at isa na nga dito ang golden scale."
"Wow!" Nasabi ko. "So, ano po yung kayang gawin ng golden scale?" Namamanghang tanong ko.
"May kapangyarihan itong baguhin ang panahon tulad sa nangyari last week, walang tigil ang ulan dahil sa golden scale." Sagot ni prop.
"Propesora, kung isa palang makapangyarihan ang golden scale, bakit hindi ito nakatago? Bakit nakadispaly ito sa school?"
Ngumiti ito, "Ang buong university na ito ay protektado ng mahika, isang lumang mahika na hindi basta-basta masisira nino man. Hindi mailalabas ang golden scale sa Yin-Yang ng basta-basta na lang dahil may nakataling mahika dito."
"Pero muntik na pong makuha ng limang crimson ang golden scale kaso napigilan sila bago sila pumasok sa itim na bilog."
"You mean port gate?" Ngumiti ito at umupo sa kanyang swivel chair, sumandal. Alam ko na ngayon, port gate pala ang tawag sa itim na lagusan na iyon. "Tulad ng sinabi ko, hindi nila mailalabas ang golden scale sa Yin-Yang ng basta-basta. Mga bata lang sila na nag-eexpereminto, hindi nila alam ang mga pinanggagawa nila." Sabi nito.
Okay so kung ganun safe dito ang golden scale, edi mabuti. "Pero bakit hindi niyo po agad nakita ang golden scale ng mawala ito, pwede naman po sigurong gamitan ito ng mahika para makita ito agad?"
"Shero kung iniisip mong uubra ang mahika para makita ito ay mali ka dun. Ang golden scale ay isang celestial rare item, hindi uubra ang mahika para makita ito."
Tumango-tango ako, nagiging klaro na sakin ang lahat. Meron pa pala akong hindi natanong, tunkol sa mga crimson at mga night keepers. "Eh prop yung tunkol po sa mga crimson class at mga night keepers? Bakit.?." Naputol ang itatanong ko.
"Time is running." Sabi ni prop.
Dahil sa sinabi ni prop ay mabilis kong tinignan ang relo ko, what the? 7:19pm na pala. Late na ko. Ito ang una kong pasok pagkatapos malelate ako sa subject ko. Mabilis akong tumayo, "Prop sige po salamat, babalik na lang po ako next time, pasok na po ako." Natatarantang sabi ko, tumango lang siya at mabilis na akong lumabas ng kanyang office.
Asar! Hindi ko namalayan yung oras. Ang bilis.