YYU - Chapter 22: Your Guardian Angel (Part 1)
*** SHERO'S POINT OF VIEW ***
Madaling araw...
Mula sa pagkakahimbing ay nagising ako at ang malaanghel na mukha ni Tristan ang agad kong nasilayan. Magkaharap kaming dalawa at mahigpit na magkayakap. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ng kanyang braso na nakayakap sa tagiliran ko.
Medyo madilim ang silid pero naaaninag ko ang mukha ni Tristan dahil sa ilaw na nagmumula sa malaking aquarium. Pinagsawa ko ang aking mga mata sa pagtitig sa kanya. Dinama ng mga daliri ko ang makinis niyang mukha, mula noo hanggang leeg nito. At pinaglandas ko ang aking hintuturo sa kanyang mga labi.
Bumalik saking alaala ang mainit na paghahalikan namin kagabi, hindi ako nakatanggi. Walang akong lakas para tumutol at ang tanging nagawa ko lang ay magpatangay sa gusto nito. Hindi ko alam kung bakit ako hinalikan ni Tristan, hindi ko alam kung ano ang dahilan niya. Pero ang halik na iyon, ang matamis na halik na iyon ay itinuturing kung espesyal.
Habang iniisip ko ang mga nangyari kagabi ay kinabahan ako. Ano na kaya ang mangyayari sa samahan namin ni Tristan pagkatapos nito? Magagawa pa kaya niya akong kausapin? Magagawa pa kaya niya akong pansinin? Baka pagkatapos kung lumabas sa pintuan ng kanyang silid ay magbago na ang lahat at tuluyan niya na akong baliwalain?
Nakaramdam ako ng lunkot. Hindi ko man aminin pero sa tingin ko nahuhulog na ang loob ko kay Tristan, sadya lang talagang pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na hindi. The more you hate the more you love diba? Pano naman kasi palagi niya akong iniinis, palagi niya akong binibigyan ng sakit ng ulo, kaya dun siguro nagsimula, basta hindi ko alam. Sa maikling panahon na nakasama ko siya ay mabilis na nahulog ang loob ko sa kanya, pilit ko lang talagang deneny sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman. Siyempre kasi lalake ako at lalake din siya.
Ayukong mahulog ng tuluyan kay Tristan dahil bawal. Oo aaminin ko na, gusto ko siya at malabong magustuhan niya din ako. Ako yung talo at luhaan sa huli kung hahayaan ko ang aking sarili na mahalin siya. Masasaktan lang ako.
Oo hinalikan niya ako at may something na nangyari. Sandali parang AWKWARD, nahiya tuloy ako. Kakahiya namang banggitin iyon. Basta yun na yun. Hindi porque dahil sa may nangyari samin ay gusto na agad ako ni Tristan. Ayuko ko mag-assume, hindi naman sa pessimistic ako pero alam ko ang salitang posibli at imposibli, ang totoo at hindi, at ang panaginip at realidad.
Nakita kong dumilat ng mata si Tristan, tinitigan niya ako at isang ngiti ang puminta sa kanyang mukha. Ngumiti ako ng matipid. Nagsimulang tumambol yung dibdib ko. Sigurado kung maliwanag ang paligid tiyak makikita nito ang namumula kong mukha, buti na lang at madilim. Hay kinakabahan ako, ewan ko kung bakit.
Nilapit ni Tristan ang mukha niya sa mukha ko. At sa isang iglap lang nagkalapat ang aming mga labi. Napapikit ako at tumugon sa halik ni Tristan. Ang lambot ng labi niya, ang sarap hagkan. Inangat ko ang aking kamay patungo sa kanyang leeg. Ilang minuto kaming naghalikan, hindi kami maawat-awat. Pagtigil namin ay pareho naming habol ang aming mga hininga.
Bakit kaya niya ako hinahalikan? Anong dahilan niya? Anong dahilan ng lahat ng ito?
"Go back to sleep." Mahinang bigkas ni Tristan.
Hindi ako sumagot, at isang tango lang ang itinugon ko sa kanya. Nakita ko siyang pumikit, naisip kong hintayin siyang mahimbing para makabangon ako at makapagbihis para umuwi.
Mga after 30 minutes ay kumalas ako sa pagkakayakap kay Tristan, ayuko sana pero kelangan ko na talagang umuwi. Mabilis kong dinampot ang mga nagkalat kong school uniform sa sahig at isinuot ang mga yun. Kinuha ko ang aking bag at sinukbit sa likuran ko.
Tumayo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang himbing na si Tristan. Di ko alam pero nalulunkot ako, parang ayaw ko siyang iwan. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, sana hindi siya magbago pagkatapos ng lahat ng ito. Tumalikod ako at humakbang patungo sa pintuan ng biglang merong isang bagay ang umagaw sa aking atensyon.
Napatigil ako sa paghakbang at napaangat ang aking ulo sa isang pamilyar na picture frame na nakasabit sa taas ng pintuan. Picture iyon ng dalawang dolphin, kilala ko ang picture frame na ito. Ito ang picture frame ko na kinuha ni Tristan sa condo unit ko. Napangiti ako, mahilig pala sa isda si Tristan. Halata naman, masmalaki ng sampung beses ang aquarium niya kesa sa aquarium ko. Nilingon ko ang aquarium niya sa silid, sa laki nito ay mukhang kakasya ako sa loob.
Binalik ko ang aking paningin sa picture frame sa taas ng pintuan. Nakakatuwa, sinabit pala ito ni Tristan, akala ko pinagtripan niya lang itong kunin at tinapon. Hindi pala.
Lumabas ako sa silid ni Tristan at bumaba ng hagdan. Timing naman at nakasalubong ko ang isang kasambahay nila na nakita ko nung isang araw sa ospital nung binantayan ko si Tristan. Sinabi niyang walang taxi sa loob ng subdivision ng ganitong oras kaya ang sesti ay ginising niya ang driver nila Tristan para ihatid ako sa condo.
***
Mga bandang alas singko ng dumating ako sa condo unit ko. Nagpalit agad ako ng damit at natulog ulit. Inaantok pa ko kaya mabilis akong nakaidlip.
Mga bandang alas otso ay nagising ako. Nagsimula akong mag-impake ng gamit dahil plano kong mag overnight sa private resort sa subic dun sa palagi kong pinupuntahan. Aagahan ko ang pagpunta kasi araw ng sabado at medyo marami-rami ang pumupunta dahil nga weekend at walang pasok. Kelangan kong pumunta ng resort dahil kelangan kong magbabad sa tubig dagat at para makapagtraining na rin ako ng kunti.
Pagkatapos mag-impake ay nagshower na ako at nagpalit ng damit. Inayos ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Handa na ko, kinuha ko ang malaki kong Backpack at sinukbit sa aking balikat. Papalabas na ako ng pinto ng may biglang kumatok. Hindi na ako sumilip sa peephole dahil nga palabas na rin ako. Binuksan ko ang pinto.
Sandali akong natigilan at nagtaka. "Tristan anong ginagawa mo dito?"
"San ka pupunta at ang laki ng bag mo?" Hindi nito sinagot ang tanong ko, nakakunot pa ang kanyang noo.
"Pupunta ng subic." Sagot ko.
Tinitigan ako nito ng matalim katulad ng dati niyang ginagawa. "Umalis ka ng bahay na hindi man lang nagpaalam sakin, pagkatapos plano mo pang gumala sa subic. Sino ang kasama mo?" Pagsisinuplado nito.
"Ako lang, bakit ba?" Sabi ko.
"Sigurado kang wala kang kasama?" Paninigurado nito. Hindi ako sumagot at tumango lang ako.
Bigla akong hinila ni Tristan sa loob ng unit ko papunta sa kwarto. Binuksan nito ang ilaw at walang sabi-sabi na binuksan ang aking kabinet at naghanap ng damit.
"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko. Hindi na ako nagreact at hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa.
"Tulungan mo ko maghanap ng t-shirt na kasya sakin, pati shorts at boxer na rin. Sasamahan kita sa Subic sa ayaw at gusto mo." Diretsang sabi nito.
Napanganga ako. Sigurado siya? As in?
"Weee?" Sabi ko.
Tumigil siya sa ginagawa at tinapunan ako ng tingin. "Ano ba? Kikilos ka ba o tutunganga ka lang diyan?!" Sabi nito, naku umandar na naman ang pagkamasungit at pagiging monster nito.
Agad naman akong kumilos at naghalungkat sa mga damit ko. Palihim naman akong napangiti, subrang saya ko, kilig na kilig nga eh. Akalain mo yun sasamahan ako ni Tristan? Hindi ko inexpect to, promise. Excited na ko. Ayeeeehhhhh.. Kilig much. ^__^
Naisip ko bahala ng hindi ako makapagtraining dun sa resort, total kasama ko naman si Tristan kaya ayos lang.
Pagkatapos naming makahanap ng mga gagamitin niya ay inilagay na namin ito sa isa pang backpack. Ayan at mga damit ko pa ang gagamitin niya pero ayos lang. Pabor sakin ang pagsama niya. Tumungo na agad kami sa bus terminal. May paakbay-akbay pa si Tristan na nalalaman hindi ko tuloy mapigilang kiligin ng slight.
Umupo kami sa two seats sa bandang likuran, ako yung nasa tabi ng bintana siya naman yung nasa tabi ng aisle. Habang hinihintay naming mapuno ang bus ay shinare ni Tristan sakin ang isang head phone ng kanyang ipod at nakinig kami ng music.
"Ito ang paborito kong kanta." Sabi ko. Ang kasalukuyang nakaplay na kanta ay your guardian angel na kinanta ng red jumpsuit apparatus.
"Iyan rin ang paborito ko." Tugon naman nito at inakbayan ako, at inakay palapit sa kanya. Lalo kaming nagkadikit. Pinasandal niya ang ulo ko sa kanyang balikat.
Hindi ko alam kong pano magrereact. Ano to mag-bf? Hindi ba siya nahihiyang ganito ang ayos namin? May mangila-ngilan kasing pasahero na tumitingin at lumingon sa direksyon namin.
"Tristan..." Sabi ko.
"Psshhhhh.. Hayaan mo sila. Huwag mo silang pansinin." Sabi ni Tristan, napansin siguro nitong parang hindi ako komportable. "Alam ko inaantok ka pa. Maidlip ka na muna. Gigisingin na lang kita mamaya." Sabi niya.
Pinikit ko na lang aking mga mata. Bakit ganito si Tristan? Bakit tinatrato niya ako ng ganito? Hindi ko alam. Sa ngayon eenjoy ko na lang ang company niya. Baka gusto niya lang bumawi sa mga paghihirap na ginawa niya sakin nung nakaraan.
***
Nakatulog ako sa byahe at ginising lang ako ni Tristan nung nasa subic na. Nagpahatid naman kami sa trisikel para marating ang private resort na paborito kong puntahan. At ano pa ba ang aasahan ko? Nung magcheck-in na sa hotel ay si Tristan mismo ang pumili ng kwarto na single bed lang. Gusto niya akong makatabi sa pagtulog mamaya at mukhang may pinaplano na naman siya.
Inayos namin ang aming mga gamit at pagkatapos ay tumungo kami sa native restaurant ng resort para maglunch dahil mag-aalas dose na rin. Open restaurant iyon at ang kainan ay nasa lilim ng mga maliliit na nipa cottage. Pinili namin ni Tristan ang pinakahuling cottage dahil nasa lilim iyon ng malaking puno ng talisay.
Magkaharap kami ni Tristan sa mesa pero ang tingin ko ay nasa bughaw na dagat. Hinihintay namin ang aming order ng mga sandaling iyon. Panay ang pagbuntong hinga ko dahil sa ang sarap ng hangin, ang lamig at ang presko. Ang ganda ng ambiance, napakaromantic. Kung assuming ako iisipin kong date namin to ni Tristan pero sabi ko nga, baka bumabawi lang ang lalakeng ito sa mga kasalanan niya sakin.
Pero kahit ganun masaya ako at kasama ko si Tristan. Isang ngiti ang sumilay saking labi at nakita pala iyon ni Tristan.
"Bakit ka napapangiti?"
Napalingon ako kay Tristan, nagtatanong ang mga mata nito. Nagkibit-balikat ako at pinagmasdan ko ang kanyang mukha at dun ko lang napansin, parang ang bilis naman yatang makarecover nito mula sa pagkakaospital? Naalala ko kasi nangangayat siya nung makita ko siya sa ospital pero ngayon hindi na, balik na sa dati ang katawan nito. Macho na ulit. Parang imposibli naman yata to. Kunsabagay bakit ko pa kukwestyunin yun, ang mahalaga magaling na siya.
"Sabihin mo na kasi, bakit ka napapangiti diyan?" Pilit nito.
"Kailangan ba talagang may dahilan kapag ngumingiti ka?" Balik ko dito.
"Oo, siyempre. Ngumingiti ka ng walang dahilan? Ano yun baliw-baliwan?" Nakakunot noong tugon nito.
"Oo na sige na, ngumingiti ako kasi masaya ako." Sabi ko.
"Bakit ka masaya?" Aniya.
Humarap ako sa dagat. "Masaya ako kasi nagagandahan ako sa paligid." Sagot ko at tipid na ngumiti. Yung totoo masaya ako kasi kasama ko siya, extra na lang tong magandang ambiance.
Sandaling katahimikan.
"Hindi ka masaya na kasama ako?" Sabi nito.
Lumingon ako kay Tristan at nakita ko ang blankong ekspresyon niya. Nakatitig siya sakin at naghihintay ng sagot. Nawala ang ngiti ko sa mga labi.
"Masaya ako na kasama kita ngayon." Sabi ko at tumitig sa dagat. Malayo ang tingin. Kaya ako tumitig sa dagat kasi ayukong makita ang magiging reaksyon ng mukha niya. Iyon ang dahilan. Akala ko pagkatapos sa mga nangyari kagabi hindi na ako nito papansinin pero kabaligtaran pala. Heto nga at magkasama kami at parang magkasintahan lang na nagbabakasyon.
Dumating ang order namin, seafoods ang mga ito. Oyster, shrimp, greenshell, at kung anu-ano pa maliban sa isda. Ayuko kumain ng kalahi ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero ayaw din ni Tristan ng isda. Nung tinanong niya naman ako bakit ayaw ko ng isda sabi ko agad allergic ako.
Masaya naming pinagsaluhan ni Tristan ang pagkain, paminsan-minsan sinusubuan pa ko nito. Ang sweet niya, naku kung assuming lang ako iisipin ko talaga na may gusto sakin si Tristan. How i wish, pero may mga bagay talaga na hindi pwede at bawal. Malay ko diba? Ayan hopia, as in hoping.
***
Pagkatapos kumain ay bumalik na agad kami sa hotel room. Sabi ni Tristan mainit pa daw kaya mamayang hapon na lang kami tutungo sa tabing dagat. Napagpasyahan namin na ziesta na lang muna. Naunang gumamit ng banyo si Tristan para magtooth brush at magpalit ng damit at sunod ay ako naman.
Lumabas na ako ng banyo dahil tapos na akong magpalit at magtoothbrush, nadatnan ko si tristan na nakaupo sa ibabaw ng kama at nakasandal sa headboard.
"Alam mo ang bagal mong kumilos, para kang pagong." Sabi ni Tristan na magkasalubong ang mga kilay. Ano na naman nangyari sa kanya? Moody talaga ang baliw na to.
"Sige ikaw na ang rabbit kung ganun, mabilis ka eh." Sagot ko sa kanya.
"Sasagot ka pa diyan. Halika na nga dito. Kanina pa kita inaantay ang tagal mong lumabas." Naiiritang sabi nito. Bakit? Sino ba nagsabi sa kanya na hintayin ako? Hmmmm? Mukhang may binabalak ang baliw na to ah.
"Matulog ka na, dun na muna ako sa labas." Sabi ko at tinungo ang pintuan.
"Opppss!! Hindi pwede." Sabi ni Tristan at mabilis akong hinila, bumagsak kami sa kama. Siya ang nasa ilalim at ako ang nasa ibabaw.
Nakita kong nakangiti siya kaya ngumiti na rin ako. Try ko nga siyang halikan, tignan ko kung iiwas siya. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Hindi siya umiwas hanggang sa magtagpo ang aming mga labi at naramdaman ko ang kanyang isang kamay sa aking batok. Naghalikan kaming dalawa, banayad, swabe at masarap. Nag-ispadahan ang aming mga dila, ang galing humalik ni Tristan. Nakakalunod at subrang tamis.
Gumulong kami ni Tristan sa kama, siya naman ang nasa ibabaw at ako naman ang nasa ilalim. Naghalikan ulit kami, medyo naging agresibo si Tristan. Paminsan-minsan ay kinakagat ako nito sa labi. At ang kanyang mga labi ay dumapo sa aking leeg, nakaramdam ako ng subrang kiliti. Hindi ko maipaliwanag pero Sh*T ang sarap. Napakapit ang dalawa kong kamay sa kanyang buhok... Ang wild ni Tristan... Wala akong nagawa kundi...