YYU - Chapter 20: I Miss You!

 



"Ok. Thanks sa info Alexis, maiwan na kita meron pa akong klase." Sabi ko na lang para maputol na ang usapan at pinasok sa aking bag ang puting subre. Mamaya ko na lang titignan yung laman nito pag-uwi ko.



"Shero sandali." Pigil ni Alexis. "May sasabihin ako tunkol kay Tristan."



Napakunot ang noo ko, "Oh si Tristan? Absent siya at wala akong ideya kung nasaan siya ngayon. Hindi kami close at hindi kami magkaibigan. Kung tatanungin mo ako about sa kanya, masmabuting tanungin mo..." Naputol ang pagsasalita ko.



"Shero shut up!" Singhal ni Alexis. Nakita kong lumaki ang butas ng ilong nito. Dumaloy ang maliliit na current ng kuryente sa kanyang mga eyeballs.



"Oh ok. Sorry." Biglang sabi ko. Nakakatakot naman tong babae na to. Baka bigla niya kong kuryentehin.  "Bakit may problema ba kay Tristan?" Nagtatakang tanong ko.



Kumalma ang mukha ni Alexis at nawala ang kuryente sa kanyang mga mata. "Nabalitaan ko mula kay Phinilopy, nasa ospital daw si Tristan. May nangyari daw hindi maganda sa kanya." Ani Alexis.



Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nito. Kung ganun nasaospital pala si Tristan kaya absent ito kahapon at ngayon. "Tapos?" Sabi ko. Nag-aalala rin ako kahit papano pero hindi ko pinahalata. Kahit naman kasi makulet, moody at suplado ang Tristan na yun pero magaan ang loob ko dito.



"Anong tapos? Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alexis.



Nagkibit balikat ako. "Siyempre nag-aalala pero ano namang magagawa ko?" Sagot ko at napalunok. Totoo naman kasi, wala naman akong maitutulong dito. "Ano bang nangyari sa kanya?"



"Sinabi ni Phinilopy na may nakakita kay Tristan nung martes ng gabi sa labas ng Yin-Yang, nakahiga sa semento at walang malay tao. Hanggang ngayon daw hindi pa rin ito nagigising at subrang taas ng lagnat."



Martes ng gabi? Iyon ang gabi na umuulan at meron akong nakitang isang lalake na kasing edad ko na nagtataglay ng kapangyarihan na gumawa ng ilusyon.



Huminga ako ng malalim, "bakit sinasabi mo sakin yan?" Seryusong tanong ko kay ALexis.



"Dahil... Dahil kaklase mo siya at... Di ba meron naman siguro kayong pinagsamahan? Naalala ko lang kasi siya yung nagbantay sayo nung nasa mini hospital ka."



Oo na, hindi ko makakalimutan ang gabing binantayan ako ni Tristan. So sinasabi ni Alexis sakin to para dalawin ko si tristan at bantayan katulad ng ginawa nito sakin para makabayad ako ng utang na loob?



"Anong gusto mong gawin ko?" Nag-iisip na tanong ko.



"Pupunta kasi ako sa ospital, baka gusto mo sumabay sakin?"



"Sorry, di ako pwede may klase pa kasi ako. Sa sunod na araw na lang siguro ako dadalaw."



Tumaas ang isang kilay ni Alexis at nabasa ko sa kanyang mukha ang pagkainis dahil sa sinabi ko. "O-okay. Sige mauna nako kung ganun. Dadalawin ko pa kasi si Tristan, yung lalake na nagbantay sayo nung nawalan ka ng malay. Remember? Kung sa bagay masmahalaga pa yung klase mo sa pagdalaw sa lalakeng nagbantay sayo." Sabi nito. Tinalikuran ako at humakbang. Ay ganun?



Pinanood ko ang paglakad ni Alexis. Naku ang babaeng to, talagang diniin pa ang ginawa ni Tristan sakin. Talagang gusto niyang maguilty ako. Kapag hindi ako sumama para na rin niyang sinampal sa mukha ko na wala akong utang na loob. Naku naku! Kung kelan okay na ko na hindi nakikita ang Tristan na yun saka pa nagkaroon ng eksenang ganito.



"Sandali! Sasabay na ako Alexis." Sigaw ko at patakbong hinabol ito. Ang ending absent ako sa literature, 2 hours pa naman yun.


***


Saint James Medical Center, Manila. Room 305. 



Pumasok kami ni Alexis sa private room kung saan nakaconfine si Tristan at naabutan namin dun si Phinilopy. Agad akong lumapit sa natutulog na si Tristan at nakita kong parang bumagsak ang katawan nito. May nakasaksak na dextrose sa kaliwang pulso nito. Nangayayat ang katawan nito, nakaramdam ako ng pagkaawa dito.



Hindi ko alam pero parang may buhay ang mga sarili kong kamay at hinawakan ko ang isang kamay ni Tristan. Naramdaman ko ang init ng palad niya. Nakaramdam ako ng lunkot, hindi bagay kay Tristan na nandito sa silid na ito at nakaratay. Si Tristan na kilala kong moody, suplado, maangas, masigla at maluket, ito at walang walang malay.



"Kamusta na ang kalagayan niya?" Baling ko kay Phinilopy. Bakas sa mukha nito ang pagod at walang tulog.



"Hindi maganda. Simula ng dalhin siya dito hindi pa rin bumubuti ang kalagayan niya. Mataas pa rin ang lagnat niya at hindi bumubaba. Hindi pa rin siya naggigising." Malungkot na sagot ni Phinilopy. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kapatid.



"Anong sabi ng doctor? May binibigay ba silang gamot? Baka pinapabayaan nila si Tristan?" Parang naiinis na bigkas ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkaasar. Tignan mo naman kasi si Tristan, hindi maayos ang kalagayan niya. Lagnat lang hindi pa kayang gamutin ng mga doctor na yan. Hindi nila ginagawa ng mabuti ang trabaho nila. Nakakainis sila!



Sa isang iglap lang ay biglang uminit ang pakiramdam ko, naramdaman ko ang biglang pagdaloy ng enerhiya sa buo kong katawan.



"Shero tama na. Kumalma ka." Mabilis na lumapit sakin si Alexis ng mapansin nitong may nangyayari sakin. Niyugyog ako nito sa balikat para patigilin pero nagsimula ng dumaloy ang enerhiya sa katawan ko at gusto ng kumawala. 



"Gusto kong makausap ang mga doctor na yan!" Parang wala sa sarili na sabi ko. Nilalamun na ako ng galit at inis. Galit dahil sa nangyari kay Tristan. Dahil siguro hindi ko matanggap ang nangyayari dito. Pero bakit ganun ako kaapektado sa kalagayan nito? Hindi ko alam.



Mainit ang buo kong katawan, gustong kumawala ng kapangyarihan ko. Hindi ko makontrol ito, hindi ko mapigilan dahil sa galit na hindi ko alam kung saan nag-ugat. Biglang nabasag ang kristal na flower vase na merong tubig. Nagkalat sa sahig ang mga basag na bubog at mga bulaklak na mga puting rosas. Narinig kong tumili si Phinilopy at isang sampal mula kay Alexis ang dumapo sa pesngi ko.



Biglang naglaho ang init sa katawan ko at bumalik ako sa aking sarili. Inalalayan ako ni Alexis na umupo sa silya sa tabi ng kama ni Tristan. "Sorry." Nakayukong sabi ko.



"Shero huminahon ka lang." Sabi ni Alexis.



Lumapit sakin si Phinilopy, kinuha nito ang kamay ko. "Shero, huwag ka ng mabahala. Malakas yang kapatid ko. Kaya niya yan, gagaling siya." Umangat ako ng ulo at nakita kong pilit na ngumingiti si Phinilopy.



Blanko lang ang reaksyon ko, hanggat hindi bumababa ang lagnat ni Tristan hindi siya magiging maayos. At nababasa ko sa mga mata ni Phinilopy ang takot. Takot sa mga possibling mangyari na hindi maganda kay Tristan. Binalingan ko ng tingin ang himbing na si Tristan. Oo, inaamin ko namiss ko ang mokong nato. Mabilis siyang pumayat pero ganun pa din katulad ng dati ang itsura niya, maamo at malaanghel. Napangiti ako ng matipid, kapag nagising kaya siya ganun pa din kaya ang ugali niyang moody, suplado, epal at makulet?



Inangat ko ang tingin ko kay Phinilopy. "Okay lang ba na ako ang magbabantay sa kanyang ngayong gabi? Pangako hindi ko na uulitin yung ginawa ko kanina." Sabi ko. Tao si Phinilopy pero sa tingin ko aware siya sa mga tao at mga hidden na nagtataglay ng kapangyarihan. Bilang presidente ng Yin-Yang siguradong may alam siya tunkol sa amin.



"oo naman, siyempre diba boyfriend mo siya kaya ok na ok." Nakangiting sabi ni Phinilopy.



Ano daw boyfriend? Kelan pa? Tututol sana ako sa sinabi ni Phinilopy ng bigla ay iba ang lumabas sa bibig ko."Okay lang sayo na magboyfriend kami ni Tristan?" At kinagat ko ang aking labi hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko.



"Haller? Oo naman. Bagay kayo. You are both good looking, at ang swerte ni Tristan sayo kasi ang cute-cute mo." Malapad na ngiti na sabi ni Phinilopy.



Sure siya? As in ok lang sa kanya na magbf kami ng kapatid niya? At cute daw ako? Weird naman ng Phinilopy na to. Ayan alam na, bagay daw kami ni Tristan. Dapat ba akong kiligin? Pero hindi ko naman gusto si Tristan kasi lalake ako at lalake siya. Hindi ko gusto si Tristan!!?? Pero bakit ako subrang apektado kanina at gusto ko pang sugurin ang mga doctor?. Mukhang alam na. Basta hindi talaga, concern lang ako kay Tristan kaya yun ang inakto ko at kung ipalagay man natin na may gusto ako kay Tristan, malabo pa rin ang lahat kasi lalake siya. Imposibling magustuhan niya ako. Tama?



May kumatok sa pintuan, bumukas ang pinto at pumasok yung nakaduty na nurse na babae. Agad nitong nakita ang basag na vase at ang mga nagkalat na mga bubog at  mga rosas. Nagdahilan naman si Phinilopy para pagtakpan ang nangyari.



Mga bandang alas dose ng umuwi sina Alexis at Phinilopy. Si Phinilopy lang pala nagbabantay kay Tristan dahil nasa business trip sa ibang bansa ang mga magulang nila.



Mga ala-una naman ng madaling araw ng makaramdam ako ng antok. Nakaupo lang ako sa silya sa tabi ng higaan ni Tristan. Pinagmamasdan ang gwapo at malaanghel na mukha nito. Inabot ko ang isang kamay nito at hinawakan, mainit pa rin ang mga palad niya. Pinisil ko ito at hinawakan ng mahigpit.



"Baliw, gumising ka na. Sorry nga pala di kita pinansin nun. Ikaw kasi di mo rin kasi ako pinapansin eh. Ang taas ng pride mo di ko tuloy maabot, gusto mo ikaw palagi ang boss, ikaw ang master. Oo, sige na ikaw na ang master ako na ang slave mo... Gumising kana dahil dalawang gabi ka ng absent, at saka hindi pa ako marunong magdota at kelangan mo akong turuan. Diba sabi mo yun ang exam natin sa computer? Kahit masama ang ugali mo sakin, kahit sinupladuhan mo ako ay ok lang sakin basta gumising ka na." Sabi ko at bumuntong hininga. 



"Gumising kana kasi... Sa tingin ko namimiss na kita." Mahinang sabi ko. Tumayo ako at hinalikan si Tristan sa labi. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa, basta nangyari na lang.  "Good night, sana gumising ka na bukas."



Bumalik ako sa upuan, hawak ko pa rin ang isang kamay ni Tristan. Subra na akong inaantok kaya ginawa kong unan ang isa kong braso at pinatong sa higaan sa gilid ni Tristan at pumikit.



Mag-aalas singko ng umaga ng magising ako dahil ginising ako ng dalawang dumating na mga babae na mga kasambahay nina Tristan. Nagbilin daw si Phinilopy na palitan ako para makauwi ako at makapagpahinga.



Tumayo ako at napansin ko na nakakapit ang kamay ni Tristan sakin pero tulog pa rin ito. Mahigpit ang hawak niya na ipinagtaka ko naman. Alam ko magiging maayos na siya. "Tristan uuwi na ako. Magpagaling ka, sana sa susunod nating pagkikita gising ka na." Bulong ko dito at pagkatapos ay nagpaalam sa dalawang kasambahay na uuwi na.


Continue Chapter 21