YYU - Chapter 17: Tristan

 



*** TRISTAN'S P.O.V ***



Martes. 11:00pm. Katatapos lang ng last subject namin sa english literature.


Pinanood ko ang paglabas ni Shero sa silid kasama ang iba naming mga kaklase. Hindi ako kinausap at pinansin nito. Talagang pinaninindigan nito ang mga sinabi sakin na hindi niya ako kakausapin. Naiinis at napipikon ako sa kanya kaya ko siya sinupladuhan. Nung linggo text ako ng text sa kanya pagkatapos ni isang reply wala. Nagreply nga pero nung lunes na ng gabi.


Galit ba siya sakin? Pero wala naman akong naaalalang sinabi sa kanya na ikakagalit niya. Meron ba? Dapat nga ako ang magalit sa kanya dahil di niya ko nereplyan sa mga text ko eh. Sandali, naalala ko na. Sinabi ko pala sa kanya na ano naman ang pakiaalam ko kung nalipat siya sa crimson. Parang ganun lang magagalit siya? Ang babaw naman.


Bahala siya, kung ayaw niya ko kausapin eh di huwag. Isa pa, sinabi niya na hindi naman kami magkaibigan. Oo tama siya, nakalimutan ko hindi nga pala kami magkaibigan at napilitan lang siyang kausapin ako at pakisamahan dahil sa ginawa kong pambablackmail sa kanya.


Oo, aminado ako na mali yung ginawa ko. Bakit ba? Hindi ko naman siya pinahirapan ah. Simpling utos lang naman yung mga pinagawa ko sa kanya. At yung nangyari sa kanya na hinimatay siya, oo kasalanan ko yun. Hindi ko kasi siya tinulungan sa paglinis ng court. Napagod siguro ng husto kaya hinimatay. Eh malay ko ba na ganun pala siya kahina, eh di sana kong alam ko lang na mahina siya eh di sana tinulungan ko siya. At saka mukha naman kasi siyang malakas, iyon pala may pagkalampa. At saka nakabawi na ko sa kanya no, binantayan ko kaya siya buong magdamag.


Hindi ako guilty! Basta bahala siya. Ayaw niya akong pansinin? Sige walang problema. Sino ba siya sa tingin niya? Siya lang naman yung... Hay naku oo na natatandaan ko. Sige na, makikipagbati na ako sa kanya.


Wala ng tao sa classroom. Naglakbay na naman ang isip ko kaya di ko na napansin na ako na lang pala ang naiwan. Mabilis akong lumabas ng silid. Oo na makikipagbati na ako kay Shero. Kailangan ko ba talagang gawin to? Pwede bang bukas ko na lang siya kausapin para makipagbati? O hindi kaya etext ko na lang siya? 


Sige na, oo na. Ayan na tumatakbo na ko para maabutan si Shero. Saan na ba yun? Hindi ko siya makita. Tumakbo ako palabas  ng gate patungo sa direksyon ng inuuwian na condo ni Shero. Bigla na lang umambon at bumagsak ang ulan. 


F*ck!! Damn! Pabigla-bigla naman itong ulan, maabutan ko pa sana si Shero kung hindi bumagsak ang bwesit na ulan nato. Sumilong ako sa waiting shed. Walang tao. Sumandal ako sa pader at pinanood ang ulan. Naramdaman ko ang pag-ihip ng malamig na hangin.


May matandang lalaki na dumating at nakisilong. Maikli ang puti nitong buhok at merong balbas, maayos naman ang suot niya at may dalang tunkod. Hindi ko siya pinansin ng bigla na lang hinawakan niya ako sa kaliwang braso. Tinaas niya ang kanyang tunkod at binagsak ang dulo sa lupa.


Naramdaman kong parang may humigop samin at sa isang iglap lang nasa ibang lugar na kami. Isa iyong lumang silid. Isang sarado at lumang silid na walang kagamitan maliban sa apat na pulang kandila na nakasindi sa bawat sulok ng kwarto. Mabilis akong kumilos palayo sa matanda. Nakaramdam ako ng subrang kaba. Anong nangyari? Bakit kami napadpad sa lugar na ito?


"Sino ka? Anong kelangan mo sakin? Bakit mo ako dinala rito?" Sunod-sunod kong tanong, mabiis ang pintig ng aking puso. Umatras ako. Palingon-lingon, naghahanap ng pwede kong labasan. Pero wala, saradong pader ang mga nakikita ko. Pano ako makakatakas? Baka patayin ako ng matandang ito. May kapangyarihan siya, baka isa siyang demonyo.


Nakita kong umiling ang matanda, "Hindi maaari ito, isa ka lamang ordinaryong tao. Hindi pwedeng ikaw ang tinutukoy ng mga tala sa langit." Sabi ng matanda. Ramdam ko sa kanyang boses ang pagkadismaya at hindi makapaniwala.


"Pakiusap po, huwag niyo po akong patayin. Ilabas niyo na po ako dito." Kinakabahang na sabi ko.


"Masyadong mahina ang katulad mo, ganun pa man wala na akong pagpipilian. Wala ng oras, malapit na sila. Nararamdaman kong walang bahid ng kasamaan ang iyong puso kaya pagkakatiwalaan kita. Sana makayanan mo, paglabanan mo ang mangyayari sayo." Narinig kong sabi ng matanda. Nakatitig ito sakin, seryuso ang anyo.


Itinaas nito ang kanyang tunkod at biglang lumiwanag ang kulay puting bato sa hawakan, ikinumpas nito ang tunkod sa hangin at biglang umiba ang itsura ng silid. Naging kulay puti ang sahig, ang mga pader at ang kisame. Nakita ko biglang nagsilabasan ang iba't-ibang itim na guhit, mga  simbulo, hindi ko alam kung ano ang mga iyon.


May lumabas namang bilog na guhit sa pinakagitna ng silid, doon mismo sa kinatatayuan ng matanda. Lumitaw ang limang pentagram sa loob ng itim na bilog. At napalingon ako sa likuran ko, Meron ding lumitaw sa gitna ng pader na kapareha sa guhit ng tinatayuan ng matanda, sa pinakasentro may guhit na araw at ng buwan.


Tinaas ng matanda ang kaliwang kamay at tinutok sakin, lumutang ako sa hangin at dumikit sa bilog na guhit. Hindi ako makagalaw. "Ahhh!! Pakawalan mo ko. Anong gagawin mo sakin!! Pakiusap, pakawalan mo ko!!" Natatakot na sigaw ko.


Nakita kong binaba ng matanda ang baston at hinawakan ito ng dalawang kamay. Nagsambit ito ng salita, dasal? Mahika? Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi. At wala akong pakialam, gusto ko lang makababa sa pader na to at makatas. Pero wala, hindi ako makagalaw.


Mula sa kinaroroonan ko ay nakita kong lumiwanag ang bilog na kinatatayuan ng matanda at ganun rin sa bilog na nasa likuran ko. Lumiwanag ang buong paligid. Naramdaman kong parang uminit ang buo kong katawan, hindi lang mainit subrang init. At nakita ko ang mga simbulo sa pader na unti-unting hinihigop ng katawan ko. At ang liwanag sa bilog na kinatatayuan ng matanda ay hinihigop rin ng katawan ko. Subrang init, parang may apoy sa buo kong katawan.


"Ahhhhhhhh!!! Tama na!!! Hindi ko na kaya!!!!"


Patuloy pa rin sa paghigop ang katawan ko sa liwanag at mga simbolo sa pader. Nakita kong unti-unti ng naglalaho ang liwanag at naubos na ring higupin ng katawan ko ang mga itim na simbulo. Para naman akong sinusunog ng buhay, subrang init. Pinagpapawisan ako ng subra. Mainit at masakit ang buo kong katawan, para akong mamamatay. 


"Ahhhhhhhh!!! Ayuko na!!!" 


At nawala ng tuluyan ang liwanag sa dalawang bilog na nasa sahig at likuran ko. Bumalik naman sa pagiging luma ang silid. Nakita kong parang nanghina ang matanda , napaluhod ito sa sahig. Ako naman ay bumagsak ng padapa. Subrang init parin ng katawan ko, nakakapaso. Parang kinakain ng init ang buo kong pagkatao. Hindi ako makakilos at namimilipit ako sa subrang sakit na nararamdaman.


Pagapang akong nilapitan ng matanda, "Nasayo na ang kapangyarihan ko, kakainin nito ang  enerhiya ng buhay mo pero huwag kang papatalo. Labanan mo ito, kapag na kaya mo, magiging malakas ka. Pero kapag hindi mo ito nilabanan matatalo at mamatay ka."  Narinig kong sabi ng matanda. Kapangyarihan? Anong ibig niyang sabihin? Bakit ako? Pano kung hindi ko makaya to, ibig sabihin mamatay ako? Hanggang kelan ako magtitiis sa sakit? Hanggang kelan?


"Kunin mo to." Sabi ng matanda at pinahawak sakin ang isang kwentas na ginto na merong diamond na pendant. Hinang-hina na ito. "Nagtataglay iyan ng kapangyarihan, itago mo at huwag mong hayaan makuha ng iba. Hindi pwedeng mapunta iyan sa mga masasama."


Kinuyom ko sa aking palad ang kwentas na binigay niya. Bakit sakin? Bakit ako? 


Ramdam ko pa rin ang subrang init sa loob ko. Lumalagablab. Pumapatak ang pawis ko. Hindi ako makapagsalita at ang kaya ko lang gawin ay mamilipit sa subrang sakit  na nararamdaman.


Biglang sumabog ang pader  na nasa likuran ko at bago ko pa malingon ito ay hinawakan na ako ng matanda sa balikat at sa isang iglap lang ay bumalik ako sa waiting shed kung saan ako nakasilong kanina. Nakahiga ako sa semento, hawak ko pa rin sa aking kamay ang kwentas na binigay ng matanda. Pinasok ko ito sa aking bulsa. Umaapoy pa rin ang aking nararamdam. Mainit, subrang init. Nanghihina at hindi ako makakilos. 


Nakahimlay ako sa sahig ng waiting shed, habang nakatingin sa buwan na unti-unti ng lumalabas sa kalangitan. Wala ng ulan...


At ako... Naghihintay sa taong tutulong sakin. Pinikit ko ang aking mga mata.


Continue Chapter 18