YYU - Chapter 27: What Is My Power?

 



***TRISTAN'S POINT OF VIEW***



"Hello ate...


Napatawag ka...?


Andito ako sa school... Bakit...?


Pinapapunta sa office ni prop Goldfield, bakit daw...?


Anong ginagawa ni Shero dun...?


Ah ok sige, salamat...


Oo na, pupunta na ko dun...


Ito na nga oh naglalakad na...


Oh sige salamat... Bye."



Naglalakad ako patungo sa forbidden building, sa office ni prop Goldfield. Sigurado nakausap na ito ni Shero tunkol sa kinuwento ko sa kanya. Isasali niya kaya ako sa night keepers?



Maraming ikinuwento sakin si Shero at ilan sa mga ito ay tunkol sa mga night keepers na merong mga kapangyarihan at tinatawag silang mga guardians, nabanggit rin ni Shero ang tunkol sa mga hidden, at yung tunkol sa golden scale at  pati na ang ibang mga celestial rare items.



Nang makarating ako sa forbidden building ay agad na akong pumasok sa main door.  Hinatid ako ng isang night keeper na lalaki sa office ni prop Goldfield. Ngayon lang ako makakapasok sa office nito. Iniwan ako ng night keeper at kumatok ako sa pinto. Bumukas ang pinto at bumungad si Shero. Isang ngiti ang sinalubong niya sakin, ngumiti ako ng bahagya. Ang cute talaga ng makulet na to, ang sarap kurutin sa pesngi. Nagkatitigan kami ng ilang sandali ng biglang...



"Ehemmm... Come in Mr.Razon." Napalingon kami ni Shero kay prop Goldfield na nakaupo sa swivel chair.



"Magandang hapon po." Mabilis na bati ko at pumasok. Hindi ko ugali ang bumati sa mga propesor at propesora pero bumati ako, kunting paimpress lang sa baby kong si Shero. Wait, tama ba yung nasabi ko? Baby Shero?



"Magandang hapon din." Sabi ni prop.



"Mauna na po ako propesora. Salamat po." Sabi ni Shero kay prop, tumango si prop at nilingon ako ni Shero, magkatabi kami nito sa harap ng pintuan. "Good luck." Sabi nito at ngumiti ng matamis. Tumango ako sa kanya. Gusto ko sana siyang pigilan para may kasama ako pero mabilis nitong inabot ang pinto, binuksan at lumabas agad.



Pinaupo ako ni prop Goldfield sa silya sa harap ng kanyang table. Nagsimula siyang magtanong, marami ang tanong niya at parang hindi matapos-tapos. Kinokompirma siguro nito ang kwento ni Shero sa kanya. Nang matapos siyang magtanong ay ako naman ang nagtanong, wagas na tanong rin ang tinanong ko para patas. Lahat ng tanong ko nasagot niya pwera sa...



"Ano po ang kapangyarihan na taglay ko?" tanong ko.

Hindi umimik si prop at nakatitig lang sakin. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito at saka tumayo at lumapit sa bintana. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nagsalita ito pero ang tingin ay nasa labas ng bintana. "Hanggat hindi ko nakikita ang kaya mong gawin ay hindi ko masasagot ang tanong mo." Sabi nito at humarap sakin.



Hindi ako umimik at nagulat na lang ako ng bigla niya akong binato ng hawak niyang bola na kasing laki ng billiard ball. Mabilis ang pagbato niya kaya alam ko matatamaan ako dahil wala ng oras para umilag, napapikit na lang ako ng mata at may narinig akong may bumagsak sa tiles na sahig.



Hindi ako dumilat, sandali, dapat tumama na sa mukha ko ang bola pero bakit parang walang nangyari? Dumilat ako, hindi ako natamaan. Napatingin ako sa sahig sa harapan ko. Naroon ang maliit na bola at halos kalahati nito ang nakabaon sa sementong sahig.



Umangat ang tingin ko kay prop Goldfield. Hindi ko napigilang magsalita. "What the f*%k is that for?" Nakakunot ang noong tanong ko dito. Nakita ko siyang ngumiti.



"Relax, i just wanna see how your power works. Im so glad, you didnt fail me." Nakangiting sabi nito. "Please get the ball."



Yumuko ako at dinampot ang bola na halos bumaon na sa sahig. Binalingan ko si prop. "Tsk!! What the f*%k? This ball is made of marble. Kung nagkataon masisira ang mukha ko." Naiinis na sabi ko kay prop. Kakaasar ang babaeng ito, plano pa yatang basagin ang gwapo kong mukha.



"Oh come on, walang nangyari masama so move on. Don't be a kid." Sabi nito na parang wala lang sa kanya ang kanyang ginawa. Kakaasar. Ako pa ang sasabihin niya ng dont be a kid, eh ako na nga iyong pinagtripan niyang batuhin ng marble na bola. Imagine? Eh pano kung tumama iyon sa mata ko? O sa pesngi ko? Di nag-iisip ang babaeng to, propesora pa naman. Asar!



"And now, what?" Sabi ko.



"Well, nakita ko na ang gusto kong makita."



"Ano naman ang nakita mo? Ang pagbagsak ng bola sa sahig? Buti na lang hindi umabot sa mukha ko." Inis kong turan.



"Difinitely yes! Nakita ko kung pano bumagsak ang bola sa sahig and because of that nalaman ko kung ano ang taglay mong kakayahan."



"And what is it?" Curious na tanong ko. Ano nga ba ang nangyari? Bakit bumagsak ang bola sa sahig at hindi tumama sa mukha ko?



Lumakad si prop pabalik sa kanyang mesa at umupo sa swivel chair. Tinitigan ako nito ng mariin. "Hand me the ball." Sabi nito, inabot ko sa kanya ang bola. Kinuha niya ito at pinasok sa drawer at sumandal sa kanyang inuupoan.



Tahimik lang akong nakatingin kay prop. Pigil ang aking hininga at naghihintay sa kanyang isasagot. Naghihintay para malaman ko  kung ano ang kapangyarihan na pinasa sakin ng matanda.



"Before, i was thinking na telekinesis ang kapangyarihan mo, but what id seen earlier answered my doubts. Hindi telekinesis ang kapangyarihan mo kundi gravitation." Nakatitig sakin si prop at seryuso ang mukha nito.



So ok gravitation ang kapangyarihan ko, pero ano naman yun? "Anong mga kayang gawin ng kakayahan ko?" Tanong ko.



"There's a lot. You are capable of controlling the gravity. Maykakayahan kang palutangin ang isang bagay o ibagsak at ibaon ito sa lupa na walang kahirap hirap katulad sa ginawa mo sa marble na bola kanina. May kakayahan kang lumipad. Also, your power can manipulate speed and mobilization... of anything... anything means all. Kapag natutunan mong kontrolin ang kapangyarihan mo marami ka pang pwedeng magawa aside sa mga sinabi ko."



Tumango ako. Totoo kaya ang pinagsasabi ng babaeng ito? Kung totoo ang mga iyon, sino ang tuturo sakin para matutunan kong gamitin ang kapangyarihan ko? Bakit hindi man lang niya inopen sakin kanina ang maging parti ng night keepers?. Aasa pa ko?



"Salamat sa impormasyon." Sabi ko. Hindi tumugon si prop. Ganun na yun? As in wala na? Ayaw niya talaga akong maging kasapi ng night keepers. Pinatawag-tawag pa niya ako at importante daw, wala rin naman pala. Question and answer lang, akala ko isasali niya ko sa night keepers. Gusto niya lang pala marinig ang kwento ko at malaman kong ano ang kakayahan ko. Kaasar! Makaalis na nga. "I'll proceed to my class now. Thanks." Sabi ko at tumayo. Tinitigan niya lang ako. Tumalikod ako at tumungo sa pintuan. Kaasar ang babaeng to, ayaw akong isali sa night keepers.



"Wait."



Nabuhayan ako ng loob. Ito na yung hinihintay ko, isasali niya na ako sa night keepers. Lumingon ako. "Yes?"



"About the necklace, yung binigay sayo ng matanda. Can you bring that tomorrow?" Sabi ni prop.



What? Akala ko pa naman sasabihin niya na sakin na isasali niya na ko sa night keepers. Nakakaasar talaga ang babaeng to. Aha! Kung ganun alam ko na, sa necklace lang pala siya interesado. "And why i would do that? That necklace belongs to me now."



Tumayo si prop. "For God sake Mr.Razon, it's for your own good. I believe that necklace is one of the celestial rare items. Marami ang masasamang nagnanais sa kwentas na iyon. Hanggat nasa sayo iyon hindi lang ikaw ang pwedeng mapahamak, madadamay ang lahat ng malalapit sayo. It must be surrender to Hidden International federation as soon as possible. Naiintindihan mo ang point ko?" Sabi ni prop.



Well, sinabi sakin ng matanda na ingatan ko ang kwentas na iyon at sa tingin ko hindi ko magagawa iyon. Ang ligtas na lugar para dito ay ang hidden international federation kung nasaan nakatago rin ang forbidden staff of resurrection. Nakwento sakin ni Shero at napaliwanag na sakin kanina ni prop ang tunkol dito kaya alam ko.



Ngumisi ako kay prop. "Let's have a deal. I'll give you the necklace and you'll let me join the night keepers."



"No, i can't do that. You're only a freshman." Mabilis na sabi nito.



"Ok, then i'll keep the necklace." Sabi ko sabay talikod. Si Shero at Fildon mga freshmen din pero kasali na sa night keepers, pero ako hindi pwede? Ano to favoritism? Ako pa ba? Ako pa ba ang susubukan sa patigasan ng prop Goldfield na to? Naku, huwag ako. Habol mo pala ang kwentas na yun ah. Alam ko bibigay ka rin. 



Inabot ko ang knob ng pintuan at biglang nagsalita si prop. "Ok fine, you're in. I'll recommend you to the dean para maging night keeper."



Lumingon ako, siyempre magpapakipot pa ako ng kunti. "Kung napipilitan kayo huwag na lang." Sabi ko. Halatang stress si prop nakakatuwa. 



"I mean it, bring the necklace tomorrow and we're done. Ok?" Seryusong sabi ni prop.



Tumango ako."Ok, sure." Tugon ko at tuluyan ng lumabas ng office. Ayun naman pala eh, dami pang pasikot-sikot, papayag rin naman. 



Nakakatuwa ang ekspresyon ni prop, magkahalong stress at asar. Sigurado akong gusto niya  na akong batukan kanina. Ayaw  pa kasi akong isali sa night keepers. Kelangan pa talaga ng may kapalit eh. Hay!! Ang galing mo talaga Tristan Armando Razon. You're the boss!


***


Dumiretso ako sa technology building, room T-106 para sa subject na computer 677. Kasunod ko lang dumating ang propesor. Nakita ko si Shero, nakaupo ito sa dulo sa dati nitong pwesto sa pinakadulong upuan. Bakanti sa tabi nito, iyon naman ang pwesto ko. Lumapit ako dito at umupo sa kanyang tabi.



Abala ang mga kaklase ko sa harap ng monitor ng kanilang mga pc. Si Shero naman ay abala sa pagsesurfing sa net na hindi nito napansin ang pagdating ko. Ano kaya ang hinahanap nito at focus na focus? Pasimpli akong tumayo at humakbang sa kanyang likuran. Tahimik akong yumuko para makita ang nasa kanyang monitor.



Muntik na akong mapatawa ng malakas ng makita kong nagreresearch ito tunkol sa mga heroes ng dota. Tinakpan ko ang aking bibig dahil baka di ko mapigilan at matawa ako, mukhang seryuso ang baby Shero ko. Sinabi ko sa kanya na ang exam ay tunkol sa dota at akala nga niya totoo. May pagkaengot din tong si Shero minsan.



Yumuko pa ko ng kunti at niyakap ko mula sa likuran si Shero. Ang bango-bango niya, amoy baby. Inamoy-amoy ko ang kanyang leeg. Mabilis niya akong nilingon. "Tristan... Ano ba..." Sabi nito.



Nagets ko naman ang ibig niyang sabihin, nasa loob kami ng classroom at ayaw niyang makita kami ng mga kaklase namin. "Kiss mo muna ako." Sabi ko sa kanya.



Hindi ito nagsalita at agad ako nitong hinalikan ng smack sa lips. Takot talaga siyang makita kami ng mga classmates namin. Ano naman kung makita kami? At saka ano pakialam nila? "Ang bilis naman nun? Bitin, yung frenchkiss ang gusto ko." Panunukso ko kay Shero, nakayakap pa rin ako sa kanyang leeg. "Ang bango-bango mo naman. Sarap halikan." Sabi ko at inaamoy ang kanyang leeg.



"Nakakakiliti, tama na. Makita tayo dito."



"Eh ano ngayon kung makita nila? Hayaan mo silang mainggit. Kiss mo na ko kasi night keeper na rin ako. Sinali na ako ako ni Goldfield at alam ko na rin kung ano ang kakayahan ko." Sabi ko.



Nilingon ako ni Shero at maluwag na ngumiti. "Wow talaga? Sabi ko sayo eh."



Naku kung alam lang nito na napilitan lang ang Goldfield na yun para isali ako, pero siyempre hindi ko sasabihin sa kanya.. Sekretong malala iyon. "Oh hindi mo pa rin ako ikikiss?" Hirit ko pa, ngunit binalik ni Shero ang mga mata sa monitor at denedma ako. "Sige ganito na lang, pagkiniss mo ko tuturuan kitang magdota." Sabi ko.



"Sige kiss kita mamaya, turuan mo muna ako." Tugon nito at hindi ako binalingan, nakatingin sa monitor at nagbabasa tunkol sa mga info ng mga dota heroes.



"Bakit mamaya pa? Ngayon na lang kasi." Pangungulet ko dito. Mukhang ayaw talaga niya dahil hindi ako nito nilingon. Binulungan ko siya.  "Doon ako matulog sa condo mo mamaya."



Nilingon ako ni Shero at nakita kong pigil ang kanyang ngiti, namumula pa ang pesngi niya. "Ok." Ikling sagot nito at binalik ang mga mata sa monitor. Ang cute talaga niya, ang bango-bango pa, at ang sarap yakapin. Hinalik-halikan ko siya sa leeg pero siniko niya ako. Sige mamaya na lang, tutal dun naman ako matutulog sa condo niya.



Umayos ako ng upo at tinuruan ko si Shero ng basic sa dota kahit hindi naman talaga iyon ang exam. Parang bata talaga tong si Shero. Inosenti, makulet, pikonin at nakakaaliw. Ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya, parang ayos at buo ang araw ko kapag nakikita ko siya.



Ilang sandali...



"Ano na?! Hoy Tristan ano ba?!! Nakatulala ka na diyan. Patay na yung hero ko. Di ka kasi nakatingin, nakakainis ka. Di ka naman yata marunong eh. Hay naku..." Pagrereklamo nito na parang bata.



Napatulala pala ako sa kanya kaya di ko nakita ang nangyayari sa laro. Natawa ako sa reaksyon niya. "Hahaha.. Sorry na... Hintayin mo na lang mabubuhay ulit yan... Gaganti tayo mamaya, palakasin mo muna. Kill ka lng ng creeps.." Sabi ko.



"Ewan ko sayo, huwag mo na akong turuan. Masmagaling pa yata ako sayo eh. Maglaban na lang tayo, di ka naman pala marunong eh. Baka ako pa ang tuturo sayo. Weak ka Tristan. Weak ka! Isa kang dakilang weak. Ano laban na tayo? 1v1!! Ano ayaw mo? Takot ka sakin kasi weak ka? Asus wala ka pala eh" Napangiti ako, aba marunong na magtrash talk ang bata. Nagmamayabang pa.



"Ba? Makatrash talk at makahamon ka ah. Natuto ka lang ng kunti ang yabang mo na. Sige maglaban tayo. Kapag natalo ka paparusahan kita sa kama mamaya pag-uwi." Sabi ko.



"Hehe siyempre joke lang."



"Asus kaw naman pala ang weak eh. Shero weak, ang dakilang weak sa dota."

"Ako weak? Ah hinahamon mo talaga ako ha. Pwes sige maglaban tayo, di naman ako takot sayo kasi weak ka. Masmagaling pa yung kapitbahay ko sayo na 2 years old." Sabi nito.



"Sige basta ang matalo ay lagot mamaya sa kama..." Panunukso ko, nakita ko namang namula ang mukha ni Shero.



"Ayuko na maglaro, tamad na ko. Sakit na ng kamay ko eh." Biglang pag-iiba nito. Binitawan nito ang mouse at keyboard at strenetch ang mga kamay at daliri. "Sakit na ng mga daliri ko, grabe." Pahabol pa nito. Napailing na lang ako at napangiti. Kakaiba talaga ang kakuletan ni Shero. Narinig lang nito ang sinabi kong, ang matalo ay lagot mamaya sa kama ay bigla na itong nakaisip ng palusot para huwag ng maglaro. Asus kunwari pa to, eh gusto rin naman yung ginagawa namin sa kama.


Continue Chapter 28