YYU - Chapter 19: First Training and New Power (Part 2)
"Huwag mong pansinin yan. Ok lang ako, masyado pang maaga para sumuko." Sabi ko. Dapat kong ipagpatuloy ang pagsasanay, narito na ako. Hindi ako pwedeng bumigay basta-basta na lang. Nakamonitor si prop Goldfield kaya hindi ako natatakot na mapano ako.
"Kung ganun, tara magpatuloy tayo." Sabi ni Fildon. Tumango ako at inalalayan ko siyang tumayo. Kinuha namin ang mga sandata sa daan at nagpatuloy sa paglakad. Sakin ang spear at kay Fildon naman ang samurai.
Nakakaramdam ako ng kunting hilo at panghihina. Hindi ko pa talaga kayang kontrolin ang kapangyarihan ko. Naramdaman ko ring nanginginig ang mga tuhod at mga kamay ko. Kinakabahan ako ng kunti dahil baka bigla na lang akong mawalan ng malay katulad noon.
"Shero, Fildon."
Sabay kaming napahinto ni Fildon sa paglakad at napalingon sa aming likuran. Sina Alexis at Travis. Mga kalaban sila.
"Alexis." Sabi ni Fildon at hahakbang sana ito palapit sa dalawa pero mabilis ko siyang hinwakan sa braso.
Nagkakatitigan kami ni Fildon. "Mga kalaban sila." Sabi ko.
"Hindi kami mga kalaban, mga kakampi kami. Pinadala kami ni prop Goldfield." Sabi ni Alexis at humakbang papalapit.
"Fildon, natatandaan mo ang sabi ni prop? Sa training na to tayong dalawa lang ang magkakampi. Ako ang bahala kay alexis ikaw naman kay Travis." Mahinang sabi ko.
"Sige." Ikling tugon ni Fildon.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, alam ko mga kalaban sila. At bago pa nila magamit ang mga kapangyarihan nila para atakihin kami uunahan na namin sila. Binitawan ko ang hawak na spear at mabilis kong tinaas ang aking mga kamay at itinutok kina Alexis at Travis. Lumutang ang mga ito sa hangin. Nakitang kong binalot ng kuryente ang katawan ni Alexis at nag-giglitch naman ang katawan ni Travis pero hindi nila magamit ang mga kapangyarihan nila dahil nakalutang sila at konokontrol ko ang katawan nila.
"Fildon ngayo na!" Sigaw ko.
Itinaas ni Fildon ang kaliwang kamay at agad na lumabas ang tatlong mahahabang kadina. Pumulupot ito sa katawan ni travis. Hinila ni Fildon ang kadena at sinalubong ang katawan ni Travis at tinusok ng samurai.
Gamit naman ang kapangyarihan ko ay hinampas ko si Alexis sa pader ng isang sirang building. At pagbagsak nito ay tinapon ko ito sa likod na nakaparadang kotse. Naglaho ang katawan nina Alexis at Travis.
Lalo akong nanghilo at nanghina sa ginawa ko. Pinilit ko namang umakto ng maayos at hindi pinahalata kay Fildon ang nararamdaman ko. Dinampot ko ang spear at napatingin sa unahan ko. Napalapit ako kay Fildon ng makita ko ang mga tumatakbong mga lobo, sari-sari ang mga kulay nila, may puti, brown at itim. Sa dami nila ay hindi ko mabilang. Ang bibilis at ang lalaki nila. Sumusugod sila sa direksyon namin.
Hinanda ko ang ang aking sarili at hinawakan ng mahigpit ang spear. Hindi ko na pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko dahil siguradong babagsak ako kapag ginawa ko iyon. Ang dalawang naunang lobo ay tumalon sakin at kay fildon. Tinaas ko ang spear at sinalubong ng malakas na pagtusok ang katawan ng lobo. Bumaon ang matulis na dulo ng spear sa mabalahibong katawan nito.
Si Fildon naman isang fast slash ang ginawa niya sa lobo. Sa subrang talim ng samurai ay humiwalay ang ulo ng lobo sa katawan nito bago pa ito bumagsak sa semento.
Ito na siguro ang sinasabi nilang adrenaline rush, sa oras na to parang nawala ang hilo at panghihina ko. Isa-isa naming pinabagsagsak ang mga lobo. Pero hindi sila maubos-ubos at kung kanina ay tig-iisa sila kung sumugod ngayon naman pares-pares na.
Mabilis at malakas sila, at dahil tigdadalawa na sila kung umatake ay hindi ko na nabantayan ng mabuti ang kanilang galaw. Bumagsak ako sa semento at dinumog ng dalawang magkapares na lobo. Nabitawan ko ang spear kaya wala akong nagawa kundi gamitin ang kapangyarihan ko. Tinaas ko ang aking kamay at pinalipad ang dalawang lobo.
Nakatihaya ako sa semento, ramdam ang panghihina at pagkahilo. Napatingin ako kay Fildon, bumagsak rin ito at inatake ng mga lobo. Lumabo ang paningin ko at biglang dumilim ang aking paligid.
***
Dumilat ang aking mga mata at agad kong natanaw ang puting kisame, nakakasilaw. Pumikit-pikit ako. Ramdam ko ang kunting pagkahilo at panghihina. Ito ang hindi ko nagugustuhan kapag ginagamit ko ang kapangyarihan ko.
Napalingon ako sa gawing kaliwa ko, naroon si Fildon at nakapikit. Nasa loob parin kami ng training room. Kaming dalawa lang. Bumangon ako at nasapo ang aking ulo. Hindi ko alam kung ganun katagal akong nawalan ng malay.
Napaangat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng weaponry room, lumabas dun si prop Goldfield na may dalang maliit na first aid box. Lumapit ito sakin at lumuhod sa aking tabi.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Sabi nito at binuksan ang box at kinuha ang bulak. Inabot niya ang kaliwa kong braso at tinaas niya ang sleeve ng suot kong karategi.
"Medyo nahihilo po at nanghihina." Sagot ko.
Nilinis ni prop ng bulak ang taas ng braso ko. "Ganyan talaga, hindi pa kasi sanay ang katawan mo sa paggamit ng kapangyarihan." Sabi ni prop at kinuha ang injection na merong laman sa box at tinusokan ako dun sa parteng nilinisan niya ng bulak.
"Ano iyon prop." Curious na tanong ko. Nakita ko siyang sinarado ang box.
Tinitigan ako nito."Pampatanggal hilo." Sabi nito at matipid na ngumiti. "Binabati kita sa kahusayang pinakita mo sa training." anito at mabilis na bumalik ng weaponry room.
Nahiga ulit ako sa solid foam. Nilingon si Fildon, tulog ito. Napatingin sa kisame. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.
Tiyaga at tiis lang, kapag nasanay na akong gamitin ang kapangyarihan ko hindi na ako manghihina at mahihilo katulad ng nararanasan ko ngayon. Mabuti na lang merong training dito sa Yin-Yang para sa isang tulad ko. Sandali... Bakit nga ba merong ganito sa Yin-Yang? Bakit tinitraining kami ni prop? Para lumakas? Bakit niya kami gustong lumakas? Meron ba kaming pinaghahandaan?
Napatingin ako kay Fildon, nagising na ito. Malakas rin ang kapangyarihan na taglay niya, kelan niya kaya prinaktis ito? At naalala ko ang pinagdaanan namin sa virtual reality field. Ano kaya ang result ng training namin?
Pinakiramdaman ko ang aking sarili, wala naman akong nararamdamang mahapdi sa katawan ko. At itong suot namin maayos at hindi punit-punit. Ang galing ng training na iyon. Training ba yun? Parang hindi naman, parang exam na yata yun bago pa ang leksyon.
Ilang sandali pa at nagbihis na kami ni Fildon at umuwi. Sinabihan kami ni prop na ibibigay niya daw ang result ng VRFT o virtual reality field training bukas..
***
Kinabukasan ay huwebes. Alas kwatro nagstart ang unang subject kong economics para sa araw na ito. Same seat, nasa unahan. At tulad kahapon halos kalahati ng mga kaklase ko ang wala, pero pagdating naman ng alas sais ay pumapasok na ang mga ito. Wala rin si Tristan. Ito ang pangalawang beses na absent siya. Bakit kaya absent yun?
Pagkatapos ng first subject ko ay proceed na agad ako sa next subject na algebra, world history, at sa major b. management. 8:40 ng lumabas ako ng silid para pumunta sa last subject ko na english literature ng may makasalubong ako sa pathwalk na tatlong lalake na crimson.
Kinorner ako ng mga ito sa pader. "Kung ganun ikaw si Shero? Ang isang grey na naging crimson at ngayon isa ng night keeper." Nakangisi at may pagkadisgusto na sabi ng lalaking nasa gitna. Matankad ito at medyo malaki ang katawan.
Hindi ako nakapagsalita. Sino ba ang mga ito at Binubully pa ako?
Hinawakan ng lalaki ang baba ko at nilapit ang mukha niya sa aking leeg. Sininghot niya ito at dinilaan na parang nilalasahan. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Anong ginagawa ng lalakeng to? Bakit niya ko dinilaan? Kadiri. Tinignan niya ako sa mata at nakita ko ang pagpalit ng kulay ng mga mata niya, ang golden brown naging itim. "Hindi ka tao, anong klase ka?" Sabi nito.
Hindi ako sumagot. Sino ang lalakeng to? Bakit niya alam na hindi ako tao? Well, actually half human at half hidden ako. Hindi ako purong hidden. At siya anong klase siya?
Kwinelyuhan ako nito at nilapit sa kanya. "Isa ka lang mahinang hidden, bakit ka naging night keeper? At isa pa isa ka lang freshman." Sabi nito.
"Uno, bitiwan mo siya!"
Sabay kaming napatingin ng lalaki sa bagong dating na si Alexis. Binitiwan ako ng lalaki at mabilis na lumapit sakin si Alexis.
"Good timing." Sabi ng lalaki kay Alexis at binalingan ako nito. "Malapit na ang match para sa night keeper's league of champions. Magpalakas ka weak!" Sabi nito na masama ang tingin sakin at saka tumalikod. Lumapit naman sakin ang kasama nitong lalaki at inabot sakin ang puting subre na may punit sa gilid at nakaaddress sa pangalan ko.
Tahimik ko silang pinanood hanggang tuluyan na silang mawala sa paningin ko. "Sino ang lalakeng iyon? Bakit parang galit siya sakin?" Sabi ko pagkaraan kay Alexis. Nakatayo lang kami doon sa isang tabi.
"Si Uno yun, isang senior at kasali sa night keepers. Huwag mo na lang pansinin." Sabi ni Alexis.
"Huwag pansinin? Eh wala nga akong kasalanan sa lalakeng yun pagkatapos lalapit sakin at kukwilyuhan ako ng ganun-ganun na lang?" Naiinis na sabi ko.
"Pasensya na Shero, Ex ko si Uno at sa tingin niya nagkakamabutihan tayong dalawa." Pag-amin ni Alexis. "Nakita niya kasi tayo noong nakaraang lunes ng gabi na magkasama at magkausap."
"What?" Di makapaniwalang sabi ko. "So nagseselos siya dahil akala niya pinupurmahan kita?"
"Parang ganun na nga." Sabi ni Alexis at napakagat ng labi at tinikom ang bibig.
"Oh my goodness, bakit palagi akong naiinvolve sa gulo?" Napapailing na sabi ko at tinignan ang hawak na subre. Ang damuhang Uno na yun pinakialaman pa tong subre na nakaaddress sakin. Galing ito kay prop Goldfield, siguradong ito ang result ng training kahapon.
Tinitigan ko si Alexis, "Ano ang sinasabi niyang match para sa night keeper's league of champions? Anong klase siya at anong kapangyarihan niya?" Nakakunot noong tanong ko.
"Isa siyang half human half faery, ang kapangyarihan niya ay animal shifting. At tunkol sa sinasabi niyang match, iyon ay paglalaban ng lahat ng mga night keepers para malaman kung sino ang pinakamagaling at pinakamalakas sa lahat.."
"Ano? Maglalaban ang mga night keepers?" Sabi ko, tumango si Alexis. "Kelangan pa ba talagang malaman kung sino ang malakas? Para san? Para sa title?"
"Oo, para sa title at para maging candidate ng school sa gaganaping quadrangular match."
Candidate ng school para makalaban ang ibang school? Quadrangular match? Well good luck sa mga malalakas na night keepers na makakasali sa quadrangular match na yan. Sigurado naman akong hindi ako makakasama diyan. Tulad nga ng sabi ng Uno na iyon, isa akong weak at iyon ang totoo.