YYU - Chapter 18: First Training and New Power (Part 1)

 



Wednesday...

4pm-5pm World History

5pm-6pm Humanities

6pm-7pm Computer 677

7:00pm-8:40pm Major, B. management

8:40pm-9:00pm (Break Time)

9pm-11pm Special Subject



Nagsimula na ang oras ng klase sa world history. Katulad ng dati pinili ko maupo sa unahan. Hindi nagturo at nagbigay ng leksiyon ang matandang propesor. Nakaupo lang ito sa harapan at nagbabasa. Siguro ayaw na magturo ng mga propesor at mga propesora sa crimson dahil baka iniisip nila na matatalino na ang mga ito at hindi na kelangan ng tulong nila para matuto.


Oo nga naman, eh di ba nga advance at matatalino ang mga crimson? Ako lang yata ang hindi. So kapag ganun ano mangyayari sakin, nganga? Kapag nagbigay nag-exam, kulelat? Bagsak? Ayaw ko rin namang bumagsak, gusto ko rin namang magtapos, kaya self study na lang kapag may time.


Wala pa ring pagbabago sa loob ng classroom, ay meron pala. Marami ang mga absent. Halos kalahati ng mga kaklase ko ang wala. Bakit kaya? Hindi naman sila siguro mga bampira na ayaw sa sikat ng araw? Oh baka tama ako? Baka mga bampira ang mga yun?


Napalingon ako sa likuran, wala si Tristan. Absent  ito. Ewan ko ba at parang nakaramdam ako ng lungkot, pero kunti lang naman. Ayuko namang isipin na namimiss ko ang kakulitan at kasupladuhan niya, pero parang ganun na nga. Baliw rin kasi ang taong yun eh, tinext ko na siya nung nakaraan pero hindi man lang nagreply. Baka nga siguro ayaw niya na akong makausap? Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa taong ayaw akong maging kaibigan. Sereno ako at hindi sardinas para ipagsisikan ko ang sarili ko sa kanya, sardinas lang sa lata ang nakikipagsiksikan.


Hayaan ko na lang, siguro nga hanggang  one week lang talaga ang pagsasamahan namin bilang siya ay master of blackmail at ako naman ay uto-utong alalay. Hanggang doon na lang siguro talaga yun.


Looking forward na lang ako para sa first training ko mamaya. Pagbubutihan ko para maging malakas din ako katulad ng iba. Bigla ko tuloy naalala yung lalaki kagabi, ang galing ng kapangyarihan niya. Si Fildon rin at Alexis, pati yung si Travis at yung ibang crimson pa, at si prop Goldfield. Ang gagaling nilang lahat, alam nila kung pano gamitin at kontrolin ang mga kapangyarihan nila samantala ako kunting gamit lang hilo na kagad at nauubusan ng lakas.


Tumakbo ang oras, hanggang sa sumapit ang gabi. Pumatak ang oras, 8:40 pm. Pagkatapos ng major subject ko ay dumiretso ako ng canteen at naghapunan. May 20 minutes breaktime kaya kumain muna ako bago pumunta sa special subject ko. Kinakabahan ako at naeexcite. Basta hindi ko maexplain ang pakiramdam ko. Mix emotions. Natutuwa, naeexcite pero natatakot at the same time.


Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa forbidden building, dun kasi sabi ni prop Goldfield dumiretso para sa pagsasanay. May nagbabantay na dalawang night keepers sa main door, babae at lalaki. Wala ng sabi-sabi at pinapasok ako ng mga ito. Parang ineexpect na nila ang pagdating ko.


Tumuloy ako sa office ni prop Goldfield. Kumatok ako sa pinto. Bumukas ito at humakbang palabas si prop. Goldfield, nakasuot ito ng ternong kulay creama na blouse at slacks. 


Mabilis ko siyang binati, "Good evening po."


"Good evening din. Follow me." Sabi nito at humakbang patungo sa kaliwang bahagi ng hallway. Huminto kami sa pinakadulong pintuan. Pinihit ni prop ang knob. Bumakas ito, pumasok kaming dalawa. 


Ang lapad at ang liwanag ng silid na iyon, walang bintana.. Kulay puti ang pintura ng pader at ng kisame, ang sahig naman ay natatakpan ng solid foam na kulay asul. Wala akong nakitang gamit roon, ang naroon lang sa loob ng silid ay  Tatlong pintuan na magkakatabi. Humakbang ako sa unang pinto, may nakapaskel dito, control room, ang sunod namang pinto ay weaponry room, at ang huli ay rest room.


"Go change your uniform." Sabi ni prop, napalingon ako sa kanya at tumango.


Lumapit ako sa pintuan ng rest room, hahawakan ko na sana ang knob ng biglang bumakas ito. Bumungad sa harapan ko si Fildon, nakapagpalit na ito ng puting uniform para sa training namin.


"Nandiyan ka na pala, sige magpalit ka na." Nakangiting sabi nito.


"Sige" Tugon ko naman at tipid na ngumiti.


Pumasok ako sa loob ng restroom. Binuksan ko ang aking bag at nilabas ang pares ng manipis na karategi at belt. Nagsimula kong hubarin ang aking school uniform at pagkatapos ay sinuot ko  ang training uniform ko. Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Sakto sakin ang training uniform na suot ko, makakagalaw ako ng maayos at malaya. Magaan sa pakiramdam ang suot ko.


Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Good luck Shero, kaya mo yan! Nasabi ko sa aking sarili. Iniwan ko ang aking bag sa bakanteng locker na narun at lumabas. Lumapit ako kay Fildon na nagwawarm-up. Mukhang excited na excited ito.


"Nasan si prop Goldfield?" Nagtatakang tanong ko, wala na kasi ito.


"Nasa loob." Sabi ni Fildon at nginuso ang control room.


"Ok" Sabi ko.


Maya-maya'y narinig namin ang boses ni prop Goldfield. Inikot ko ang paningin ko at hinahanap ko kung nasan ang speaker na pinagmumulan ng tinig ni prop. pero wala naman akong nakita.


"Lahat ng makikita niyo sa field ay kalaban, no excemptions. Sa training na to kayong dalawa lang ang magkakampi. Maliwanag? Kill all the people and animals that you see as fast as you can. Sa training na to matetest ang speed of movement niyo, at matetest ang speed ng reaction at response ninyo sa isang pangyayari."  Huminto sa pagsasalita si prop at nakarinig kami ng ingay na nagmula sa pader na kaharap ng tatlong pinto.


Bumuka ang pader ng mga 3 metro at may lumabas na kulay  itim na metal cabinet na merong mga sari-saring sandata. Mga espada, spears, baril, bow, at kung anu-ano pa. Mukhang mapapasabak kami sa matinding pagsubok. Laban agad? Hindi ko nga alam pano makipag-away tapos, sabak agad sa gyera? Balak ba kaming patayin ni prop. Goldfield? At saka hindi man lang ako nakapagwarm-up. Ano ba naman yan?


"Pumili kayo ng isang sandata na gagamitin niyo." sabi ni prop.


Lumapit kami ni Fildon sa mga items, pinaglandas ko ang aking mga mata. Anu ang pipiliin ko? Baril? Pana? Spear? O espada? Maganda kung baril dahil ok na ok ito sa long range kaso wala na itong silbi kapag naubusan ng bala, ganun rin sa pana. Kung espada naman, short range ang gamit nito at hindi ako marunong. Kung spear naman mukhang ayos, metal ito at mahaba kaya pwede siguro to. Mas kaya kung depensahan ang sarili ko kung ito ang gagamitin ko.


Dinampot ko ang spear, kulay silver ito. Infairness mabigat, akala ko magaan lang. Nakita ko namang kinuha ni fildon ang isang samuray.


"Nakapili na po kami." Sabi ni Fildon.


"Sige. Pakibalik ng mga napili niyong weapon." Utos ni prop, binalik namin ang aming mga hawak. "Ngayon kunin niyo ang dalawang bracelet, tig-iisa kayo." Inabot ni Fildon ang dalawang bracelet na kulay ginto na nakapatong roon at ibinigay sakin ang isa. "Isuot niyo sa kaliwang kamay niyo." Sinuot namin ito.


"Magsisilbi iyang seperator niyo sa virtual reality at reality. Kung anong mangyari sa inyo sa virtual reality field, kung gusto niyo ng huminto pindutin niyo ang maliit na pulang button ng dalawang beses at lalabas na kayo sa virtual reality field." Sabi ni prop at sandaling huminto sa pagsasalita.


Nilingon ko si Fildon, "Kaya natin to." Pabulong na sabi niya, tumango lang ako.


Nagpatuloy sa pagsasalita si prop. "Meron rin akong access sa inyo dahil sa bracelet na yan, im going to monitor you. Kapag nagfail kayo sa binigay kong mission ay automatic ko kayong papalabasin sa virtual reality field. Maliwanag?"


"Yes po." Sabay na sagot namin ni Fildon.


"Good." Sabi ni prop at nakita namin ang paggalaw ng itim na cabinet, umurong ito at pagkatapos ay gumalaw naman ang nakabukas na pader at bumalik sa dati.


"Maghanda na kayo. Good luck." Sabi ni prop


Napalunok ako ng laway, hindi ko alam kung anong klasing training to pero naiisip kong matinding labanan ito. Basta tatandaan ko na lang ang sinabi ni prop, lahat ng makikita namin kalaban. Gusto kong lumakas, at para makamit yun kelangan ko ng training. Huhusayan ko, gagalingan ko para sa aking minimithi. Kelangan ko lang maniwala sa aking sarili.


May narinig kami ni Fildon na boses ng lalaki na parang robot kung magsalita "Please be ready.  Virtual reality field will be activated in 10, 9, 8 ,7 ,6 ,5 ,4 ,3 ,2 ,1."


At biglang umiba ang itsura na silid. Ito na ang virtual reality field na sinasabi ni prop. Napatingin ako sa asul na kalangitan, mataas ang sikat ng araw, at ang paligid ay mga sira-sira at gumuhong mga building. Walang tao, walang hayop at walang mga puno. Hindi ko alam kung ano ang lugar na ito pero walang buhay sa lugar na ito.


"Fildon anong lugar to?" Tanong ko kay Fildon na palingon-lingon sa paligid namin.


"Hindi ko alam, pero mukhang nasa future tayo." Sabi niya.


"Future? Kung ganun ganito kalala ang future, sira-sira ang mga building at walang buhay ang paligid?" Sabi ko.


"Hindi. Hindi. I mean, program lang naman ito." 


Ay oo nakalimutan ko, tama program lang ito. Hindi naman siguro mangyayari ito sa future. Humakbang kami sa kalsada, nadaanan namin ang  mga kotse na sira-sira, nasusunog at umusok. 


"Fildon may tao!" Sabi ko ng makita ko ang tatlong lalaki na tumatakbo palapit samin. Malalaki ang mga katawan ng mga ito, susugod samin.


Hindi ako nakagalaw, nagpanic ang isipan ko. ANong gagawin ko? Wala akong gamit para pang-atake sa mga ito. Mga tatlong metro ang layo ng mga ito samin ng biglang lumabas ang mga kadena sa kamay ni Fildon. Isa-isang ginapos ang mga lalaki ng kadina, pahigpit ng pahigpit, gumapang ang mga kadina sa mga leeg ng mga ito at sinakal sila. Ilang sandali pa at nalagutan na ng hininga ang mga ito. Binitawan sila ni Fildon at bumagsak sa semento at naglaho.


"Salamat." Sabi ko.


"Ok lang." Sabi ni Fildon. "Tara dito." 


Lumiko kami sa kaliwang bahagi ng kalsada. At agad kong nakita ang mga sandata na pinili namin kanina ni Fildon. Ang spear at ang katana.


"Ang mga sandata!" Bigkas ni Fildon.


"Tara!" Sabi ko at sabay kaming tumakbo papalapit sa mga nakalutang na sandata ng biglang lumabas sa di kalayuan ang limang crimson. Sina Jemry, Tricia, Sheila, Erika at Freyo. Binilisan namin ang takbo ng bigla na lang bumagsak si Fildon. Pinabagsak siya ni Jemry, ang lalaking subrang bilis kung kumilos. Alam kong hindi sila totoo pero hindi ko mapilit ang aking sarili na iyon ang paniwalaan.


Napahinto ako at napatingin ako kay Jemry, inaapakan nito si Fildon habang nakahundasay ito sa semento. Sh*T! Anong laban ko sa lalaking ito? Napalingon ako sa spear, mga 8 metro pa ang layo nito sakin.


At bigla akong nakaramdan ng sakit sa aking sikmura. Mabilis na nakalapit sakin si Jemry at sinuntok ako nito sa tiyan. Sa subrang lakas at bilis nun ay patalikod akong sumobsub sa semento. Naramdamn ko ang hapdi sa magkabila kong braso.


Lumapit sakin si Jemry at binitin ako nito, nang bigla namang pumalupot sa kanya ang mga kadena ni Fildon.  Nabitawan ako nito kaya bumagsak ako. Sinakal si Jemry ng kadena. Mabilis naman akong tumayo at tumakbo para kunin ang mga sandata ng salubungin ako ng bolang apoy ni freyo. Tumilapon ako sa pader.


Ramdam ko impact sa aking likod, masakit. Nakita ko si Freyo na papalapit sakin, gumawa ito ng bolang apoy sa kamay. Ibinato sakin pero mabilis akong gumulong kaya hindi ako natamaan. Sumabog ang pader na sumalo ng apoy. Napalingon ako sa mga sandata, wala na ang mga ito. Hawak na ito nina Sheila at Tricia, napapagitnaan ng mga ito si Erika. Nakangisi ang mga ito.


Binato ulit ako ng apoy ni Freyo nakailag ako. Sh*t hindi pwede wala akong gawin. Kung meron lang sanang tubig sa paligid para mapalabas ko ang kapangyarihan ko, kahit ano mangyari sakin gagamitin ko ang kapangyarihan ko. Total naman training to at kung ano man ang mangyari sakin kahit himatayin ako ay may tutulong sakin.


Lumingon ako kay Fildon, natalo na nito si Jemry. Apat pa ang natira. Paika-ika tumakbo si Fildon palapit sakin ng bigla na lang batuhin siya ng apoy ni Freyo. Tumilapon si Fildon at humandusay sa kalsada. Mabilis akong tumakbo kay Fildon para sakluluhan ito.


"Fildon? Kaya mo pa ba?" Nakaluhod ako at hawak ang isang kamay nito. Sunog ang suot nito at punit-punit na.


"Huwag kang mag-alala kaya ko pa to." Nahihirapan na sabi nito. "Papalapit na sila." At napalingon ako sa aking likuran, ang apat, humahakbang sila papalapit samin. Seryuso na ang mga mukha ng mga ito. Nakita kong lumitaw sa magkabilang kamay ni Freyo ang dalawang bilog na apoy na kasing laki ng bola. Ngumiti ito.


Tumayo ako at humarap sa kanila. Hindi ko sila hahayaang makalapit kay Fildon. Tinignan ko ang aking mga palad, Nagsimula uminit ang pakiramdam ko katulad noong nakaraan ng gamitin ko ang kakayahan ko. Naramdaman ko ang enerhiya sa katawan ko na dumaloy papunta sa mga braso at kamay ko. Kusang umangat ang mga kamay ko at tumutok ito sa apat.


May nangyayaring hindi ko maipaliwanag. Ang apat na crimson sa harapan ko,  bakit nararamdaman ko ang pagdaloy ng kanilang dugo sa kanilang mga katawan?.


Isa akong aquaist, kaya kong kontrolin ang tubig, possibli kayang makontrol ko rin ang ibang liquid  solution katulad ng dugo? 


Naramdaman kong bumibigat ang mga kamay ko, gustong kumawala ng enerhiya na nandidito. "Ahhhhhh!!!!" At tinutok ko ang mga kamay ko sa apat na crimson. Tumilapon ang mga ito at tumama sa pader ng sirang gusali.


Nararamdaman ko ang enerhiya sa kanilang mga katawan at yun ay ang dugo. Ngayon alam ko na, hindi lang tubig ang pwede kong kontrolin kundi lahat ng uri ng liquid.


Mula sa kinatatayuan ko ay sinubukan kong iangat ang apat at nagawa ko. Hanggat may dugo sa kanilang katawan kaya ko silang kontrolin. "Ahhhhh!!!!" Sigaw ko kasabay ng pagtapon sa kanila sa glass window ng nasirang building. Narinig ko ang pagkawasak ng cristal at malakas na kalabog.


Mabilis kong binalikan si Fildon na nakahiga sa semento, lumuhod ako sa kanyang harapan at inalalayan siyang umupo. "Wala na sila. Kaya mo pa?" Sabi ko.


"Ayus lang ako, ang lakas mo." Sabi nito, "Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito.


"Oo naman huwag mo akong alalahanin." Pagsisinungaling ko, ang totoo'y nakaramdam ako ng pagkahilo at panghihina.


"Sigurado ka?" Sabi nito na parang hindi kumbinsido. Tumango ako bilang tugon. Inangat nito ang kamay niya at pinahid sa ilong ko. Pinakita niya sakin ang dugo roon.


Continue Chapter 19