YYU - Chapter 25: Listen To Me
***SHERO'S POINT OF VIEW***
Lumingon ako para tignan kung sino ang sumisitsit at nakita ko ang sereno na kasing tankad yata ni Tristan. Nasa taas ito ng isang malaking bato, tumalon ito at naglakad patungo sa direksiyon ko. Nakangiti ito at nakatitig sakin habang naglalakad. Gusto ko sanang tumalikod pero mabilis itong nakalapit sakin. Ayuko namang maging bastos at kelangan ko ring magpasalamat sa kanya sa pagkakaballik ng itim na perlas ko. At meron pa akong gustong tanungin sa kanya tunkol sa nangyari sa bar kagabi.
"Hello Shero!" Bati nito agad sakin ng magkaharap na kami.
Napakunot ako ng noo. "Sino ka? Bakit mo ko kilala?" Nagtatakang tanong ko.
"Guess?" Nakangiti nitong sabi.
"Im not good in guessing." Tugon ko.
"Ok sige na nga. Nalaman ko ang name mo kasi nabasa ko sa log book ng hotel."
"No way, Pumayag ang staff ng hotel na pakialaman mo ang log book kahit alam nila bawal ang ginawa mo? Pano ang privacy naming mga guest kung ganun? I will report this to the manager." Pagbabanta ko at lalong lumuwang ang ngiti nito.
"Sure... But..." Sabi nito, binigyan ko siya ng nagtatanong na ekspresyon. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "But your report wont matter anyway. We own this resort."
Napabuntong hininga ako sa narinig. Ok kaya pala ganito kung umakto to. "Ok." Sabi ko na lang.
"Im Kenver by the..." Putol na sabi nito dahil nagsalita ako.
"Anong kelangan mo? Bakit mo ko kinakausap?"
"Well, hindi kapa nagpapasalamat sa ginawa ko last sunday. Remember your black pearl?"
"Oo natatandaan ko. Hindi ko nakakalimutan, salamat." Ang Kenver nato, nung nakita ko siya nung linggo mukhang mabait naman pero sa personal na parang mahangin.
"Sure. Tara swimming tayo? Gusto mo?" Sabi nito.
"No thanks. May itatanong pala ako sayo kung okay lang."
"Sige. Ano yun?"
"Kagabi sa bar, alam kong ikaw ang may kagagawan sa nangyari sa waiter. Isa kang guardian, ano ang kapangyarihan mo?" Diretsang tanong ko.
Ngumiti ito. "Tama ka ako nga ang may kakagawan nun. Isa akong human puppeter, kaya kong kontrolin ang isang tao gamit ang kapangyarihan ko. Katulad nito."
Nakita ko siyang ginalaw niya ang kanyang kanang kamay pero hindi niya ito itinaas at nanatili lang sa kanyang gilid. Bigla ay naramdaman ko na lang na humakbang ako papalapit sa kanya, sinalubong niya ko at halos magkadikit na kami. Ito ang kapangyarihan niya, ang kontrolin ang katawan at kilos ng isang tao.
Kaya ng lalakeng itong kontrolin ang katawan ko. Hindi ako makakilos, kinokontrol niya ko. Magkaharap kami at malapit sa isa't-isa.
"Shero alam mo matagal na kitang nakikita dito at sa tingin ko gusto kita. Pareho tayong sereno, masbagay ako sayo kesa sa lalakeng kasama mo." Sabi nito.
Hindi ako makapagsalita, ang Kenver na to ang lakas ng kapangyarihan niya. At naramdaman ko ang paggalaw ng ulo ko pasalubong sa mukha nito. Hindi pwede to. Hahalikan niya ko. Hindi ako makaiwas dahil kinokontrol niya ako. At biglang naglapat ang aming mga labi. Naramdaman ko ang kanyang labi, at tumutugon ako. Hindi ito tama pero hindi ako makawala sa kanyang kapangyarihan.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili at naramdaman ko ang pagdaloy ng aking mana. Naramdaman ko ang pagdaloy nito sa loob ng katawan ko. Kaya kong ilabas ito, ang kailangan ko lang gawin ay magconcentrate. Naramdaman ko ang pagdaloy ng mana ko sa aking mga braso at sa aking mga kamay. Namimigat ang mga kamay ko na tanda na gusto ng kumawala ng aking kapangyarihan.
Pinilit kong igalaw ang aking mga kamay, at nagawa ko. Mabilis kong itinutok ang aking kamay kay Kenver.
***TRISTAN'S POINT OF VIEW***
Nakaramdam ako ng inis. Gusto kong magmura. Shero akala ko ba, ok tayo? Sino ang lalakeng yan? Tama ang nakikita ko naghahalikan silang dalawa. Ayuko na! Nakakaasar ka Shero!
Hindi ko kayang panoorin silang naghahalikan. Tatalikod na sana ako ng bigla kong makitang tumilapon ang lalake sa buhangin ilang dipa ang layo kay Shero. Nakita kong tinaas ni Shero ang mga kamay at nakatutok iyon sa lalake. Lumutang ang lalake sa hangin at bumagsak ito sa dagat.
Napalunok ako. Ano yun? Anong nangyari? Bakit? Hindi ako makapag-isip ng tama. Si Shero at ang lalakeng iyon naghalikan, pagkatapos ang lalake bigla na lang tumilapon sa buhangin at lumipad sa hangin at tumilapon sa dagat?
Si Shero may kapangyarihan? Pano niya nagawa yun?
Nakita kong napaluhod si Shero at bigla na lang bumagsak sa buhangin. Anong nangyari sa kanya? Mabilis akong tumakbo palapit kay Shero. Nang tuluyan na akong makalapit ay lumuhod ako. Walang malay si Shero at ang kanyang ilong ay merong dugo.
Binalot ng takot ang dibdib ko. "Shero! Shero gising!" Hindi ito tumutugon kaya mabilis ko siyang binuhat at tinakbo sa hotel.
Pagdating sa hotel ay mabilis namang umagapay ang mga staff at inasikaso si Shero na nawalan ng malay. Tinanong pa ako ng mga ito kung anong nangyari, nagsinungaling ako para takpan ang totoong mga pangyayari.
Hindi ko rin alam kung ano na nangyari sa lalaking tumilapon sa dagat. Baka nalunod na iyon. Bakit ginawa iyon ni Shero? Akala ko magkakilala sila pero bakit ganun ang nangyari?
***SHERO'S POINT OF VIEW***
Gumising ako...
Agad kong nakita ang mukha ni Tristan. Nakaupo ito sa silya sa gilid ng hinihigaan ko. Mukhang nasa clinic yata ako. At naalala ko ang nangyari kanina sa tabing dagat. Palagi na lang akong nadidisgrasya kapag ginagamit ko ang aking kapangyarihan ng padalus-dalos.
Sandali sino ang nakakita sakin at nagdala rito nung mawalan ako ng malay?
Nahihilo pa rin ako pero pinilit kung maupo, agad naman akong inalalayan ni Tristan, naupo ito sa higaan kaharap ako. Walang ekspresyon sa mukha nito. Kapag ganito ang itsura niya ay kinakabahan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at matipid na ngumiti.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito. Halata sa boses niya na malunkot siya. Ano kaya ang iniisip nito.
"Okay lang ako... Sino yung...?" Itatanong ko sana kung sino ang nakakita sakin at nagdala dito pero naputol ang sasabihin ko.
Biglang nagsalita si Tristan. "Sinundan kita Shero at nakita ko ang mga nangyari... Lahat-lahat..." Sabi nito. Malunkot ang mukha. Disappointed.
Napalunok ako, kung ganun nakita niya na naghalikan kami ng Kenver na yun. Pero hindi, hindi ko ginusto yun. Kinontrol ako ng lalakeng iyon. Nakita ako ni Tristan na gumamit ng kapangyarihan.
"Ayaw kitang husgahan, gusto kong marinig mula sayo... Shero pano mo ipapaliwanag yung mga nakita ko kanina." Mahinang sabi nito at naramdaman kong hinigpitan nito ang paghawak sa kamay ko.
Binalot ng kaba ang dibdib ko. Saan ako magsisimula? Anong sasabihin ko sa kanya? Aaminin ko ba sa kanyang isa akong sereno? Maniniwala kaya siyasa mga paliwanag ko?
"Tristan yung lalakeng nakita mo, meron siyang kapangyarihan na kontrolin ang isang tao, ang katawan at ang kilos." Sabi ko. Nakatitig ako sa mga mata ni Tristan. "Hindi ko ginusto yung makipaghalikan sa kanya, kinontrol niya ang katawan ko kaya wala akong nagawa. Nagalit ako sa kanya... Nagalit ako sa kanya kaya ginamitan ko rin siya ng kapangyarihan ko. Hindi tama ang ginawa niya. Naniniwala ka ba sakin?" Malunkot na sabi ko. Parang maiiyak na ako dahil baka hindi maniwala sa akin si Tristan.
Walang sagot mula kay Tristan. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito, ito ang ekspresyon na pinakaayukong makita sa kanyang mukha. Binaba ko ang aking tingin, hindi naniniwala sakin si Tristan. Hindi ko napigilang mapaluha. Mukhang dahil sa lalakeng iyon matatapos ang magandang samahan namin ni tristan.