YYU - Chapter 26: Tristan's Unknown Power
Walang sagot mula kay Tristan. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito, ito ang ekspresyon na pinakaayukong makita sa kanyang mukha. Binaba ko ang aking tingin, hindi naniniwala sakin si Tristan. Hindi ko napigilang mapaluha. Mukhang dahil sa lalakeng iyon matatapos ang magandang samahan namin ni tristan.
Nagulat ako ng bigla akong niyapos ni Tristan, mahigpit ang yakap niya sakin. "Tahan na, huwag ka ng umiyak. Naniniwala ako sayo." Bulong nito sakin.
Napayakap rin ako sa kanya. "Salamat... Salamat Tristan... Akala ko hindi ka maniniwala sa sasabihin ko."
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang mga luha ko sa pesngi. "Alam ko ang ibig sabihin ng mga luhang yan, naalala mo nung gabing nagtago ka sa stockroom sa Yin-Yng dahil hinahabol ka ng mga night keepers? Umiyak ka rin nun diba? Sinabi mo sakin na nandun ka para kunin ang notebook at libro mo sa algebra. Alam kong nagsasabi ka nun ng totoo kaya tinulungan kita. At itong paliwanag mo ngayon alam ko, totoo ito. Kaso..."
"Kaso?" Nabitin na tanong ko.
"Kaso tinapon mo sa dagat yung lalake. Baka nalunod na yun." Sabi nito at ngumiti at hinalikan ako sa noo.
Napangiti na rin ako at biglang naging seryuso. Nag-aalangan. "Tristan may aaminin ako sayo pero sana huwag magbago ang pakikitungo mo sakin." Sabi ko, ito na siguro ang tamang oras para sabihin sa kanya...
"Sige sabihin mo, ano ba yun?"
"Tristan isa akong sereno... At yung lalake kanina isa rin siyang sereno." Kinakabahan na pagkokompisal ko.
Nakita kong tipid na ngumiti si Tristan, mukhang hindi man lang ito nagulat sa sinabi ko. Hinawakan nito ng bahagya ang pesngi ko. "Kahit ano kapa, tatanggapin kita dahil... dahil mahalaga at espesyal ka sakin. Lagi mo yang tatandaan" Sabi nito.
"Salamat Tristan." Tugon ko naman. "Tristan may itatanong ako sayo..."
"Sige."
"Kaninang umaga, nung ginising kita..."
"Anong tunkol dun?"
"Tristan kasi nung gumising ako at nung binuksan ko ang ilaw, nakita ko ang ibang mga gamit sa kwarto na nakalutang sa hangin. At nung ginising kita, nung nagmulat ka ng mata biglang bumagsak ang mga iyon sa sahig. Anong ang kapangyarihan mo?"
Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay. "Ako may kapangyarihan?" parang hindi makapaniwalang tugon niya.
Tumango ako. Nababasa ko sa kanyang mukha ang pagtataka.
"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin..." Nag-iisip na sagot nito.
Anong ibig niyang sabihin na hindi niya alam ang tinutukoy ko? Hindi niya alam na meron siyang kapangyarihan?
Napabaling ang tingin namin sa pinto ng may kumatok. Sunod ay bumukas ito at pumasok ang babae na staff ng hotel. Kinumusta ako nito. Sinabi ko na ok na ako at dun na lang ako sa kwarto namin magpapahinga. Nagpasalamat ako dito.
Inalalayan ako ni Tristan palabas ng clinic room. Dumiretso kami sa lobby ng hotel at inantay na bumaba ang elevator.
Bumukas ang elevator at nakita ko si Kenver, wala itong kasama. Nagkatitigan kami at ngumiti ito. Naramdaman kong bigla na lang kumilos si Tristan, parang susugurin nito si Kenver.
"Tristan huwag." Mahinang sabi ko at mahigpit ang hawak sa braso ni Tristan.
Lumabas ng elevator si Kenver at dumaan ito sa gilid ko, bahagya akong sinagid sa balikat. "See you in quadrangular match." Narinig kong sabi nito.
Hindi na ako lumingon at humakbang na kasabay si Tristan sa loob ng elevator. Binanggit ni Kenver ang quadrangular match, iyon ang labanan ng malalakas na representative ng apat na school. Kung ganun kasama si Kenver? Ano kaya ang school na ererepresent niya? Good luck sa kanila, laban yun ng malalakas na mga estudyanteng guardian eexpect pa ba ako na makakasama? At isa pa labanan nun, gyera yata yun eh, ayuko sa gulo.
***
Nag-order si Tristan ng almusal at dun na kami sa kwarto kumain. Pagkatapos kumain ay dun na kami nanatili at magkatabing nahiga sa kama. Mabilis namang nawala ang hilo at panghihina na naramdaman ko kanina.
Magkaharap kami ni Tristan, nakatitig siya sakin. "Tunkol dun sa sinasabi mong nakita mo kaninang umaga, sigurado ka ba dun?" Simula nito. Ang tinutukoy nito ay yung nakita kong mga nakalutang na mga gamit.
Tumango ako. "Oo."
"Shero meron akong ikukwento sayo..." Sabi nito at nagpakawala ng buntong hininga.
At sinimulan niyang magkwento tunkol sa mga nangyari sa kanya nung gabi bago siya maospital. Yung tunkol sa matandang may kapangyarihan at ang pagpasa nito ng kapangyarihan sa kanya at yung kwentas na bigay nito.
"Kung ganun ang kapangyarihang nasayo ay galing sa matanda... Si prop Goldfield at Mr.Gumban, sila ang mga mentor namin ni Fildon sa special subject namin bilang night keepers siguradong matutulungan ka nila Tristan." Sabi ko. Naisip ko ang mga ito lang ang makapagsasabi kung ano ang kapangyarihan na taglay ni Tristan at ang mga ito lang din ang makakapagturo sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin? Ikaw isang night keeper at si Fildon rin?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo." Hindi niya pala alam na isa na akong night keeper at hindi ko ito nabanggit sa kanya.
"Pano nangyari yun? Ang mga kasali sa night keepers ay mga juniors at seniors lang."
"Excemption, personal kaming kinuha ni prop. Goldfield para maging member. Alam ko kapag narinig niya ang kwento at ang taglay mong kapangyarihan kukunin ka niya para maging night keeper. Sila ni Mr.Gumban ang tutulong sayo kung pano kontrolin ang kapangyarihan mo."
"Sigurado ka Shero?" Parang nag-aalangan na tanong nito.
"Oo." nakangiting sabi ko.
Hindi tumugon si Tristan at hinalikan ako nito sa labi. Pumaibabaw ito sakin at hinalikan ako sa leeg."Tristan..." Mahinang sambit ko.
Saglit itong tumigil sa paghalik sa leeg ko. "What?" sabi nito.
"Don't stop..." Sabi ko sabay pulupot ng aking mga braso sa kanyang batok. Ramdam ko ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg. Nakakakiliti at subrang sarap.
"I won't..." Tugon nito at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
***
Bandang alas dose ay naglunch kami sa native restaurant at pagkatapos ay nag-impake na ng aming mga gamit para bumalik ng Maynila. Mga bandang ala-una y media ng magcheck out kami at bandang alas dos ng makasakay kami ng bus pauwi ng Maynila. Hapon na ng dumating kami sa condo unit ko. Ayaw umuwi ni Tristan at pagod daw siya sa byahe. Kaya ang nangyari dito siya natulog kinagabihan.
Kinabukasan ay lunes, bandang alas otso ng umaga nagpaalam si Tristan na umuwi. Pagkaalis niya ay balik naman ako sa higaan dahil sa kelangan ko pa ng pahinga. Napagod kasi ako kagabi.
Dahil lunes 7pm pa yung first subject ko pero pumunta na ko ng Yin-Yang mga alas sinko pa lang. Kelangan ko kasing makausap si prop Goldfield tunkol kay Tristan. Tumungo ako sa forbidden building at nadatnan ko si prop Goldfield sa kanyang office. Pinaupo ako nito sa harap ng kanyang mesa, napansin ko kagad mukhang pagod si prop, halata at bakas sa kanyang mga eyebag na pagod siya.
Sinimulan kong eopen kay prop yung kinuwento sakin ni Tristan tunkol sa nangyari sa kanya. Nakikinig lang si prop sakin, parang malalim na nag-iisip. Pagkatapos kong magkwento ay agad nitong tinawagan si Phinilopy.
"Please tell your brother to go to my office A.S.A.P., Tell him we're going to talk and it's very important. And oh please tell him also that Shero is here." Binalingan ako ni prop, alam ko ang tingin na yan kaya umiwas ako. "Ok, thank you Phinilopy. Bye." Sabi ni prop at binaba ang celphone.