YYU - Chapter 16: The Stranger

 




Pagkatapos ng special subject ay umuwi na ko. Pagod na binagsak ko ang aking katawan sa malambot kong kama. Napatitig sa kisame, katulad ng parati kong ginagawa. Nag-iisip. Buntong hininga. Nang may maalala ako...


Bumangon ako at kinuha ang box na binigay ni prop Golfield kanina. Binuksan ko iyon at kinuha ang laman. Dalawang pares ng training uniform, kulay puti ang mga ito, para itong karategi pero manipis lang yung tela. Meron din itong kasamang dalawang white belt.


Hinanger ko ang mga iyon at naupo sa gilid ng kama, napalingon ako sa side table. Inabot ko ang celphone ko na nakapatong dun. Inoff ko ito kahapon at iniwan nung pumunta ako sa subic. Hindi ko pa ito nachecheck, wala naman kasi akong inaasahan na text kahit kanino. Hindi naman ako mahilig sa gadgets, pag-emergency o kapag nangangamusta lang ako kina mama saka ko ito ginagamit.


Hindi ko pa nasabi kena Canzo at Lesha na nalipat ako sa crimson, baka nagtataka ang mga iyon kung bakit hindi ako pumasok kanina. Tetext ko na lang sila para ipaalam yung mga nangyari.


Ini-on ko yung celphone. At  agad na pumasok ang mga message. 32 messages. Inopen ko. Tatlong messages galing kay Lesha at 5 galing kay Canzo, at yung iba galing kay Tristan. Inuna kung basahin ang message nina Lesha at Canzo, nangangamusta at nagtatanong bakit absent ako. Nereplayan ko sila na nalipat na ako sa crimson, at mandatory iyon kaya wala akong choice.


Tumihaya ako sa kama at binuksan ang  mga message galing kay Tristan, ayun sa details ng message kahapon pa ito nasent. Binasa ko isa-isa, paulit-ulit ang mga sinasabi niya sa text.


Kamusta? San ka ngayon?


Bakit hindi ka macontact?


Ano ba! Magreply ka nga.


Ano na nangyari sayo? Namatay ka na ba?


Hoy magreply ka! Hindi kita macontact.


Naasar na ko sayo, magreply ka.


Hoy ano na? 


Bahala ka nga! 


Last na to, kapag di ka nagreply humanda ka sakin!


Wala talaga! Kakaasar!


Yun ang mga messages niya. Kung ganun kaya pala siya nagsisinuplado kanina kasi di ko siya nareplayan. Eh pano ko siya marereplayan eh hindi ko nga dala yung cp ko. Ano na gagawin ko ngayon? Etetext ko ba siya? Cge, tetext ko na lang siya ng sorry. Ok na siguro yun.


"Sorry, ngayon ko lang nabasa text mo." Text ko kay Tristan. Message sent.


Hinintay ko ang reply niya pero wala. Tulog na siguro. Tumungo na lang ako sa banyo at naghugas ng katawan, nagbihis at humiga para matulog. Inabot ko ang celphone ko, walang text. Siguro ayaw na magtext ni Tristan dahil sinabihan ko siya na talk-to-u-never at sinabihan ko pa siya na hindi kami magkaibigan. So kung ganun ako ang may kasalanan? Malay ko ba nagtetext pala siya at ano ang kelangan niya sakin, bakit siya nagtetext? Hindi niya na ko mabablackmail, hindi niya na ako hawak sa leeg para utos-utusan, maghanap siya ng bago niyang alalay at mapagtitripan dahil quits na kami.


Ayuko ng mag-isip ng kung anu-ano pa. Magsinuplado siya hanggang gusto niya. Quits na kami, wala na akong pakialam sa kanya. At sinabi niya pa ano pakialam niya sakin? Ok, yun naman pala eh. Eh di mas ok.


***


Martes ng hapon habang nagsashower ako. Ramdam ko ang tubig na dumadaloy sa buong katawan ko. Ang sarap ng tubig. Napapikit ako, dumilat at pinatay ang shower.


Gusto kong matutunan na gamitin ang kakayahan ko, at matutuhan na kontrolin ito na ako lang, pero natatakot akong maulit yung nangyari sakin. Baka bumagsak yung katawan ko, manghina ako at mawalan ng malay. Walang tutulong sakin kapag nangyari iyon.


Tinitigan ko ang tubig na dumadaloy sa tiles patungo sa drain hole. Tinutok ko ang aking kanang kamay sa dumadaloy na tubig. Focus lang, kaya ko to! Naramdaman kong umiinit ang katawan ko at naramdaman kong may dumaloy na enerhiya sa kanang kamay ko patungo sa aking palad. Naramdaman kong bumibigat ang kamay ko. At Nakita kong huminto ang pagdaloy ng tubig at umangat ito sa hangin hanggang tuhod.


Nagawa ko! Nang biglang mawala ang nararamdaman kong enerhiya sa kamay ko at bumagsag sa sahig ang tubig.


Mabilis akong humarap sa salamin ng banyo, may naramdaman akong mainit na dumadaloy sa ilong ko. Pagtingin ko sa salamin dumadaloy na ang dugo dito. Mabilis kong inabot ang tissue at  pinahid iyon sa ilong ko.


Sh*t! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Nakaramdam ako ng pagkahilo at parang naduduwal ako. Nagsuka ako sa sink pero wala akong maisuka. Panay ang duwal ko, nawala rin ito ilang sandali pero naramdaman kong nanghihina yung katawan ko. Nagtapis ako ng tuwalya at lumabas ng banyo. Nahihilo ako, nanlalabo ang paningin ko. At bumagsak ako sa kama.


Napadilat ako ng mata. Nawala na yung hilo ko pero ramdam ko pa ring medyo mahina ang katawan ko. Bumangon ako at napalingon sa wallclock. What the f*ck? Alas siyete na, 6pm yung algebra kaya absent ako.


Kahit medyo nanghihina ay mabilis akong kumilos, nagpalit ng uniform at tumungo sa Yin-Yang. 


Dumeretso na ako sa second subject ko. Nadatnan ko sa silid si Tristan, as usual nakaupo sa likuran at nag-iisa. Hindi ako nito pinansin. Awkward. Nagtext na ako sa kanya kagabi wala naman siyang reply kaya hindi ko na rin siya pinansin.


Naupo ako sa unahan, naghintay sa ibang mga kaklase ko at sa propesor. Sa subrang tahimik ng classroom nakaramdam ako ng pagkabagot. Pero kapag subrang ingay naman parang nakakarindi. Buntong hininga. Ang tagal ng oras, kung kelan ka naghihintay saka pa parang ayaw gumalaw ng oras pero kapag may ginagawa ka at nag-eenjoy saka ito tumatakbo ng mabilis.


Sa wakas dumating na rin ang mga kaklase ko at yung propesor. Tulad kagabi ganun pa rin, maingay at magulo sa classroom. Pero wala, deadma na lang ako. Wala naman kasi akong choice eh. Wala pa akong nakakausap sa mga bago kong kaklase, hindi ko na iniisip na meron akong magiging close sa mga ito. 


Di nagtagal at natapos ang klase, proceed sa next subject. Pagtapos ng isa, isa na naman hanggang sa uwian na.


Naglakad na ako pauwi. Nakita ko yung ibang crimson na nagsiuwian na rin. Nagmadali na akong maglakad dahil pagtingin ko sa kalangitan parang uulan. Natatakpan ang buwan at mga bituin ng itim na kumot ng ulap. Biglang umambon. Hanggang sa tuluyang bumagsak ang ulan. Malapit na sana ako sa condo. Mabilis akong sumilong sa waiting shed, merong isang lalaki doon. Bystander, nakasuot siya ng asul na tshirt, itim na shorts at naka  converse. Rugged ang dating niya. Gwapo at maputi, kasing tankad ko lang siya. Nakapamulsa at nakasandal sa pader.


Pumwesto ako sa gawing kanan niya, walang upuan kaya tayo-tayo lang pag may time. 


Tahimik lang kaming pareho. Panay naman ang tingin ko sa relo ko, ang tagal kasi tumila ng ulan. Maya-maya'y may dumating na dalawang lalaki at nakisilong. Nasa 25 pataas ang edad nila. Yung isa naka itim yung isa naman nakapula na t-shirt. May payong naman ang mga ito kaso masyado malakas ang ulan.


Pumwesto ang mga ito sa gawing kaliwa ng lalaking nakaasul. Nagsindi yung dalawang lalaki ng yusi. Hithit, boga. Hithit, boga. Nalalanghap ko pa ang usok nila at parang mauubo ako dahil ayuko ng usok ng sigarilyo.


"Pwede ba patayin niyo yang hinihithit nyo?" Narinig kong sabi ng nakaasul. Lumingon ako dito.


"Anong sabi mo?" Sabi nung nakapula na t-shirt.

Mukhang magkakagulo dito. Pasimpli naman akong umusog palayo sa naka-asul baka kasi magkagulo at madamay pa ako. Baka isipin ng dalawang lalaki na kasama ko yung nakaasul na sumita sa kanila. Ang laki pa naman ng katawan ng dalawang lalaki, eh yung nakaasul at ako maliit kumpara sa kanila. Siguradong isang suntok lang babagsak na ko. Ayuko magkaron ng black eye, kaya mabuti ng dumistansya.


"Wag kang magbingi-bingihan sabi ko, patayin niyo ang hinihithit niyo." Kalmadong sabi ng nakaasul. Hindi ito gumalaw at nakasandal lang sa pader.


"Ang tapang ah!" Sabi ng naka itim.


Oo nga ang tapang ng nakaasul para sitahin ang dalawa. Nakaramdam ako ng kunting kaba. Naku, gulo na naman to. Kapag nagkataon kawawa ang maliit na to. Dapat kasi hinayaan niya na lang yung dalawang lalaki. Siya na lang yung lumayo sa usok ng mga ito kung ayaw niya ng usok ng sigarilyo. Ako nga hindi ko na lang nilalanghap yung usok ng mga ito eh, pinipigilan ko na lang yung hininga ko para hindi ako ubuhin.


Lumingon ako sa kanila, nakita kong lumapit ang nakaitim na lalaki sa harapan ng nakaasul. Humithit ito ng sigarilyo at binuga sa mukha ng nakaasul. Tumawa ang lalaki. Hindi naman umimik ang nakaasul.


"Aangal ka?" Sabi ng lalaki at muling humithit ng sigarilyo.


Nang bigla na lang may dinukot na baril  ang nakaasul sa  kanyang likuran. Walang sabi-sabi at binaril niya ang lalaking nakaitim sa  noo. Tumalsik ang mga dugo at bumagsak ang lalaki. Wasak ang noo nito at nakita ko ang pagdaloy ng dugo mula roon. Halos hindi ako makapaniwala, parang masusuka ako sa aking nakita.


Nilingon ng nakaasul ang lalaking nakapula, bakas sa mukha ng lalaki ang pagkabigla at takot. Nalaglag ang sigarilyo nito sa bibig. Tinutuk ng naka asul ang baril sa dibdib ng lalaki at binaril ng dalawang beses.


"BANG! BANG!"


At humandusay ang lalaki sa semento katabi ng kasama niya. Napanganga na lang ako sa aking nasaksihan. Hindi ako makakilos at parang naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Pigil ang hininga ko at mabilis ang pintig ng aking puso. Parang nabingi ako sa subrang lakas ng putok ng baril. Kinakabahan ako ng matindi. Hindi naman siguro ako babarilin nitong nakaasul? 


Humarap sakin ang nakaasul at nilagay nito ang dulo ng baril sa labi. "Psshhhhh!" Sabi nito. At muling ipinasok ang baril sa likuran ng kanyang shorts.


Sumandal ako sa pader. Kinalma ko ang aking sarili. Pumikit ng ilang segundo at dumilat. Tinignan ko ang dalawang lalaki na bumagsak sa semento pero wala na sila roon, at ang tanging nakita ko lang ay dalawang nakasinding sigarilyo na malapit ng mamatay.


Lumingon ako sa kaliwa ko para tignan ang lalaking nakaasul. Totoo ba to? Anong nangyayari? Ang dalawang lalaki na nakita kong binaril ay nakatayo pa rin sa tabi ng nakaasul, buhay silang dalawa. Tinitigan ko ang lalaking nakaasul, ganun pa rin ang ayos nito, nakasandal sa pader at nakapamulsa. Muli kong tinignan ang dalawang lalaki, hindi gumagalaw ang mga ito at parang nakakita ng demonyo. Nakatuon ang kanilang paningin sa ulan na unti-unti ng humihina.


Nilingon ako ng nakaasul, nagtama ang mga mata namin. Ang mga titig niya, kakaiba. Binawi ko ang aking paningin at sumandal sa pader. Imahinasyon ko lang ba yung nakita ko? Panaginip? Nakatulog ba ko habang nakatayo ako rito? Hindi! Totoo yun. Nakita ko, narinig ko. Hindi pwedeng imahinasyun ko lang yun. Pero ang katutuhanan ay buhay ang dalawang lalaki at walang barilan na nangyari. Ano ba talaga?


Sandali, tama. Ang lalaking nakaasul siguradong may kapangyarihan siya. Hindi kaya may kapangyarihan siyang gumawa ng ilusyon at yung nakita ko ay isang ilusyon lamang?


May humintong puting kotse sa harap ng waiting shed. Lumabas ang babae sa front seat, nakasuot ito ng itim na uniporme na parang private buddy guard.  Binuksan nito ang malapad na payong at lumapit sa direksyon namin, sa nakaasul.


"Ipagpaumanhin niyo po kung nahuli kami ng dating, Master." Nakayukong sabi ng babae.


Hindi tumugon ang nakaasul at humakbang ito, pinayungan siya ng babae hanggang sa kotse. Binuksan ng babae ang pinto sa backseat at pumasok ang nakaasul. Pumasok na rin ang babae sa front seat at humarurot na ang ang kotse palayo.


Master ang tawag ng babae sa kanya. Sino kaya ang lalaking yun? Tao kaya siya o isang hidden? Ang galing ng kapangyarihan niya, nakakahanga. Sige lang, bukas magsisimula na ang training ko papasaan ba at lalakas din ako kagaya nila.


Sa wakas tumila na rin ang ulan, makakauwi na ako.


Continue Chapter 17