YYU - Chapter 15: Welcome to Crimson Society

 



Malalaki at mabibilis ang hakbang ko habang tinatahak ko ang pathwalk patungo sa technology building ng school. Kinakabahan ako, panay ang buntong hininga ko. Bakit kasi ang bilis ng oras? Itong unang pasok ko bilang crimson pero heto at late ako.


Sa wakas narating ko rin ang technology building, four storey ito at nasa ground floor ang silid kung saan ako papasok. Tinungo ko ang pinto kung saan may nakapaskel na T-106. Inabot ko ang siradora ng pinto at pinihit. Bumukas ang pinto at sumilip muna ako.


Sa harap mismo ng pintuan ang teacher's table kaya agad kong nakita ang batang propesor sa subject kong computer 677. Nakaupo ito sa silya sa harap ng kanyang mesa at tahimik na nagbabasa.


Pumasok ako at sinarado ang pinto, "Good evening po sir, sorry im late." Sabi ko. Hindi niya ako binalingan. Patuloy lang ito sa pagbasa ng kanyang aklat.


"Go find your seat." Sabi nito, na hindi man lang gumalaw. Hindi ako nito pinansin.


Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko ang mga kaklase ko na abala sa harap ng mga computer. Malapad ang silid dahil denisinyo talaga iyon para magkaroon ng saktong espasyo para sa mga computer desk.


Humakbang ako para maghanap ng bakanting pwesto. May nakita ako sa dulo kaya agad akong lumapit dun. Inayos ko ang aking bag sa upuan saka umupo. Nakabukas na ang computer monitor. Hindi ko alam kung ano ang binigay na lesson ng prop kasi nga late ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.


"You're late." Narinig kong sabi ng katabi ko,. Teka lang kilala ko ang boses na yun ah.


Lumingon ako sa aking kaliwa, nagulat ako. Nakita ko ang mukha ni Tristan. Nakafocus ang mukha nito sa harap ng monitor. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.


"Umaatend ng klase ko, siyempre." Sagot nito. Saglit akong nilingon nito.


"So you mean magkaklase tayo, pareho tayo ng kurso?" sabi ko.


"Yes. Malamang. Why dont you just shut up and do your thing. Can't you see? Im busy." Nagsusungit na sabi nito.


Sungit! Parang nagtatanong lang eh. Suplado talaga! Marami pa talaga akong hindi alam sa Tristan na to. Kung sa bagay ilang araw pa lang kaming magkakilala at hindi naman kami masyadong nag-uusap. Sandali lang ano ba tong ginagawa niya? Ano ba ang lesson namin?


"Ano bang lesson natin ngayon? Ano yan?" Pangungulit ko at pinanood ang nasa monitor niya.


"Ito ang lesson buong semester, DOTA, pag-aralan mo kung ayaw mo bumagsak." Wala sa loob na sagot nito. Nakikita kong nag-eenjoy ito sa ginagawa.


Tinignan kong mabuti ang monitor may mga monster na nag-aaway at naghahabulan. Tumayo ako at inikot ko ang aking paningin sa mga monitor ng iba, mapababae man o lalaki ito ang nasa kanilang monitor. What the f*ck? Hindi ako makapaniwala, dota? As is warcraft ang lesson?


Napanganga ako, umupo. Anong nangyayari? Totoo ba to? As in naglalaro sila ng dota habang ang teacher nasa harapan at parang walang pakialam? 


Sandali, hindi ako makaget over! Huminga ako ng malalim. So ito ang lesson namin? Seryuso? Kelangan ko ba itong pag-aralan? 


"Trsitan? Seryuso ka, dota ang lesson natin?" naguguluhang tanong ko kay Tristan.


Nakita ko siyang bahagyang ngumiti. "Yes. Ask them." Sagot nito.


What? Ano tong napasukan ko? Diba crimson? Matatalino, genius, pero bakit ganito embis na pag-aralan ang tunkol sa computer technology laro ng dota ang nasa monitor nila? At itong Teacher walang pakialam.


Gusto ko magwalk-out as in umalis sa silid na yun. Wala akong choice kundi hintayin ang oras. Nagsurf na lang ako sa net. Tinype ko sa google ang salitang dota. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa pero binasa ko ang information tunkol sa dota/warcraft. Binasa ko ang mga tunkol sa heroes. Wew! Di ako makapaniwala sa ginagawa ko, napapailing na lang ako. Hanggang sa magtime na.


Alas otso next subject humanities, magkasabay kaming pumunta ni Tristan sa arts and sciences building. Magkatabi kaming umupo sa likuran ng silid. Walang imikan, ako naman panay buntong hininga na lang. Bakit pa kasi nalipat-lipat pa ako sa crimson eh.


Ang gulo ng classroom, ang daldal rin pala ng mga crimson. Yung iba parang merong mga sariling mundo, ang weweird nila as in. Dumating ang propesora pero deadma lang ang mga kaklase ko. Ako lang ang bumati rito ng good evening. Si Prop. Anina, nasa mid 30's siya.


"Please open your book on page 98 and read." Sabi ng guro na nakaupo sa harapan ng classroom. 


Agad kong nilabas ang libro ko sa humanities, inopen ko sa page 98 at nagsimulang magbasa. Samantala yung iba naman nagkukwentuhan, may naghahabulan pa sa kwarto, may nagliligawan, may nagtetext, may nakikinig ng ipod, may nagfefacebook sa ipad, may nagseselfie, may naghaharutan, may natutulog, may kumakain. As in ang riot ng classroom at si prop ayun at nakaupo lang at nagbabasa rin ng libro. Deadma lang siya sa mga nangyayari.


Parang ang sarap sumigaw. Di ko alam pero parang apektado ako, subrang gulo sa loob ng classroom.


"Masanay kana." Napalingon ako kay Tristan.


"Bakit hinahayaan lang ito ng propesora?" Tanong ko.


"Anong malay ko? Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Balik ni Tristan sakin.


Umismid ako, engot talaga tong lalakeng to. Hindi mo alam kung kelan maayos ang utak at kung kelan hindi. Parang babae na nagmemenopause. At naisip ko bakit parang hindi man lang ito nagulat at nagtaka na maging crimson ako?


"Hoy ikaw!" Sabi ko kay Tristan. Nilingon niya ako. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit naging crimson ako? Hindi ka man lang nagulat?" Nakaismid na sabi ko.


Tumaas ang isa nitong kilay, "Bakit ako magugulat? At saka ano naman pakialam ko." Sabi nito at inirapan ako.


Aba ampatiko talaga. Asar! Pagkatapos ng pagpapahirap niya sakin? Pagkatapos ng pagpapahiya niya sakin? Pagkatapos ng lahat sasabihin niyang wala siyang pakiaalam? Oh edi masmabuti, at total nga pala hindi niya na ako hawak sa leeg kaya malaya na ako sa pang-aalipin niya.


"Ang sungit mo! Diyan ka na nga. T-T-Y-N!" Sabi ko sa kanya, kinuha ko ang bag ko at tumayo.


Mabilis niya akong nahawakan sa kamay. "San ka pupunta?"


"Wala kang pakialam! Diba sabi ko TTYN? As is talk to you never. Kaya huwag mo na akong kausapin. We are not even friends." Hinila ko ang kamay ko sa kanya, nakita kong parang umiba ang reaksyon ng kanyang mukha.


Tumalikod ako at walang paa-paalam sa propesora at lumabas ng classroom. Kung ganyan nangyayari sa loob ng klase, aabsent na lang ako. Baka mahawa pa ko sa kaweirduhan nilang lahat.


Naglakad-lakad ako at umupo sa bench paharap sa oval ng school na nasisinagan ng liwanag ng bilog na buwan.


"Shero, anong ginagawa mo diyan?" 


Lumigon ako at nakita ko si Alexis. Nakangiti ito, ngumiti ako at naupo siya sa tabi ko.


"Bagay sayo ang uniform mo. Welcome to crimson society." Sabi ni Alexis.


"Salamat. Kamusta naman?" Tanong ko.


"Ito ok lang, ikaw? Kamusta ang mga galos at pasa mo?"


"Ok na magaling na ko."


"So magiging night keeper ka na rin pala."


"Parang ganun na nga, wala naman akong choice eh." Sabi ko at tumingala sa bilog na buwan.


"Sigurado magugustuhan mo ang pagiging night keeper, maraming kang matututunan." Sabi ni Alexis na nakatitig naman sa field.


"Alexis isa kang hidden diba? Anong klase ka?" Tanong ko at nilingon ito.


"Hindi ako hidden Shero, isa akong tao." Nakangiting sagot nito sakin.


Akala ko hidden siya, wala pa talaga akong alam. Hindi ko matukoy kung hidden ang kaharap ko o hindi. "Sorry." Sabi ko.


Lumuwang ang ngiti nito."Ok lang yun. So kamusta ang first night mo bilang crimson?"


Napabuntong hinga ako, ngumiti at napailing. "Ok naman, hindi ko ineexpect ang naranasan ko sa loob ng classroom kanina. Ang weweird ng mga kaklase ko. Magkaiba talaga ang grey class sa crimson class. Kung ang grey class mga normal ang mga crimson class naman mga abnormal." Sabi ko.


Pigil na tumawa si Alexis. "Masasanay ka rin." Sabi nito. Tumango lang ako.


"Alexis ano ba talaga ang meron sa crimson class at night keeper?"


"Nilngon niya ako, nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Lahat ng gusto mong malaman ay malalaman mo kay prop.Goldfield, siya na lang ang tanungin mo para masmaunawaan mo."


Binaling ko ang aking ulo sa field, "Ok." ikling tugon ko.


Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Alexis ay pumunta na ako sa management building. Sa ground floor room M-107 kung saan ang klase ko para sa major subject kong B. management. Binuksan ko ang pinto at agad kong nakita sa loob si Tristan wala itong kasama, nakaupo ito sa pinakahuling silya. Lumabas rin pala ito ng klase.


Hindi ko siya pinansin at naupo ako sa silya sa harapan. Wala ng sense na kausapin siya o pansinin. Hindi naman kami magkaibigan saka pinagtripan niya lang akong gawing alalay niya, at ginawa niya akong katawa-tawa sa harap ng ibang estudyante ng Yin-Yang. Pakitang tao lang ang concern niya sakin noong may nangyari sakin noong friday. Tapos na ang drama, hindi na kami pwedeng maglapit pa.


Naupo lang ako sa silya at nagbuklat ng aklat. Nagbasa at naghintay sa oras. Di nagtagal at dumating ang iba kong mga kaklase, nagsimula na namang umingay ang loob ng classroom. Nakakabingi. Ibang-iba talaga ang crimson sa grey.


Dumating ang propesora, nasa mid 40's. Si prop. Yentora. At tulad kanina wala pa ring pakiaalam ang mga kaklase ko. Nagsulat si prop. sa blackboard, kinupya ko naman.


Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit naging espesyal ang mga crimson, tignan mo naman mga ugali nila. Ewan! basta ako hindi ako natutuwang naging crimson ako. SIguro nga espesyal ang mga crimson dahil mga abnormal sila.


Hindi naman nagtagal at natapos ang klase. Mabilis na akong lumabsa ng silid at dumiretso sa arts and sciences building. Dumiretso ako sa third floor, room AS-302. Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Fildon na nakaupo sa silya sa harapan. Pumasok ako at sinarado ang pinto.


"Oy Shero" Sabi nito at ngumiti. 


Ngumiti ako at lumapit sa kanya, "Oh kumusta, dito rin ba ang klase mo?" Tanong ko at umupo sa katabing silya sa kanan niya.


"Ito ok lang. Oo dito ako. Magkaklase tayo?" Nagtatakang tanong niya. Nagkibit balikat ako.


"Special subject ang nakalagay sa schedule ko e." Sabi ko.


"Sakin din, kahapon may pinadala ang school sa bahay na bagong schedule. Ito yung una kong pag-attend sa special subject na to." Sabi nito na nakatitig sakin.


"Sakin din, wala akong special subject nung grey class pa lang ako. Ngayon pa lang." Tugon ko naman.


Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si prop.Goldfield, nagulat ako. Wala kasing nakalagay na pangalan ng propesor o propesora sa schedule ng special subject.


"Good evening." Nakangiting sambit ni prop habang naglalakad patunga sa harapan namin sa teacher's table.


"Good evening po." Blankong tugon namin ni Fildon dito.


"Nasurpresa ba kayo?" Sabi nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha. Napakaelegante talaga ng dating niya, maganda at matapang ang aura.


"Prop kayo po ang guro namin? Saan po yung iba naming kaklase?" Tanong ni Fildon at napalingon ito sa pintuan.


"Wala kayong ibang kaklase, kayong dalawa lang ang estudyante ko sa subject na ito." Sabi nito at sumeryuso ang mukha.


"Bakit po?" Sunod na tanong ni Fildon.


"Dahil kayo lang ang bagong recruit na maging night keepers. Okay ba yun?" sagot ni prop at muling ngumiti.


"Wow!! Magiging night keeper ako? Talaga?" Nakangiti at parang excited na sabi ni Fildon. Nakita kong tumango si prop. "Yes! Ayos to. Ang galing." Sabi pa ni Fildon.


Napailing ako, bakit tuwang tuwa siya? Gusto niya rin maging member ng mga wild na crimson? Kung meron akong choice hindi ko tatanggapin ang pagiging night keeper. Night keepers? Eh ang pagkakaalam ko tagabantay lang ng yin-Yang ang mga night keepers tuwing gabi. 


"Sandali, pero prop diba isa sa mga qualifications para maging night keeper ay dapat tumungtong muna sa junior year? Eh prop freshmen pa lang po kami ni Shero ah." nagtatakang tanong ni Fildon.


Talaga? Magiging third year ka pa dapat para mag-apply bilang night keeper? Hindi ko alam yun.


"Yes, but in every rules there's always an excemption. Bilang adviser ng night keepers i personally recommended you sa dean para maging part ng organization na ito. At ito nga kayo sa harapan ko ngayon. Welcome." nakangiting sabi ni prop.


"Thank you po." Sabi ni Fildon na subrang lapad ng ngiti, ako naman tipid lang na ngumiti. Naku kelangan ko pa talaga makipagplastican. Eh ang totoo naman hindi ako natutuwa na mapapabilang ako sa night keepers.


"Kelangan pa po bang pag-aralan ang pagiging night keeper?" Wala sa loob na tanong ko, babantay lang ng Yin-Yang may klase-klase pang nalalaman? Ano to kaechusan?


"Shero kung sa tingin mo ang pagiging night keeper ay isang madali na tungkulin, pwes sasabihin ko sayo hindi, at bilang hidden na nagtataglay ng malakas na kapangyarihan kailangan mong matuto dahil wala ka pang alam." Seryusong sabi ni prop. Tinamaan ako sa sinabi niya. Oo tama siya wala pa nga akong alam, hindi ko alam kung pano ko gamitin ang kakayahan ko. Marami akong dapat matututunan, sige inaamin ko na. Oo na, mali ako.


"Prop, lahat ba ng nasa night keepers ay may mga kapangyarihan katulad namin?" Si Fildon.


"Hindi. Ang iba lang sa inyo. Yung iba walang kapangyarihan pero bihasa naman sa martial arts at sa short at long range weaponry combat." Sagot nit prop.


Martial arts ang halimbawa nito ay judo, taekwando, karate at wrestling. Yung Short range weaponry combat naman halimbawa ay sword fighting at yung long range weaponry combat ay archery at bullet target shooting.


"So ngayon pong night keeper na ko, ano ng pag-aaralan ko?" Tanong ko.


"First lesson niyo, martial arts. Offensive at self defense. MWF ang schedule niyo starting on wednesday magsastart na ang proper training niyong dalawa."


"Tuturuan niyo rin po ba kaming maimprove ang mga kakayahan namin?" Ani Fildon.


Binalingan ako ni prop. "Yes, of course that is my main concern kung bakit ko kayo sinama sa team ko." Alam kong para sakin ang sinabi niyang iyon.


"Nice." Nakangiting sabi ni Fildon. Napabuntong hinga lang ako.


Gusto ko rin namang matutunan na gamitin ang kapangyarihan ko pero parang hindi pa ako handa, baka maulit yung nangyari sakin. Baka maratay ulit ako sa higaan dahil naubos ang buong lakas ko dahil sa paggamit ko ng kapangyarihan ko.


May bigla akong naalalang itanong, "Prop meron bang mga hidden sa grey class?"


"Yes meron. Just like you, isa kang hidden pero nasa grey class ka before. Hindi kasi porque hidden ka eh mapapabilang kana sa crimson class. Crimsons are unique, advance, supreme, fast learner, extra ordinary, intelligent, multi-taented. To become a crimson you 'must' possess one of these.." Sagot nito.


"So pano po ako nalipat sa crimson, wala po ako sa nabanggit niyo. Nalipat po ba ako sa crimson dahil sa kapangyarihan ko?" Malunkot na tanong ko, iyon naman kasi ang totoo eh. Hindi ako kasing talino ng iba at wala akong talento. Alam ko kung hindi dahil sa kakayahan ko hindi ako magiging crimson.


Lumapit sakin si prop, pinatong nito ang isang kamay sa aking balikat. "Don't say that. Kaya ka nalipat sa crimson class ay dahil espesyal ka. You're different at alam ko darating ang araw marami kang matutulunga dahil sa kakayanan mo." Nakangiting sabi ni prop sakin.


Napangiti ako, walang halong pagpapanggap. Nakakagaan sa loob ang mga sinabi niya. Sige, pangako ko. Gagalingan ko sa training!


Continue Chapter 16