YYU - Chapter 21: Expect the Unexpected
Araw ng biyernes at nagsimula ang klase ko ng alas kwatro ng hapon. Panay ang tingin ko sa relo ko, ang bagal ng oras. Nakakainip umatend ng klase lalo pa at wala namang ginawa kundi tumunganga at panoorin at pakinggan ang mga kaklase kong walang ginawa kundi mag-ingay at magchismisan. At itong propesor, imbis na magturo heto at naglalaptop.
Naisip ko si Tristan, kamusta na kaya siya? Sana ok na siya. Sana magising na siya. Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan nito dahil wala naman akong pwedeng pagtanungan, wala akong number ni Alexis at Phinilopy. Pero plano ko mamaya pagkatapos ng speacial subject ko dadalawin ko siya at babantayan.
Dadalawin at babantayan ko siya? Sandali bakit ko nga ba siya dadalawin at babantayan? Nabayaran ko na ang utang na loob ko sa kanya, binantayan ko siya kagabi kaya patas na kami. Ang sama ng naisip ko, huwag ganyan Shero! Pinagalitan ko ang aking sarili dahil sa naisip kong iyon.
Basta dadalawin ko siya, hindi na kailangan ng dahilan. Concern ako sa tao at yun na yun.
Nagpatuloy ang klase ko sa ibang mga subjects hanggang 8:40 pm. Ang klase ko sa special subject ay 9:00pm-11:00pm, meron pa ko 20 minutes bago mag 9pm kaya bago ako pumasok ay naghapunan muna ako sa canteen.
Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa forbidden building at pumasok sa training room. Nadatnan ko sa loob ang assistant dean na si Mr.Gumban na nakaupo sa puting silya, sa harap naman nito ay isa pang silya. Wala sina prop Goldfield at Fildon.
"Good evening sir." Bati ko ng makalapit.
"Good evening din, take a seat." Sabi nito.
Sinukbit ko ang aking bag sa likod ng silya at umupo. Dalawang silya at isang maliit na mesa lang ang naroon sa loob ng training room. Nasa gilid namin ni Mr.Gumban ang maliit na mesa na merong nakapatong na tatlong crystal na baso na magkakaiba ang laki at merong laman ng tubig.
"Nasaan po sina prop Goldfield at Fildon?" Tanong ko.
"Si Fildon ay binigyan ng bagong schedule at si Bb.Goldfield naman ay may nilakad na mahalagang bagay. Sa gabing ito ako muna ang magiging mentor mo." Diretsang sagot ni Mr.Gumban.
"Bakit po iniba ang schedule ni Fildon?" Nagtatakang tanong ko. Kung ganun wala na akong kasama sa training? Solo flight?
"Napag-isipan namin ni Bb.Goldfield na masmaganda kapag solo kayong itrain na dalawa. May kaalaman na si Fildon sa pagkontrol at paggamit ng kanyang kapangyarihan samantalang ikaw ay wala pa, kaya minabuti naming ihiwalay ang inyong pagsasanay para sa ganitong paraan mapagtuunan ka namin ng pansin ng mabuti."
Mapagtuunan ako ng pansin? Ganun ba ako kahina? Ganun ba ako kawalang alam? "Ah ok po. Naiintindihan ko po." Tugon ko.
"Please give me your virtual reality field training result." Sabi ni Mr. Gumban.
Mabilis kong kinuha sa aking bag ang puting subre na naglalaman ng vrft-r, iyon ang result ng first training ko kasama si Fildon noong miyerkules. Nakita ko ang result kaninang umaga at hindi iyon maganda. Inabot ko ang subre kay Mr.Gumban. Nakita kong nagsuot ito ng salamin sa mata, binuksan niya ang subre at sinuri ang result. Binasa niya ito ng malakas.
"Name: Shero Tan, Age:16. Result of Visual Reality Field Training.
Speed of Movement/Agility: Weak
Speed of Response: Weak
Stamina: Weak
Strength: Weak
Intelligence: Average
Mana: Weak
Skill/Ability: Average
Defense: Weak
Offense: Average
Focus: Average
Remarks: More training needed."
Binaba ni Mr.Gumban ang result sa mesa at tinitigan ako na walang reaksyon sa mukha. Napalunok ako ng laway. Nakakahiya yung result ng training ko. Siyempre malamang wala pa akong experience.
"So, mukhang kelangan mo ng hard training." Sabi ni Mr.Gumban.
"Yes po." Tugon ko. "Sir... Pwede po magtanong?"
"Go ahead."
Inisip kong magtanong para maiba ang usapan at hindi mapag-usapan ang failure na result ko sa training. "Sir bakit po may night keepers? At bakit ganun na lang po ang concern ng school para etrain kaming mga estudyante na nagtataglay ng kapangyarihan?"
"Bakit may night keepers? Dahil kelangan ng school natin ng magbabantay para sa peace and security dito sa loob ng Yin-Yang. Bakit tini-train ng school ang mga gaya mo? Dahil kelangan niyo ito, this training is for you people. Dapat magpasalamat kayo dahil pabor ito para sa inyo, para kayo ay matuto sa paggamit ng mga kapangyarihan niyo. Inihahanda kayo ng paaralang ito para maging malakas na guardian." Sagot nito at seryuso ang mukha.
Napakunot ako ng noo, "Ano pong guardian sir?" Tanong ko.
"Hindi nasabi sayo ni Bb.Goldfield?"
Umiling ako, "Hindi po sir."
Sandali itong tumahimik at tinitigan lang ako, pagkaraan ay nagsalita ito. "Humans and hiddens who have powers are called guardians. Guardians are born to be a seeker, a keeper and a protector."
Napakunot ako ng noo. Okay nagets ko yung sinabi niyang guardian ang tawag sa mga tao at mga hidden na may mga kapangyarihan, yung hindi ko na gets ay yung sinasabi niyang, seeker at keeper at protector? Ano yun?
"Sir ano pong ibig niyong sabihin na seeker, keeper at protector?" Nahihiwagaang tanong ko. Habang tumatagal ay marami akong nalalaman at parang lalong naging complikado ang pananaw ko sa mundo. Mabuti pa noong hindi ako nagbreak ng time-rule dito sa Yin-Yang, simpli lang ang buhay ko pero ngayong nagkagulo-gulo na. Masmabuti pa talagang wala kang alam, promise!
"Im sure nabanggit sayo ni Bb.Goldfield ang tunkol sa celestial rare items? Isa na dito ang golden scale." Tumango ako. "Marami pa itong kasama, ang mga items na yun ay nagtataglay ng mga malalakas na kapangyarihan. At bilang isang guardian responsibilidad niyo na hanapin at itago at protektahan ito laban sa mga nilalang na may masamang hangarin dito."
Responsibilidad namin? Wee? Di nga? Masmabuti pa palang di ko nalaman to. Naku sinasabi ko na nga ba eh, habang parami ng parami ang nalalaman ko lalo naging complekado ang lahat.
"Anu-ano po ba ang mga celestial rare items na iyon at ano ang mga kapangyarihan nila at kelangan pang hanapin?" Tanong ko. Hay naku kung ganun pala nagkarun ako ng kapangyarihan dahil meron akong obligasyon na dapat gampanan? Sana pala wala na lang akong kapangyarihan, sa tingin ko masmabuti pang ganun.
At isa-isang binanggit ni Mr. Gumban ang mga celestial rare items.
Napanganga ako sa aking mga narinig, kung ganun totoo ngang hindi basta-basta ang mga celestial items na mga iyun dahil kapag napunta iyon sa masasama siguradong magdudulot iyon ng hindi maganda sa sanlibutan.
"Pano niyo po nalaman ang tungkol sa mga bagay na yan?" Tanong ko.
"Batay yan sa librong sinulat ng isang star teller na si Aelarvo Ortu. Isa siyang hidden na may kakayang basahin ang nakaraan sa pamamagitan ng mga tala sa langit."
"Sa mga binanggit niyo pong celestial rare items, alin po dun ang mga nakita na?"
"Ang forbidden spear of resurrection at ang diamond necklace of disguise. Ang forbidden spear of resurrection ay hawak ng Hidden's International Federation. Ayon sa mga bali-balita ang diamond necklace of disguise naman ay nakita at hawak ng isang makapangyarihang warlock. Pero walang kompirmasyon kung totoo nga ito." Ani Mr. Gumban at nagpakawala ng buntong hininga.
Tumango-tango lang ako. Marami pa sana akong itatanong kaso baka mairita sakin si Mr.Gumban kaya tumahimik na lamang ako. Nang bigla na naman akong may maalala.
"Sir sinabi niyo po isa akong aquaist, may kapangyarihan akong kontrolin ang tubig at lahat ng liquid solution. Ganu po kalakas ang kapangyarihan ko? Bakit po kapag ginamit ko ito nanghihina ako?" Pagtataka ko.
"Malakas ang kapangyarihan na taglay mo dahil kabilang sa apat na elemento ang kakayahan mo, isa kang aquaist, isang elemental user. Ang ibang tawag pa ay passive user at active user" Huminto saglit si mr.Gumban at muling nagsalita. "Sa sinasabi mong mabilis kang manghina iyon ay dahil mahina ang stamina at mabilis maubos ang mana mo sa katawan. Idagdag pa dito ang kadahilanang hindi pa sanay ang katawan mo sa paggamit ng kapangyarihan."
Lumunok ako ng laway, ang dami kong narinig na impormasyon ngayon. Sana bukas maalala ko pa rin ang mga ito. Tama na siguro ang mga narinig kong ito sa ngayon. Binalingan ko ang tatlong baso sa mesa para ibahin na naman ang usapan. Kanina pa ako nakikinig sa boses ni Mr.Gumban at nabibingi na ako.
"Sir, para san po ang mga baso na yan?" Pag-iiba ko. Malamang sa pagsasanay ko ang mga ito. Merong laman na tubig ang mga baso, tinatanong pa ba kung para san yun?
"Para sa training mo ngayon." Tumayo si Mr.Gumban at lumapit sa mesa. "Ngayong gabi tuturuan kita kung pano kontrolin ang power energy o mana mo sa katawan."
Siya ang magtuturo sakin? Oo nga pala di ko alam kung tao si Mr.Gumban o isang hidden. Hindi ko rin alam kung ano ang taglay niyang kapangyarihan.
"Sir, huwag niyo pong mamasamain. Anong klase po kayo? At ano ang kakayahan niyo?" Grabe ako na talaga ang numero unong matanong na estudyante sa balat ng Yin-Yang. Siyempre ganun talaga, gusto kong matuto eh.
"Isa akong tao at isa akong light manipulator." sabi ni Mr. Gumban. "Ito ang kaya kung gawin."
Itinaas ni Mr.Gumban ang kanyang kaliwang kamay at ang mga liwanag na nagmumula sa mga ilaw sa training room ay lumipad at naipon sa kaliwang kamay niya. Hawak nito ang malaking bola ng liwanag sa kanyang kamay. Ang galing, napangiti ako sa subrang paghanga. Initsa ni Mr.Gumban ang bola ng liwanag at bumalik iyon sa mga ilaw.
"Wow! Ang galing." Nakangiti at buong paghanga na sabi ko.
Ngumiti si Mr.Gumban, "So pano nakita mo na ang kakayahan ko, ikaw naman ngayon ang magpasikat." sabi nito.
"Magpapalit pa po ba ako?" Biglang sabi ko at tumayo, hindi pa kasi ako nakapagpalit ng training uniform. Nakasuot pa rin ako ng school uniform ko.
Umiling si Mr.Gumban. "Huwag na, ok na yan."
Lumapit ako sa mesa at dumistansya naman si Mr.Gumban malayo sakin. Magkakaiba ang mga sizes ng mga baso sa mesa, small, medium at large. Tinignan ko si Mr.Gumban. Tumango ito.
Tinaas ko ang aking kanang kamay at tinapat sa pinakamaliit na baso. Nagfocus ako, Naramdaman ko ang dahang-dahang pag-init ng aking katawan. Alam kong nagsimula ng dumaloy ang mana sa katawan ko .
"Shero makinig ka, kontrolin mo ng dahan-dahan ang mana mo, huwag mo itong hayaan na maipon lahat sa braso at mga kamay mo. Ang kelangan mo lang para makontrol ang tubig sa maliit na baso na yan ay kunting mana lang. Pakiramdaman mo ang pagdaloy ng iyong mana. Huwag mong ibuhos lahat sa isang gamitan lang." Abiso ni Mr.Gumban. Ang tinutukoy nitong mana ay ang enerhiya sa katawan ko o power energy.
Hindi ko alam kung pano gagawin yung sinasabi ni Mr.Gumban sa pagkontrol sa aking mana. Hindi ko yata kaya yung sinasabi niya dahil nararamdaman ko ng naipon na ang enerhiya sa aking kanang braso. Mabigat na ang aking mga kamay at ang mana na naipon dito ay gusto ng kumawala.
At naramdaman ko ang paglabas ng aking kapangyarihan. Biglang nabasag ang maliit na baso. Napaangat ako ng tingin kay Mr.Gumban, disappointed ako sa ginawa ko. Napahinga ako ng malalim at napailing.
Nakaramdam ako ng pagkahilo pero umakto akong ayos lang. Hindi pwedeng ipakita ko kay Mr.Gumban na mahina ako.
"Kaya mo yan, huwag mong hayaang dumaloy ang mana sa yung katawan at kumawala ng basta-basta na lang. Magfocus ka, pakiramdaman mo ito, pakiramdaman mo ang pagdaloy nito sa loob mo. Huwag mong hayaang masayang ang mana mo, yan ang tandaan mo palagi dahil matagal ang pagregene nito. Sige ulitin mo. Huwag mong ipunin ang mana mo sa isang kamay lang. Hindi mo kelangang padaluyin ang lahat ng mana mo sa katawan." Paalala ni Mr.Gumban, hindi ako nagsalita at isang tango lang ang itinugon ko sa kanya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Muli ay itinutok ko ang kanang kamay ko sa isang baso. Uminit ang pakiramdam ko tanda ng pagdaloy ng aking mana, hindi ko dapat hayaang maipon ang lahat ng ito sa kamay ko. Kunting tubig lang ang nasa baso kaya maliit na mana lang ang dapat kung palabasin para kontrolin ito.
Mabilis ang pagdaloy ng mana sa aking katawan at naramdaman ko namang patungo ito sa kanang braso at kamay ko, pero pinigilan ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa braso ko, subrang sakit. "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" Napasigaw ako.
Masakit palang pigilan ang pagdaloy ng mana. Kunti lang, kunting mana lang at makokontrol ko itong tubig sa baso sa harapan ko. Kapag nagawa ko ito magiging maayos na at hindi masasayang ang aking mana.
Pero subrang sakit ang nararamdaman ko sa aking kanang braso dahil sa pagpigil ko sa pagdaloy at pagipon ng aking mana dito. Ang sakit, parang mapuputol ang aking braso at hindi ko nagawa. Dumaloy ang mana ko sa aking braso at kamay at kumawala sa aking palad. Sumabog ang baso. Sa ikalawang pagkakataon, nabigo na naman ako.
Yumuko lang ako, nakakahiya. Simpling instruction lang pero hindi ko pa magawa. Aminado ako, oo, mahina nga ako. Hindi ako nag-angat ng ulo, ayukong makita ang reaksyon ni Mr.Gumban. Hinintay ko siyang magsalita pero wala. Wala akong narinig mula sa kanya.
Last na to, may isang baso pa ang natitira. Hindi ako pwedeng mapahiya sa ikatlong pagkakataon. Tinutok ko ang aking kanang kamay sa baso. Alam ko na ang gagawin ko, hindi pwedeng gisingin ko ang buong mana sa katawan ko dahil kapag ganun hindi ko makokontrol ito at maiipon lang ito sa kamay ko at lalabas. Pinakiramdaman ko ang aking palad, dapat dito lang ako magfocus. Sa aking palad lang.
Naramdaman kong uminit ang aking palad, naramdaman ko ang pagdaloy ng mana ko dito. Hindi ito masyadong malakas at alam ko sapat lang ito para kontrolin ang tubig sa baso. Pinakawalan ko ang mana sa aking palad patungo sa tubig na nasa baso. Nakita ko ang dahang-dahang pagtaas at paglutang ng tubig sa hangin. Yes! Nagawa ko! Sa wakas nagawa ko!
May narinig akong may pumalakpak at napaangat ang tingin ko kay Mr.Gumban, pumapalakpak ito at ngumingiti. Nawala ang focus ko sa tubig kaya bigla itong bumagsak at nagkalat sa mesa.
"Nagawa ko!! Nagawa ko!! Hoooo!!" Masayang sigaw ko na para bang nanalo sa isang paligsahan.
"Magaling!" Bati ni Mr. Gumban.
"Salamat po sir." Wagas na ngiti na sabi ko. Sa wakas alam ko na ang technique kung pano kontrolin ang kapangyarihan ko, paunti-unti lang. Malapit na. Lalakas din ako.
Dahil sa nagawa kong iyon kung kaya parang hindi ko na naramdaman ang hilo ko sa ulo. Nakakaproud talaga. Subrang saya ko.
***
Tapos na ang klase ko sa special subject ko kaya lumabas na ako ng training room. Nakapinta pa rin sa pesngi ko ng labis na tuwa. Papalabas na ako ng main door ng forbidden building ng makasabay ko si Phinilopy, at naalala ko si Tristan. Muntik ko ng makalimutan, sabi ko nga pala kanina dadalawin ko ito sa ospital.
"Hi." Bati ko kay Phinilopy habang papalabas kami ng main door.
"Oh Shero ikaw pala, mabuti at nagkasabay tayo. Si Tristan nga pala..." Naputol ang sasabihin nito dahil bigla akong sumabat.
"Si Tristan? May nangyari bang masama sa kanya?" Biglang tanong ko.
"Hindi kaw talaga. Maayos na siya, nakauwi na nga ng bahay kaninang tanghali eh." Nakangiting sabi ni Phinilopy. "Mukhang ang pagdalaw mo ang nagpagaling sa kanya."
Ngumiti ako. "Masaya akong marinig na mabuti na ang kalagayan niya." sabi ko at medyo nakaramdam ng lunkot. Kung ganun hindi ko na siya kelangang dalawin at bantayan sa ospital.
"Salamat nga pala sa pagdalaw at pagbantay sa kanya kagabi. The best boy friend ka talaga." Sabi ni Phinilopy.
Hindi ako tumugon, hindi naman kami magboyfriend ni Tristan. Ewan ko ba at nalulunkot ako. Naisip ko lang baka ngayong ok na si Tristan balik na naman kami sa dati na walang pansinan.
Hinawakan ako ni Phinilopy sa kamay. "Alam mo matutuwa iyon pagnakita ka, tara sama ka sa bahay." Sabi ni Phinilopy at hinila ako.
"Ha? Sigurado ka? Phinilopy kasi..."
"Wala ng pero-pero, matutuwa si Tristan pagnakita ka niya kaya sumama ka na." Putol ni Phinilopy sa sasabihin ko, hinila ako nito patungo sa parking lot ng school kung saan naghihintay ang kulay itim na kotse. Pano pa ko makakatanggi, subrang higpit ng hawak niya sakin at halos kaladkarin niya na ako.
Pagdating sa parking lot ay pwersahan niya akong ipinasok sa backseat ng kotse, siya naman ay naupo sa front seat at inutusan niya ang driver na bilisan ang pagmamaniho at emergency daw. Kinabahan tuloy ako bigla. Ano na lang ang sasabihin ko kay Tristan kapag nagkaharap kami? Dis-oras na ng gabi at pumunta pa ako sa kanila para mambulabog. Naku phinilopy gusto mo talaga akong maheart attack.
Mabilis kaming nakarating sa bahay nila Phinilopy. Napahanga ako sa kanilang malaking mansyon na hanggang tatlong palapag.. Ang lapad at ang ganda rin ng kanilang harden na puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak at meron pang malaking fountain ng dalawang elepanteng bumubuga ng tubig sa gitna. Kitang kita ang buong paligid dahil sa ilaw na nakahelera sa taas ng sementong pader.
Dumiretso kami ni Phinilopy sa second floor kung nasan ang silid ni Tristan. Kumatok si Phinilopy ngunit walang may sumagot. Pinihit nito ang pinto at bumukas. Nagtago ako sa dingding sa kaliwa ni Phinilopy. Kinakabahan ako, i swear napilitan lang talaga akong sumama. Anong sasabihin ko kay Tristan mamaya? Sana lang tulog na ito para makauwi na ako.
Sumilip si Phinilopy sa kwarto, nakabukas ang ilaw. Naku lagot na. Gising pa si Tristan. "Tristan may surpresa ako sayo. Nandito ang boyfriend mo." Pasigaw na sabi ni Phinilopy at hinila ako sa kamay at pagkatapos at itinulak sa loob ng silid. Mabilis nitong isinarado ang pinto at iniwanan ako nito sa malapad at malaking kwarto ni Tristan.
Napalunok ako ng laway ng makita ko si Tristan na nakatayo sa tabi ng malaki at mataas na aquarium, nakasuot ito ng pajama at sando. Nakatingin ito saking direksyon. Lord, please help. Pwede bang bukain mo ang sahig na tinatayuan ko ngayon? Hindi ko alam kung anong gagawin ko, para naman akong napipi, walang boses ang gustong kumawala sa bibig ko.
*** TRISTAN'S POINT OF VIEW ***
Nakita kong tinulak ni ate Phinilopy si Shero sa loob ng silid ko at pagkatapos ay mabilis nitong sinarado ang pinto. Iniwan nito si Shero sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng kaba ng magtama ang paningin namin ni Shero. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dito. Parang natataranta ako na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung bakit nagpapanic ang isip ko.
Walang may nagsalita samin ni Shero, tinititigan niya lang ako. Binaling ko ang mga mata ko sa katabi kong aquarium. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya, hindi ko alam kung ano nangyayari sakin ngayon.
"Lapit ka." Sabi ko at pilit na pinapakalma ang aking sarili.
Lumapit sakin si Shero, mga tatlong hakbang ang layo nito sakin. Naamoy ko ang mabango niyang amoy. Nilingon ko siya at tinitigan sa mga mata. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na nakakunot ang noo.
Nakita kung biglang sumama ang mukha ni Shero dahil sa sinabi ko at sa tono ng pananalita ko. "Mangangamusta lang. Mukhang ok ka na nga. Sige aalis na ko. Pasensya kung naisturbo kita." Sabi nito at mabilis na tumalikod.
"San ka pupunta?" Tanong ko sa malakas na boses, nakita ko siyang nagmamadaling naglakad patungo sa pintuan.
"Uuwi na ko." tugon nito na hindi man lang lumingon.
Kakaasar talaga to, parang bata. Mabilis ko siyang hinabol at hinawakan sa kamay. Hinila ko siya paharap sakin, sa lakas ng pagkakahila ko sa kanya ay napasubosob siya sa dibdib ko. Hindi kami nakagalaw at nanatiling parang magkayap ng ilang segundo.
"Shero salamat sa pagbantay mo sakin kagabi." Pagkaraan ay bulong ko sa kanya. Hindi siya tumugon. Malakas ang pintig ng puso ko habang nakadikit siya sa dibdib ko. SIguradong nararamdaman niya ang kaba ko.
Nilayo ko ang sarili ko sa kanya at nagkatitigan kami. Nasa 5'11' ang height ko, siya naman nasa 5'8'' kaya nakatingala siya sakin. Ang amo ng mukha niya, parang mukha ng isang prinsipe. At natuon ang mga mata ko sa kanyang mapupulang mga labi. Ang mga labing ito, ang labing minsan ko ng nahalikan.
Yumuko ako ng dahan-dahan, sa oras na ito gusto ko siyang halikan. Gusto kong malasap ang mapupula niyang labi. Hindi ito tama pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Hindi gumalaw si Shero at blanko ang reakson niya. Magkalapit na ang mga mukha namin at nakita ko ang pagpikit niya kasunod ng paglapat ng aming labi.
Banayad ang ginawa kong paghalik sa kanya, sa una ay hindi siya tumugon pero kinalaunan ay tumugon na rin siya sa halik ko. Matagal kaming naghalikan, nilasap namin ang mga labi ng bawat isa.
Sandali kaming tumigil sa paghahalikan at nagkatitigan. Hindi ako nagsalita at mabilis ko siyang binuhat papunta sa aking kama. Tinanggal ko ang kanyang bag at tinapon sa sahig. Nakahiga siya sa kama samantalang nasa ibabaw niya naman ako. Binaba ko ang aking ulo at muli siyang hinalikan, tumutugon si Shero sa halik ko at nasisiyahan ako dun. Sa mga sandaling ito gusto ko siyang nasa tabi ko, hinahalikan at niyayakap. Gusto ko siyang masulo ng buong gabi.